Chapter 47: Truth

Luhan's POV:

Nang may tumawag sakin tungkol sa nangyari sa daddy ni Ice ay agad akong tumakbo sa kwarto niya. Di ko siya makita, wla rin siya sa living room. Nang lumabas ako sa garden nakita ko siya, umiiyak at magisa.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan...

"ANO BANG KASALANAN KO! MAY MALI BA KONG NAGAWA?...*sob* WLA NG NAIWAN SAKIN! UNA SI MOMMY TAPOS SI KUYA! AT NGAYON SI DADDY! SINO KA BA SA TINGIN MO HA!"
Galit niyang sigaw sa langit.

Sinisisi niya ang Diyos sa nangyari...

Bigla siyang tumawa, nababaliw na ba siya?

"HAHAHA! OO NGA PALA NUH. DIYOS KA NGA PALA! OO NGA, YAN TULOY NAKALIMUTAN KO! NA KAHIT NA PRINSESA AT MAKAPANGYARIHAN AKO DITO! MAS MAKAPANGYARIHAN KA PARIN DIYAN! AT LALO NA DITO! ANG GALING MO!"

Ice bakit ka ba ganyan.

Muli siyang umiyak.
Sa sitwasyong to ay nilapitan ko na siya at tinabihan.

"Wag ka ng umiyak..."

" bakit sila ganun?*sob* akala ko ba immortal tayo. bakit sila*sob* umalis at iniwan ako.... Oo nga pala, nawawala rin tayo pag oras *sob* na natin. pero bakit ang bilis naman ata. di*sob* man lng niya ko hinayaang maging masaya"

Sana matulungan ko siya, di ako marunong mag comfort. Di ko kasi alam ang mga salitang gusto niyang marinig. Ang alam ko lng ay ang asarin siya. Di ako makapaniwala na ito ang pangatlong beses na nakita ko siyang umiiyak.

"Uuwi ako ng Barcelona... gusto kong makita si Daddy"

Tapos ay tumayo na siya, at naglakad papasok ng bahay.

Ice's POV:

Wla ako sa mood para magisip ng kung ano ano.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi napaka tigas ng ulo ko.
Sa araw na ito may natutunan akong leksyon, isang mahalagang leksyon, dapat pahalagahan mo ang isang tao habang nasa tabi mo pa siya, dahil di mo alam kung kailan siya kukunin sayo.
Buong buhay ko naging kampante ako, kasi alam kong nandyan lng si Daddy.
Kahit na naiinis at nagagalit ako sa kanya, mahal ko parin siya. daddy ko siya eh.

Ngayon na wala na siya at nagiisa nalng ako, di ko na alam ang dapat kong gawin.
Di ko siya sinunod. Di ako nang aral ng bussiness. Di ko rin kilala mga kaibigan niya sa trabaho.
Wla akong kwentang tagapagmana at anak.

Kahit yung pinaka huli niyang kahilingan di ko man lng nagawa.
I promise mag tetraining ako para sa kanya.

For my Dad. *sniff*

-Barcelona-

Wla paring pinagbago ang bahay namin dito.

Malaki, maganda,mamahalin at sosyal parin. Paano naman daw to mababago, eh si Mommy lng ang tanging nag aayos nito.

At ngayon mukhang mawawala narin ang bakas ng pagiging busy dito, dahil sa wla na rin si Daddy. Y-Y

"buenas  noches su Majestad" (Good Evening your majesty)
Bati ni Mr. Smith

Tumango lng ako, nakasunod lng sakin yung guardians at mga kaibigan ko.
Alam nila na wla ako sa mood.

Pumasok muna ako sa kwarto ko, mas maganda ito kesa sa mga kwarto ko sa iba pa naming bahay.
Dito kasi sa Barcelona nagkita mommy at daddy ko, dito rin nila nabuo si Kuya Ty.
Pangalawang beses ko palng dito, kaya medyo di pa ko sanay.

Humiga lng ako at nagpahinga.
Sana naging mabait nalng ako, sana binawas-bawasan ko ang pagiging matigas ng ulo ko.
Kaso huli na ang lahat.

Tumayo muna ako, pinagmamasdan ko sa salamin ang itsura ko.
Nakuha ko pala kay daddy yung mga mata ko, Asul di kasi ito.
Kamukha ko daw si Mommy.
At kasing kulit ko daw si Kuya.
Kahit paano may alaala silang iniwan sakin.

Lumabas ako sa kwarto, at nagtanong kung saan ang office ni Dad.

Yung may Beige daw na pinto. Hinanap ko yun at nakita ko naman din agad.
Sing laki lng to ng classroom namin sa probinsya, di kalakihan pero sosyal at maganda ang dating.

