CHAPTER 4


79 days nalang ang natitira sa tatlong buwan ko. Isang linggo na ang nakalipas pero wala pa 'rin nangyayari sa Bet. "Kahn!!!" sambit ko habang nagpapagulong-gulong sa kama.

Kakauwi ko lang gawing sa trabaho at isang linggo na ang lumipas, wala 'parin nangyayari. Hindi pa rin ako nobya ni Kahn.

"Ano pa ba ang hinihintay mo, Kahn?!" nabalitaan ko kahapon sa office na hiwalay na sila agad nung bagong secretary ng HR. So, ibig sabihin single na siya ngayon wala nang pipigil sa kanya na gawin ang bet na ito.

"Arghhh!!!" nagwala ako at sinubsob ang aking mukha sa unan at doon nagsisigaw, ano bang hinihintay mo kasi!!?! Sa loob ng isang linggo na lumipas, ilang beses kong sinasadyang magpakita sa kanya.

Flashback

Monday

"Ms. Masalanta," tumayo ako at pumasok sa opisina ni Boss Bingo ng tawagin ako nito.

Hindi ako nagsalita sa aking pagpasok, at agad nandiri ng makita na naman ang nakabuklat na magazine sa table nito. Mahahalay na litrato ng mga babaeng nakaswimsuit ang nandon. Tiningnan ko siya ng masama habang nagkakamot ito ng panot niya ulo.

"Kailagan kong kunin yung record ng mga employee ko dito sa Marketing Team sa HR office," sambit nito. Oh, siya pala ang may kailangan kumuha, bakit kailangan niya pang sabihin sa akin? Umirap ako ng maisip iyon at tiningnan siya.

Ngumiti ito at sinabi, "Baka pwedi mong kunin iyon sa table ng assistant manager para sa ak---," hindi ko siya pinatapos at agad sumagot, "Ikaw ang may kailangan hindi ho ba? Bakit ako ang kailangan mong utusan na pumunta sa HR team at kunin sa table ng assistant manager ang papers na kailangan mo---," natigilan ako ng maty narealize ako sa sinabi ko.

Table ng Assistant Manager ng HR, si Kahn iyon! "Ako na ang kukuha!" mataas ang tono ng boses kong sambit,"Ay! S-sige?" gulat na sambit ni Boss Bingo at agad tumalikod para pumunta sa HR unit.

Mabilis at malalaki ang hakbang kong pumunta sa HR unit, habang seryoso ang aking mukha, pero ang puso ko ay ang kabalikgtaran nito. Halos tumalon na ito palabas ng puso ko. Kahn, ito pupunta ako sa office mo, ito na ang chance mo para alukin ako na maging nobya mo.

Papadaliin ko na ang Bet para sayo. Pagpasok ko sa loob ng HR unit, diretso lang ang tingin ko sa pinto ng opisina ni Kahn, binigyan ito ng sariling opisina dahil nung nakacubicle lang ito, halos hindi siya makapagtrabaho ng mabuti dahil walang tigil sa paglapit sa kanya ang lahat ng babae sa iba't-ibang unit.

"Teka, bakit siya nandito? Hindi ba siya yung ice queen ng Marketing Team?"

"Grabe nakakatakot pala talaga ang aura niya."

"Ramdam ko ang lamig, sobrang seryoso niya." Sunod-sunod ang mga kumento ng mga tao sa akin habang naglalakad ako, tumigil ako sa harap ng pinto ni Kahn, at nilingon ang mga tao dito sa HR.

Lahat sila ay nakatingin sa akin, at nang lumingon ako agad silang nagsibalikan sa mga table nila at kunwaring focus sa trabaho. Huminga ako ng malalim at hinarap ang pinto, inayos ang collar ng aking suot na polo bago kumatok.

"Pasok." Rinig ko ang boses ni Kahn mula sa loob.

Ito na, binuksan ko ang pinto at naabutan itong nakadresser shirt lang, hindi nito suot ang coat niya, may ballpen ito sa tenga at nakasuot siya ng salamin. Oh shet! Ang gwapo, sobrang gwapo thank lord.

Sinarado ko ang pinto kaya tumalikod ako sa kanya at nagkaroon ako ng chance na tumirik ang mga mata sa kilig. Sobra talagang gwapo, nanghihina ako.

"Ms. Masalanta, here's the papers. Thank you for picking it up." Busy nitong sambit at nakaharap pa rin sa screen ng laptop niya. Naglakad ako papalapit sa table niya at kinuha ang papers.

I tilted my head, at tinitigan ko ang kanyang napakagwapong side profile. Ang haba ng pilik mata nito, at sobrang bagay sa kanya ang salamin na suot niya. Hindi ko siya nakikitang nakasuot ng ganito sa hallway ng kumpanya.

Kahn, ito na ako sige na alam kong kaya mo iyan sabihin mo na nagusto mo akong maging nobya. Handa na ako para sa tatlong buwan dali na.

"Aren't you leaving yet? May kailangan pa ba si Mr. Soledad?" bumalik ako sa aking sarili ng magsalita ito at hindi pa 'rin ako tinatapunan ng kahit isang sulyap lang.

"Wala naman na," sambit ko at dahan-dahan umatras. Kahn alam kong nahihiya ka lang sige na sabihin mo na.

Dahan-dahan ang paglalakad ko papunta sa pinto, dahil binibigyan ko siya ng chance tawagin ako pero hanggang sa umabot ako sa harap ng pinto niya wala pa'rin niya.

Nagstay ako dito at paulit-ulit na inikot ang door knob, gumagawa na 'rin ako ng ingay. Kahn, go na kaya mo 'yan. Ito na ako oh!

