Chapter 04: please don't die here.

Chapter IV

Third Person's Point of View.

Kasama nila si Henrey sa lunch time at madaldal ito tungkol sa nangyari kanina na sinasang-ayunan naman ni Alice. Tahimik lamang na pinagtutuunan ng pansin ni Sandra ang kaniyang pagkain pero masama na ang loob nito kay Alice dahil sa pagsasagot-sagot nito kanina sa kanilang guro sa TLE. Kahit ayaw niya sa gurong iyon ay mas ayaw niya sa isang taong pinapakailaman ang kaniyang buhay katulad na lamang ng teacher nila sa Science na nakalimutan niya ang pangalan. 

Pero mukhang mapagtutuunan niya na ito ng pansin. 

"Grabe naman sila kung makapanghusga hindi naman nila alam yung pinagdadaanan ni Sandra, ah." Sinipat ni Henrey ang walang pakialam na Sandra saka nagpatuloy sa pag-scroll sa facebook feed niya. 

Kagaya ni Alice ay nakatuon din siya sa cellphone niya na kung saan magkaparehong paksa ang binabasa nila. 

"What if spoiled brat si Sandra dela Cruz at nang hindi niya makuha ang gusto niya magpapakamatay--" Napahinto si Henrey sa sasabihin nang ma-realize niyang mukhang masasaktan si Sandra nito. Binasa niya na lamang ng tahimik ang mga panghuhusga ng mga studyante sa nangyaring sagutan kanina sa kanilang TLE class. 

Kumalat ang balitang ito nang may mag-post na kaklase nila Sandra sa facebook group ng kanilang skwelahan. Hindi agad ito pinalagpas ng mga chismosa niyang schoolmates lalong-lalo na ang mga studyanteng ayaw na ayaw sa kaniya. 

"Sandra, ayos ka lang ba?" 

Nabaling ang paningin ni Sandra sa nakatitig na Henrey. Nagkibit-balikat lamang ang dalaga saka nagpatuloy sa pag-kain kaya nagkatinginan sila Alice at Henrey at mukha pang nagtutulakan kung ano ang susunod na sasabihin nila. 

"Mabuti wala ka rito sa group, Sandra baka makalbo mo yung nag-post nito, eh." Sinundan niya iyon ng mahinang tawa kaya sumunod rin si Henrey pagkatapos uminom ng orange juice.

"Tama si Alice kaya dapat niyan mag-unwind muna tayo. How about hanging out after school?" saad ni Henrey.

Otomatikong umilag si Henrey nang makitang itinaas ni Alice ang kaniyang braso handa para batukan siya. Binawi kaagad ito ni Henrey sa pagtawa. "Oo nga pala may gagawin pa ako." 

Muli ay nagtitigan na naman sila ni Alice nang wala silang makuhang sagot mula kay Sandra. Muntik na tuloy mag dad joke si Henrey kung hindi lang tumayo si Sandra para mag-C.R. 

Nang mawala ang dalaga ay kinuha itong pagkakataon ni Henrey para magtanong kay Alice kung totoo nga ba ang sinabi ng teacher nila kanina. Naguguluhan din si Alice sa nangyayari kaya wala siyang naging sagot para sa kaibigan. 

"Ang sigurado ko lang ay hindi siya ganoong tao, Henrey. Grabe naman sila sa kaklase natin parang wala silang damdamin. Kung sila kaya ang gawan ng ganito hindi kaya sila masasaktan?" Napanguso tuloy si Alice at naramdaman niyang nanunubig ang kaniyang mga mata sa nasabi. Kaagad siyang tumalikod kay Henrey na napayuko na lamang.

Kaagad niyang pinunasan ang mga mata ng panyo at hinarap ulit ang kaibigan at sa pagkakataong ito ay itinago niya na ang kaniyang cellphone. Parang hindi niya ata kakayanin na magbasa pa sa mga post ng facebook group nila. Parang gusto niyang kalbuhin ang lahat ng babae sa TLE class nila dahil wala man lang ni isa ang tumayo at nagsalita laban sa kaibigan niya.

