Chapter 10: The Accidental Sleepover
Nakaramdam si Kelsey ng pangangalay ng paa kaya biglang bumukas ang mga mata niya.
Bukas ang lamp shade sa sala at may nakabalot na kumot sa katawan niya.
"Shit!" Bigla siyang bumalikwas.
Wala siya sa sariling kuwarto.
Nasa apartment pa din siya ni Rachel at nakatulog na sa sala.
Nakalaylay ang mga paa niya sa sofa kaya naman nangalay ito.
"I'm dead." Sabi niya sa sarili.
Ang naalala lang niya, ginising siya ni Rachel pero sa sobrang pagod ay nakatulog siya ulit.
Hinayaan na lang siguro siya nitong matulog.
Isa pa, hindi pa din tumitigil ang ulan.
Binaba ni Kelsey ang paa.
Nasa gilid ng sofa ang rubber shoes niya at sa ibabaw ng laptop ay may nakapatong na bagong toothbrush.
May yellow sticky note na nakadikit sa Apple logo at inalis ito ni Kelsey para basahin.
"In case you wake up. R."
Napangiti si Kelsey pagkatapos ay inangat ang braso para tingnan ang oras sa suot na Apple watch na pula ang wristband.
2: 37 am.
I'm really screwed.
Naisip niya ang mga magulang.
"Whatever." Kinuha niya ang toothbrush sabay tumayo para pumunta sa CR.
Binuksan niya ang ilaw at nakita ang banyo.
Pahaba ito at may shower.
Sa kanan ng pinto ay may bilugang lababo, oval na salamin at medicine cabinet sa kanan.
Sa ibabaw ng toilet bowl ay may open shelf kung saan nakapatong ang shampoo, body lotion, body wash at bar soap.
Nivea ang tatak ng karamihan sa gamit ni Rachel.
May iniwang asul na tuwalya si Rachel sa sink counter pati puting terry cloth robe.
Niladlad ni Kelsey ang robe.
Large ang size.
"Pwede na 'to." Sabi niya.
Agad niyang inalis ang plastic ng toothbrush at kinuha ang Colgate toothpaste na nakalagay sa clear glass.
Nakasaksak ang electric toothbrush ni Rachel at dahil fully charged na ito, tinanggal ni Kelsey sa saksakan.
Nagmamadali siyang nagtoothbrush at pagkatapos hubarin ang suot ay binuksan ang shower para maligo.
Walang hot water kaya malamig ang tubig.
"Shit!" Sigaw niya ng mabasa ang katawan.
Hindi niya na binasa ang buhok.
Kinuha niya ang sabon at nanginginig na kinuskos ang katawan niya.
Pagkatapos magbanlaw ay nangangatog na lumabas si Kelsey sa shower.
Pinunasan niya ang mukha at katawan gamit ang tuwalyang iniwan ni Rachel at ng tuyo na siya ay sinuot ang robe.
Kalahati lang ng binti niya ang natatakpan nito.
Ni hindi man lang ito umabot sa tuhod.
Pagbalik sa sala ay pinatay ni Kelsey ang lamp shade.
Gamit ang flashlight sa iPhone ay umakyat siya sa kuwarto ni Rachel.
Pag-akyat niya, meron siyang nakitang yellow sticky note na nakadikit.
"It's unlocked." Yun ang nakasulat.
Pinihit ni Kelsey ang doorknob at dahan-dahang pumasok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top