Call 2 - Supcall
"So ano'ng ginawa ni TL sa 'yo pagkarating mo? Pinag-aux coaching ka?" tanong ni Bianca, ang beki kong friend pagkarating ko sa ini-reserve niyang table sa pantry.
Nagkibit-balikat ako. "Wala naman. Itinuro lang niya sa akin 'yong bakanteng station. Then ayun, pinag-log in na agad ako."
Napatigil si Bianca sa pagsubo ng kanin na may kasamang ulam na hindi ko mawari kung afritada o menudo.
"Yun na 'yun? Hindi man lang kayo nag-coaching?"
Pinantay ko sa pinggan ang kanin na noo'y kahugis ng tasang ginamit ng tindera pansukat. "Oo, bakit?"
"Ay, kawawa ka naman beh. Kung kami 'yon, pinag-aux coaching na agad kami. One hour kaming 'di magko-calls ganern."
"Ni hindi ko man lang naranasan 'yang one hour coaching mula nang malipat ako sa team natin. Ganito siguro talaga kapag hindi paboritong ahente ni TL JM," I joked.
Sinipa ako ni Bianca sa ilalim. Pasimple niyang itinuro gamit ang nguso si TL. Dumaan ito sa likod ko, may dala-dalang pagkain.
"Shems, narinig kaya ako?" Napakagat-labi ako sa pag-aalala.
"Oo beh. Ang lakas kaya ng boses mo." Napahagikhik si Bianca nang sabihin iyon.
Pasimple kong tiningnan si TL. Ngayo'y nakaupo na siyang mag-isa sa isang sulok ng pantry at sinisimulan na ang pagkain.
"Ganito na ba talaga si TL? Kahit noong hindi pa ako part ng team natin, napapansin kong hindi siya sumasabay sa ibang TL or any SMs sa pagkain. Anti-social ba siya?"
Bianca answered. "I think mas accurate sabihing hindi sipsip si TL JM."
I chuckled and shook my head. "Hay naku. Kumain na nga tayo. Mamaya niyan e makagat na ni TL ang dila niya. Kanina pa natin siya topic."
We proceed to eat.
Twenty minutes lang ang nagamit ko sa pagkain. I spent the remaining ten minutes fixing myself. Nagsuklay, nag-apply ng kaunting liptint, at nagwisik ng kaunting pabango. Pagkatapos noon e naglakad na ako pabalik sa production floor.
I absentmindedly passed by TL JM's station. He's already there.
Hindi na naman niya tinapos ang breaktime niya. Balik-trabaho agad.
He's always like that. In just two weeks under his supervision, medyo memoryado ko na ang ginagawa niya. Mag-isang kakain, tutok lagi sa computer then madalas may brewed coffee and donuts sa station niya. Favorite niya ata. I actually love donuts too. Minsan, nagbabaon pa nga ako ng isang box e. Ako lang ang kumakain.
Yep. I'm addicted to donuts. Pinagagalitan na nga ako ng mama ko. Baka nasosobrahan na raw ako sa kakakain ng matatamis. Naiintindihan ko naman siya. May family history kasi kami ng diabetes. Nag-aalala lang si mama sa akin.
"Alexa, overbreak ka na." Napakurap ako nang makailang beses. Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si TL. He tapped my shoulder.
"H-Hala?" Agad-agad akong nag-ready nang ma-realize kong three minutes na nga akong OB. Naku, two points na agad ako kay TL ngayong araw.
In-assist ko na 'yung caller. Rant nang rant sa kabilang linya. Kesyo 'yung claim daw nila e hindi pa binabayaran. E kasi naman hindi sila nagsa-submit ng complete requirements. Gustong-gusto ko na nga sanang i-realtalk at sabihan ng "Ma'am, do you know why your claim was denied? You failed to send the narrative." Ganern!
E kaso sa customer service kami nagtatrabaho. Gaano man kami kagigil sa kausap namin, kailangan pa rin namin silang plastikin at sabihan ng mabubulaklak na salita. In BPO terms, kailangan namin silang i-emphatize.
"I can sense frustration in your voi—"
"I am really frustrated. Give me your supervisor!"
Napataas ang kanang kilay ko nang sumigaw siya ng gano'n.
"Mama mo supervisor!" I shouted after placing the caller on mute. Napalakas pala iyon kaya napatingin ang mga katabi ko.
"Alexa, what's the commotion over there? And why are you not Jepping?"
Jepping 'yong term na ginagamit sa BPO sa pag-e-English. May English Only Policy kasi sa production floor.
"TL, the caller wants a supervisor," sabi ko nang makalapit kay TL.
Kalmado siyang tumayo at pumunta sa upuan ko.
Wow, madali naman palang kausap si TL. 'Yong previous supervisor ko kasi kailangan mo pang luhaan ng dugo bago i-take 'yung supcall e.
I smiled.
"What's the caller's name?" he asked.
"Deborah."
He nodded and took the call.
I can't stop myself from observing him lalo na ang ikumpara siya sa ibang team leads.
Napakakalmado niya. Never niya kaming sinigawan. Pag nagagalit siya sa amin, tatahimik lang 'yan sa station niya at hindi kami kakausapin. Pero hindi niya hinahayaang matapos ang araw na galit siya.
Marami na agad akong napapansin sa kaniya. Masyado lang siguro akong observant.
Twenty minutes has passed. Tapos na ang supcall. He handed me over my headset.
Saglit na nagtama ang balat namin sa daliri. Napatingin lang ako roon ng ilang saglit then I shrugged it off.
I continued taking in calls.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top