Call 10 - Drunk
Habang papalapit ako sa may part nina TL ay iniiwasan kong mapatingin sa direksiyon nila. Nagkunwari akong nakatingin kay Bianca na hindi pa rin tinatantanan ang kakakanta.
But the truth is, my peripheral vision is looking at the side of TL JM and Geoff.
I hold my breath as much as I can when I passed in front of them.
"Alexa."
Napatigil ako sa paghakbang nang tawagin ni TL ang pangalan ko. I turned my head immediately then I saw him looking at my bathing suit while raising his one eyebrow.
I secretly smiled. Sisitahin niya siguro ang suot ko kasi masyadong revealing ito. Okay lang sa akin iyon. Masaya nga ako kasi at least alam kong concerned siya sa akin.
"Yes, TL?" I smiled widely at him.
"Saan mo nabili ’yang swimsuit mo? Bet ko."
My smile fades away. Nakaramdam ako ng medyo pagkapahiya sa sarili. Akala ko naman....
"Sa Shein, TL. Bakit, nagsusuot ka ng ganito?"
He rolled his eyes at me then smirked. "I wish I could."
Kinausap na niya ulit si Geoff kaya naman itinuloy ko na ang pagpunta sa ihawan.
•••
I remained silent while I’m grilling three pieces of milkfish. Nang matapos ay inilagay ko na ang mga iyon sa ibabaw ng dahon ng saging.
Nang medyo lumamig-lamig na ay hinati ko sa dalawa ang bawat piraso. Lalagyan ko ng kamatis, itlog na pula, at onion ang gitna.
When I'm done, I jammed with my teammates. Magwawalwal talaga ako magdamag, I would not mind.
•••
Siguro mga alas nuwebe ng gabi nang magsimula na ang tagayan. We opted to drink The Bar Pink na hinaluan ng Sprite, at Tang na strawberry flavor. Ako ang nag-suggest niyan.
To be honest, hindi ko pa rin naman natitikman ’yon. Curious ako kasi marami ang nagsasabi na malakas daw ang tama no’n.
An hour after we started our drinking session, nakakaramdam na ako ng pagkahilo.
Damn, feeling ko matutumba ako kapag tatayo ako.
I have to pretend strong. Medyo nag-lie low muna ako para makainom pa mayamaya.
Naki-join na lang ako kina Yvonne sa pagvi-videoke. Medyo nakatulong naman kahit papaano kasi nahimasmasan ako nang kaunti.
"Guys, I'll gotta go back to the room. Sakit na ng ulo ko."
Mas mabilis pa sa alas kuwatro ang ginawa kong paglingon nang marinig ko ang boses ni Geoff.
Namumula na ang mukha niya and noong tumayo siya e medyo gumewang-gewang siya. Halatang may tama na nga.
I switched my gaze at TL, waiting for his answer. Uwian na talaga kapag inihatid niya si Geoff sa kuwarto.
And my guts are correct. He stood up and assisted Geoff. Pinaakbay niya ang lalaki sa kaniya.
Parang nalukot ang puso ko sa pagkakataong iyon. At that moment, parang gusto kong mag-compose ng resignation. Seeing them together breaks my heart and deteriorates my mental health, thus resulting me to be unfit to work. Ems.
TL asked for a help of another person. Masyadong malaki si Geoff para solong alalayan niya.
Nag-unahan ang mga beki kong teammate. Si Daphne ang nagwagi.
I helplessly watch the three of them together while they go back to the room several yards away from us.
•••
Hinanap ng mga mata ko ang songbook. Kakanta sana ako ng pang-emote.
As I was turning the pages of the book, napatigil ako. I want to slap myself at that point. Ang OA OA ko na.
Hindi ikaw ’yan, Alexa. Get back to your old self.
I should be here enjoying, hindi para maghanap ng bagay na magpapasakit sa sarili ko.
I heaved a deep sigh. I will try to divert my thought to anything else.
Pero nagsisimula palang akong gawin 'yun nang gulatin ako ni JM.
He’s back. At tinabihan niya ako!
So paano na ang operation divert the attention na naisip ko? Failed agad.
Anyways, sabi ko nga nandito ako para mag-enjoy.
I’m sure, enjoy na enjoy talaga ako.
I showed a sly smile.
•••
Napakamaasikaso ni TL sa amin. Pati pagkuha ng pulutan, hindi na niya inaasa sa iba. Siya na ang nagpe-prep.
Nakakatuwa. Kahit outside work, alagang-alaga niya pa rin kami.
Medyo nagulat ako nang lagyan ni TL ng isaw at barbeque ang plate ko. Pagkagulat na unti-unting napalitan ng kilig.
"Mamulutan ka naman, Alexa. Puro alak ka lang kanina pa. Madali ka niyang malalasing."
Hindi talaga ako mapulutan pero dahil sabi ni TL na mamulutan ako e ’di sige.
