Call 11 - Darkness
Kipkip ko ang mga braso kong nanlalamig nang nilakad ko ang mabuhanging daan patungo sa beach.
I looked at the left and the right. Mukha namang safe kaya nagtuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad.
I removed my slippers when my feet touched the waves that reached the shore. Nakaramdam ako ng pagkasabik.
I originally planned to just dip my body up until my knees but I ended up sinking myself into the water.
Hinayaan ko ang sarili kong lumangoy nang lumangoy at salubungin ang tubig na sakto lang ang temperatura.
Ah, napakasarap sa pakiramdam.
I resurfaced when I felt like my chest is running out of air. When I was able to do it, I gasped and felt relieved.
"Alexa!" Isang pamilyar na tinig ang nagpalingon sa akin sa pinanggalingan ko.
The figure already dived into the water but I am sure who owns that. Si TL. Lumalangoy siya palapit sa akin.
In just a matter of several seconds, nakarating na siya kung nasaan ako.
"What are... you thinking, Alexa? Why... are... you... swimming in the... middle of the...night?" He asked me while trying to catch his breath.
"Kalma, TL. Gusto ko lang tumubog sa tubig," I said then I let my body float on the water while facing the sky.
"Paano ako kakalma? Paano kung mapahamak ka habang nagsi-swimming ka? What if you sprain your ankle and there's no one who can rescue you? Paano kung nasalabay ka rito? Or may bad guys na matiyempuhan ka ritong mag-isa?"
I changed my position. Through the help of the moonlight, I was able to get a glimpse of his reaction. Punong-puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha... correction, ang kaniyang guwapong mukha.
Mabagal kong iminulat-pikit ang aking mga mata habang pinaglalandas ang aking tingin sa mukha niya.
Paulit-ulit ding nagtutumining sa aking mga tainga ang mga sinabi niya. And the way he said it? Para ba siyang boyfriend na nag-aalala sa kaniyang nobya. I giggled.
"Alexa?" Winisikan niya ako ng tubig kaya napabalik ako sa huwisyo.
"Yes, TL?"
"You didn't answer me. Why are you here alone?"
Hinayaan kong magpalutang-lutang ang mga kamay ko sa ibabaw ng tubig. "Nagpapalipas lang ako ng hang over, TL."
"You should have waken me up." He smirked and roll his eyes at me. "Tara na sa mas mababaw."
"Okay."
I prepared myself to swim back to the shore but I suddenly felt numbness in my right foot. I attempted to move it but it just caused me pain.
Napadaing ako at hindi iyon nalingid kay TL.
"What’s happening?" Agad niya akong nilapitan para tingnan.
"Y-Yung paa ko. M-Masakit."
He clicked his tongue in dismay. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh." He sighed heavily then faced his back at me. "Kumapit ka."
At first, I was confused but I already get what he wants me to do. Agad kong ikinawit ang mga braso ko sa paligid ng kaniyang leeg. Hindi nakawala sa akin ang bango ng kaniyang buhok pati ang pabango na bagama’t nabasa na siya ng tubig e naiwan pa rin sa kaniyang batok.
•••
Nang nasa tabing-dagat na kami ay pinaupo ako ni TL sa may buhanginan. He sits comfortably at kinuha niya ang paa kong nangingimi. Ini-stretch niya iyon nang bahagya. He starts giving it soft strokes while massaging it.
"Hmmmm.."
Napatigil si TL sa pagmamasahe. He glared at me.
"Why?"
He answered. "Ayusin mo nga. Baka isipin ng makakarinig e may ginagawa tayong milagro rito."
"Grabe naman. Eh, sa gano’n ako mag-react, eh." I attempted to get back my foot but he didn't let me.
"Ayos." He continued massaging my foot.
Mayamaya ay naging okay na rin ang paa ko. Wala na ang pangingimi.
"Thank you." I laid my back on the sand, allowing myself to gaze at the stars reflecting above us. "Baka wala na ako kung hindi mo ako sinundan."
