Call 3 - Dream
"Have I answered all of your questions today?"
"You did, hon. Thank you!"
Sinabi ko na 'yung closing spiel at naghintay ako ng ilang saglit hanggang sa i-release na ng caller ang tawag.
I hit the log out button. Sa wakas, EOS na. And another good news, it's already weekend. Dalawang araw na naman akong makakapagpahinga.
Ito ang kagandahan sa healthcare account e. Dahil mga nagtatrabaho sa dental offices ang mga nakakausap namin e sinusunod din namin 'yung working hours and days nila which is Monday to Friday. Wala kaming pasok tuwing Sabado at Linggo.
That's one of the reason why I chose to stay in this company for three years. Fixed weekends off kasi, hindi tulad sa ibang BPO na split offs o magkahiwalay 'yung rest days. Ayoko ng gano'n kaya heto, dito pa rin ako nagtatrabaho.
I stretched my hands and legs. Medyo nangalay ako sa walong oras na kauupo. I reclined my back on the chair for a while. Medyo sumakit din kasi 'yong likod ko.
Nang makapahinga nang kaunti ay tumayo na ako. Didiretso na sana ako sa pinto nang mapadaan ako sa station ni TL. Nandoon pa rin siya.
Hindi niya yata napansin ang presensiya ko kasi busy siya. May ine-encode siyang kung anuman sa excel file.
Ipinagwalang-bahala ko na lang 'yun at dumiretso na sa locker area. Uwing-uwi na talaga ako.
•••
"Alexa, sama ka?"
"Sa'n?" Nilingon ko ang nagsalita. Si Diana pala, ang ka-work kong may pink bleached hair na under ni TL Ace.
"Pound for pound. Tara, papawis lang? Promo nila ngayon."
Tipid ko siyang nginitian. "Next time na lang. Diretso uwi na rin kasi ako."
"Sabagay. Di mo na rin naman kailangan. Slim ka na eh."
I rebutted. "Oy, ikaw rin naman ah. Bakit ka pa naggi-gym?"
She leaned closer to me. "Doon naggi-gym si TL Gian e!" Humagikhik siya nang papigil. "O sige na, mauuna na ako!"
I smiled while shaking my head.
'Yong TL na tinutukoy niya e guwapo naman talaga kaya hindi nakakapagtakang magustuhan siya ng ka-work mo. Sa totoo lang, hindi lang naman si Diana ang nagkaka-crush kay TL Gian. Halos lahat yata sa prod e may lihim na pagtingin sa kaniya. Ako lang ang hindi.
Ewan ko ba. Sa tinagal-tagal ko rin naman sa company, wala pa akong naka-crush-an. Hindi yata ako normal na tao. Char. Anyways, mas mabuti na rin iyon para walang distraction sa pagtatrabaho. 'Yong iba kasi, napapansin ko, gagawa ng kahit anong ways ways masulyapan lang ang crush sa kabilang bay e. Nariyang magra-wrap up o iyong aux na pinipindot after a call para hindi agad mapasukan ng tawag. 'Yong iba iho-hold nang matagal 'yong caller para pasimpleng lumandi sa crush nila. Ganern.
•••
Pagkalipas ng forty five minutes e nakauwi na rin ako sa wakas. Pagkatapos makipagkuwentuhan sandali kina mommy at daddy sa living room e umakyat na rin ako sa kuwarto ko.
Pagkabihis ko ng orange spaghetti strap na sando at navy blue na dolphin shorts ay agad akong sumalampak sa kama nang padapa. Ninamnam ko ang malambot kong bedsheet at unan.
"Napakasarap mabuhay. Thank you, Lord!"
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong magpagupo sa antok na kanina ko pa nararamdaman.
•••
Sunod-sunod na pag-beep sa Messenger ang nagpawala sa antok ko.
"Meron na?"
"Pumasok na?"
Napatingin ako sa kalendaryo sa likod ng pinto. Sabado nga pala ngayon at kinsenas. Ibig sabihin e ngayon ang pasok ng sahod.
Ganiyan ang senaryo lagi sa gc. Minsan kasi e nakakatamad na maya't maya ang paglog in sa online account namin sa bank. May two-way authentication pa kasi kaya medyo magawa. So umaasa na lang kami sa teammates naming masisipag mag-check.
After twenty minutes, sunod-sunod na ang chat sa gc. Pumasok na raw.
Dali-dali ko ring ini-log in 'yong online account ko.
Mas mataas ang sinahod ko kumpara sa nakaraan. Siguro ay pumasok na ang incentive ko. Nag-exceed kasi ang scores ko last month.
I transferred five thousand pesos to my savings account. May pinaglalaanan kasi ako.
When I successfully sent the amount, I stood up. Dumiretso ako sa may closet at may kinuha mula roon.
Isang blue print. Blue print ng dream house ko.
Pinagawa ko ito sa kuya kong engineer two years ago. Si Kuya Kirk. Sinabi ko kasi sa kaniya na gusto ko nang simulang pag-ipunan ang pangarap kong bahay. Na para mas ma-motivate akong mag-work at mag-ipon e mas mabuti sigurong may nakikita na akong plano.
Out of love, he made me that blue print. Hindi lang iyon. Ipinaggawa din niya ako ng design ng bahay sa computer. Sobrang satisfied ako sa resulta.
Kaya mula noon, sinisiguro kong palagi akong may incentive para nakakapagtabi ako ng sobra for my dream house. So far, I am happy with the result. I have saved P450,000 so far. Malayo pa sa target kong dalawang milyong piso but I know eventually, I'll get there someday.
I checked the gc. Nag-chat si TL JM.
"Who's available today? Samgyup tayo, libre ko."
Bigla akong nag-crave sa beef at saka cheese kaya I immediately responded.
Me, TL.
I was actually expecting my teammates to answer as well pero may kani-kaniyang dahilan ang mga ito. In the end, ako lang ang pumayag.
Akala ko ika-cancel ni TL ang pa-samgyup pero nag-reply siya sa akin.
G tayo, Alexa. Prep ka na.
Napaawang ang bibig ko.
Kami lang dalawa ang magsa-samgyup?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top