Call 1 - Late

Pumapailanlang sa e-jeep na sinasakyan ko ang malamig na boses ni Moira na kumakanta. Nanggagaling 'yun sa malaking speaker sa tabi ng driver.

Mas damang-dama ko ang emosyon ng kanta dahil nakatingin ako sa open-air na bintana habang sinasalubong ang malamig na hanging panggabi.

At ngayon, nandiyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang-hanggan
'Di paaasahin, 'di ka sasaktan

Gustong-gusto ko sanang sabayan 'yung kanta pero huwag na lang. Nakakahiya sa ibang nakasakay. Puno pa naman ang sasakyan.

Kinse minutos na makalipas ang alas otso. Iyan ang oras na nakita ko sa wristwatch kong suot. Napangiti ako. Maaga pa ako ng apatnapu't limang minuto para sa pang-alas nuwebeng shift ko.

Nagtatrabaho ako sa BPO o mas kilala ng mga Pilipino bilang call center. US Healthcare account. Kami 'yung sumasagot ng tawag mula sa dental offices kaya ang madalas naming nakakausap e mga dentista, billing department ng dental offices, dental assistants. Madalas nilang itinatawag ang dental benefits and claims ng mga pasyente nila. Parang Maxicare o Intellicare dito sa Pinas. Mas bongga nga lang sa America kasi maraming inclusions ang insurance ng mga tao roon.

Benefits and Insurance Claim Analyst ang tawag sa amin. Ang gandang pakinggan 'di ba? Pero iisa lang ang tawag sa amin ng mga nakakakilala sa amin.

Kolsener agent.

Ayos lang naman sa akin. Totoo naman kasi. As long as wala akong naririnig na pande-degrade, tuloy lang ang life. So far, sa tatlong taong pagtatrabaho ko sa industriyang ito ay never pa naman akong namaliit. Subukan lang nila. Matitikman nila ang batas ng isang api. Char.

Usually, honda ako kapag papasok. Kolsener slang 'yan na galing sa phrase na on the dot. Iyong tipong ilang minuto o segundo na lang bago ang shift namin e saka lang kami nagbubukas ng PC. Kaya ayun, nale-late kami ng log in nang ilang minuto kaya nagagalit ang TLs namin. Hahaha.

'Yung TL, or short for team leader e sila 'yung nagma-manage ng isang team. Team is usually composed of ten to twenty agents. Sina TL 'yung kumakausap sa caller kapag naghahanap ng supervisor, nagko-coaching, nagmo-monitor ng stats ng team, tagapagtanggol sa amin kapag mayroon kaming hotline behavior, and most importantly, sila iyong tagalibre lagi ng pizza. Yieee

Teka, speaking of TL. Ngayon ko lang napansin na may tumatawag sa akin. Pag-check ko, bumungad sa akin ang malaking pangalan ni TL JM.

TL JM is calling.....

Bagama't may pagtataka ay sinagot ko pa rin ang tawag niya.

"Where are you, Alexa?" bungad niya sa akin.

"E-jeep, TL. Bak-"

"Nasa e-jeep ka pa rin? Alas otso ang shift mo ah?!"

Sa pagkakataong iyon ay napipi ako. Lumakas ang kabog sa dibdib ko.

Dali-dali akong nag-backread sa gc namin.

"Team, here's your new schedule for next week. Make sure, walang male-late ha?"

Kulang na lang ay dumugo ang pang-ibabang labi ko sa tindi ng pagkakakagat ko roon.

"Patay..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top