Call 9 - Trip
We excitedly get our packed bags from the baggage area after our shift. Nasa parking lot na raw kasi ’yong nirentahang van ni TL na sasakyan namin papuntang Camarines Norte.
Walo ang nagkumpirmang sasama. Ako, si TL, si Bianca, si Daphne, Yvonne, Coleen. Gano’n din ang teammates kong sina Jessica at si Dee Dee.
"Bianca, question."
"Yes, beb?" Nilingon niya ako habang nagpapahid siya ng face powder.
"Bakit walang lalaki sa team natin? Puro LGBTQIA+ at babae lang?"
"Napansin mo rin pala 'yan." Isinara ni Bianca ang hawak at isinuksok iyon sa handbag niya.
"Ayaw kasing magkaroon ng bias ni TL. Gusto niyang tingnan tayo nang pantay-pantay. Hindi raw kasi niya alam kung magiging patas pa rin daw siya if may guwapong ma-a-assign na ahente sa kaniya."
"For real?"
Bianca nodded. "Though pa-joke lang naman niyang sinabi ’yon but we're getting his point. Iba naman kasi talaga 'yan magka-crush sa ottoko. Akala mo’y sinilihan ang fez sa kilig!"
"M-May crush si TL?" Parang may bahagi sa puso ko ang kumudlit.
Bianca smirked. "Dami lang, beb. Pero usually mga tagaibang team ang crush niya. Hanggang tingin lang naman. Hindi niya nilalandi."
A strange feeling sprouted inside my chest. I ignored it.
"Oh, speaking." Napalingon ako sa direksiyong tinitingnan ni Bianca. Bumungad sa amin si TL na papalapit sa amin. Kasabay niya sa paglalakad si Geoff, 'yung SME sa mga nagte-take ng member calls sa Medical. Buffed ang katawan nito na halos pumutok sa suot nitong fitted na puting t-shirt. Maaliwalas ang makinis nitong mukha, medyo chinito, at mas matangkad ng kaunti kay TL.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. Nakaramdam ako ng pagkailang.
Nagtilian ang beki kong teammates nang lumapit sina TL sa amin. Mga kinikilig kay Geoff.
•••
Sa unang oras ng biyahe namin ay napakaingay pa namin sa sasakyan pero nang tumagal-tagal ay isa-isa na ring natulog ang teammates ko.
Magkatabi sina TL at Geoff sa likod ng driver. Sa likod naman nila ako then katabi ko sina Daphne at Yvonne. Si Bianca ang katabi ng driver. Sa likod naman sina Jessica, Coleen, at Dee Dee.
Almost four hours na kaming nagbibiyahe. Ako na lang ang gising.
Kung makailang beses akong sumulyap kina TL ay hindi ko na mabilang.
As I observed, parang hindi naman sila. Hindi rin naman sweet. Pero ewan ko ba, I wish I am in Geoff's place instead.
Tinampal-tampal ko nang mahina ang sarili ko. Crazy.
Dapat simpleng pagka-crush lang ito. Dapat hindi ako naba-bother nang ganito.
I plugged in my earphones so I could divert my attention. Mayamaya pa ay nakatulog na rin ako.
•••
"We're here!"
We excitedly went out from the van when we reached our destination.
Villareal's Private Seaside Resort.
"Ang sosyal naman dito, TL. Magkanong renta?" Yvonne asked.
"None. Property ito ng grandparents ko kaya libre lang."
Naghalo-halo ang paghanga namin nang sabihin niya iyon. Napakagara kasi ng resort. Sa aking tantiya ay hindi bababa sa bente milyon ang nagastos sa ganito ka-luxurious na bakasyunan.
Private pool resort ito na katabi lang din ng dagat so may choice kami kung saan namin gugustuhing maligo.
The resort has two pools. One is for adults and the other one is for children. 'Yung pambata, merong naka-built na mini playground sa gilid.
Sa right side ng resort e may mangilan-ngilang cottages na may perfect view sa dagat na naghahalong asul at berde ang kulay. Paniguradong dito mag-iinuman mamayang gabi.
Sa left side naman ay may tree house. Bago mo marating iyon ay madaraanan mo muna ang ilang barrel and crate benches na may barnis na brown. Puwede rin ditong mag-inom.
Marami pang nandito sa resort pero kinakain na ako ng antok at pagod. Dumiretso na ako sa isa sa tatlong air conditioned rooms. Wala pang limang minuto ay nakatulog na ako.
•••
I woke up six hours later. Alas siyete na ng gabi. I cleaned myself first before I went out.
Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng ingay ng teammates kong naghaharutan sa pool. Sina Bianca at Daf naman ay ayun, bumibirit ng Pyramid sa videoke.
Natawa lang ako kina Jessica at Coleen na malalakas ang trip kasi nandoon sila sa playground na pambata. Nag-i-slide sila at nagpapatihulog sa tatlong talampakang lalim ng tubig. Haha.
Iginala ko pa ang tingin ko. My eyes were fixed on TL and Geoff. Nakatayo lang sila sa tabi ng adult pool. Nag-uusap.
Nakaramdam na naman ako ng kalungkutan. Gusto kong mag-emote.
Umayos ka, Alexa. Dapat hindi mo bini-big deal 'yan.
I heaved a deep sigh. Pumunta na lang ako kina Jessica at Coleen. Umupo ako sa kabilang side ng pool at itinubog ko ang dalawa kong mga paa roon. I removed my old rose croptop and it revealed my crimson red tie-style halter top. Sa baba naman ay cycling shorts. Hindi ko na hinubad kasi hindi ako komportable.
"Boo!"
Napahawak ako sa pool ladder na katabi ko nang may nanggulat sa akin.
"Daf, ano ba!" Inasikan ko siya.
Tatawa-tawa siyang naupo sa tabi ko.
"Solo flight? Emote?" Itinubog na rin niya ang mga paa niya sa pool.
"Introvert mode," I simply answered.
"Introvert mode or umiiwas ka lang kina TL?"
Agad ko siyang nilingon. "Ayan ka na naman. Ini-issue mo na naman ako."
Itinulak niya ang gilid ng balikat ko. "Wag ako, Alexa. Marunong akong bumasa ng kilos ng tao."
Inilaglag ko ang mga balikat ko. Nakukulitan na ako kay Daf. I opted not to respond.
Iniahon na niya ang mga paa niya sa tubig. "Tara na nga sa kanila. Samahan mo akong mag-ihaw ng bangus."
Lumingon ako sa lugar kung saan nakapuwesto ang ihawan. Malapit kina TL.
Nag-decide pa rin akong sumama kay Daf. Baka bigyan na naman niya ng meaning kapag tumanggi ako, eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top