CHAPTER 9
Three weeks passed by, it went well, wala akong sinasayang na time, lagi akong hinahatid ni Kahn sa sakayan ng jeep, at kung may chance at maaga kaming nakakalabas ng office, inaaya niya akong magkape.
Sobrang saya ko, walang araw na hindi niya binubuo ang araw ko. Makita ko lang siya at makasama maglakad palabas ng office, may rainbow na lagi sa mga mata ko. Ganun ang epekto niya sa akin.
Ngayon kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng xerox machine, kailangan ko kasing i-photocopy lahat ng DTR ko para paghahanda sa pag-alis ko dito sa kumpanya, kailangan kong maipakita na kumpleto ako sa DTR.
Seryoso at tahimik lang akong nag pophotocopy ng biglang bumukas ang pinto dito, pumasok si Noi na may bitbit na ilang folders ng papeles. "Ma'am, sorry po pinapadala po ito ni Boss Bingo, hinanap ka ho kasi niya kanina, sinabi ko po na nasa photocopy area ka para mag photocopy ng DTR, nang malaman niya po, agad niyang pinasunod sa akin yung buong DTR niya mula last year, sabi niya ho, ipacheck ko po sa inyo kung kumpleto na." sambit nito at inilapag sa ibabaw ng xerox machine ang folders.
"Ok." Tumango ako at seryosong nagpatuloy sa aking ginagawa, ang akala ko aalis na siya matapos sabihin iyon pero nanatili siya at tinitigan ako. Hinayaan ko siya pero nang lumipas na ang limang minuto tiningnan ko na siya.
Dahilan upang tumayo siya ng tuwid at inayos ang kanyang bagong gupit na bangs, "Ahm, ma'am may relasyon po ba kayo ni Sir Hiran—," hindi ko na hinintay matapos ang kanyang sasabihin at agad sumagot.
"Hindi." diretso kong sagot at tinapos ang pag photocopy ng DTR ko, ibinigay ko sa kanya ito. "Ilagay mo ito sa table ko at ako na ang bahala dito. Wala siyang nagawa ng itulak ko siya labas ng photocopy area.
Halata ba kami ni Kahn? Gusto niya bang mapansin ng mga tao dito sa office na may relasyon— este may peke kaming relasyon? Hindi, malamang ayaw niya Noe.
Tinapos ko ang pinapagawa ni Boss Bingo, at bumalik din agad sa office. Habang nagtatype ako nararamdaman ko ang pagtitig ni Noi mula sa aking likuran, kaya nilingon ko siya ata agad naman siyang nagpanggap na may binabasa.
"Anong kailangan mo?" seryoso kong tanong, hinarap niya ako agad, "Ma'am, parang meron po kasing namamagitan sainyo ni Sir Hira—," gamit ang swivel chair ko, lumapit ako sa kanya at inilagay sa madaldal niyang bibig ang crumpled paper na hawak ko.
"Wala, gutom ka lang, at kulang sa tulog." pagdidikta ko sa kanya, habang subo nito ang papel kunot noo siyang napatangong sa sarili niya. "Kulang ba ako sa tulog? Pero 7 pm po ako natulog eh."
"Kulang pa'rin," sambit ko na lalong nagpakunot ng noo niya, esakto naman ay 12 pm na, ibig sabihin lunch na. Tumayo ako at iniwan ang mga ginagawa ko. "Saan ka po punta ma'am?!" tanong nito sa akin at dinura ang papel na nasa bibig at binulsa ito.
"Kukuha ako ng kape," tugon ko, bago nagsimulang maglakad palabas ng unit namin, "Sama po ako," sumunod siya sa akin, seryoso lang akong naglalakad ng umiral na naman ang pagiging curious ni Noi.
"Pero ma'am, magkasama kayo ni Sir Kahn nung gabi bago yung sa elevator," tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Walang ganon, hindi kami magkasama at never nangyari yung sa elevator," pagdidikta ko, na naging dahilan ng pagsinghap niya.
"OMG, don't tell me naghahallucinate ako ng mga senaryo?! Signs ito ng tumor sa utak!!! Ayaw ko pang mamatay marami pa akong pangarap." OA na sambit nito, kaya iniwan ko na siya sa hallway habang gulong-gulo siya sa kanyang sarili.