"Pero, Alice sinabi ba talaga ng teacher niyo ang tungkol dun sa suicide?" Ito ang pinakabumabagabag kay Henrey na gusto niyang mabigyan kaagad ng sagot. 

Hindi naman nagtaka si Alice sa kaniya dahil nagpapasalamat siya na may mga taong kagaya rin pala ni Henrey na nag-aalala para sa kaklase niya. 

Tumango ang dalaga. "Oo pero alam naman natin na hindi iyon totoo 'di ba? Hindi ganoong tao si Sandra. Nakikita mo naman na independent siya minsan. Parang ayaw niya nga makipag-kaibigan sa akin noong una pero sumasama naman siya kapag lunch o papunta sa classroom, 'di ba?" 

Tumango si Henrey sa kaniya at ngumiti. "Of course. You should be a good friend to her, Alice. We do not know what really happened to her former school but that doesn't mean we will stab her in the back." 


NAPAHINGA ng malalim si Sandra nang mabangga niya ang Science teacher nila at nahulog ang dala-dala nitong mga folders. Kaagad ding nagtakbuhan ang mga lalaking nagtulak sa kaniya kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang humingi ng tawad sa guro nila at aalis na sana siya nang magsalita ang teacher nila.

"Hindi mo ako tutulungan dito, Sandra?" 

Hindi inangat ni Sandra ang kaniyang mga mata at pinulot na lamang ang mga folders sa sahig saka ibinigay ito sa teacher nila. Gusto niyang magmaktol na hindi niya naman kasalanan kung bakit ito nahulog. Kung hindi lang sana sumulpot ang teacher niya mula sa pintuan ay mababangga sana si Sandra sa konkretong pinto at masasaktan sana ang braso niya. 

"Do not forget about later at 6PM, alright?" Nais hulihin ng teacher nila ang mga mata ng kaniyang studyante pero nakayuko lamang si Sandra at diretsong umalis. 

Half day nila ngayon dahil Friday at tinakasan niya sila Henrey at Alice dahil gusto niyang mapag-isa at makapag-isip-isip din. Gusto niya rin magbasa ng libro para makakapagpahinga naman ang utak niya sa nangyayari ngayon. Tiyak na hindi ito magugustuhan ng mama niya.

Nandoon pa rin ang mga mukhang tila nanghuhusga sa katauhan ni Sandra. Napapatawa na lang siya sa loob niya dahil wala namang magtatakang magtatanong sa kaniya kung totoo nga ba ito maliban na lang sa mga concerned teachers niya kung akala mo ay mababait pero may tinatago namang baho.

Katulad na lamang ng teacher niya sa Science na ayaw na ayaw niya dahil kung makapagsalita ay kilala siya. Kapag naman sa classroom ay mainit ang ulo sa kaniya pero kapag wala na ang mga kaklase niya ay nakuha pa siyang librehen ng snacks.

Saktong may spot sa pinakalikod na bahagi ng library at dalawang babae lamang ang naroroon na walang pakialam sa paligid nila. Inilagay niya sa tapat ang bag saka naman siya umupo sa katapat na upuan. Dinukot niya sa bag ang nobelang tungkol sa isang killer. Nasa kabanata na siya na kung saan balik sa dating buhay ang bida. Wala man lang itong nararamdamang pagkabahala nang magsimulang magtanong-tanong ang mga police sa bawat bahay sa lugar na tinitirahan niya tungkol sa nawawalang college student.

Mahinag napatawa si Sandra nang mabasa niyang may lakas-loob pang mag-shopping ang lalaking bida kaysa makulong sa bahay o takasan ang krimeng nagawa.

Nakuha ang atensyon ni Jullianna sa tawa niya at nang lingunin niya kung sino ito ay may sumagi sa isipan niya. Tumayo at binulsa niya ang kaninang pinagkakaabalahang gadget at lumapit kay Sandra, umupo siya sa katapat nitong upuan.

Napukaw kaagad ang atensyon ni Sandra at nang kilalanin niya ito ay ibinalik niya sa libro ang atensyon. Naisip niyang aalis din si Jullianna dahil sa kabagutan dahil wala naman siyang balak magsalita.

