Call 5 - Team Lunch

"Guys, manage your calls. Let's have team lunch at 12mn," ani TL JM. Naglakad siya sa likod namin habang nagte-take kami ng calls.

"Makakatipid na naman ako. May pakain na naman ni TL!" Mommy Doris said. Siya 'yong katabi ko.

Siya 'yong teammate ko na sixty years old na. Retired bank manager. Imbes na magpahinga at magbakasyon na lang ay nag-apply pa rin siya sa BPO. Di raw kasi siya sanay nang walang ginagawa.

"Mi, madalas bang nagpapa-team lunch si TL?" I asked her nang h-in-old ko muna 'yong tawag.

"Oo, 'nak. Ganiyan talaga 'yan si TL JM. Kahit small achievement ng team e sine-celebrate. At 'yong pinapakain niya ay galing sa bulsa niya."

Napangiti ako. "Napaka-generous naman ni TL."

"True! Sinabi mo pa. Kaya lagi kaming motivated dito sa team. Tingnan mo naman, lagi tayong top team then puro top agents pa ang nasa atin. Dumagdag ka pa. More top agents, more incentives!"

Hindi ko na nasagot si Mommy Doris. Binalikan ko na ang caller ko. Two minutes na kasing naka-hold iyong tawag. Hindi puwedeng lumampas doon.

Three minutes bago mag-lunch ay nagawa ko nang matapos ang call. Pagsakto ng alas dose ng gabi ay pinindot ko na ang lunch aux button.

Dito sa BPO, normal na sa aming tawaging lunch ang breaktime namin. Lunch kahit gabi? It may sound funny to others but it's normal here. Sinusunod kasi namin 'yong oras sa USA.

One minute after twelve midnight ay nasa pantry na ang labing-apat sa sixteen agents ng team namin. Pati si TL JM ay nando'n na rin. 'Yong isa ay absent. 'Yung isa ay na-long call.

Nakahain sa harap namin ang mga pagkaing in-order ni TL sa Yellow Cab.

Bago kami kumain ay nag-group pic muna kami. Matapos ang limang shots ay kani-kaniya na kami sa pagkuha ng pagkain.

Nakapagsandok na ako ng akin nang mapadako ang tingin ko kay JM. Hindi pa siya nakakakuha ng kaniya. Siguro ay iniintay niyang makakuha ang lahat.

Inilapag ko ang pinggan ko. Kumuha ako ng isa pang pinggan at sumandok ako ulit ng mga pagkaing nakuha ko na kanina. When I'm done, nilapitan ko si TL at ibinigay ko na 'yung plate sa kaniya.

"TL, kain na."

Medyo nagulat pa siya sabay tingin sa akin.

"Sipsip," pabiro niyang sabi sa akin.

Pinalobo ko ang pisngi ko habang isingkit ang mga mata ko. "E 'di huwag na. Sipsip pala ah." Iniwas ko 'yong plate sa kaniya.

"Arte neto. Akin na 'yan." Inismiran niya ako sabay tinaasan ng isang kilay. Pabiro lang 'yon kaya hindi big deal sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang iabot sa kaniya ang plato.

Pagbalik ko sa puwesto ko ay siniko ako ni Daphne, ang beki kong teammate na mahilig sa malalaking hikaw.

"Neng, ka-federasyon 'yan si TL ah? Di 'yan uubra sa pabigay-bigay mo ng food."

Napatigil ako sa pagsubo ng carbonara. Muntik na akong matawa. "Daf, kakaloka ka. Walang meaning 'yon. Binigyan ko lang naman ng food si TL."

"I'm just saying," aniya habang ngumunguya ng pizza. "Hindi 'yan tatayuan sa 'yo."

Iling na may kasamang tawa na lang ang isinagot ko kay Daphne. Mamaya e makahalata pa si TL na siya 'yong pinag-uusapan namin e.

We are all completely full right before our lunchbreak ends. Marami pang natirang food lalo na pizza. 'Yong iba ay nagpuslit ng ilang slices papasok sa floor. Puslit lang kasi hindi puwede ang pagkain sa loob.

How do agents sneak in food? Maraming paraan pero ang pinaka-common ay ilalagay sa jacket or sa tumbler. That's what some of my teammates did. Haha.

Wala namang espesyal na naganap sa mga sumunod na araw. Minsan, nakakasawa na nga rin e. Paulit-ulit na lang ang ginagawa namin. Pero kailangan e. Laban lang para sa dream house ko.

Ang pinakahinihintay na araw namin ay dumating na. Friday. Weekend na ulit. Mahaba-habang pahinga na naman ito.

Pagkalabas ko ng company building e tumambay muna ako sa Dunkin Donut. Um-order ako ng Tuna Croissant, isang Okinawa milktea, at dalawang Choco Wacko donut. Nag-stay ako roon ng isang oras lang then umalis na ako.

I am walking towards the terminal when I heard a notification from my Messenger. Out of curiosity, tiningnan ko kung ano 'yon.

TL JM left the group.

Napatigil ako sa paglalakad. Nagsisimula na naman akong mag-overthink.

Why on earth would a team leader leave his team's gc?!

Hindi ako mapakali so I sent a PM to Bianca.

Anyare kay TL?

Yaan mo yun. Bblik din yun

Bakit daw ba?

Ewan. Sanay na kami dun. Laging naglileave.

Pero hindi talaga ako mapakali kaya nag-PM na ako kay TL.

TL, anyare po?

I saw a typing bubble. After several minutes, it stopped. But I didn't receive any response.

TL?

My message was only marked as seen. I was left with no choice but to call him. Bahala na ito. Kaysa naman buong weekend kong isipin kung ano ang nangyari kay TL eh. I just want to help.

So I called him.

"TL? What happened? Hala! Okay ka lang? Aww. Pupuntahan kita. Oo, pupuntahan kita. PM mo address mo. Sige sige."

I postponed the idea of going home. Pupuntahan ko si TL. Kailangan niya ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top