Chapter 13: The Morning After
Kahit pagod at puyat, kalmadong binuksan ni Kelsey ang pinto papasok sa bahay nila.
Alas-siyete na ng umaga ng makauwi siya.
Tumigil na din ang ulan at laking pasalamat niya na hindi bumaha.
Walang tao sa sala at tutuloy na sana siyang umakyat sa kuwarto ng makita siya ni Yaya Linda.
"Nandito na po pala kayo, Mam." Malakas na sabi nito.
Mula sa dining room ay tinawag siya ng daddy niya.
Pinandilatan niya ang katulong na nagmamadaling iniwan siya.
Dumiretso si Kelsey sa dining room at ang una niyang naisip ay huli na siya for a board meeting.
Kumpleto ang family niya.
All of them were wearing dark suits.
Ang daddy at kuya niya, naka-tie.
Ang mga ate niya naman looked intimidating in their black business attire.
Mommy niya lang ang nakapambahay—daster na bulaklakin at soft slippers.
"Sit!" Tinuro ng daddy niya ang bakanteng pwesto sa kanan ni Sara.
Tahimik na sumunod si Kelsey.
"Where have you been?"
"I spent the night studying." Kalmadong sagot niya.
Nabulunan si Leah sa kinakain at inabutan siya ni Frank ng baso ng orange juice.
"Did you run out of excuses?" Tanong ng daddy niya.
Natawa lang si Kelsey.
"No, Dad. I'm telling you the truth. Do you want to see my binder so you can check my homework?" Hamon niya.
Ang totoo, wala naman talaga siyang nagawa dahil she fell asleep on the sofa.
But he doesn't need to know any of that.
"Why didn't you text? Your mom couldn't sleep dahil nag-aalala siya kung napaano ka na."
"Sorry, Mommy." Tiningnan niya ang ina who was seated to her dad's left side.
"I didn't mean to make you worry."
"It's okay. Next time, don't forget to tell us where you are."
"Opo."
"Kumain ka na ba?"
"Mamaya na lang po. I'm just going to get ready for school. May I be excused?" Tanong niya sa daddy niya.
"Yes you may." Pormal na sagot nito.
Inurong niya ang upuan at tumayo na.
Pagpasok niya sa kuwarto, kinuha niya agad ang phone sa bulsa ng shorts at mabilis na nagtype ng message.
"Home safe."
Kasesend pa lang niya ng text ng magreply agad si Rachel.
"Good. Are you getting ready for school?"
"Yes. Are you at St. Michael's?"
Nagping ulit ang phone.
"I am. Waiting for the flag ceremony to start."
Nagtype siya ulit.
"Have a good day, baby. You were wonderful this morning." Tiningnan niya ang huling tinype at napakagat sa labi.
"and then after that."Pinindot niya ang winking emoji bago pinadala ang text.
Saglit lang siyang naghintay ng reply.
"You too. I wished we were still in my bed."
Namula ang pisngi niya sa nabasa. Naalala ang nangyari sa kanila ni Rachel.
"There's no place I'd rather be." Sagot niya.
Nagpaalam na si Rachel sa kanya dahil magi-start na ang flag ceremony.
Kelsey wished her a good day at dumiretso na ito sa banyo.
Rachel made breakfast for her kaya tumanggi siya when her mom offered her breakfast.
Paggising niya, wala na ito sa kama.
Sinuot niya ulit ang robe at bumaba na siya sa kusina.
Naabutan niya itong nagluluto ng sunny side-up eggs at hotdog.
May loaf ng white bread sa lamesa, thermos, Nescafe instant coffee, coffee mate at glass jar na may lamang asukal.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Rachel at niyakap niya ito habang nakatalikod.
"Good morning, beautiful."
Hinalikan niya ito sa bandang leeg.
"Gising ka na pala?"
"Yeah. I have to go home." Inalis niya ang kamay sa bewang ni Rachel.
"Kumain ka muna bago ka umalis." Inalis ni Rachel ang itlog sa kawali at inabot ang plato na nasa gilid ng kalan.
Over medium ang pagkakaluto ng itlog which impressed Kelsey.
Ayaw niya kasi ng runny eggs.
I don't think she remembered telling her about it kaya lihim siyang natuwa.
Pinaupo na siya ni Rachel at tinanong kung ano ang gusto niyang inumin.
"Water is fine."
"May orange juice sa ref. Gusto mo?"
Tumango siya.
"Hindi ka umiinom ng kape?" Tanong ni Rachel pagbalik nito sa table.
"No. I don't like it. Too bitter."
Natawa si Rachel.
"Kaya nga nilalagyan ko ng asukal at cream to make it tolerable."
"Sige. Kumain na tayo." Umupo na si Rachel.
That was the very first time they had breakfast together.
Habang kumakain, tinanong siya ni Rachel kung nagawa niya ang assignments niya kagabi.
"No."
Napailing si Rachel.
"Don't worry. I have one free period before Math and Psych. Gagawin ko iyon mamaya."
"Okay. Remember we have a goal to keep you in the varsity team."
"I know that."
Sinabi din ni Rachel ang suggestion niya for them to meet three days a week for tutoring.
Nung una, ayaw niyang pumayag.
Pero when Rachel explained kung bakit, it totally made sense.
Hindi pa din siya convinced dahil gusto niya na lagi silang magkasama at sinabi niya ito kay Rachel.
"Baka magsawa ka agad sa akin niyan." Pabirong sabi nito.
"Of course not!"
"If I can have my way, I want to see you everyday."
"Yun na nga. Baka dumating yung time na maumay ka na sa akin."
"Babe, that will never happen."
"If you say so. What I'm saying is, sabihin mo lang it you need space."
"We've only been official two days." Paalala ni Kelsey sa kanya.
"Your point?"
"It's too early in the relationship to be fed up with each other's faces."
Tumawa si Rachel.
"Totoo lang ang sinasabi ko. Alam ko naman na we just started. Alam ko din na ganito ang simula. Eventually, darating ang time na you'll feel na hindi ka na makahinga."
"Is that what happened to your last relationship?"
"Sort of."
"Baby," Hinawakan ni Kelsey ang kamay niya.
"I am not your ex. I am your present and if I may say so now, hopefully your future. Hindi ako magsasawa sa'yo."
"Talaga?"
"Talaga."
"Ikaw ang bahala. Don't say I didn't warn you."
"Halika nga dito." Inakbayan niya si Rachel at hinalikan sa pisngi.
She offered to give Rachel a ride to school pero tumanggi ito.
Pinaalala sa kanya na kilala sa St. Michael's ang red Subaru niya.
"Be patient, baby. Darating din tayo diyan."
"Maybe I should ask for a new car for my nineteenth birthday."
"Loko." Siniko siya ni Rachel sa tagiliran.
Hinalikan siya nito sa labi bago siya umalis.
Ayaw niyang bumitaw sa pagkakayakap sa bewang nito kaya pinagtulakan siya ni Rachel na lumabas.
"I don't want you to be late for school."
"Sige na nga." Atubiling kinuha ni Kelsey ang duffel bag at lumapit na siya sa pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top