Chapter 55: Lady Sync 1
Ice's POV:
Oh~ my Goodnesssssss! Ayaw parin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi.
Hindi ako maka move on.
Nakakainis naman oh ang Tan-G.E. ko >.<
Ice! move on naaaaa!
"Ms. Esteban may problema ba?'- Ma'am Biology
Natauhan ako dahil sa Biology teacher namin, sus Ma'am don't mind me dumaldal ka na lng dyan.
"Y-yes ma'am!" tumango lang naman si Mam'am at pinagpatuloy yung pagsasalita niya
"Sure ka?" -Luhan
Sinamaan ko siya ng tingin "Oo naman..."
Nagulat ata siya sa naging reaksyon ko, duh! ano bang pake ko, diba nga iniiwasan ko na siya. tss
Pagkatapos ng Filipino ay lunch break na, sumama lang ako kay Nicole at Ruby.
Nasa ibang room kasi sila tuwing last subject sa umaga.
Ayoko munang makita si Luhan nakaka BV lng.
Pagkatapos kong kumain ay agad na 'kong pumasok sa next subject ko.
Ano nga ba sunod? ah tama Chemistry...
Pagkapasok ko pa lang sa classroom nakita ko na agad si Luhan.
Wla na bang ibang makita tong mata ko? aish.
"Ice 5 days na lang birtday mo na, anong plano mo?" tanong sa akin ng Feeling close kong classmate.
Ah Oo nga pala, alam na nila kung sino ako, kung bakit? kasi nga TAN-G.E. (Tange) ako, last week kasi hindi ko namalayan na pumuti na naman pala buhok ko, kaya ayun!
"A-ah Oo, uhm ewan ko lang kay Tita, hindi kasi ako nag ce-celebrate ng birthday ko eh" mahiya hiya kong sagot
"Ano ka ba, ang yaman-yaman niyo tapos hindi ka nag ce-celebrate ng birtday? Once a year lang yan girl, ienjoy mo kaya." sabi nung isa.
"Hindi ka parin nagbabago,mahiyain ka parin" dagdag pa nung isa.
Sa totoo lang makapal naman talaga mukha ko kaso nga BV ako, okay?
Natapos na lang yung araw ko na puno ng BV aura.
Ang rami kasing lumalandi kay Luhan eh, at itong utak ko puro Luhan ang laman. tsk
Next day:
Tuesday.
Napagod nanaman ako kagabi ang daming receipts na pinapirma sa akin, tapos nag training pa ko.
As in grabe!
Baka nga daw next week may ka-board meeting ako sa U.S. tss ang layo pa naman nun.
"Hi Ice!"
"Hey! Esteban!"
"Oie Ice!"
Kaliwa't kanang bati ng mga schoolmates ko sa akin. Naku akala mo kung sino maka Ice, ang feeling close talaga nila.
"Ice may kailangan ka ba?" Luhan
"WLA! DUN KA NGA!" Bulyaw ko, nakakainis kasi eh, dikit ng dikit.
Alam niyo bang kanina pa siyaa buntot ng buntot, 11 A.M na kaya may sarili siyang klase. Pero heto siya naka sunod sa akin...
"PUMUNTA KA NA NGA SA CLASSROOM MO! CHOOO!"
Tinulak tulak ko siya hanggang sa makalabas na siya ng classroom ko, uhm kumuha kasi ako ng dagdag na klase dahil... wla lang at least may isang klase ako na hindi ko siya kaklase.
Pagkatapos ng klase ay pumunta ako ng garden, ito lang kasi ang kaisa isang lugar dito sa school na wlang tao, at isa pa wlang rooftop sa school na to.
"Nakakainis naman siya... aba! nakakatawa sinisisi ko pa talaga siya ha, hindi naman niya kasalanan na nagkagusto ako sa kanya."
Bulong ko sa sarili ko parang ewan lang nuh?
"Sinong gusto mo?"
"AY! MALANDING PALAKA!...MY GAD! LUHAN, PAPATAYIN MO BA KO SA GULAT?"
