Chapter 16: The Coming Out Monologue
"I made a new friend." Nakaupo sa sala si Rachel at Kelsey.
Katatapos lang nilang gawin ang mga assignments nito at nililigpit na ni Kelsey ang gamit niya.
"You did?" Inabot sa kanya ni Rachel ang laptop.
"Yeah."
"Is she nice?"
Tumigil si Kelsey sa pagpapasok ng binder at textbook sa duffel bag para tingnan si Rachel.
"Hmmm," Tumingin si Kelsey sa kisame.
"I don't think it's easy to categorize Flo."
"Flo?"
"Her real name is Florence."
"Saan mo naman siya nakilala?"
"It's kind of a funny story actually."
"Tell me."
Sumandal si Kelsey sa sofa at kinuwento kay Rachel ang chance encounter nila ni Flo.
"Buti hindi siya nagalit sa'yo." Natatawang sabi ni Rachel.
"Hindi naman. In a way, I'm glad it happened or else we wouldn't have met."
"Sabi mo, bestfriends sila dati ni Tessa?"
"Oo. I can't believe kasi they are polar opposites."
"What do you mean?"
"Si Tessa kasi, glamorous." Paliwanag ni Kelsey.
"Not a hair out of place, malinis sa katawan and if I'm being honest, vain."
Tahimik na nakikinig si Rachel.
"While Flo, she doesn't care about her looks or her clothes. Siya iyong tipo ng tao na walang time to focus on the aesthetic. I think she showers and uses deodorant at nagtotoothbrush din naman kasi hindi naman siya mabaho or anything. Yun nga lang, kahit gusot yung damit niya or madumi yung shoes na suot niya, wala siyang pakialam."
Natawa si Rachel.
"One thing I like about her is she's very smart. She helps me with my lessons lalo na yung PolSci kasi she has the same subject as mine."
"Dapat ba akong magselos?" Hinila ni Rachel ang kuwelyo ng black polo shirt niya.
"No. But I think I found a good friend in Flo. I hope one day you get to meet her."
"I am excited to meet her. Kung gusto mo, invite mo siya sa Saturday."
"What's happening on Saturday?"
"Robbie's birthday. He invited you. That is if you want to go."
"Why wouldn't I go? It will give me a chance to spend more time with you."
"Alam mo na. Nandun ang mga co-teachers namin."
"I see." Inakbayan siya ni Kelsey.
"Don't worry. I will behave." Hinalikan niya sa ilong si Rachel.
"Is that what you call behaving?"
"I'm just kidding. By the way, do you know what Sir Manalastas likes?"
"Men."
"Okay. How many should I order in a big red box?" Seryosong tanong ni Kelsey.
Nanliit ang mata ni Rachel dahil mukhang seryoso si Kelsey sa sinabi.
Nang bumunghalit ito ng tawa, saka lang nakahinga si Rachel.
"Ikaw talaga." Hinataw niya ito sa braso, "Puro ka biro."
"I'm actually serious. I can search online and deliver his gift right to his house."
"Don't ever do that. Baka gusto mong atakihin sa puso ang nanay niya."
"Bakit? Hindi ba out si Sir?"
Umiling si Rachel.
Ilang beses na nitong gustong magcome-out sa nanay niya pero laging umuurong.
"That sucks!"
"I know. Mahirap ang magcome-out pero mas mahirap ang nasa closet."
"What's your coming out story?" Tanong ni Kelsey.
Tumingin sa wall clock si Rachel at ganun din ang ginawa nito.
"Come on. It's only 9:15. I have lots of time to listen to your story."
"Sige na nga." Umayos ng puwesto si Rachel sa sofa.
Si Kelsey naman, lalong humigpit ang pagkakaakbay sa kanya.
"I think I was thirteen nung makita ni Kuya Henry," Tumingin siya kay Kelsey, "siya ang pangalawa namin. Si Ate Sylvie ang panganay and I'm the youngest."
"Pareho pala tayo." Sabi ni Kelsey.
"But there are four of us. Si Ate Leah, Kuya Frank, si Ate Sara and then ako na."
"I'll try to remember that."
"Anong nakita ng kuya mo?"
"Nakita niya yung shoebox ng mga letters sa ilalim ng kama ko."
"Was it from your girlfriend?"
"Well, most of the letters, galing sa mga kaibigan ko. But there was one na naging cause ng curiosity niya.
"That's the one from your girlfriend?"
"I won't exactly call her my girlfriend. More like my bestfriend."
"Di ba ganun naman usually nagi-start?"
