CHAPTER 15
"And where do you think you're going missy?" napalingon ako kay Kuya ng bigla siyang nagsalita habang busy sa panonood ng football sa TV.
"Ahm, I just need to go out," sagot ko at inayos ang suot kong sling bag. "It's holiday, you're not like gala girls, you usually stays at home." kunot noo ako nitong tinignan. Yeah, he knows me, pag holiday talaga mas pinipili kong magstay sa bahay at makipaglaro sa kanya online kahit nasa Canada pa siya.
But this day is different, this is my last date with Kahn. I should seize it and remember every bit of it. "Where are you going then? Can I come?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, hindi pwede.
"No, this is my alone time, yes, bago iyon, meron na akong alone time ngayon and since paalis na ako ng bansa, I would like to enjoy myself here before going outside the country. Bye, see you later." lumapit ako sa kanya at bumeso bago ako umalis at pumunta sa badminton gym.
Dumating ako sa gym, at agad akong sinalubong ni Kahn pag pasok ko. Kaming dalawa lang ngayon, hindi ko piniling isama si Tan dahil last na ito, and gusto kong gawin ito ng dalawa lang kami ni Kahn.
"Hi, sana sinundo na lang kita, nainitan ka pa tuloy." natigilan ako ng bigla niyang punasan ang pawis sa noo ko. Tinitigan ko lang siya at tumibok ng sobrang bilis ang puso ko, oh, Kahn bakit ka ganito, malapit nang matapos yung bet, please wag mo naman akong pahirapan umalis.
"Hindi ok lang, papawisan din naman tayo sa game," nakangiti kong sambit, tiningnan niya ako bago ipinakita ang napakacharming niyang smirk. "Really?" mapanghamon niyang sagot. Naglakad na kami papunta sa bench para ilagay ang gamit namin sa tabi at makapagsimula na sa paglalaro.
"Oo, dahil hindi kita hahayaang makascore." mapatang kong sambit na naging dahilan ng pagtawa niya habang may kinukuha sa bag. Last naman na ito I might as well show him the playful side of me.
"Since you're very confident of yourself, why don't we have a bet," my heart skip beat matapos marinig ang salitang Bet. ipinapaalala nito yung bet na malapit nang matapos, ang pag-alis ko.
Wag kang matunganga Noe, just forget about the bet just for today. Last na ito promise. Pilit kong pinapagaan ang sarili ko dahil ayaw kong makahalata si Kahn. Enjoy Noe, enjoy!
"Sure, anong bet?" tanong ko.
"Pag nanalo ka, I will buy you lunch pero pag nanalo ako you will grant one wish for me." nakangiti nitong sambit at biglang may ipinasuot sa aking dri-fit shirt na kulay violet, it has his surname on it.
"Anong wish iyon?" tanong ko, pero kinikilig ako sa pinasuot niyang jersey sa akin. Amoy pabango niya, ang bango, yung puso ko baka mahulog. "I will say it if I win, for now, secret muna." sambit nito at naglakad na papunta sa court namin.
Napatingin ako sa salamin sa gilid ng bench at sinilip ko ang nakasulat na surname ni Kahn sa likuran ko, pasimple kong kinuhanan ito ng litrato. "Game?" tanong ni Kahn, ngumiti ako sa kilig at saya, bago sumunod sa kanya at nag start na kaming mag laro.
First game was intense since ayaw namin magpatalo sa isat-isa. Pero nanalo ako sa first quarter hindi ko alam kung pinapanalo niya lang ako pero masaya ako. Ngayon second game na kami at nakakalamang na siya ng lima sa akin.
Hindi ako papayag, pinunasan ko ang pawis ko bago nagserve, "Babawi ako." sambit ko at binalak ismash yung shuttlecock pero tumama ito sa dibdib niya, "Ah!" nagulat ako ng matumba siya sa lakas ng pagkakapalo ko sa shuttlecock.
"Kahn!" agad ko itong nilapitan at tiningnan kung ok lang ba siya, nakayuko siya kaya hindi ko siya makita, lumuhod ako at tinapik ang likod niya, "Sorry hindi ko sinasadya." sambit ko pero nagulat ako ng bigla siyang humarap at hinalikan ang kamay ko.