"Ikaw si Cassandra, 'di ba?" pangbabasag katahimikan ni Jullianna. 

Hindi ito pinansin ni Sandra bagkus ay wala siyang oras para sa hindi importanteng bagay.

Pekeng suminghap si Jullianna. "Joke lang hindi ka naman mabiro. By the way, I am Jullianna as you know naman I am very famous because I'm beautiful and I think you don't deserve the spotlight right now." She leaned a little to highlight how she got a fair skin. "Because what are you, you are far from me."

Sandra can't stop to suppress her smile but successfully prevented herself from talking back.

"What are you reading? Nakakatalino ba 'yan? Students like us should read textbooks or any learning materials more than goofing around." Jullianna remembered how their TLE teacher criticized Sandra about her scores but she doesn't intend harm. She wants to help her in her straight-forward way. However, Sandra is staying quiet although she wanted to rip out Jullianna's mouth few seconds ago to stop her from grumbling.

Jullianna took a look around the room and lowered her voice, she is still learning towards Sandra. Hinablot niya ang librong binabasa nito subalit hindi man lang nalipat ang paningin ni Sandra.

"As a concerned classmate please don't die here if you don't want to ruin the school's reputation." She placed the book silently on the table.

Then their eyes met. It was as if Sandra was shooting daggers to Jullianna's brown eyes. She wants to kill her painfully that no one could ever imagine the pain. Jullianna shivered in fear upon receiving her gaze and recovered it by smirking at Sandra. "Just an advice." She stood up, head held high and turned her back on Sandra. She talked to herself about her lost bracelet to prevent herself shaming in front of her.


MALIKOT ang mga mata ni ma'am Rara, ang teacher sa Science nila Sandra, kakarating lang nito matapos mag-out sa skwelahan. Pinagmasdan niyang maigi ang buong bahay habang tuwid na nakaupo sa malambot na sofa kaharap niya ang television. Sakto lamang kalaki ang bahay nila Sandra, naisip niya. 

Nahuli rin sa mga mata niya ang isang picture frame sa study table sa ibaba ng t.v. Litrato iyon ni Sandra at ng nanay niya. Lalapitan niya sana ito upang pagmasdang maigi nang lumabas si Sandra mula kusina bitbit ang isang tasa ng kape. Sa kaliwang kamay niya naman ang creamer at teaspoon, ang tugon lang kasi ng guro niya kanina ay kahit anong inumin at hindi naman siya sigurado kung umiinom ito ng kape o may creamer ang nais. 

Pumasok lang sa isip niya na maging  komportable ang kaniyang guro ngayon wala ang ninanais nitong makita.

Ngumiti si ma'am Rara sa kaniya pero hindi tumugon si Sandra rito. Umupo siya katapat ang guro niya at inilapag ang inumin sa coffee table.

"Help yourself, ma'am," she said handling her the cup of tea.

"You don't have to bother. I like all kinds of drinks."

"You don't have to bother of coming here too as you can see my mom is not here." Sinadyang ulitin ni Sandra ang limang pinakaunang salitang sinabi ng guro nila. 

Napatigil sa pag-abot ng tasa si ma'am Rara saka ngumiti kay Sandra. Kahit nais niyang isipin na wala siyang pag-asang baguhin ang puso ni Sandra ay nangingibabaw naman ang awa niya sa studyante. Ang gusto niya lamang ay mag-open up ito sa kaniya kung anong may problema ba sa mga magulang niya o sa paaralan para mabigyan ito ng atensyon ng mga teachers. 

Narinig niya lamang ito sa department niya ang tungkol kay Sandra, na kung bakit siya nalipat ng ibang skwelahan. Na kung paano siya naging biktima ng bullying.

"Hindi ka ba natatakot dito? Kailan ba uuwi ang mga magulang mo?" Ma'am Rara tried to maintain eye contact with her student to know whether she will lie or not.

