Chapter 1: The One You Love




"We never know which lives we influence, or when, or why." Stephen King

***

Palubog na ang araw nang lumabas si Rachel sa administration building ng St. Michael's Academy.

Wala ng mga sasakyan sa parking lot dahil nakauwi na ang mga estudyante pati ang sundo ng mga ito.

Pati mga co-teachers niya, kanina pa nagpaalam sa kanya.

Nakaramdam siya ng pagod ng makita ang eskuwelahan na kanina lamang ay puno ng mga estudyante.

Katahimikan ang bumabalot sa paligid at isang bagay ang pumasok sa isip niya—lungkot.

Naalala niya ang isang tao na lagi niyang nakikitang nakaupo sa ilalim nang pine tree at naghihintay sa kanya kahit gumagabi na.

Isang tao na may ngiting nakalaan para lang sa kanya.

Kahit stressed dahil sa kakulitan ng mga estudyante, bigla na lang itong nawawala kapag nasilayan niya ang matamis na ngiti ng taong iyon.

Napailing na lang si Rachel.

Hindi niya na ito makikitang matiyagang naghihintay sa kanya dahil grumaduate na si Kelsey last year.

Tinapos niya na din ang kung anuman ang meron sa kanila.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano ika-categorize ang nararamdaman niya para sa dise-siyete anyos na star player ng St. Michael's Archangels—ang girls volleyball team ng school nila.

Ang sabi nga ng bestfriend niyang si Robbie, tanga na lang ang hindi makahalata na in-love sila sa isa't-isa.

Una pa lang niyang makita si Kelsey nang late itong dumating sa klase, tinamaan siya dahil ang lakas ng dating ng nito.

Matangkad, maputi at ang ganda ng ngiti.

Ang singkit na mga mata, punong-puno ng pag-asa.

Nagkatitigan pa nga silang dalawa.

Kung hindi siya naunang nag-alis ng tingin ay baka nahalata ng klase niya na nagkaroon sila ng moment.

Moment of stupidity. Yun ang laging sinasabi ni Rachel sa sarili.

Twenty-five years old na siya at bagong empleyado sa St. Michael's.

First day niya on the job at hindi niya pwedeng i-jeopardize ang opportunity dahil sa isang cute na estudyante na humuli sa puso niya.

Hindi nga ba at ito ang dahilan kung bakit lumipat siya sa St. Michael's?

Para makaiwas sa tukso?

Kahit tatlong taon na siya sa St. Therese School For Girls at maganda ang pasahod doon, pikit-matang nagpasa siya ng resignation letter dahil sa sitwasyon na kapareho lang ng naranasan na naman niya ngayon.

Pero parang pinaglalaruan talaga siya ng tadhana.

Kahit anong iwas ang gawin niya ay pinaglalapit naman sila ng pagkakataon.

Akala niya, substitute teacher lang siya ng fourth year St. Thomas.

Nagulat na lang siya ng pinatawag siya ni Sister Margaret para sabihin na hindi na babalik ang adviser ng mga ito dahil sa nagdesisyong tumira sa Bicol.

Open ang posisyon at sinabi ng principal na kung interesado siya ay magsabi lang.

Maganda naman kasi ang record niya bukod sa glowing reference na binigay ng principal ng St. Therese.

The opportunity was handed on a silver platter.

Tatanggihan pa ba niya?

Looking back, the only thing she regretted was not being brave enough to hold on to Kelsey.

Ang dami niyang justifications for her decision na huwag ng makipagkita dito.

Una sa lahat, bata pa ito.

"I'll be eighteen on May 23." Katwiran nito habang sinusundan siya papunta sa third floor kung saan nandoon ang klase niya.

"It still doesn't change the fact that I'm eight years older than you."

"Whatever, Rach." Dedmang sabi ni Kelsey.

Ang lakas ng loob nito na tawagin siya sa palayaw na ito mismo ang nagbigay sa kanya.

Buti na lang at sila lang ang tao sa hallway.

"That means I'll be legal and officially an adult."