"Tinamaan ako sa puso," biro nito sabay tayo, naiwan akong gulat na gulat pero agad din akong nakabalik sa aking sarili at natawa na lang sa kilig. Tumayo ako at binato sa kanya yung shuttlecock.
"9/5, puntos ko yun!" nailing-iling na sambit ko bago bumalik sa courtside ko, at naglaro na kami na puno ng katatawanan. Ang harot niya bigla, kinikilig at nadidistract ako.
After so many games, "Ahh!!!" pasigaw kong sambit ng hindi ko mahabol yung huling tira niya, napaupo ako sa pagod, talo ako. "I win!" masigla nitong sambit at patakbong lumapit sa akin dala ang water bottle niya.
Inabot ito sa akin at ininom ko ito, "Anong wish mo?" hinihingal kong sambit, ngumisi ito bago umupo sa harap ko at pinupunasan ang pawis sa aking noo.
"Pag-iisipan ko muna, sa ngayon let's grab some snacks outside, my treat." tumayo ito at inalalayan akong tumayo, naglakas kami papunta sa bench, at kinuha niya lahat ng gamit namin, "Let's go." pawis siya pero sobrang gwapo niya pa 'rin, inabot niya ang kamay ko at naglakad kaming dalawa na magkahawak ang kamay.
Ito yung isa sa pinakamasayang date ko sa kanya, parang walang kailangan na pagpapanggap na naganap, lahat ang sobrang genuine lang, hindi ko kailangan itago yung feelings ko sa kanya at lahat ay sinulit ko na lang dahil alam kong last na ito.
"Nag enjoy ka ba?" tanong nito habang nagmamaneho papunta sa sakayan ng jeep, tumango ako at sumulyap sa kanya. Sobrang mamimiss ko ang lahat ng ito. "Thank you for making me feel all of this new experience, wow english." sambit ko at nagbiro din ako para hindi halatang may kahulugan ang lahat ng sinasabi ko.
Tumawa siya at sumulyap din sa akin, "Thank you, dahil kasama kita sa lahat ng masasayang pangyayari sa buhay, simula ng makilala kita at nagkalapit tayo, nabigyan ng kulay ang buhay ko," tiningnan niya ako na para bang natatawa dahil ang corny ng sinabi niya, dahilan upang tumawa ako ng malakas.
"Ikaw ang rainbow ng buhay ko hahaha," pagsakay ko sa sinabi niya, kaya tumawa din siya, "I love this, gawin natin ito palagi hanggang sa tumanda tayo," sambit nito na naging dahilan ng pagkawala ng ngiti sa aking labi.
Hindi ako umimik pero ng hawakan niya muli ang kamay ko, para hingin yung assurance sa sinabi niya wala akong nagawa kung hindi ngumiti pabalik at pilit na tumango. Pasensya ka na Kahn pero hindi mangyayari ang gusto ko.
Tumigil kami sa sakayan ng jeep, "See you tomorrow, thank you talaga nag enjoy ako, Kahn." paglingon ko sa kanya sakto naman sanang tutulungan niya akong sa seatbelt ko kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko ng tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata pababa sa aking labi. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, nanatili ako sa aking pwesto, ito na iyon! The kiss.
Ipinikit ko ang aking mga mata at handa na akong hintayin ang pagdikit ng kanyang labi sa akin.
"Remember it's just a bet."
Muli akong ginising ng mga salitang iyon, tumulo agad ang luha ko, sabay mulat ng aking mga mata. Lumayo ako at mabilis na tinggal ang seatbelt, at bumaba ng sasakyan niya. Pinilit kong hindi humarap sa kanya para hindi niya makita ang pagluha ko.
"Bye, see you tomorrow." tumakbo ako papunta sa jeep at agad na sumakay. Pagsakay ko doon bumuhos ang mga luha ko. Para akong batang inagawan ng candy kung umiyak sa loob ng jeep. "Tissue miss," nagulat ako ng alukin ako ng babaeng estudyante sa tabi ko sabay abot sa aking ng tissue niya.