Dumiretso ako sa cafeteria, at pumila sa counter, medyo maraming empliyado ang naglulunch ngayon, ayaw ko sana makihalobilo dahil hindi ako sanay sa maraming tao, pero gustong-gusto ko nang uminom ng kape.
"Ma'am, bakit mo naman po ako iniwan." biglang sumulpot si Noi sa likuran ko, hindi ako nagsalita at focus lang sa oorderin kong kape, pero narinig ko umorder yung tao sa harapan. "Isang black coffee, miss."
"Wala po, kaming available na coffee today sir, nasira po kasi yung coffee maker," bumagsak ang balikat ko ng marinig iyon, kaya umalis na ako agad sa pila, "Ma'am, bakit po? Saan ka po pupunta akala ko po oorder ka ng coff—," naputol ang sasabihin ni Noi ng may kumalabit sa aking likuran at sa aking paglingon ang napakagwapong mukha ni Kahn ang sumalubong sa akin.
Nakangiti ito ng humarap ako sa kanya, hindi ako nakapagsalita at tila natulala na lang ako sa napakacharming niyang mga ngiti. Ang gwapo mo palagi, ano ba lalo akong nahuhulog sayo. "Dumaan ako sa coffee shop before going here, binilhan kita ng coffee," inabot niya ito sa akin at wala sa sarili ko itong tinanggap.
Ngumiti siya at kumamot sa kanyang batok, naamoy ako ang pabango nito, ang bango kung pwedo lang kitang singhutin araw-araw ginawa ko na, para kang drugs naadik ako sayo Kahn, "Noe," tawag nito sa akin ng mapansing hindi ako nagsasalita, doon lang ako bumalik sa aking sarili at napansin kong lahat ng atensyon ng tao dito sa cafeteria ay nasa aming dalawa. Pati si Noi, nakanganga ito habang nakatingin sa amin.
Imbis na magpanic, nanatili akong seryoso. "Thank you." walang emosyon kong sambit, pero deep inside gusto ko nang magtatalon sa kilig. Buti na lang mahigpit yung garter ng panty na sinuot ko ngayong araw.
"By the way, gusto ko lang ipaalam sayo na may training ako for two weeks, so hindi kita maihahatid pauwi, pero I will try to contact you every break I have." gusto ko nang mahimatay sa kilig, bakit kailangan mo pang ipaalam sa akin inpublic.
Fake lang itong relationship natin, "Ah, ok." sagot ko. Shet hindi ko alam sasabihin ko, ngumiti siya at inayos nito ang buhok na nakaharang sa mukha ko bago nag-paalam. "See you after two weeks, bye." he said and left.
Lahat ang tao ay nakatingin sa akin, at pati si Noi, "Naghahallucinate ba ulit ako?" tanong nito sa sarili. Hindi na ako nagsalita at naglakad paalis sa cafeteria dala-dala ang coffee na bigay ng mahal kong si Kahn.
Dumiretso ako sa rooftop at pagkalock ko ng pinto, sumabog ang tinatago kong kilig, nagtatalon ako sa tuwa at isinayaw ko ang coffee na bigay ni Kahn. "Grabe ka!!! Hindi ko akalain na kaya mo akong pakiligin ng ganito, ano ba Kahn! Ahhh!!!" sa sobrang tuwa ko, binuksan ko ang coffee na bigay niya at tinungga ito ng staight at binaliwala ang init nito.
"Aghhh!!!" shit, gumuhit ang init nito sa lalamunan ko papunta sa baga ko. Pero ok lang, galing naman ito kay Kahn my loves.
"Itetext niya daw ako, kahit may training siya. Hahahahahahahahaha!!!" para akong witch na tumatawa dito! Nanatili ako sa rooftop hanggang matapos ang lunch break, pagbaba ko dala-dala ko pa'rin ang cup ng coffee na bigay ni Kahn.
Ipapaframe ko ito, masaya akong nagtrabaho hanggang sa matapos ang buong araw ko, hindi na ako tinanong o kinulit ni Noi after what happen sa cafeteria, tulala lang siya at tila naniniwalang baka may tumor siya at naghahallucinate.
Tumayo na ako at nag ready na umuwi, "Noi, hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya, tulala lang siya at bumulong, "Kailangan ko na bang magpacheck up?" gusto kong matawa pero sa isip ko na lang iyon ginawa at iniwan ko na siya sa office.