"Ahm, sira ba yung door knob?" tanong nito, sa gulat ko at napahiya ako, agad ko itong hinila pabukas. "Hindi!" malakas kong sambit at lumabas, napalakas pa nga ang paghila ko pasara kaya lahat ng tao at tumingin sa akin.

Inayos ko ang kwelyo ko at mabilis na naglakad paalis.

Wala pa 'rin, Kahn? Pagdating ko sa table ni Boss Bingo binalibag ko yung papers sa harap nito.

"Ay palaka!" sigaw nito. Suminghal lang ako at bumalik sa table ko.

Tuesday

"Ma'am, first time ko po kayo makita dito sa cafeteria, kakain ka po ba ng lunch?" tanong ni Noi nang lapitan ako dito sa cafeteria habang nakapila ako sa cafeteria. Hindi ko siya sinagot at focus lang ako sa lalaking nag seserve ng food dito sa cafeteria.

May rules kasi dito sa kumpanya na once a month, iba't-ibang unit ang mag seserve ng lunch at ngayon ay ang HR unit. At sobrang daming tao ngayon sa cafeteria dahil kay Kahn.

Siya ang nagseserve ng rice, ito na malapit na ako. Pagatpat ko sa kanya, nakangiti siyang nag sandok ng kanin, nakatitig lang ako sa kanya pero wala pa rin siyang sinasabi.

Go na Kahn, nang mailagay niya na ang kanin sa plate ko, nanatili pa 'rin ako doon na nakatitig sa kanya ng seryoso. Tiningnan niya ako, "Isa pa?" tanong niya, at nagsandok ulit ng kanin.

"Wow, kakain ka po ng maraming rice ngayon, Ma'am?" tanong ng rookie ko pero nakatingin pa 'rin ako kay Kahn. Go, Kahn kaya mo yan alukin mo na ako dali.

"Isa pa?" tanong ulit niya ng hindi pa 'din ako umaalis, nakatatlong sandok na siya ng kanin at magbubundok na ang plato ko ng kanin pero wala pa 'rin. "Ma'am, sobra na ho ata iyan, mahaba pa po ang pila tar ana ho," tinulak na ako ng rookie ko pero nakatingin pa 'rin ako kay Kahn.

"Ma'am, gutom ka po ba?" tanong ni Noi.

Tumigil ako at ibinigay sa kanya ang plate na hawak ko, "Kumain ka ng marami," seryoso kong sambit at umalis ng cafeteria. Kinuha ko ang biscuit ko at gigil na kumain nito. Kahn, ano bang hinihintay mo!

Wednesday

"Ito, lagi mong titignan ang----ang gwapo," nawala ako sa focus ng pumasok sa unit namin si Kahn at dumiretso sa office ni Boss Bingo.

"Ano po?" tanong ni Noi, tiningnan ko siya ng masama at sinabi, "Ano?" tanong ko. "Po? May sinabi ka po?" tanong niya. "Ako? Wala! Baka ikaw may sinabi."

"Po?" naguguluhang sambit ni Noi. "Gawin mo ito utos ko bago tumayo at nagpanggap na may kukunin sa office ni Boss Bingo, papasok pa lang ako ng biglang lumabas si Kahn.

"Good afternoon," sambit nito. "Good afternoon," bati ko pabalik at umalis na siya agad, ganun lang? Wala na?

"Yes, Ms. Masalanta?" tanong ni Boss Bingo, tiningnan ko lang siya ng masama at umalis ulit. Ano ba Kahn, game ka na ba? Ako game na game na!

Thursday

Binuksan ko ang photo copy area, at naabutan siya doon na nag piprint, kaya mabilis akong pumasok at binati siya. "Good afternoon," bati ko. Sumipat siya sa akin at ngumiti. "Good afternoon." Bati niya pabalik tapos wala na.

Nagphotocopy na din ako at hinintay siyang magsalita pero hanggang sa matapos siya, wala siyang sinabi at umalis na wala lang. Nanlalambot akong napadukdok sa xerox machine. "Ano baaaa?" lutang kong sambit.

"Ma'am, tawag po kayo ni Boss Bing--- ahm ma'am tinitingnan niyo po ba kung malinaw ulit ang xerox machine? Malinaw po iyan tiningnan ko po kanina, tignan mo po ito oh." Sambit ni Noi at may kinuha sa gilid na xerox ng mukha niya na nakadikit sa xerox machine scanner.

"Malinaw nga." Tugon ko. Kahn!!!

Friday

"Good morning, ma'am may I get your order?" tanong ng babae sa counter, dito sa coffee shop sa tabi ng company, inutusan ba naman ako ni Boss Bingo na umorder ng kape para sa nililigawan niya na bibisita sa office.

"Isang Iced Caramel Macchiato, no wip, 70% less sugar, sub soy ang milk and decaf." Ang arte ng kape!

"Good morning, Ms. Masalanta." Nagulat ako ng biglang lumitaw si Kahn sa tabi ko at inabot ng isang gwapong lalaki sa counter ang coffee niya. "Didn't know you like coffee." Nakangiti nitong sagot sabay sibat agad.

"Hindi sa akin ito." Bulong kong sagot kahit wala na siya. Kahn, ano na balita sa Bet?!

"Coffee for Ms. Dimasalanta." Sambit nung barista. Kumunot ang noo ko at kinuha ang kape sa kanya.

"Masalanta." Seryoso kong sambit at alis. Ano ba naman ito, masasayang ba ang pag stay ko pa ng tatlong buwan dito, dahil hindi mo na itutuloy ang bet Kahn?

Present

"Wahh!!! Kahn, alukin mo na ako na maging nobya mo!!!" gawin mo na yung bet please lang!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top