Call 8 - Admit

"Woi."

Tinanggal ko ang headset kong suot nang tawagin ni Daphne ang pansin ko. Nilingon ko siya. "What?"

Lumapit siya sa CISCO phone ko at pinindot niya ang mute button. "I-proper hold mo nga 'yang caller mo."

I did what Daphne said. Nang makakuha ako ng permiso sa kausap ko ay hinarap ko siya.

"Bakit?"

"Pabakit-bakit ka pa e kanina pa kita napapansing lapit ka nang lapit kay TL."

I furrowed my eyebrows. "O, nagtatanong lang ako 'no?"

Pinagkrus niya ang mga braso niya. "I doubt it. Di ka naman ganiyan. E ikaw pa ba, halos alam mo na ang product. Ano pa bang itatanong mo kay TL?" Medyo lumapit siya nang kaunti sa akin. "Nagpapa-cute ka 'no?"

Hindi ko siya sinagot. Paano kasi e magtu-two minutes nang naka-hold 'yung caller. Kailangan ko na siyang balikan.

Napasulyap ako sa station ni TL. Tanging ulo lang niya ang nakikita ko. Tutok siya sa paggawa ng tasks.

Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi ni Daphne. Totoo nga namang nakailang balik ako sa station ni TL ngayong araw.

I start to question myself. Bakit ko nga ba ginawa 'yon?

I tried to set aside the thoughts in my head. May caller nga pala ako.

"Thank you for calling our insurance. May I know your name please?"

"What? I already told you my name earlier. You put me on hold."

Mariin akong napapikit habang nakakagat labi. Oo nga pala. Hinold ko nga lang pala 'yong caller. Bakit nawawala ako sa focus?

•••

I requested for a temporary bio break. I just need to breathe.

Nang mapadaan ako sa station ni TL ay para bang may pumipiga ng sikmura ko. Nate-tense ako.

Weird.

When I reached the women's comfort room, I entered the farthest cubicle. Nagmuni-muni ako.

I opened my phone and looked at TL JM and I's picture together. I zoomed it in.

I felt that my cheeks burned. Tinampal-tampal ko iyon.

Muli kong tiningnan ang pictures namin. Napalawig ang ngiti ko.

I gave in to my subconscious thought.

Okay fine. Crush ko na si TL.

Bakit? Wala naman sigurong masama. Crush lang naman. Hindi naman ako magpapaligaw.

Pagak akong napatawa sa naisip ko.

At bakit naman niya ako liligawan? Beki siya 'di ba? As if naman magkagusto 'yon sa akin.

Sinaway ko ang sarili ko. Masyado nang malayo ang aking naiisip. E inamin ko lang naman sa sarili kong crush ko siya. Yun lang dapat 'yun.

I get a hold of myself. Kailangan ko nang bumalik sa prod.

•••

"Hi, TL."

"Please be on ready, Alexa. Almost ten minutes ka nang naka-bio break."

Okay crush. Sabi mo, eh.

"Yes, TL," I tried to sound as normal as I can. Hindi dapat siya makahalata.

Wala akong balak ipagsabi itong munti kong pagkaka-crush kay TL. Siguro naman lahat ng tao may ganitong klase ng fear. Fear of rejection. And after that, 'yong takot na iwasan ka ng taong iyon. Iyon ang ayokong mangyari lalo pa at nasa isa kaming team. Hangga't maaari, kung kaya kong ikipkip ito sa sarili ko ay kikipkipin ko.

Pero hanggang kailan?

•••

"I have an announcement."
Napatahimik kaming lahat nang magsalita si TL. Nagkukumpulan kami sa station niya ngayon for a post-shift huddle session.

"I-spluk mo na 'yarn, TL!" ani Bianca.

"Kaperahan ba 'yan, TL? Masarap pakinggan ang ganiyang announcement," nasasabik na saad ni Coleen, ang teammate kong single mom.

"I'm sorry to burst your bubble, Coleen but it's not." TL's eyes roam around. I gushed a bit when our gaze met. Ewan ko kung nahalata niya iyon.

He fixed his lanyard before continuing. "Next week, we will be on shift off because it'll be Labor Day in USA. I set a team building activity for us so that we could enjoy our long weekend. Wala na kayong ibang dadalhin kundi sarili n'yo lang."

Nanabik ang lahat sa sinabi ni TL.

"Saan, TL? Hulaan ko, sa Team Building Capital of the Philippines ba?" Yvonne asked. Siya naman iyong transgender sa amin. Nakipagtinginan siya kay Daphne. Iisa lang ang naiisip nila.

"Pansol!" magkapanabay nilang sabi.

TL chuckled a bit. Hindi iyon nakaligtas sa akin. Lalo kasing lumitaw ang kaguwapuhan niya.

Ang cute tingnan ng perfect set of teeth niya. Lalo siyang nakaka-attract!

He shook his head. "Camarines Norte."

Halohalong reaksiyon ang sumunod pagkasabi noon. May teammates kaming desididong hindi sumama. Karamihan ay pamilyado na at walang mapag-iiwanan ng mga anak. Majority naman ng mga interesadong sumama ay single at mga kaedad ko lang din. Game na game sila lalo pa at libre.

"We'll talk about the other details next time. Umuwi na muna kayo."

My teammates create chattering noises as they flee towards the main door. Medyo nagpahuli ako nang kaunti sa pag-tap ng ID. Hindi naman ako nagmamadali.

Napahawak ako sa dibdib nang may kumalabit sa balikat ko.

"Sipsip, sumama ka ha? Kukurutin kita 'pag hindi."

Magkahalong kilig at inis ang nararamdaman ko.

Bakit kasi sipsip kung puwede namang baby? Ems

"Ganda naman ng endearment mo sa akin, TL."

"Masanay ka na." He smirked at me. Pagkatapos noon ay nag-punch na siya ng ID sa censor sabay labas.

Oo naman, sasama ako, TL. Lakas mo sa akin, eh.

Kung hindi lang kita crush na bading ka, baka nagdalawang-isip pa ako.

***
Author's notes:
Sinimulan ko itong "She Made Me Straight" na SME palang ako. Ngayon, Team Leader Apprentice na. And I would admit, medyo na-i-inspire ako ng character ni TL JM kung paano mag-handle ng team. Haha. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top