Chapter 20: In Your Room
Minulat ni Rachel ang mga mata at ang unang tumambad sa kanya ay ang maliit na butterfly-shaped crystal chandelier sa kisame.
Lalo siyang na-disorient dahil ang huling naaalala niya, nasa bahay siya nina Robbie at nakikipag-inuman.
That was until nakaramdam siya ng hilo at kailangan niyang sumuka.
Narinig niya ang mahinang paghilik ng isang tao sa kaliwang bahagi ng kama.
Nilingon niya ito.
Nakatalikod ito sa kanya habang natutulog pero kahit tuliro, walang duda na si Kelsey ang nasa tabi niya dahil sa amoy nito.
Shit!
Inisip niya kung paano nangyari ang lahat pero hindi niya maalala.
Kumislot si Kelsey at tumagilid.
Dahan-dahang binukas nito ang mga mata at ngumiti ng makita siya.
"You're awake."
"Oo." Sabi ni Rachel.
"Nasaan tayo?"
"You're in my room."
"What?"
Biglang bumalikwas si Rachel pero nahilo siya kaya humiga ulit.
"Oh god!" Napahawak siya sa noo.
Nalasahan niya ang pait sa bibig niya at nag-alala na baka sumuka na naman siya.
"Hey. Take it easy." Hinawakan siya ni Kelsey sa pisngi.
"Dito ka lang. I'll get orange juice for your hangover." Bumangon na ito at doon lang nakita ni Rachel na naka itim na cotton tanktop lang ito at black boxer briefs.
Bago ito lumabas ay sinuot muna ang red sweat pants.
Habang hinihintay si Kelsey ay pinagmasdan ni Rachel ang paligid.
Mas malaki ang kuwarto nito kumpara sa apartment niya.
Dinig niya ang mahinang ugong ng aircon at makakapal ang mga nakasabit na three-panel beige curtains.
Light yellow ang pintura ng dingding at may dalawang malalaking French windows.
King-sized ang kama at memory foam ang mga makakapal na unan.
Ang kumot, 800-thread count Egyptian cotton ayun sa label.
Sa gilid ng kama ay may study table.
Nakapatong ang laptop, notebooks, pen holders at astronaut figure lamp.
Sa paanan ng kama ay may egg-shaped chair na kulay pula.
May record player sa tabi nito at isang malaking estante na puno ng vinyl records.
Walang posters na nakasabit sa dingding.
Pictures ng watercolor paintings ng butterflies ang nakasabit dito.
Sa dulo ng kuwarto ay may dalawang nakasarang pintuan.
Mahilig din kaya sa butterflies si Kelsey? Naisip niya.
Bumukas ang pinto at bumalik si Kelsey.
Bitbit niya ang isang baso ng orange juice.
"Here. Drink this." Inabot niya ito kay Rachel.
"Sigurado ka na this will help?" Atubiling kinuha ni Rachel ang juice.
Amoy pa lang nito ay lalong nangasim ang sikmura niya.
"Trust me."
Nilapit ni Rachel ang baso sa bibig niya para uminom.
Naghalo ang pait at asim kaya konti lang ang ininom niya.
"Nasusuka ako." Bigla siyang tumayo.
"Let's go to the bathroom."
Sumunod siya kay Kelsey.
Binuksan nito ang pinto at ang una niyang nakita ay ang hexagonal-shaped tub.
Gawa sa marmol ang shower pati na ang sink counter.
Rectangle ang porcelain sink at may malaking salamin na napapalibutan ng LED lamps.
Agad na tinakbo ni Rachel ang toilet bowl at sumalampak siya dito para sumuka.
Nakaagapay naman agad sa kanya si Kelsey.
Hawak na nito ang buhok niya.
Nang tumigil sa pagsuka ay tinukod ni Rachel ang isang kamay sa toilet bowl para tumayo.
Pero hindi niya kailangang gawin iyon dahil nakaalalay sa bewang niya si Kelsey.
Lumapit si Rachel sa lababo para magmumog.
Pagtapat sa salamin, doon niya lang nakita ang itsura niya.
Runny na ang mascarang ginamit niya.
Pati ang buhok niya, tangled na din.
May dark circles sa mata niya at ang putla ng kulay niya.
"I look like shit." Sabi niya bago buksan ang gripo.
"You're still beautiful to me." Sabi ni Kelsey.
Umikot ang mata ni Rachel.
Naghilamos siya at pagharap, nakalahad na ang face towel na inabot sa kanya ni Kelsey.
