CHAPTER 12


Noe's POV

From Kahn,

May sasabihin ako sayo later, hintayin kitang umuwi.

Kinagat ko ang ibaba ng aking labi at palihim na ngumiti habang binabasa ang text ni Kahn mahal ko sa akin, bakit bigla akong naging excited sa uwian.

"Ma'am, ok ka lang po ba?" tanong ni Noi, kaya bumalik ako sa aking sarili at seryosong mukha bago siy

Hindi pa tapos?! "Wahhh!! Bugger mahal na mahal kita!!!" hindi na ako tumuloy sa table ko at paatras na lumapit sa pinto palabas ng unit, magkakape muna siguro ako.

Paglabas ko ng pinto, bumangga ako sa tanong dadaan, "Ay, sorry." ani ko, at nang marealize ko kung sino ito agad akong tumayo ng tuwid at tiningnan siya gamit ang aking blankong mukha."

"M-Masalanta." nauutal nitong bigkas sa aking apliyedo. "Toledo." tugon ko. Kumunot ang noo ko ng unti-unti siyang namumula, as in sobrang pula bigla ng mukha niya. "Anong nangyayari say—," hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Noe," parang musika sa aking pandinig, limingon ako sa aking likuran at nakita ko si Kahn, sobrang gwapo, yung puso ko nanghihina. Lumapit siya sa akin na tila parang may takot sa kanyang mga mata. Teka bakit may ganun?!

"Kahn." hindi ko mapigilan ang kilig ng tumayo siya sa tabi ko. Tiningnan niya si Toledo na may guhit ng galit sa kanyang napakagandang mga mata. Nanglinunin ko si Toledo namumula pa 'rin ito pero bumusangot siya, "Tabi nga!" mataas ang boses nitong sambit at hinawi ako para makadaan.

Nawalan tuloy ako ng balanse at sinalo ako ni Kahn, nagkalapit ang aming mga mukha, at mas lalo kong napagmasdan ang gwapo nitong mukha. Yung mamula-mula nitong labi, hindi ko namalayan kakatitig ko sa kanya, ay ngumunguso na pala ang labi ko na parang may sarili siyang isip.

"Ahm, dapat ba kitang kiss?" natatawang tanong nito sa akin sabay tingin sa aking labi at ngumisi. Shet ang gwapo! Napahawak tuloy ako sa garter ng aking panty para hindi ito mahulog at agad tumayo ng tuwid pero nakanguso pa rin ako.

"Hindi nagpra-practice kasi akong maging pato, bye, see you later!" ani ko sabay takbo papuntang restroom!

Pagsara ako ng pinto nahagip pa ng mga mata ko ang tumatawang si Kahn. sumandal ako sa likod ng pinto at tinakpan ang aking mukha. "Ahhh!!!" nakakahiya ka Noe!!!

***

Uwian na, mabilis akong bumababa ng building at paglabas ko sa lobby, ang sasakyan agad ni Kahn ang sumalubong sa akin. Ngumiti ako at pinanood siyang bumababa mula sa driver's seat at pinagbuksan ako ng pinto.

Nakita ko ang pagharang niya ng kanyang kamay sa pinto para hindi ako mauntog, at sinara niya ito bago bumalik sa driver's seat. Nakangiti siya at ganun din ako, mas nagiging komportable na akong ngumiti sa company niya.

Siya lang ang nakakagawa nito sa akin maliban kay Tan at sa pamilya ko. "How's your day?" tanong niya ng simulan nang magdrive. "Ok lang naman, natututo naman agad si Noi sa mga tinuturo kong trabaho sa kanya, ok na siya pag iniwan ko siya alam kong kaya niya na yung trabaho k—," natigilan ako, shet nasobrahan ako sa pagchika!

Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Iiwan?" tanong nito, shet!

"Ahh, oo iiwan para pag lumalabas ako kaya niya na asikasuhin si Mr. Soledad," pagpapalusot ko. Tumango-tango siya at tila parang naginhawaan sa aking sagot. Hehe, sorry Kahn, hindi ko pweding sabihin sayo na aalis ako dahil ito lang ang meron ako pagdating ng araw na tapos na ang bet.

"About pala sa text mo ano yung sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya, kasi napapansin kong papalapit na kami sa sakayan ng jeep. Natigilan siya ng ilang saglit, tila nag-iisip bago siya sumagot.

"Ahm, gusto ko sana sabihin na..." tumigil siya pati ang sasakyan sa malapit sa kasakayan ng jeep. Hintay ko siyang magsalita. "Sabihin na?" ani ko. Ano ba yung sasabihin mo Kahn? Dalian mo dahil mag cacause na tayo ng traffic dito pagnagtagal ka pa.

"Na may be..." be? Bebe ka na? Hindi niya matuloy-tuloy yung sasabihin niya, nang may bumusina na na jeep sa likod niya na tila paparada na para kumuha ng pasahero.

"Ano yun Kahn?" nagmamadali kong sambit dahil ayaw kong makaperwisyo ng ibang jeep. Nakaharang kami.

