Prologo
Prologo
Third Person's Point of View.
Tunog lamang ng kubyertos at telebisyon ang maririnig habang kumakain ang pamilyang Dela Cruz. Magkatapat na kumakain ang mag-ina, at walang tunog ang nagmumula sa kanila, taimtim lamang silang kumakain. Wala namang problema iyon kay Sandra dahil naririndi na rin siya sa sermon ng kaniyang ina.
Tanyag na mahinahon at mabait ang kaniyang nanay sa kanilang lugar kung kaya maraming humihingi ng pabor sa kanila. Ang akala ni Sandra ay hindi siya nito papagalitan sa mga ginagawa niya noong nakaraang linggo, pero hanggang pagtulog ng dalaga ay hindi iyon pinapalagpas ng kaniyang ina.
Ipinalabas na naman sa telebisyon ang nangyari sa skwelahan ni Sandra kung kaya napa-ubo siya nang magtagpo ang mga mata nila ng kaniyang nanahimik na ina. Inabot niya ang walang lamang baso ng tubig habang patuloy pa rin siya sa pag-ubo. Napansin ito ni Sarah, ang kaniyang ina kung kaya siya na lamang ang tumayo at kumuha ng pitsel ng tubig sa loob ng kanilang ref.
Matapos uminom ay magpapasalamat na sana si Sandra nang ibinuklat na naman ng kaniyang ina ang mga problema niya.
"Sandra, sa tingin mo ba ayos lang sa akin ang pagdalaw-dalaw ng police na iyon dito sa pamamahay natin?" Wala ng laman ang plato nito habang taliwas naman kay Sandra na mukhang walang gana dahil hindi pa nagagalaw ang paborito niyang drumstick ng fried chicken.
Kinuha ni Sarah ang walang lamang plato, ang kaniyang baso at kutsara at pumunta sa kusina para ilagay ito sa pinggan. Nagsimula na naman siyang magsermon sa naririnding Sandra pero hindi siya sumasagot sa ina.
"Kung lumipat na lang tayo ng bahay? Kina tita Darby mo, tignan natin kung masundan ka pa ng police na 'yon." Pumasok ulit siya sa dining area nila saka nilagpasan si Sandra. Pumunta siya sa living room para patayin ang t.v.
Hindi naman nagagalit si Sarah kundi ay nag-aalala lang siya para sa kaniyang nag-iisang anak.
"Shut up, Ma," Marahas na tumayo si Sandra, mas uminit pa ang ulo niya nang banggitin ito ng ina. "Do you expect me to study on that place? Ayaw ko sa bukid at lalong-lalo na sa matapobre mong kapatid!"
Hindi sumagot ang kaniyang ina bagkus ay napailing-iling na lamang ito at nanghihinayang na napa-upo sa kanilang sofa. Nag-iisip siya ng matinong paraan kung paano mamuhay ng ligtas ang anak.
Hinarap naman ni Sandra ang ina niya, "Ma, chill lang hindi naman ako makukulong at ga-graduate ako ng senior high nang matiwasay." Kahit nauubos na ang pasensya ni Sandra ay alam niya sa sarili na kailangan niyang pakalmahin ang kaniyang ina.
Nilingon siya ni Sarah. "Ganoon na nga, eh pero bakit may pa-ganito-ganito pa, anak?"
Napapadyak ng paa si Sandra sa tono ng kaniyang ina. Tunog nanghihinayang ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Alam niyang wala siyang karapatan para murahin ang ina kaya nagmumura na lamang siya sa kaniyang isipan habang masama ang titig sa kaniyang kausap.
"Tama na pwede ba?" palatak niya. "Mind your own business na lang kung ayaw mo ma-stress!" Pinanlalakihan ng mga mata ni Sandra ang kaniyang ina bago tinalikuran at inakyat ang kaniyang kwarto.
