Ni

Kyamii: BIGBANG uploaded their new MV for We Like 2 Party so yeah, here's another update! Banzaaii~


She's A Takashi


Ni


Inilahad ni Shiro ang kamay sa harap ni Kuro. Namamaga ang kanyang mga kamao, dahil na rin siguro sa mga suntok na pinakawalan niya sa mga lalaking nagbabalak ng masama sa kanyang kapatid.

"Sorry dear brother, but I'm taking your baby now."

Napabuntong-hininga si Kuro at kinuha ang susi ng 'baby' niyang M16 motorcycle. Kakabili lang niya nito kahapon, bilang reward sa sarili sa pagkapanalo niya sa isang gangster match noong isang gabi.

Itinaas niya ang susi sa harap ni Shiro, at inihulog sa nakalahad na palad nito. Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ng kanyang kapatid. Hindi pa man nagdaan ang limang segundo, mabilis na binawi ni Kuro sa kakambal ang susi.

"Sorry sis. The deal is three minutes and thirty four seconds. But you're way too early. Napaaga ka ng isang segundo," humalakhak si Kuro nang makita ang disappointed na mukha ng kapatid. "Easy-han mo lang kasi. Masyadong mainit ulo mo eh."

"Tsk. Still using your big brain to bust your shit out."

"Thanks to mom for my high I.Q." Kuro flashed his perfect set of white teeth. "Tulungan mo naman ako oh."

"Magic word."

"Ugh seriously?" hindi alam ni Kuro kung matatawa ba siya sa kapatid dahil sa childish act nito o mawi-weirdo-han siya. "Are you what? A five-year old kid?"

Pero mukhang seryoso si Shiro. Biglang naalarma si Kuro nang akmang aalis na ang kanyang kapatid at mukhang wala itong balak tulungan siya.

"Hey! Okay! Fine! Please! There I've said it! Please Legendary Takashi Shiro, help me stand up once again for I have experienced another downfall."

Shiro chuckled, "It's amusing when you beg like that."

Inalalayan naman niya na makatayo ang kapatid. Nang magkaroon ito ng balanse, bigla-bigla na lang niya itong sinuntok sa tiyan, umikot at malakas na pinadapo ang isang paa sa gilid ng panga nito.

"That's for the times you call me when you're in trouble."

Namilipit sa sakit si Kuro, "You're attack is worse than those goons," sambit niya habang umuubo.

"It should be." Balewalang sabi ni Shiro at dire-diretsong pumunta sa gilid ng sasakyan.

Humawak si Kuro sa hood ng sasakyan at tinulungan ang sarili na tumayo. Naramdaman niyang nanginig ang kanyang kamay na nakapatong sa hood, hudyat na pinapaandar na ng kapatid ang kotse.

"You better get your ass inside here, dear brother. Or I'll leave you behind!" Sigaw ni Shiro mula sa loob ng sasakyan. Napangiti si Kuro. Siyam na taon. Siyam na taon nang huli niyang makita ang kakambal sa personal. Hindi niya maikakaila ang sayang nararamdaman niya ngayon, kahit na masakit ang suntok at sipa na natamo sa kapatid.

"I did see this coming anyway," nakangiting bulong niya sa sarili. "Welcome back, twin sister."

~

"Where did you get this sexy baby?" tanong ni Kuro habang hinihimas-himas niya ang dilaw na Nissan Skyline R34. Kararating lang nila sa garahe ng binata at doon muna pansamantalang ipinarada ang sasakyan. "Konti lang ang nagma-may-ari ng ganito sa Pilipinas."

" And I probably know someone who has this pero malabong ilabas niya 'to," bulong niya pa sa sarili.

"From some random guy in the airport who looks like he knows nothing how magnificent this car is," mahabang sagot ni Shiro. Humalakhak si Kuro at hindi makapaniwalang tumingin sa kakambal, "Nagd-drive ka na naman ba ng kotseng hindi sa'yo?"

"Yeah. To save your ass."

Umaktong nasaktan si Kuro sa sinabi ng kapatid. "Oohh~ Apply cold water to the burnt area."

"Well, you better be applying medicine to your bruises before Gramps sees how miserable you look." Nilibot ni Shiro ang paningin sa buong garahe. "Where's my 70's Charger? Did my baby arrive safely here?"

"Yeah. He's right at the corner," sagot ng Kuro. "It's been years since you got that from Gramps. You should be buying a new one."

"Doesn't matter if it's old or doesn't work anymore. It's my first car, it's precious. And besides," tinanggal ni Shiro ang puting telang nakatakip at bumungad ang isang makinis na itim na sasakyan. "I'm a Toretto fan since I was a kid."

Lumapit ang si Kuro sa kotseng katabi ng 70's Charger at tinanggal rin ang tela nito. Isang asul na Skyline ang bumungad sa magkapatid. Prenteng sumandal si Kuro sa kanyang kotse. "And you know O'Conner is a better racer than Toretto."

"Oh? The way I see it from the movies, that's not what it seems."

"How 'bout a bet?" nanghahamong sabi ni Kuro. "Pink slip?"

Shiro smirked. "At that condition? You're absurd, dear brother."

"Not brave enough? That's unfortunate. You're not qualified to be a Toretto."

