Chapter 14: The Invitation
"Mare, punta ka sa bahay sa Sabado. Birthday ko." Nasa cafeteria si Rachel at Robbie ng yayain siya nito.
"Oo nga pala." Inalis niya ang tingin sa glass display.
"Don't tell me nakalimutan mo?"
"Pwede ko ba namang makalimutan ang birthday mo?" Hinawakan niya ang matipunong braso nito.
"Alam ko naman kasi na busy ka." Nanunukso ang tingin ni Robbie sa kanya.
"Busy nga ako pero hindi naman ako makakalimutin ano?"
Dumikit sa kanya si Robbie.
"Kumusta nga pala si Kokoy?" Bulong nito.
Pinandilatan siya ni Rachel.
"Ano ka ba? Tayo lang naman ang nakakaalam."
Nilingon ni Rachel ang nasa likuran nila.
Dalawang babaeng estudyante na parehong busy sa phone nila.
"Okay naman siya. Busy din." Biglang napangiti si Rachel.
"Ang mga in-love nga naman." Kantiyaw ni Robbie.
Tinigil nila ang usapan dahil tinanong sila ng tindera kung ano ang order nila.
Tinuro ni Rachel ang kanin, beef steak, stir-fried mix vegetable at water bottle.
Nilagay niya sa plastic tray ang inorder at lumakad na palapit sa cashier.
Nakahanap sila ng upuan sa pinakadulo ng cafeteria.
Maingay dahil sabay-sabay sa pagkikwentuhan ang mga estudyante.
"Isama mo si Kokoy kung gusto mo." Sabi ni Robbie pagkaupo.
"Sira ka ba?"
"Relax ka lang, Mare. Inimbita ko din naman yung mga dati kong estudyante pati yung ibang kaclose ko na players sa Archangels at Warriors kaya chillax."
"Sinong inimbita mo sa mga co-teacher natin?"
"Halos lahat ng teacher ng fourth year pati si Allan."
"Oh god!" Umikot ang mata ni Rachel.
"Kinukulit ka pa rin ba niya?"
"Ano pa? Tuwing nakikita niya ako sa corridor, lalapit at lalapit talaga para kausapin ako."
"Well, wala kang magagawa at malakas ang tama sa'yo. Kung sakin siya nain-love, hindi siya mahihirapan." Malandi sabi ni Robbie.
"Mabait naman siya kaso bukod sa hindi ko siya type. Naasiwa ako kasi malikot ang mata na parang laging napaparanoid." Tinusok ni Rachel ang Baguio beans gamit ang plastic na tinidor.
"Mare, hindi mo kailangang mag-explain. Basta. Punta ka ha? Alas-singko ang start pero okay lang kung late ka. Excited na si Nanay na makita ka. Miss ka na daw niya."
"Sige."
"Huwag mong kalimutang sabihin kay Kokoy."
"Okay. Text ko siya."
"Excited na ako." Bulalas ni Robbie.
"Bakit naman?"
"Kasi ngayon ko lang kayo makikita na alam mo na." Tinaas ni Robbie ang isang kilay.
"Huwag ka masyado umasa. Tanungin ko muna siya kung papayag."
"For sure papayag 'yun."
"Tingnan natin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top