"Thanks." I was about to bite a chunk of barbeque when I noticed that among us, siya lang ang parang hindi pa tinatamaan ng alak.
"Tumatagay ka ba, TL?" I curiously questioned him.
"Oo, ah. Kaso paunti-unti lang. Hindi ako puwedeng malasing kasi kapag tumumba kayong lahat, walang mag-aasikaso sa inyo."
How thoughtful.
•••
It was already past twelve o'clock nang mapansin kong iilan na lang kaming natira sa cottage.
Sina Dee Dee, Bianca, Yvonne, TL, at ako na lang ang magkakaharap sa inuman.
Umayaw na sa pagtagay sina Dee Dee, Bianca, at Yvonne. Halos nakalungayngay na sila. Ihahatid nga sana ni TL sa kuwarto kaso wala siyang katulong. I volunteered but he refused. Magpahinga na lang daw ako kasi medyo may tama na rin ako.
So what TL did is he just got pillows and blankets from the room para doon na muna mahiga sa cottage ’yong mga naiwan.
"Kaya pa ba today?" He asked me.
In an upbeat tone, I answered, "Oo naman. Kulang pa nga ’yan. Isa pa?"
JM glared at me. "No. Tigilan mo ako, Alexa." He went to where the ice box was located and got a cold bottle of 7-up. He opened it before giving to me. "Pamapaalis ng tama."
He also got another one for himself.
"Mahirap bang mag-TL?" I asked him out of nowhere.
"Mahirap sa umpisa. Mangangapa ka kasi. Kaya ako, noong nagsisimula palang ako sa pagiging TL, may checklist talaga ako ng mga dapat gawin para masigurong wala akong ma-miss. Kapag team lead ka, dapat organized ka."
Ibinaba niya ang hawak na bote. "Ang most challenging lang talaga para sa akin e 'yung kung paano ipaiintindi sa team na may mga pagkakataong hindi agad ako nakakasagot kapag may tanong or inquiry sila. Most of the agents kasi thought that paupo-upo lang kami sa station namin, but in reality, we really have pile of tasks to finish each day." He sighed heavily.
"E okay na okay ka naman para sa akin, TL eh. ’Yung totoo nga, mabilis ka ngang sumagot kapag may tanong ako so I don't understand saan mo nakuha 'yan. Maybe you're belittling yourself too much."
He looked at me. Parang may gumuhit na disappointment sa mga mata niya.
"There was once an advocate that I handled one and a half year ago. Nagpa-supcall siya. Urgent daw. E kami, naka-phonetime no'n kasi kulang sa tao kaya sabi ko, offer callback na lang. Mangiyak-ngiyak na 'yung ahente kasi natatakot balikan 'yung customer."
He paused to drink another shot of the soda. Then he continued. "The agent walked out and never came back."
His voice cracked after that.
Pilit kong inaalala kung sino 'yung tinutukoy niya pero wala akong maisip. Same department lang naman kami and hindi ko pa siya TL that time pero hindi nakarating sa akin ang chika na iyon. Anyways, hindi naman kasi ako maritess kaya hindi ako updated sa mga ganap.
"Hindi mo naman kasalanan, TL eh. You actually provided the best option at that time. Alangan namang iwan mo ’yong caller mo para ma-take 'yong supcall niya. Wala kang naging pagkukulang. Ginawa mo lang ang tama." I gave him a confident smile to remove his self-doubt.
He did not respond. Bagkus e inilipat niya ang tingin niya sa malayo.
An awkward silence came between us. Affected pa rin siya. Halata naman kaya hinayaan ko na lang.
Medyo nadarama ko na ulit ang tama ng alak dahil unti-unti nang namumungay ang mga mata ko. Komportable kong isinandal ang likod ko sa kawayang upuan sa cottage.
I did not notice that I already fell asleep. Thirty minutes had passed, I was awaken.
Shet. Nasusuka ako. Ang sakit pa ng ulo ko, parang binibiyak.
I silently sneaked out so I could go to the bathroom. Doon ko inilabas ang lahat ng suka ko.
Nang mahimasmasan, nag-toothbrush ako then bumalik ako sa cottage.
As I entered it, I was caught off guard when I saw TL JM as he is peacefully sleeping.
Doon ako nagkaroon ng kalayaang pagmasdan ang kabuuan ng mukha niya. He looked so angelic.
Napadako ang tingin ko sa mga labi niyang wala mang liptint ay namumula. Para bang nag-aanyaya ang mga iyon.
Napapiksi ako nang medyo kumilos ang mga labi ni TL. Medyo kinabahan ako. Akala ko kasi nagising siya. Umayos lang pala sa pagkakasandal sa upuan.
Para hindi kung ano-ano ang isipin ko ay naisip kong mag-swimming.
I looked at the black pitched part where the beach was located. Few seconds later, I found myself heading to the inviting waves of the sea.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top