"Huhu, salamat." ani ko at tinggap ito, binaliwala ko ang mga tao sa jeep at nagpatuloy sa pag iyak. Ano ba naman itong ginagawa mo sa buhay mo Noe!
Pinili mo ito hindi ba! I know this bet and now I'am starting to hate it.
***
Two days before the bet end, ngayong araw nagsisimula na akong mag linis ng table ko. Nilagay ko ang mga gamit ko sa isang box at yung iba na iiwan ko kay Noi at inilagay ko sa table niya.
"Ma'am, sigurado ka na po ba talaga na aalis ka na? Alam ko pong mahal mo yung trabaho mo dito, wag ka na po kayang umalis." dahil sa sinabi ni Noi, biglang nag flashback sa akin lahat ng mga taon na nandito ako sa kumpanyang ito.
Itong mga nagdaang araw at buwan, sobrang busy ako sa pagbuo ng memory kasama si Kahn at pag iisip sa bet na ito. Bigla kong nakalimutan yung mga memory na matagal ko na palang nabuo dito sa lugar na ito.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso, ang rookie memory ko, mga panahong nagsisimula pa lang ako, yung masasayang memorya ko habang natututo ako sa lugar na ito. Bakit nakalimutan ko yung mga araw na masaya ako sa kumpanyang ito? Ngayon napapatanong ako sa aking sarili.
Ano nga ba talaga ang dahilan bakit aalis ka na? Gusto ko nga ba talagang umalis? Bakit ang sakit?
"I need to step out of my comfort zone." alam kong labag ito sa loob ko pero wala akong ibang maisip na isasagot sa kanya. "Noi," napalingon kaming dalawa ng dumating si Boss Bingo, "Yes po?"
"Anniversary namin ng asawa ko ngayon, bilhan mo nga ako ng ireregalo ko sa kanya." napairap ako sa utos nito, hindi pa 'rin ito nagbabago pati mga kailangan niyang gawin sa personal na buhay niya inuutos niya sa akin noon at ngayon pati kay Noi.
"Ok po." agad sumunod si Noi at umalis. Nakita ni Boss Bingo ang tingin ko sa kanya kaya umiwas siya ng tingin at pumasok sa kanyang opisina.
Kinuha ko ang box ng mga last year report para itabi sa storage room dito sa kumpanya, habang buhat ko ito napadaan ako sa hallway papunta sa printing area, nakita ko si Kahn na naglalakad at bilang hinarang nila Toledo.
Nagtago ako sa gilid upang makinig.
"Bakit hindi mo pa siya hinihiwalayan?!" mataas ang boses na sambit ni Kahn.
"Hindi pa tapos yung tatlong buwan." seryosong tugon ni Kahn, na naging dahilan ng pag taas ng boses ni Toledo sa kanya. "Nauubos na ang pasenya ko, kailangan kong makita ang babaeng iyon na umiiyak dahil sayo, at kung hindi mo gagawin iyon ngayong araw, ihanda mo na ang sarili mo dahil ikaw ang iiyak pag tuluyan nang tinggal sayo ang chance mong maging manger."
"Tanggalin niyo na ako, wala na akong pake," madiing sambit ni Kahn na ikinagulat ng tatlo. "Anong sinabi mo!!!"
"Ang sabi ko, wala na akong pake. Tanggalin niyo na ang lahat ng chances ko, pero hindi ko gagawin ang sinasabi mo, hindi ko na gagawin ang bet na it—." pinigilan siya ni Toledo sa pagsasalita gamit ang kamao nito.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pagsuntok kay Kahn pero agad naman itong bumawi kay Toledo pero nakisali na yung alalay ni Toledo, hinawakan nila si Kahn at hinintay ang pangalawang suntok ni Toledo.
"Hindi ako papayag, kung hindi ikaw ang magsasabi ako na lang ang magsasabi sa kanya!"
Bago pa ito mangyari, binitawan ko ang buhat kong box at. "Toledo." tawag ko dito, para silang nakakita ng multo sa paglitaw ko. Ito na ang araw Noe. Ang araw na matatapos ang Bet.
Bakas ang takot at guilt sa mukha ni Kahn ng magtagpo ang mga mata namin. "Mukhang may pinagaawayan kayong BET, rinig na rinig ko ito mula sa hallway." nakangisi kong sambit.
