Chapter 18: Where Them Girls At




4:45 ng dumating si Rachel sa bahay nina Robbie.

Naghire siya ng Uber papunta sa bahay nito sa Pasay.

Bago kumatok ay tiningnan niyang maigi ang numero ng bahay.

Nang makasiguro na narating niya ang number 572, saka lang siya kumatok.

Nakangiting pinagbuksan siya ni Robbie ng pinto tapos luminga-linga ito na parang may hinahanap.

"Wala kang kasama?" Tumayo sa gilid si Robbie para papasukin siya.

"Wala."

Sinara ni Robbie ang pinto.

"Gift ko nga pala sa'yo." Inabot niya ang regalo na nakabalot sa pulang wrapping paper.

"Thank you."

Tiningnan ni Rachel si Robbie.

Form fitting ang suot nitong red polo shirt.

Bakat na bakat ang dibdib at labas ang mamasel na mga braso.

In short, machong-macho ang itsura ni Robbie.

Pati ang pananalita, mas diretso pa sa kalsada sa EDSA.

"Umupo ka muna. Gusto mo ng maiinom?" Tanong nito bago tumungo sa kusina.

"Okay lang ako. Don't worry." Umupo si Rachel sa gilid ng brown na sofa.

Pinagmasdan ni Rachel ang bahay.

Tulad din ito ng apartment niya ng two-story pero mas malaki ang bahay nina Robbie.

Maluwag ang sala at separate ang kusina.

May mga nakahilerang plastic na upuan na may nakataling asul na lobo.

Binasa niya ang nakasulat.

Happy Birthday Tito Robbie.

Panganay si Robbie at kasama niya sa bahay ang kapatid na si Irma.

Dalawa na ang anak nito.

Isang six years old na babae at four years old na lalake.

Magkaiba ang ama ng dalawang bata.

Single mother si Irma at nagtatrabaho sa SM bilang sales lady.

Matagal ng patay ang tatay ni Robbie.

Si Nanay Fely ang nag-aalaga sa mga bata kapag nasa trabaho si Robbie at Irma.

"Heto. Inom ka muna ng Coke." Inabot sa kanya ni Robbie ang baso.

"Thank you." Nilapag niya ang baso sa glass-topped centre table.

Mula sa kusina ay narinig niya ang boses ni Nanay Fely.

"Si Rachel na ba iyan?" Tanong nito.

"Opo, Nay." Sagot ni Robbie.

Tumayo si Rachel para magmano.

Mataba at maliit si Nanay Fely.

Kulot ang buhok niya at kulay light brown ang pagkakatina.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak. Lalo ka yatang gumaganda. May boyfriend ka na ba?"

"Naku, wala po." Nakangiting sagot niya.

Nagkatinginan silang dalawa ni Robbie.

Pinigil nito na matawa.

"Kung ako sa inyo, kayong dalawa na lang nitong anak ko." Pinisil ni Nanay Fely ang pisngi ni Robbie na napangiwi lang sa ginawa ng nanay niya.

"Mabait naman si Robbie, macho at saka guwapo di ba?"

"Lasing ka na ba, Nay?" Biro ni Robbie.

"Alam mo namang hindi ako umiinom."

"Akala ko nagshot ka na eh."

"Tama naman ang sinasabi ko. Bagay kayo ni Rachel. Tingnan mo, ang ganda-ganda. Parang lalong bumabata at mukhang blooming."

Uminit ang pisngi ni Rachel sa mga sinasabi ni Nanay Fely.

Buti na lang at bumaba si Irma kasama ang mga anak niya kaya nabaling ang atensiyon nito sa mga apo.

Chelsea ang pangalan ng babae at Enrique naman yung lalake.

"Hi, Rachel. Kumusta?" Masayang bati ni Irma.

Maputi siya at payat.

Hindi pa ito nakita ni Rachel na hindi nakamake-up.

Tulad na lang ngayon.

Pula ang lipstick at beige ang eyeshadow.

"Okay naman. Ikaw?"

"Okay lang din." 

"Iwan ko muna kayo at papakainin ko lang ang mga bata."

Sabay silang umalis ni Nanay Fely papunta sa kusina.

"Labas tayo." Hinila siya ni Robbie.

May mga nakatambay sa gilid ng kalsada at binati nila si Robbie.

Yung isang lalake, tinanong kung anong pangalan ni Rachel.

"Andrea." Sagot ni Robbie.

"Hello, Andrea." Kinawayan siya ng lalakeng bungal at nginitian siya ni Rachel.

Umupo sila sa mahabang bangko na nakapwesto sa gilid ng pintuan.

"Nasaan si Kokoy?" Tanong ni Robbie.

"Hindi ko alam."

"Bakit di mo alam?"

"Nag-away kami."

"Ha? Bakit?"

Kinuwento ni Rachel ang nangyari.

"Eh bakit ka naman nag-overreact?"

"Nainis kasi ako. Paano nga kung may nakakita sa amin at isumbong siya? Concern lang naman ako sa kanya."

"Pero you have a weird way of showing your concern."

"Ilang beses ko ng tinext pero dinidedma ako kaya tinigilan ko na. Bahala siya."

"Masanay ka na. Ganyan talaga ang mga teenager. Mahilig magpahabol."

"Hay naku! Wala akong panahon na habulin siya ano?"

"Sinasabi mo lang iyan kasi galit ka. Pero kapag nahimasmasan ka na, mamimiss mo rin iyon."

"Namimiss ko na nga ang loko na iyon eh. Nakakahighblood. Ang galing sa silent treatment."

"Baka nagpapalipas lang ng init ng ulo. Malay mo dumating iyon mamaya." Pang-aalo sa kanya ni Robbie.

"Ayokong umasa."

"Bakit naman?"

"Dahil hindi niya alam kung saan ka nakatira."

5:30 ng magsimulang dumating ang mga bisita.

Unang dumating si Allan na may dalang Jack Daniels.

Sumunod ang mga co-teachers nila at ang mga dating players.

Lalong gumulo dahil sa makukulit pa din ang mga dating estudyante nila.

Walang tigil ang mga ito sa pagtutuksuhan.

Nalaman ni Rachel kung sino ang mga may crush sa kanya pati na din kay Robbie at sa iba pang teachers.

Malakas ang loob ng mga kabataan dahil wala na sila sa St. Michael's.

Naaliw naman si Rachel sa mga usapan nila tungkol sa bago nilang school.

Kahit dikit ng dikit sa kanya si Allan, hindi niya na lang pinansin.

Nahalata nga ng ibang estudyante kaya sila ang naging tampulan ng tukso.

Magkatabi pa naman sila sa upuan kaya lalong naengganyo ang mga ito.

Walang tigil ang mga ito sa panunukso sa kanila ng marinig nila ang pagdating ng isang sasakyan.

"Tama ba ang nakikita ko?" Tanong ni Esther. Dati siyang spiker ng Archangels.

"Oo nga. Nandito si KC."

Nagtakbuhan ang mga ito para salubungin si Kelsey.

Tumayo si Rachel para sumilip sa bintana.

Halos hindi makalabas si Kelsey sa kotse dahil pinagkaguluhan na siya ng mga dating kasama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top