Mabigat ang kalooban ni Sandra matapos niya iyon sabihin kaya hindi niya mapaigilang mapamura pagkapasok sa kaniyang kwarto at marahas na isinarado ang pinto. Lumikha iyon ng nakakabubulabog na ingay kaya napasigaw ang kaniyang nanay, "Sandra, hindi pa tayo tapos."
Kasunod nito ang ang yapak ng ina ni Sandra papunta sa kusina at ang inay ng kutsara at mga plato, tama nga siya naghuhugas ng kanilang pinagkainan ang ina para pakalmahin ang sarili kahit ilang sandali.
Pabagsak na umupo si Sandra sa sofa na katabi lang ng parisukat na clear sliding window nila. Nag-iisip siya ng paraan kung paano maitaboy ang taong iyon na akala niya perpekto na ang plano niya.
Makalipas ang ilang oras na pagmumunimuni ay narinig niyang may sumigaw na, "Tulong!" na nagdulot ng takot sa puso ng lahat ng naroroon. Nagsilabasan ang iilang babae, binata at mga tiyahin dahil alas sais pa lamang sa gabi at sinundan ng kuryusidad ang kanilang mga puso.
Dahil nakatira sila Sandra sa isang compund ay kitang-kita niya ang mga bahay sa harapan niya mismo. May mga binatang nagtatakbuhan sa kalsada at mga asong sunod-sunod ang pagtahol.
Binuksan niya ang bintana saka napalingon sa pinto nang kumatok dito ang ina niya. "Lalabas ako, rito ka lang," puno ng pangamba ang boses nito na siyang tinawanan niya saka sumang-ayon.
Wala siyang ibang ginawa kundi ang magmatyag sa mga taong nagkukumpulan sa kalsada. Naririnig niya naman ang usapan ng iilan kaya minabuti niyang mamalagi na lamang doon.
Hindi niya rin papalampasin ang kung ano mang nangyayari ngayon dahil mukha itong seryoso na kailangan niyang malaman.
Humalo si Sarah sa mga nagkumupulang mga tao sa isang bahay na halos katapat lamang sa kanila. May ideya na siya sa mangyayari pero gusto niya pa rin patunayan sa sarili na mali ang hinala niya.
Bukas ang main door ng bahay at isang paris ng sapin sa paa lamang ang nasa labas. Maliwanag naman sa loob na kitang-kita ang living room at umaandar na t.v nito at kung titigan ay parang walang tao rito. Lumipat siya ng pwesto para makita ng buo ang bahay at pagtingin niya sa kaliwang bahagi na kung nasaan ang pintuan papuntang kwarto nito ay nanlalaki ang kaniyang mga mata at nanginginig na itinakip niya sa bibig ang kaniyang kanang kamay.
Saka niya naman narinig ang bulungan nang mga tao sa gilid niya lamang.
Nagkakalat ang malalapot at mapupulang dugo sa pintuan ng may-ari ng bahay na ito. Sariwa pa rin sa alaala ni Sarah ang pangyayaring iyon kung kaya kapag makakakita siya ng ganitong bagay ay hindi niya maiwasang matakot. Naisin niya mang pumasok sa loob ng bahay para tulungan ang kung sinumang biktima ay hindi niya maigalaw ang kaniyang mga binti.
"Hindi ba kay Manong Daniel ang bahay na ito. Anong nangyari sa kaniya?" Nalipat ang atensyon ng iilan sa wika ng babae na hawak-hawak ang sandok sa kaliwang kamay nito na animo'y galing pa sa kusina.
Walang nakuhang sagot ang babae na kung titigan ay nasa 30's pa lamang. Sa kuryusidad niya ay pumasok siya sa loob ng bahay ni Manong Daniel. Binuksan niya ang tarangkahan dulot ng pagtataka at bulungan ng mga tao sa ginagawa niya.
Nanunuod lamang si Sarah at pilit na pinapakalma ang sarili. Nagpakawala siya ng iilang buntong-hininga saka pumikit ng maigi para alisin ang memoryang nakapaskil sa kaniyang isipan.