"Noe." kapos hiningang sambit ni Kahn.
"Anong sinasabi mong bet?" pagmamaang-maangan ni Toledo.
"Bet na ginawa niyo almost three months from now, narinig ko ang lahat at alam ko ang tungkol sa Bet. Alam ko na ginamit mo ang pinakagwapong lalaki dito sa kumpanya para maghigante sa akin, at alam kong pinagbabantaan mo ito gamit ang kapangyarihan mo bilang anak ng mataas na tao dito." biglang nabalot ng takot ang mukha ni Toledo dahil sa sinabi ko.
Lumipat ang tingin ko kay Kahn, "Oo, alam ko ang tungkol sa Bet simula ng gawin niyo ito ang ang perang katumbas nito kapalit ang pagwasak mo sa puso ko. Pero wag kang mag-alala Kahn, sinakyan ko 'rin ito, I also take advantage of you ginamit ko ito para makaranas na magkaroon ng boyfriend bago umalis dito. I play along with the Bet and use you, Kahn."
"Bakit?" tanong nito, nakakita ako ng guhit ng sakit sa mga mata niya pero hindi ito ang tamang panahon para doon.
Nakita kong dahan-dahan tumatakas si Toledo kasama ang mga alipores niya. "Toledo!!!" makalas kong tawag dito na ikinagulat nito. Lumapit ako sa kanya at hinila ang tenga niya. "Aray!!!"
"Nais kong ireport ang lahat ng kalokohan mo sa board members kung saan makikita ng tatay mo ang mga kalokohan mo pag hindi mo pa tinigilan si Mr. Hirano, mas malala pa dito ang kaya kong gawin. Hindi ako papayag na gagawin mo ulit ito sa ibang tao!" tinulak ko ito sa mga alipores niya at dali-dali silang tumakbo paalis sa takot.
Humarap ako kay Kahn na gulat pa 'rin sa nangyayari. Tapusin mo na ang lahat Noe.
"Sorry sa nagawa ko sayo, sorry kung pinaglaruan din kita at pinagmukhang tanga, pero maraming salamat sa tatlong buwan na naging nobyo kita, sobra akong nag enjoy. Salamat Kahn. Salamat sa masasayang memoryang ipapabaon mo sa akin. Bye." naiwan siyang tulala at tumulo naman ang luha ko habang naglalakad palayo sa kanya.
The Bet ends here, and ito na ang oras na kailangan ko nang umalis.
***
Kahn's POV
"Son, it's good that your back, I'm planning kasi on inviting Noe here sa bahay para lutuan ko siya ng dinuguan— teka, anong nangyari sayo?" My mom went to me as soon as I sat on the couch looking like a total mess.
What the fuck, she knows the bet all along?
"I messed up," bulong ko. "Don't tell me break na kayo ni Noe? Hindi pwede!!! Siya yung nararapat sayo!" she hit me on my arms as she blamed it on me.
I know that too, I know it from the very start that she's the one I like. I want her.
"I played a bet on her with my co workers, tanggap ko ito, the bet was to make her fall for me for money and break her heart after."
"Ano!! hindi kita pinalaki para paglaruan ang babae!!!" I know, fuck it, kasalanan ko ito.
"But she knows the bet ma, alam niya ito kaya siya play it reverse, sinakyan niya ito at ngayon ako ang umuwing luhaan, dahil ako yung nahulog sa kanya. Ang tanga ko."
"She likes you too, I knew it. Kasalanan mo ito ayusin mo, at habulin mo siya. Hindi ako papayag na hindi siya ang magiging daughter-in-law ko. Kung hindi, itatakwil kita bilang anak." she left me and Noe's face instantly flashes into my mind.
She's right, walang ibang nararapat sa akin kung hindi ikaw Noe. The bet might end already but in real life, this ain't over.
***
The next day, "Where's Miss Masalanta?" I asked her rookie Noi.
"Nagresigned na po siya three months ahead pero nagstay siya hanggang kahapon para turuan ako, and today po sana ang last day niya pero bigla siyang nag-paalam kahapon."