Ginaya niya ako. Humiga rin siya sa buhanginan. Hinayaan namin ang aming sarili na maglibang sa tunog ng paghampas ng alon sa tabing-dagat. We stayed like that for a couple of minutes. Mayamaya pa ay binasag ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"TL, jowa mo ba si Geoff?" Tumagilid ako paharap sa kaniya para makita ko ang kaniyang reaksiyon. He did the same kaya ngayon e magkaharap na kami.
"What?" Tila ba natatawa siya pero halatang pinipigilan niya. "You're asking me if Geoff is my boyfriend, right?"
I slowly nod my head with confusion on my face.
Napahiga siyang muli sa buhanginan at doo’y tumawa nang tumawa. Napapahawak na siya sa tiyan. Kulang na lang ay magpagulong-gulong siya sa puwesto niya.
Nang makakalma ay umayos siya sa paghiga. Ginamit niya ang braso niya bilang unan. "There is no way for him to become my boyfriend." He faced me. "He's my cousin."
Satisfaction ang namuo sa aking mukha. Para bang sa pagkakataong iyon ay ilandaang karayom ang nabunot sa aking puso.
Gusto kong tampalin ang sarili ko kasi walang kabagay-bagay ang pagseselos na nararamdaman ko mula nang umalis kami sa office. Magpinsan naman pala sila.
He continued. "His mom is a paleontologist while his dad is a neurosurgeon."
"Family of doctors pala kayo, 'no?"
Tumango siya. "Ang kaibahan namin, very supportive sina tita sa pagko-call center niya. Alam mo bang nagpa-catering pa sila nang maging SME si Geoff?"
My eyes were filled with amusement because of that. "Napakasuwerte nga niya."
"He is." Umupo si TL at tumalungko. "Kahit sa lovelife niya, suportadong-suportado pa rin sina tita."
"Lovelife?" Nakiupo na rin ako para magkalebel na kami.
He smiled a little. "Balak nang mag-propose ni Geoff kay Aicelle."
"Aicelle? You mean, TL Aicelle?" Ang tinutukoy niya ay ang kapwa TL niya. Maliit na babae iyon na may cute na mukha. Hindi pala-make up pero ayos lang kasi kapag ngumingiti siya ay sapat na ang paglabas ng dalawang biloy sa pisngi niya para magpaangat sa ganda nito.
I didn't have any hint na girlfriend pala siya ni Geoff!
JM wiggled his eyebrows in agreement. "That is why Geoff is here. Nagpapatulong siya sa akin na planuhin 'yong proposal."
"Count me in!" I offered my hand with excitement. He just looked at it with bewilderment. "Ano na naman iyan, sipsip?"
Binawi ko ang kamay ko. Pinagkrus ko ang mga iyon. "Ito naman si TL. Nagmamagandang-loob na nga ang tao, eh." I pouted. "Baka hindi mo naitatanong, nag-organize ako ng proposal ng college friend ko?" I proudly said. Kinapa ko ang bulsa ko. Kukuhanin ko sana 'yong phone ko kaso naalala kong nasa bag nga pala iyon. "I'll show you the proposal video tomorrow."
He sighed while smirking. "Fine. Samahan mo akong magplano mamaya." Tumayo na siya at nagpagpag. "Let's go inside and get a proper sleep. Marami pa tayong activities bukas ng umaga."
I agreed then stood up. Medyo nakaramdam ako ng pagkahilo kaya medyo na-out of balance ako.
Muntik na akong matumba but good thing, JM held my wrist. May kahigpitan iyon.
"Watch your step, Alexa. Matutumba ka nang wala sa oras, eh."
Pumungay ang mga mata ko nang tingnan ko siya. Halos matunaw ang puso ko nang makita ko kung gaano siya mag-alala sa akin.
He released my wrist after three seconds. Gayunman e parang nararamdaman ko pa rin ang paghawak niya roon.
"Tara na," yakag niya.
I secretly massage my wrist with elation as JM and I walk towards the resort.
•••
Author’s Notes:
Just a heads up, baka next chapter e iba na po ang title nitong book pero something related pa rin sa gay and girl. ☺️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top