"I don't know. She gave me a valentine card at sa loob nun was a pink perfumed stationery. There was nothing malicious with the letter pero madumi ang utak ni Kuya. Pag-uwi ko, inabangan niya talaga ako. Ang sabi pa niya, hindi ako makakapasok sa kuwarto ko kung hindi ako magsasabi ng totoo sa kanya."
"I think hinuhuli ka niya."
"Ganun na nga. Since hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi niya, nagalit ako."
"Anong nangyari?"
"Tinanong niya kung bakit sinabihan ako ng I love you ni Luisa, yun ang name ng best friend ko."
"Anong sinabi mo?"
"Bigla kong naalala yung card na binigay niya. Yun lang naman kasi ang natatandaan ko na may nakalagay na I love you. Pero imbes na makonsensiya, nagalit ako kay kuya kasi pinakialaman niya ang gamit ko. Sa sobrang galit ko, pinukpok ko siya sa ulo ng racket ng badminton."
"You did that?" Natatawang tanong ni Kelsey.
"Oo. Siya kasi. Sobrang pakialamero."
"Tapos anong nangyari?"
"Nagalit si Kuya tapos hinablot ang buhok ko. Buti na lang nakita kami ni Papa dahil kung hindi, riot."
"I didn't know you were violent."
"I'm not violent. Sino ba naman ang hindi maiinis? Pagod ako galing sa laro tapos nalaman ko na he was in my room dahil hinahanap niya yung libro niya. Malay ko ba kung saan niya nilagay ang gamit niya?"
"Oh my god, babe. You're hilarious."
"Pero hindi naman dun natapos ang kuwento eh."
"Mukha nga. Continue."
"After ng incident na iyon, napaisip ako. Sweet kasi kami ni Luisa sa isa't-isa. Lagi kaming magkasama at saka lagi kaming magkaholding hands. Para sa akin, wala namang malisya ang ginagawa ko. Pero dahil kay kuya, nagkaroon tuloy ng kulay ang lahat."
"Did you ask Luisa why she said I love you?"
"Hindi. Nahihiya kasi ako. Isa pa, ayokong isipin niya na binibigyan ko ng malisya ang sinabi niya."
"I'm confused. Wasn't this supposed to be your coming out story?"
"I always look back on this story kasi it was my awakening so to speak. Kundi dahil kay Kuya Henry, hindi mabubuksan ang mata ko sa mga bagay na ginagawa ko. Isa pa, I don't see Luisa as a potential girlfriend."
"Why? Di ba siya maganda?"
"Do you like beautiful women?"
"Who doesn't?"
"Yan ba ang basehan mo when checking out girls?"
"Babe," Malambing na tawag ni Kelsey.
" I don't check out other girls."
"Sus! Binola mo pa ako." Siniko niya sa tagiliran si Kelsey. "I won't get mad if you do. May mata ka. Hindi ka naman manhid o tuod."
Napakamot sa batok si Kelsey.
"Luisa is like a sister to me. Pero something happened after that incident."
"What happened?"
"Medyo binawasan ko ang pagiging sweet sa kanya to the point na kinausap niya ako. Naconscious kasi ako mula nung tanungin ako ni kuya tungkol sa nakasulat sa card."
"What did Luisa say?"
"Bakit daw ang aloof ko sa kanya at bakit daw hindi ko na siya hinahatid pauwi? May nagawa daw ba siyang mali?"
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko lang, sinabihan ako ni Papa na huwag laging magpapagabi which is partly true dahil yun naman talaga ang laging sinasabi sa akin ni Papa."
"Para hindi siya maparanoid, sinabi ko na ihahatid ko siya sa bahay nila."
"Was she happy with what you did?"
"Oo naman. Naisip ko din na hindi ko naman siya pwedeng iwasan dahil I'm not attracted to her."
"Eh, babe? Si Luisa, hindi ba siya attracted sa'yo?"
Napaisip si Rachel.
"You know what? I don't know."
"You don't know?"
"No. Hindi ko naman kasi tinanong. Isa pa, I was there when she got married. I was one of the bridesmaids."
"Do you think she feels different towards you?"
"I have no idea. Hindi ko naman kasi binigyan ng kulay ang sweetness niya. Ganun kasi talaga siya hindi lang sa akin."
"I see."
"Enough about me. Ikaw? What's your coming out story?"
Hindi sumagot si Kelsey.
***
A/N:
The Coming Out Monologues is an actual event.
https://www.calgaryqueerartssociety.com/coming-out-monologues-yyc
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top