"Naku pasensya na"-Luhan
Anong ginagawa nito dito?
"I-ikaw lang magisa? bakit ka nandito?"
"Baliw! ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, Anong ginagawa mo dito ha?"-Luhan
Ano sasapakin ko na to.
"Wla lang...PAKEALAM MO BA! UMALIS KA NA NGA!"
Nagulat ata siya sa inasal ko.
"ANO BANG PROBLEMA MO? KAHAPON KA PA GANYAN SAKIN AH, MAY NAGAWA BA KONG KASALANAN SAYO?"
"PAKEALAM MO NGA KASI! ANO BA KITA HA, TATAY? tss. LAYAS!"
Nanahimik siya bigla, at nung nagsalita na siya. sumeryoso bigla yung tono ng boses niya. "Personal guardian mo ko, p-pasensya na kung na istorbo kita."
Tapos ay dahan-dahan siyang naglakad, bago pa siya makalabas ng garden ay tinawag ko na siya.
Mali ata yung ginawa ko, na basta basta ko na lng siyang sigawan.
"L-luhan..." mahiya hiya kong tawag.
Pero hindi siya lumingon.
"Luhan..."
"Luhan s-so---"
Urgh, umaatras dila ko.
"Luhan so-s-SORRY!"
Akala ko hindi na siya lilingon, pero ilang sandali lang ay lumingon siya. Malungkot yung mukha niya.
Ikaw din naman kasi Ice, baki mo ba siya sinisisi?
"Ano yun?"-Luhan
Sus nagbinge-bingehan pa.
Ang lakas kaya ng pagkasabi ko tapos hindi niya narinig.
"S-sorry..."
"Para saan?"-Luhan
"Sa pag trato ko sayo"
Nilapitan niya ko at hinawakan ang ulo ko.
"Okay lang, ikaw pa" sabay ngiti niya.
Feeling ko ang init ng mukha ko, nagulata ako ng hinawakan niya yung kamay ko.
"... pero dapat, pag may problema ka sabihan mo rin ako ha, hindi kasi maganda pagmay tinatago kang problema... tara na at baka mahuli pa tayo sa klase"
Sabay hila niya sakin papalabas ng garden.
Medyo awkward lang sa side ko, hawak hawak niya kasi kamay ko, feeling ko may kuryente na dumaloy sa katawan ko papuntang puso. *geez*
Nung nasa may corridor na kami, binitawan ko na yung kamay niya, mahirap na baka magustuhan ko pa.
Naunang umuwi yung iba sakin, may pinagawa pa kasi sakin yung teacher namin sa Biology, tunganga kasi daw ako ng tunganga, as a punishment. mag ste-stapler ako ng mga files ng mga teachers.
Matatapos ko sana to ng maaga pag ginamit ko powers ko, kaso nga lang ang daming teachers dito sa faculty. tsk buhay talaga oh.
Madilim na ng natapos ko yung mga files.
Kailangan ko pang mag training baka hinihintay na ko ni Uncle.
Naglakad lang ako pauwi, malapit lang naman din kasi mga 15 minutes ang lakad.
Gusto ko sanang mag teleport,
kaso ang sabi ni Uncle huwag muna daw ako gumamit ng heavy powers and magic kasi baka mabigla ang katawan ko.
May nakasalubong akong babae sa daan, nagulat ako ng bigla niya akong sunggaban.
"Ahh!" napasigaw ako sa gulat.
Naramdaman ko nalang na may tumulo sa pisngi ko.
At nang hawakan ko ito, may dugo akong nakita.
Tiningnan ko yung babae, maganda siya, blonde hair na hanggang leeg at green eyes.
Tinitigan niya ako ng masama. "You're weak" sabi niya.
Tapos nagtransform siya sa harapan ko, naka silver armor siya. nagulat na lang ako ng bigla niya kong sinugod, winasiwas niya yung espada niya sakin.
Ako naman ilag lang ng ilag.
Bakit ko naman lalabanan ang isang mortal na hindi ko kilala?
Teka.
Sino ba tong babaeng to?
At bakit niya ako sinusugod?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top