Sa may table niya nakita ko ang picture namin dati, bata pa ko dito. Itim pa ang buhok.
Nandito rin si kuya na karga-karga pa ko at si Mommy na nakahawak kay Daddy, ang sayang tingnan nuh?
Isang masayang pamilya na sa larawanat ala-ala na lng makikita.

"Wow!" sambit ko, nakita ko kasi yung dati kong jar, isa itong fire jar. Na may laman na fire na paiba iba ang hugis. Dito ako natutong gumawa ng sariling apoy gamit ang kamay ko.

Nakita ko rin yung picture ko nung nag tetraining kami ni Kuya Ty.

May isang malaking baul malapit sa CR, curious tuloy ako kung ano ang laman nito.
Sa itaas ng kahon may nakasulat 'Saviors' yun ang nakalagay.
Binuksa ko ito. Puro papel lng ang laman.
So ito yung prophecy.

Sa bawat papel ay may mga pangalan at discriptions. Mga nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng bawat nanadito ay nakasulat.
Nagulat nalng ako ng nakita ko picture at pangalan ko.
> Name: Ila Clarisse Emerald Esteban
Age: 3 years Old
Birthdate: *Insert date*
Power: Water<
"Bakit nandito ako?" bulong ko

May nakita pa kong isa, this time di pa siya pinapanganak
> Name: Frencheska Joyce De los Reyes
Age: 4 years Old
Birthdate: January 30, 2017
Power: Wind<

A-ano to?

May isa pa kong nakita, pero mukhang patay na ata to.

> Name: James Lorence
Age: 2 years old
Birthdate: June 17, 1876
Power: Lightning<

T-teka.
Ang rami pa, puro mga patay na ang nandito.
Itong Frencheska lng ang ipapanganak pa.
Tiningnan ko pa ang paligid ng baul.
'las salvador' (The saviors)

Hindi kaya... mga soter at soteria to?
Binasa ko yung kay James.
Base doon, mamamatay daw siya dahil sa pagtataksil at awa.

Tapos binasa ko naman ang akin. 
> She will sacrifice and die<
Yun lng... bakit ganun? bakit sa iba ang haba ng discription? ang akin ang ikli.

Binasa ko naman kay Frencheska
> Processing...<
Processing?
May sariling buhay ba ang mga papel na to?

"If i were you di ko yan pakikialaman, di ko dadayain ang tadhana ko"-Mr. Smith

"Ano po to?" tanong ko

Kinuha niya yung mga papel sa kamay ko at isinaulit sa baul at sinara.
"Mga papel..."
"Alam ko po. pero bakit nandyan pangalan ko? at bakit may mga pangalan di ng mg--"

"Mge soter at soteria yan, nakalagay diyan ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng bawat isa sa inyo."

"Bakit dun sa isa is proces---"

"Dahil di pa siya pinapanganak, siya ang susunod sayo."

I smirk, Im not believing, 

"Impossible... papel lng yan pano niyan masasabi ang hinaharap ng isang tulad ko?"

"Sa buhay at pagkatao natin, wlang imposible. May kapangyarihan ka nga diba? Oo papel lng sila, pero yan ang katotohanan, kaya tanggapin mo"

Pagkatapos ng sinabi niya ay umalis na siya.

So i'll die?
Really?

So alam na ni Daddy na mawawala ako, kaya nauna na siya.
Ang daya.

Pumunta ako sa kwarto ni Jean at sinabi sa kanya ang tungkol sa papel, di siya makatingin sakin at tila natatakot.
"Jean bakit?" tanong ko.

"K-kasi Ice... s-sa totoo niyan..."

"What?"

"Alam na namin ang tungkol sa kamatayan mo at ng ama mo, sinabi niya samin."

A-ano? alam nila? bakit di nila sinabi sakin? bakit di ko alam?
So para akong tanga dito?
Para akong tanga na umaasa sa wla.

"Ice sorry."

"*smirk* sorry? that's it? sorry?... you lie Jean! you lie! and you will just say sorry? para akong tanga! umiiyak ako. tapos kayo wla lng, eh kasi handa kayo sa pagkawla ni Dad... sabagay di naman kayo ang anak!"

"Y-yun kasi ang utos ni Unc---"

" CALLARSE!" (Shut up)

At tumakbo na ko palabas ng kwarto niya, nakasalubong ko naman sina Khayce, Reza, Ruby at Nicole.

Di ko sila pinansin, tumakbo lng ako mga taksil sila. Alam nilang malapit na kong mawala, alam na nila na mamamatay si Daddy. Pero bakit di nila sinabi, di naman nila kailangan sundin si Daddy eh, kung tunay silang kaibigan magiging tapat sila sakin.

Napatunayan ko na takot sila kay Daddy.
Na kahit kailan di ko sila naging tunay na kaibigan, kinaibigan lng nila ako dahil sa takot sila sa Daddy ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top