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Kelsey.

Dahil maliit siya, lagi na lang siyang nakatingala kapag nakikipag-usap dito.

Kahit magsuot siya ng three-inch high heels, five-foot eleven si Kelsey kaya lamang pa din ito sa kanya ng four inches.

Gustuhin man niyang mag-effort, masakit sa paa ang high heels lalo na at most of the time ay nakatayo siya sa classroom.

"Being eighteen does not make you an adult." Katwiran niya.

"You know what I'm mean." Lalong nanliit ang mga mata nito ng ngumiti.

"Kelsey, we are not having this conversation anymore. I made up my mind. When you leave, you will meet a lot of people and trust me when I say na sasabihin mo na tama ako sa ginawa ko." Pabulong na sabi niya.

Nawala ang ngiti sa mukha nito.

Bago pa ito makaisip nang isasagot ay tumalikod na si Rachel at pumasok na sa classroom.

Ang pinakamahirap sa lahat ay ang magkunwari.

Ang pumasok sa St. Michael's na may ngiti sa labi kahit nagdurugo ang puso at mabigat ang pakiramdam niya.

Ang hirap humugot ng lakas at magparticipate sa conversation ng mga co-teachers niya dahil wala sa faculty room ang isip niya kundi sa labas ng eskuwelahang ito.

Iniisip niya kung kumusta ang first day ni Kelsey sa Maximillian University.

Marami na kaya siyang naging kaibigan?

For sure hindi iyon mahihirapang makipagkilala dahil ito ang nauunang lumapit sa tao para makipagkaibigan.

Hindi ito nahihiyang makipag-usap.

Kaya nga pati iyong nagtitinda ng balut sa lugar nila, kilala nito dahil noong minsang sumama ito sa kanya, tumigil sila sa dulo ng kanto dahil gusto nitong kumain ng balut.

Dito na lang sa St. Michael's, kilala siya ng lahat di lang ng mga seniors kundi pati ng lower year.

Bukod sa pagiging friendly, hinahangaan siya dahil sa galing niyang maglaro ng volleyball.

Minsan niya ng nakita na may nagpa-autograph dito at pinaunlakan naman sila ni Kelsey.

Kahit ngayon wala na ito sa school, nagkukunwari pa din siya.

Pilit na tinatago sa sarili niya ang sakit at ang tunay na nararamdaman.

Bumuntong-hininga si Rachel.

The last time she was in a relationship ay noong third year siya sa college.

It only lasted for a year dahil hirap siyang pagsabayin ang pag-aaral at pakikipagrelasyon.

The last time she almost gave in was when she was at St. Therese.

Pero pinigilan niya talaga ang sarili niya.

Tinukso siyang cradle snatcher ni Robbie, ang kaclose niya na co-teacher.

It wasn't a funny joke.

Hindi siya tumawa.

Nakonsensiya pa nga siya dahil sa implication nang salitang iyon.

Pero si Robbie, galak na galak.

Pushing Kelsey away was more difficult dahil kahit anong pag-iwas ang gawin niya, gumagawa ito ng paraan para hanapin siya.

Pati ang private Facebook account niya, nahagilap  nito.

Hindi pa ito nakuntento, nalaman pati ang address niya.

Pwede na nga itong maging detective sa galing mag-imbestiga.

"Damn you, Kelsey!" Mahinang sabi ni Rachel habang papalapit siya sa gate.

Sinaluduhan siya ng guwardiya bago binuksan ang maliit na gate.

Yumuko si Rachel para makalabas at pagtayo niya ay nasilaw siya sa liwanag ng sikat ng araw.

Golden hour na.

Yung pinakamatingkad na liwanag bago tuluyang lumubog ang araw at balutin ng dilim ang paligid.

Tinaas niya ang kanang kamay para takpan ang mata niya.

Mula sa kinatatayuan niya ay meron siyang naaninag.

Kulay dilaw at asul na Mikasa volleyball na pinapatalbog ng isang taong nakasandal sa pulang Subaru Impreza.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top