Natatawang nailing na lang si Shiro sa pinagsasasabi ng kapatid. Para pa rin silang bata kung magbangayan.

"C'mon sis. You know I am an O'Conner."

"And I am a Toretto."

"But both of you are pride of Takashi."

Sabay na napalingon ang kambal sa bagong dating. Kasama ang ilang tagapaglingkod nito, taas noong naglakad papasok sa garahe ang isang matandang lalaki. Nakasuot ito ng tradisyonal na itim na kimono at kanyang hawak-hawak sa isang kamay ang tungkod na gawa sa pilak. Nakaukit sa tungkod ang dalawang dragon, at nasa pinakatuktok naman nito ang isang hugis bola na may simbolo ng yin at yang.

Tumigil ang matanda sa harap ng kambal at sumenyas sa kanyang mga tagapaglingkod. Awtomatikong gumawa ito ng dalawang linya sa magkabilang gilid at itinungo ang ulo bilang pagrespeto.

"Shiro."

A warm genuine smile formed in Shiro's lips. "Gramps."

Lumapit ang dalaga at mahigpit niyang niyakap ang kanyang lolo.

"How long has it been?" bulong ng matanda.

"Nine years, Gramps. Nine long years."

"Ganoon katagal?" tumango ang dalaga habang nanatiling nakayakap. "Hindi ko akalaing kakayanin kong mapahiwalay sa aking unica hija ng ganoon katagal."

"Well congratulations, Gramps," humiwalay sa pagkakayakap si Shiro at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa kanyang lolo. "You made it."

Ginulo ng matanda ang buhok ng kanyang apo. "Loko ka talagang bata ka. But I'm thankful you're safe, iha."

"I am too, Gramps. I'm glad you and this twin brother of mine are alive and healthy."

"Speaking of your twin brother," natuon ang atensyon ng kanilang lolo kay Kuro na alanganing ngumiti. Palibhasa, alam na nito na mananagot na naman siya sa matanda.

"You better give me a better explanation about what happen, young man."

Napakamot na lang sa ulo si Kuro. "Yes, Gramps. Pero pwedeng mamayang gabi na lang?" Umakbay ang binata sa kakambal nito. "Na-miss ko 'tong si Shiro eh."

Pinalo ng matanda sa gilid ang binata gamit ang tungkod nito. "Huwag kang dumikit sa kapatid mo! Tignan mo nga yang sarili mo! Dinaig mo pa ang asong gala sa sobrang dungis mo."

"Sakit naman no'n Gramps. Dumating lang 'tong si Shiro, hindi na ako ang paborito niyong apo." Natatawang sabi ni Kuro.

Muli na naming nakatikim ng mahinang hampas ang binata. "Ikaw talagang bata ka. Puro ka kalokohan! Sige na, maligo ka na do'n at ipalinis mo 'yang mga sugat mo sa katulong."

Naiiling na lang si Shiro sa akto ng dalawang pinakamahalagang lalaki sa kanyang buhay. "Don't worry Gramps. I'll handle this brat."

"Hindi, Shiro. Magpahinga ka na."

"Gramps," Shiro gave the old man a 'knowing' look. "I said I can handle this."

Napabuntong-hininga na lang ang matanda, "Fine. Wakarimasu (I understand). But I want both of you to be ready before six. Magc-celebrate tayo sa pagbabalik ng isang Takashi."

"Yes, Gramps." Sabay na sagot ng dalawa.

Muling humarap ang matanda sa unica hija nito at tinapik siya sa balikat. "Welcome back, Shiro."

Tumango-tango ito, "Yes, Gramps. I'm finally back."

Matapos umalis ang kanilang lolo kasama ng mga tagapag-lingkod nito, naiwan ang magkapatid sa garahe. Nakiramdam muna ang dalawa at siniguradong walang tao ang makakarinig ng pag-uusapan nila.

"I'm pretty sure you did not stay here to help me with my wounds." Basag ni Kuro sa katahimikan. Mula sa masayang pakikipag-biruan nito sa kanilang lolo, naging seryoso ang tono ng binata. "Spill it out, Shiro. Bakit napaaga ang uwi mo?"

"Rumour has it that something illegal is going on between gangsters." Sagot ng dalaga. "I may not be here for several years, Kuro. But I still have eyes and ears left in this country. I am aware of everything."

Hinarap ng Shiro ang kakambal at seryosong tumingin sa mga mata nito. "Do you know anything about it, Kuro?"

"About what?" naguguluhan nitong tanong.

"Underground battle."

Nanlaki ang mga mata ng binata sa sinabi ng kapatid. Totoong may naririnig siyang mga bali-balita tungkol dito pero hindi siya naniniwala. Imposibleng magkaroon ng isang ilegal na labanan sa pagitan ng mga gangsters. Lalong-lalo na kung ang kanilang lolo ang namamahala sa lugar na ito.

No one can ever get past through the Supremo.

"T-there are rumours pero.. imposibleng mangyari ang sinasabi mo, sis. Walang nakakalusot kay Gramps."

"It's possible now." Inihagis ni Shiro sa kapatid ang isang microchip. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa hood ng kanyang 70's Charger at nagsimulang maglakad papalabas ng garahe. "I want you to check that out tonight. Make sure no one could see it without my permission. For now, let's just enjoy the party. We have a whole day ahead tomorrow to discuss the details."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: