Call 6 - Dog
Nakaupo ako ngayon sa passenger's seat ng Grab car. Hawak-hawak ko ang isang box ng Dunkin Donuts na binili ko habang hinihintay ko kanina ang sasakyan. May kasama rin iyong dalawang brewed coffee.
We're heading to Las Piñas. Sa totoo lang, hindi ako masyadong pamilyar sa lugar. Mas gamay ko 'yung places outside NCR. Hindi ko pa kasi masyadong nalilibot ang kalakhang Maynila.
Mayamaya ay nakawala na kami sa heavy flow of traffic. Lumiko ang kotse sa isang village na sa wari ko ay komunidad ng mga maykaya sa buhay. Isa na roon sina TL.
Ilang kabahayan ang dinaanan namin, at mayamaya ay huminto na rin kami sa tapat ng isang contemporary house na dalawang palapag.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapanganga sa ganda ng bahay ni TL. As in, grabe. Alam mo 'yung bahay ng mga artista na fini-feature sa vlogs? Gano'n.
Dumiretso na ako sa may gate. Magdo-doorbell palang ako nang kusang bumukas na iyon. Automated yata. Wala kasing taong sumalubong sa akin.
Pumasok na ako. Bumungad sa akin ang malawak na garahe. Nando'n 'yung car ni TL na palagi niyang dala sa work. I also saw a Honda CBR650R which surprised me. Ang mahal ng price nito. Halos kalahating milyong piso! Alam ko kasi obsessed ang kuya ko sa bikes at palagi niyang tinitingnan 'to sa marketplace. 'Yan 'yung pinag-iipunan niyang bilhin.
The train of thoughts in my head was cut off when I received a message.
Pasok ka. Sa may living room.
Pagkabasa ko noon ay tinungo ko na ang pinto. Oo nga pala, si TL ang sadya ko, hindi ang mag-house tour.
Kapapasok ko palang ay tanaw ko na si TL na nakaupo sa may carpet. Nakatalikod siya sa akin. Dahan-dahan ko siyang nilapitan.
"JM..."
Para bang nagpahid muna siya ng kung ano sa mukha bago niya ako nilingon.
His red and puffy eyes didn't hide the fact that he cried.
Hindi na ako nagtanong. Nalipat ang atensiyon ko sa kipkip niyang aso.
"Nakita ko siyang wala nang buhay pagkauwi ko kanina," he said in a quavering voice. "I tried to revive my Snoopy but it's too late." A tear shed from his left eye.
Snoopy is the name of his dog. Nabanggit na rin niya sa akin iyon sa tawag.
Niyaya ko muna siyang umupo sa couch kaya ibinaba muna niya ang alaga niya sa snuggle bed sa may sahig.
"Sorry." Tinapik-tapik ko siya sa balikat.
Tumigil siya sa paghikbi at tiningnan niya ako. "Markdown. Lack of empathy."
Gusto kong matawa kasi nakuha pa niyang mag-joke sa sitwasyon niya.
I pouted my lips. "Naman si TL eh. Naubusan ako ng empathy statement. Mas nauna 'yong pakikiramay ko sa iyo."
He rolled his eyes on me. "Oo na." Nalipat ang tingin niya sa mga dala kong pagkain. "Ano na naman 'to, Alexa? Sipsip ka talaga."
Nagiging paborito na ni TL ang sipsip remark na patungkol sa akin ah.
"Che! Comfort food 'yan 'no. Para at least makagaan man lang sa pakiramdam mo." I roamed my eyes around. Magpapakuha sana ako ng plate. "Wala ka bang kasama rito? Katulong?"
Umiling siya. "I'm all alone."
Kung kumakain lang ako e siguro nabulunan na ako. I widened my eyes while looking at him. "So you mean, sa laki ng bahay na ito e ikaw lang ang tao rito?"
"Oo," he simply answered.
Hindi na ako nagtanong pa. I shifted our topic back to the food I brought for him. "Oh, kape ka na. Lalamig na ito."
Mayamaya ay tahimik naming kinakain ang donuts at kape habang panaka-nakang sinusulyapan si Snoopy.
•••
Nang makabawi si TL ay sinamahan ko siya sa pet crematory para bigyan ng maayos na libing ang alaga niya. Hindi na niya pinaburol kasi masasaktan lang daw siya lalo. Pitong taon niyang naging kasa-kasama ito.
Maggagabi na nang makabalik kami sa bahay niya.
"Salamat sa pagsama sa akin, Alexa. Naabala pa tuloy kita."
I smirked at him. "Hindi mo ako naabala. You need someone during this time that is why I am here to help."
A smile formed on his lips. "Acknowledgement statement. Check."
Inihalukipkip ko ang mga kamay ko. "Stop it, JM. Pinaninindigan ako ng balahibo. Hanggang ngayon ba naman nire-relate mo pa rin iyan sa work?"
He released a natural laugh which made his jawline move. Wow, ang guwapo niya lalo sa part na 'yun.
Mayamaya ay natigil din siya nang kusa sa pagtawa. "Oo na, hindi na." He placed the urn of his dog on top of a marble table in the living room. "Ano ang gusto mong kainin? Para busog kang uuwi sa inyo."
I thought for a while. "Instant carbonara na lang at saka garlic bread. Nag-crave ako bigla."
He nodded. "I'll cook a real carbonara for you. Not the instant noodles. Give me twenty to thirty minutes."
Umoo na lang ako. Tutulong nga sana ako kaso baka biruin na naman niya akong sipsip kaya umupo na lang ako ulit sa couch.
The softness of the throw pillows are inviting so I lay down my body on the cushion with my feet still rested on the floor.
Haaay, ngayon lang nag-sink in sa akin ang pagod sa maghapon at magdamag.
Wala pa akong katulog-tulog so I planned to take a nap. Hindi naman siguro nakakahiya.
I set an alarm for thirty minutes at mayamaya pa ay ipinikit ko na ang mga mata ko.
Magpapahinga lang ako saglit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top