"Tingnan mo nga ang itsura ko." Dinampi niya ang bimpo sa mukha.
"Hindi ka ba umiinom?"
"Hindi." Sinabit niya ang bimpo sa towel rack.
"Why did you drink then?"
"Wala."
Ngumiti si Kelsey.
"Were you jealous of Raiza?"
"Hindi 'no?"
"Babe," Inakbayan siya ni Kelsey.
"I knew you were jealous. Kulang na lang tusukin mo ang mata niya ng plastic fork."
"Don't flatter yourself." Lumabas na si Rachel sa banyo.
"Mali ba ako?" Umupo sila ulit sa kama.
Tiningnan ng diretso ni Rachel si Kelsey.
Right now, feeling niya the roles were reversed.
Siya ang sullen teenager while Kelsey was the mature adult.
"You're right. Ayoko lang aminin sa'yo dahil baka lumaki ang ulo mo. Besides, meron pa tayong dapat pag-usapan."
"I know." Inakbayan siya ni Kelsey.
"I'm sorry about last time." Hinalikan siya nito sa noo.
"At ni hindi ka man lang nagrereply sa mga text ko. Alam mo ba na hindi ko alam kung ano ang iisipin?"
"I'm sorry about that too. I just don't want to say something hurtful."
"I would rather you say something kesa naman nanghuhula ako kung ano na ang nangyari sa'yo."
"I'm really sorry. Hindi talaga ako confrontational. You should see me kapag kinocorner nina Daddy. I agree so I can be let off quickly."
"That's not how it works. You have to stand up for yourself." Inangat ni Rachel ang ulo para titigan ang girlfriend niya.
"I know that. Yan din ang laging sinasabi ni Ate Sara sa akin. I guess I wanted to please my family so I compromised what I really want for myself." Malungkot ang mga mata nito.
"Kung hindi nila ako kamukha, I would wonder if I'm related to them intelligence wise. Si Ate Leah, laging number one since grade school at ganun din si Kuya Frank. Si Ate Sara naman, she was always in the honor roll. Hindi man siya number one, lagi naman siyang nasa top five. The only medal I got was from playing volleyball and for winning the music contest when I was five. I played the piano." Nginitian siya ni Kelsey.
"Babe, you are special in your own way."
"But being special won't cut it in this family."
"Yan din ba ang reason kung bakit you're still in the closet?"
"Yes. Feeling ko kasi, that would be the biggest disappointment na pwede kong gawin sa kanila."
Niyakap siya ni Rachel.
"But I don't want to lose you, Rach. Since we started dating, I've been very happy. When we fought, I was so mad at myself for not having the courage to tell my family about me. I was so close to telling them pero they were busy kaya umurong ako."
Humiwalay ito sa pagkakayakap.
"I'm sorry too. I realized I was very harsh sa ginawa ko. Coming out is not easy. I should know dahil when I did that at age eighteen, akala ko my family would disown me. That was the time when I was really thankful kay Kuya Henry na nakita niya yung valentine card from Luisa. Mula daw noon, naisip nila na baka babae din ang gusto ko."
"I'm afraid, Rach. If I tell them, magagalit ang mga iyon. Ayokong pumunta sa Taiwan."
"I'm not going to let that happen." Marahang hinaplos niya ang buhok ni Kelsey.
May naalala bigla si Rachel.
"If you were afraid of them finding out, bakit mo ako dinala sa bahay ninyo?"
"Dahil I don't have a key to your apartment." Sagot ni Kelsey.
"Wala ba ang family mo?"
"No. They went out-of-town to visit the site of a future business na gustong itayo ni Daddy."
"Thank you nga pala for taking care of me."
"I'm your girlfriend. Di ba yun ang promise ko sa'yo?"
"Yes."
"Why don't we go out for breakfast? Gutom na ako eh." Tinapik ni Kelsey ang tiyan niya.
"Okay. San mo gustong kumain. My treat."
"Parang gusto ko ng corned beef from Jollibee."
"Eh di dun tayo pupunta."
"Can you eat?"
"I don't know. Magkakape na lang ako."
"I have a better idea."
"Ano iyon?"
"Magdrive-thru na lang tayo then let's go to your apartment."
"Wala ka bang homework?"
"Meron pero kaya ko na iyon. Besides, Flo has been helping me."
"Are you sure you don't need my help?"
"Babe, kaya ko na yun. Isa pa, you need to rest. For sure masakit ang ulo mo."
"Tama ka. I can't even think straight."
"Well, you're not straight."
Nagtawanan sila pero naputol ito ng biglang may kumatok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top