"What!!!" this can't be happening? Saan ko siya hahanapin? I don't even know where she lives!
Fuck it!
***
Noe's POV
"Noe, ano ba nagiimpake ka lang iyak ka na naman ng iyak!" tila pagod nang sambit ng kuya ko habang kumakain ng cereal. Oo, halos dalawang araw na
ako nagiimpake pero iyak pa 'rin ako ng iyak hindi ko alam bakit.
"Alam mo, before we leave why not let's go out today and play on the arcades para tumigil na sa pag iyak itong kapatid mo." Tan said.
"Ayaw ko huhu," tugon ko.
Nagkatinginan sila at tumayo bago ako hinila patayo. "Wala kang choice, gusto namin dalawa." gaya ng sinabi ni Tan wala akong nagawa at hinila na nila ako paalis at dumiretso kami sa arcade kung saan kami unang nagdate ni Kahn.
Pagbaba namin sa sasakyan mas lalo akong umiyak. "Wahh, ayaw ko nga sabi eh!!! Dito pa talaga!!!" binuhat nila ako papasok at wala akong choice kung hindi sumali sa kanila sa paintball war.
Suot ko ang gear at helmet, habang hawak ang baril ko na nakatago kami sa baricade. "Huhuhu, nag laro kami ng ganito ni Kahn nung first date namin huhu." panay ang iyak ko.
"Ano ba tumigil ka na kakaiyak dyan at bumaril ka ng kalaban," hinila ni Tan ang gaer ko at nilapit ako sa kanya, "Hindi tayo pweding matalo dito Noe, kung hindi ikaw ang babarilin ko!!!" nakakatakot nitong pagbabanta at bumaril sa kalaban, bullseye!
"Ito na nga eh!" naghiwalay na kami at naghanap na ako ng kalaban habang humihikbi-hikbi.
"Nasaan na ba kasi yung kalaba—." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may bumaril sa akin. Shit yari ako nito kay Tan. Mas lalo tuloy akong napa-iyak sa takot. "Wahh, bakit mo ako binaril hindi kami pwedeng matalo, mayayari ako kay Tan nit—." I was cut off when.
"I got you." teka ang boses na iyon, dahan-dahan akong lumingon at nang makita ko si Kahn. Dali-dali akong tumakbo papalayo, "Wahh!!!" sigaw ko ng habulin niya ako.
"Hey, you're not going anywhere!" sigaw niya, binilisan ko ang takbo ko pero nararamdaman ko na siya papalapit, galit siya sa akin!
"Got you!" sambit niya ng maabot niya ang braso ko at nangihaharap niya ako sa kanya, panay ang sorry ko. "Sorry Kahn, aalis na ako para hindi mo na makita ang mukha ko, sor—." I was caught off guard when he stopped me using his lips.
His lips!!! Yung labi niya!!! He kissed me!!!
"I said you are not going anywhere, with or without the bet, you're mine." he whisper ng lumayo siya sa akin at ngumiti, teka yung panty ko baka mahulog!
He kissed me. Hindi siya galit? "Paano mo nalaman na nandito ako?" naguguluhan kong sambit.
"We said it." paglingon ko sa gilid namin nakatayo doon si Tan, Hugo na magkahawak ang kamay at ang kuya ko na nakangiti sa tabi nila. Ano? Kasabwat sila!!!
"You're not going anywhere, you're stuck here with me." he said and pulled me close to him. Teka sandali fairytale ba ito, kinikilig ako!!!
"Naalala mo yung wish ko nung nanalo ako sa bet." tumango ako bilang sagot.
"Handa na akong hilingin iyon ngayon, ang wish ko, wag ka nang umalis at manatili ka nalang sa tabi ko habang buhay. Will you marry me, Ms. Masalanta?" Totoo ba ito?! Ahhh!!!
"I do." sagot ko. He chuckled and we kissed.
"I love you, Noe."
"Teka.." lumayo ako sa kanya. "Bakit?" tanong niya.
"Yung panty ko mahuhulog sayo hahaha." we all laugh at my joke and maybe this where our story ends.
"I love you, Kahn!!!"
The Bet ends here, She Knows the Bet.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top