Sandra heaved a sigh and shrugged her shoulders off. "Ewan ko po," she answered. "Pero, ma'am mukhang bukas pa uuwi si mama kaya sa Monday na lang po kaya? Magpapahinga pa siya tapos sa Sunday magsisimba so Monday po yung free time niya." 

May pumasok sa isipan ni Sandra kaya ngumiti siya at tinignan ang guro. "Pwede po ba ako magtanong tungkol sa personal life niyo?" Sumdandal siya sa sofa. "Tutal gusto niyo rin malaman ang tungkol sa akin. Sasagutin niyo po ako tapos sasagutin ko rin yung tanong niyo?"

Lumiwanag ang mukha ni ma'am Rara sa pagiging interesado ng studyante niya at walang pag-aalinlangang tumango rito. "Okay, deal basta huwag lang yung embarrassing moments ko, ah?" Tawa nito.

Tumawa rin si Sandra at naisip niyang magiging masaya pala ang pagdalaw ng teacher niya akala niya dagdag sakit sa ulo lamang. Naisip niyang, kung sabagay uto-uto naman ang lahat, mga walang kwenta.

"Wala po ba kayong sariling pamilya?" tanong ni Sandra.

Ngumiti ang kausap niya. "Wala akong asawa at anak. Ako lamang mag-isa sa bahay okay? Pero bakit mo ba ito tinatanong?" 

Kaagad sumagot si Sandra. "Dahil ang strikta niyo po sa klase tama nga ang kasabihang basta matandang dalaga na strikta." 

Tumawa nang malakas si ma'am Rara pero agad niya rin iyon takpan dahil sa kausap niya. Naisip niyang baka paalisin siya nito dahil sa pagiging maingay niya. 

"Nagtanong na po kayo at sumagot na ako. Ako naman magtatanong." Ngumisi si Sandra. 

Namilog ang mga mata ni ma'am Rara sa narinig at nais niya pa sanang bawiin iyon nang magtanong na si Sandra. Para siyang nanakawan ng dignidad.

"Makakapaghintay po ba kayo bukas, sasabihin ko sa inyo kung anong meron sa akin pero hindi po libre." 

Tumango-tango ang teacher niya at naalala nitong sa wakas mababago niya na ang puso ni Sandra. Ngumiti siya ng malapad at hindi niya pa mapigilan ang saya at muntikan siyang mapatalon mula sa kinauupuan. Tumawa na lamang sa loob-loob si Sandra sa naging reaksyon ng guro nila.

"Thank you, Sandra. I know it someday bubuksan mo rin ang puso mo."

"Yeah right," bulong ni Sandra.

Naisip niyang napakabobo nga naman ng teacher niya at wala itong napapansing kakaiba. Hindi man lang ito nagulat nang siya mismo ang nag-offer sa gusto nito. Masyadong mataas sa sarili, hinuha ni Sandra sa sarili.

Nang mapasyahan ni ma'am Rara na umuwi na ay nagvoluntaryo si Sandra na ihatid ito o pasakayin lamang ng taxi. Hindi napilit ni Sandra ang guro dahil malapit lang daw ang tinutuluyan nito kaya huwag na siyang mag-alala pa. Hinayaan niya na lamang at hindi na pinilit pa baka hindi niya mapigilan ang sarili.

Tinapik siya sa balikat ni ma'am Rara saka nagtama ang mga mata nila. "Mabuto kang bata, Sandra. Kailangan ka ng mama mo kaya rito ka lang sa bahay niyo at baka mamaya uuwi na siya."

Sinarado ni Sandra ang gate nang mawala sa paningin niya ang kanilang teacher. Ngunit napahinto siya sa kinatatayuan nang maalala ang papuri ng guro sa kaniya.

"Mabuti kang bata, Sandra," anas niya sa kaniyang sarili habang nakaukit sa mukha ang malapad na ngiti.

Bumalik sa isipan niya ang mga nangyari sa probinsya, lalong-lalo na ang mga taong tinuring niyang kaibigan na walang ibang ginawa kundi ang talikuran siya. Maya't-maya ay napatawa siya ng malakas at sa mga oras na iyon alam niya na sa sarili ang mga hakbang na dapat niyang gawin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top