Nabulabug ang bulungan nang lahat nang marining nilang tumili ang kaninang babaeng pumasok kanina, puno ito ng pangamba. Nagtulakan pa sila kung sino ang papasok sa loob.
"Ikaw na lang, ate tutal police ang asawa mo." Tinulak ng marahan ng babaeng nakasuot ng dress na hanggang hita nito, maputi ang kutis ng balat niya. Nang marinig siya ng mga kalalakihan, mapa-bata man o matatanda ay kaagad nila itong sinangayunan at itinulak ang matabang babae sa tarangkahan ng bahay ni manong Daniel.
"Hindi kami close ni manong," Nanginginig niyang wika. Mabilis ang tibok ng puso niya sa mangyayari. Lumabas lamang siya para bumili ng ulam nang makita niya ang nagkukumpulang mga tao kaya sumilip lamang siya. Malimit lamang siyang lumabas sa bahay nila kaya takot na takot siya nang ipagtulakan siya ng mga tao sa isang bahay na mukhang may kababalaghan sa loob.
Nagtataka naman si Sarah kung bakit hindi pa lumalabas ang kaninang babaeng pumasok. Kung takot na takot ito ay paniguradong lalabas na kaagad ito sa kung anumang nakita niya.
"Bitiwan niyo ako sabi!" Halos umiyak na ang matabang ale sa ginagawa nang mga taong pagpupumilit pumasok sa kaniya nang umalingaw-ngaw ang sirena ng ambulansya at police sa isang dako.
Naalerto ang lahat dito at natigil ang commotion, may ibang bumalik sa kani-kanilang bahay at ang iilan ay naintriga kung bakit may police pa kung duguan lamang ang biktima, at isa na roon si Sandra na tahimik lamang na nagmamatyag sa kwarto niya gamit ang bintana.
Nakita niya ang ina nang dali-dali itong pumasok sa loob ng bahay. Tinignan niya ang kwarto ni Daniel at bahid lamang ng dugo ang naroroon kaya pumunta siya sa second floor, madali niya rin nahanap ang hagdan dahil katabi lamang ito ng kwarto ng lalaki.
Narinig niya kaagad ang iyak ng batang lalaki at nanginginig na wika ng babae na namukhaan niyang pumasok kanina.
Sa harapan ng mga ito ay ang duguang manong Daniel. Bumagsak si Sarah sa sahig at hindi niya mapigilang mapasuka sa nakikita niya.
Nagkabutas-butas ang malobong tiyan ni manong Daniel, nakalabas ang mga lamang loob nito at wala na itong kanang mata at ang mas nakakatakot sa lahat ay ang umiiyak na batang lalaki kanina ay tumawa ng malakas.
Sa kabilang dako ay tila nababagot na si Sandra matapos madala ng ambulansya ang katawan ng biktima. Mga polisya na lamang ang nasa loob at labas ng bahay ni manong Daniel. Ang kaniyang nanay naman ay nasa salas sila kasama ang dalawang police, kinukuha ang statement nito.
Napahikab si Sandra at lumabas ng kaniyang kwarto upang uminom ng tubig. Narinig niya ang usapan ng police pagbalik niya sa kaniyang kwarto.
"Hindi kaya ang salaring pumatay kay Ms. Rara ay pumatay din sa biktima ngayon?" bulong lamang ito sa kasama niyang police pero narinig nila Sarah at Sandra.
Nasa bukana na ng pintuan si Sandra nang mapatigil siya at napangisi. Pumasok siya sa kwarto saka sinarado ang pinto. Nakarandam siya ng kaunting excitement sa sinabi ng estrangherong iyon.
Muli ay sinilip niya ang mga tao sa bahay ng biktima saka bumulong, "Pero hindi ako pumapatay nang hindi ko kilala."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top