"Na may vacation next week, gusto ko sanang isama ka, I mean kayo ni Tan sa boracay, treat ni Hugo." sambit nito.

Ngumiti ako, vacation kasama siya! Tila naging hugis puso ang mga mata ko. "Sure!"

Ngumiti siya at tumango sa akin, "Ok, see you tomorrow mauna na ako, bye." bumababa na ako ng sasakyan niya at tumango siya na tila may iniisip pa 'rin.

Sumakay ako ng jeep at umalis na din siya, vacation kasama si Kahn, ngayon lang ako mag vavacation! Ang swerte dahil kasama ko pa si Kahn!!! Yes!!!

***

Mabilis lumipas ang mga araw, at ngayon naglalakad na kami ni Tan papasok sa airport. Dala-dala ang mga maleta namin. Dalawang araw lang naman kami kaya hindi malaki ang maleta namin.

"Excited na ako Tan!" first time ko mag vacation sa buong buhay ko! Bonus pa na kasama ko ang three month boyfriend ko sa trip na ito. Tumatalon ang puso ko sa tuwa.

"Ayun sila!" masigla kong sambit at patakbong lumapit sa kanila. Sobrang gwapo nito suot ang puting dresser shirt nito, at itinerno sa earthtone na trouser pants ang gwapo lord! Thank you for the blessing po!

"Hi," bati nito sa akin at nakangiti akong tinulungan sa aking dalang maleta, "Hi," bati ko pabalik, "Tara na!" masiglang sambit ni Hugo at biglang inagaw yung maleta ni Tan sabay takbo. "Hoy! Akin yan!" naghabulan sila papunta sa plane, ngumiti si Kahn at tiningnan ako.

"Tara?" tanong niya akin, napangiti ako lalo at tumango sa kanya, nagulat ako ng abutin niya ang kamay ko at naglakad kaming dalawa na hawak niya ang kamay ko.

Holding hands while walking check!!! Ahhh!!!! Gusto kong magwala at maglupasay sa kilig pero hindi pwede dapat cool ka lang Noe. Ganun lang kami hanggang sa makasakay kami sa plane.

"Noe, dito ka!" tawag sa akin ni Tan at tinuro ang seat sa tabi niya, tumango ako at pupunta na dapat sa kanya ng biglang umupo si Hugo sa seat sa tabi niya, nanlaki ang mga mata niya at hinampas ito sa braso. "What the heck are you doing here!" singhal ni Tan sa kanya.

"Bakit seat ko to eh," sagot ni Hugo at ipinakita ang seat number niya, doon ko tiningnan ang seat number ko at narealize na na 59 si Tan and 61 pala yung aking which means. Tiningnan ko ang seat sa likuran nila at nakaupo na sa 62 si Kahn.

Magkatabi kami sa plane! "Planado ang lahat!" singhal muli ni Tan kay Hugo at hinampas ito ulit sa braso. "Ouch haha." tumatawang sambit ni Hugo. wala akong choice kung hindi umupo sa tabi ni Kahn.

"Sorry, si Hugo lang ang may pakana nito, kung gusto mo palit na lang kami ni Tan ng seat," nahihiyang sambit ni Kahn, "Hindi ok lang," tugon ko at umupo sa tabi niya, hindi pa tapos ang bangayan ng dalawa sa harapan nang lumipad na ang eroplano. Saglit lang naman ang flight namin pero wala pang limang minuto tulog na itong katabi ko.

Bakas sa mukha nito ang pagod, pero gwapo pa 'rin siya. Pinagmasdan ko lang siya at pasimpleng kinukuhanan ng litrato ng biglang bumagsak ang kanyang ulo sa aking balikat.

Nagulat ako ng saglit pero hinayaan ko na lang siya at pinagmasdan ang paghawak niya sa aking kamay. Gusto ko na lang manatili sa panaginip na ito! Pwede bang hindi na matapos ang bet na ito?

***

Mga 2pm na 'rin kami nakarating sa mismong hotel na tutuluyan namin, at isa lang ang masasabi ko. Mayaman nga si Hugo dahil isa sa mamahaling hotel kami nag check-in. And dahil nga medyo pagod pa kami mas pinili na lang muna namin mag pahinga sa mga room at dinner na lang lalabas and bukas na lang kami mag swimming.

After dinner, magkasama na kami sa room ni Tan, at sa tabi ng room namin ay yung kila Kahn and Hugo. "Infairness, this Hugo jerk has a lot of money, this place is expensive." sambit ni Tan habang tinitingnan ang rates ng mga room dito sa hotel.

Tumabi ako sa kanya at tumango, "Oo nga," nakangiti kong sambit, tiningnan niya ako at kunot noo akong tinitingnan. "I know those smiles!" ani nito.

"Huh, anong sinasabi mo dyan." pagmamaang-maangan ko.

"Don't lie to me, ayan o namumula ka na, you look like a tomato right now!"

"Kasi nagholding hands kami ni Kahn papunta sa plane kanina and natulog siya sa braso ko during the whole flight!!! Ahh!!!" nagpagulong-gulong ako sa tabi niya sa sobrang saya.