Paglabas ko ng building, nakareceived ako ng text mula kay Kahn.
From Kahn,
Break time kami now, I know at this time pauwi ka lang, ingat.
Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking pagngiti dahil sa kilig,
*beep* napapikit ako sa gulat ng biglang may bumusinang sasakyan sa harapan ko.
Kulay pulang Susuki Swift, agad akong kinilabutan nang makilala ko kung kaninong sasakyan ito. Hindi maari!!!
Bumababa ang bintana nito ay nakita ko agad ang suot nitong sunglass kahit gabi na, at ang pula nito labi. "Hi, Noeh Dian Masalanta." bati nito sa akin, tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan, sa takot. Yari ako!
"H–Hi, Santana Fajardo." Santana Fajardo ang Best Friend ko.
***
"What!?! Anong pumasok sa isip mo ang ginawa mo iyon! Noe! That's stupid!!! Pinaglalaruan ka nila and you play with it!!!" napatakip ako ng aking tenga sa sobrang taas ng boses ni Tan, walang tigil itong sumisigaw sa inis ng ikwento ko sa kanya ang tungkol sa bet.
"Ang lakas ng boses m----," again she cut me off again and said, "Hindi! Hindi ako papayag sa kahibangan mong ito, that guy agreed to play with your feelings and you're playing it too!!! this is wrong, everything is wrong!!!" pabalik-balik itong naglalakad sa harapan ko habang nakaupo ako sa edge ng kama ko.
simula dumating kami dito sa condo, wala akong ibang naramdaman kung hindi kaba, dahil alam ko nang magagalit siya. "Tan, I like this guy so much, ginawa ko lang ito para kahit papano may masaya ako memory sa office bago ako tuluyang umalis." I said and pout at her.
Ang strong aura nito kanina ay unti-unting nanlambot at bagsakbalikat umupo sa tabi ko, she held my hand and look at me in the eye. "You're insane and I hate myself because I'm letting you do it." she said, dahil doon napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit.
"I miss you, sobra," bulong ko sa kanya humigpit ang pagkakayakap nito sa akin bago nagsalita, "I damn miss you too, I'm glad that you're going with us to Canada for good," lumayo ito sa akin at tiningnan ako habang hinihimas ang kamay ko.
"Fine, I'll let you do this crazy staff, if this whats makes you happy, fine, but promise me to not let them win after the bet, don't you ever cry after this bet." she said. I nodded and said, "I will not cry, alam ko yung bet and I'm the one who's playing the whole bet."
"Fine, but I have to meet this guy." eksaktong sambit nito, bigla naman tumunog ang phone ko. paglingon ko dito, I saw Kahn's name. He's calling me!!! nagkatinginan kami ni Tan at pinandilatan niya ako ng mga mata.
I smile at her and after that, she let go of me and I stood up, sinagot ko ang tawag and, "Hello?"
"Hi," narinig ko pa lang ang boses niya hindi na mabura sa labi ko yung saya. Inirapan ako ni Tan dahil doon.
"Hi, bakit ka napatawag," sambit ko.
"Nakauwi ka na ba?" tanong nito mula sa kabilang linya, "Oo, kani-kanina lang."
"Ahm, after this training, pagbalik ko, my friend ask me if we can play badminton together, naisipan kong isama ka, kung gusto mo lang naman." Nahihiya nitong sambit. kinagat ko ang labi ko sa kilig.
"Sure." sagot ko.
"Great, see you next next week, and good night." sambit nito. "Goodnight." sagot ko at pinatay ang call, nagtatalon ako sa kilig. OMG!!!
"Ahh," tumalon ako sa kama at doon nagpapadyak sa kilig. habang nakaupo lang si Tan sa gilid at tila tumitirik ang mata sa pandidiri.
"Maglalaro kami ng badminton pagbalik niya, isasama niya ako sa paglalaro niya ng favorite sports niya." sambit ko habang nagpapagulong-gulong sa kama.
"Let me guess, you know how to play badminton because you know it's his favorite sports." sambit ni Tan.
"Yes!" syempre, I have to learn everything he likes.
"Fine, then sasama ako." natigilan ako sa sinabi ni Tan, Oh no! Yari si Kahn sa bestfriend ko.
"Hindi pwe---," pinigilan niya ako at buo ang loob sinabi. "Sasama ako, I wanted to meet him in person." Oh no!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top