"Don't get too happy, remember this is just a bet, he's doing this for his own good and you're just taking advantage of it. Which means you're doing the same thing with the Toledo guy, you're both using his weakness to get your own happiness." natigilan ako sa sinabi ni Tan.

That hit me, tama. Makasarili ako and this could hurt Kahn so bad. Pero pumayag naman siya s bet and he's getting money naman after nito. He'll be fine, right?

Napa-isip ako buong gabi dahil sa sinabi ni Tan and kinabukasan, I just choose to seize the moment since malapit na 'rin naman itong matapos.

"Oh, would you look at that." tiningnan ko si Tan ng itaas niya ang suot na sunglasses, nang sundan ko ang tinitingnan niya doon ko nakita sila Hugo at Kahn beachside na pinagkakaguluhan ng mga babae.

Halos tumulo ang laway ko ng makitang topless na katawan ni Kahn, basa na ang dala halatang nagbabad na sa dagat habang hinihintay kami. Kinakausap ni Hugo ang mga girl habang busy lang si Kahn sa pag papatuyo ng buhok sa tabi niay pero pumapayag sila magpapicture yung mga girls.

"Man is such a whore talaga! Come on let's show them we can do it too." nagulat ako ng hilain ni Tan ang suot kong cover up dahilan upang makita ang suot kong two piece na black na may nakabalot lang na small cloth sa hita ko pero medyo see through din. Habang si Tan naman ay naka hot red na two piece at wala itong cover up na kahit ano. Just liberated stuff a girl from Canada does.

Naglakad kami papalapit sa kanila, nakuha namin ang atensyon nila at nakita kong natulala sila sa amin, kaya hindi ko naiwasang ngumisi pero bago pa kami mapalapit sa kanila may humarang na mga foreigner sa amin.

"Hi girls, can we buy you a drink?" dalawang gwapong latino ang kumausap sa amin, "Sur—," hindi natapos ni Tan ang sasabihin ng biglang may humawak sa kamay naming dalawa. "Sorry boys, these ladies have their man already!" may accent na sambit ni Hugo at hinila si Tan palayo sa amin at maharan akong inilayo ni Kahn sa dalawang latino.

"Here," nagulat ako ng ipasuot niya sa akin ang kanyang off white na dresser shirt, na medyo basa pa. Sinuot ko ito at amoy na amoy ko ang pabango niya gamit ito. Hindi niya binitawan ang kamay ko at naglakad lang kaming dalawa sa tabing dagat.

"Sorry, sinabi ko naman sa mga babae kanina na may girlfriend ako, kay Hugo talaga sila nagpapapicture dahil sikat yun nadadamay lang ako kasi naiilang si Hugo na siya lang mag-isa. Don't worry hindi na ako papayag next time." parang napagalitang boyfriend ang mode ni Kahn ngayon at isa lang ang masasabi ko sobrang cute niya.

"Hindi, ano ka ba ok lang." sambit ko, pero halatang nakokonsensya pa 'din siya. "By the way, you always look beautiful but today you look stunning," huy!!! Nagwawala na yung puso ko!!! Enebe!!!

"Mag kayak tayo!" sambit ko para lang maiwasan na sagutin ang papuri niya.

"Sure." sumakay kami sa kayak at hindi na kami nag paassist dahil sabi ni Kahn, kaya niya naman daw. Kinukuhanan niya ako ng picture at ako naman pose ng pose lang dito hanggang sa natawa na lang ako dahil wala akong maisip na pose.

"Ang ganda." sabi ni Kahn, lumapit ako sa kanya para tingnan ang kuha niya, it was a candid shot yung tumatawa nga ako, ang ganda nga ng pagkakakuha. Ito na ata ang favorite picture ko.

Habang tinitingnan ko ang ibang pic, naramdaman kong nakatingin siya sa akin, kaya nang tingnan ko siya natigilan ako. Ito na ba iyon?! Ito na ba ang first kiss namin? Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.

Ito na nga iyon, ready na akong matanggap ang first kiss ko ng bigla kong narinig yung sinabi ni Tan.

"Remember this is just a bet."

Bigla akong natauhan, at pagmulat ng mga mata ko sobrang lapit na ni Kahn kaya nagulat ako at napatayo, hindi ako nakapag-isip ng maayos kaya nawalan ng balanse ang kayak na sinasakyan namin.

At bigla itong tumaob, nahulog ako sa tubig at ganun din si Kahn. para akong sinampal ang dagat sa katotohanan na hindi nga pala ito panghabang buhay, na malapit na palang matapos ang bet at malapit na akong umalis. Hindi pala ito pangmatagalan na relasyon.

Pero nahuhulog na ako ng sobra, bakit ang sakit? Bakit ganito? Akala ko ba planado ko na ang lahat?

Umagat ako sa tubig at ganun din si Kahn, nagkatinginan kami at tumawa ako, kaya tumawa nalang din siya, sa pagtawa ko ay kasabay nito ang pagtulo ng luha ako. Buti nalang basa na kami kaya hindi ito kita.

"Hahaha!!!" ang sakit pala nito.

Malapit na pala itong matapos. "Hey, anong ginagawa niyo?" napalingon kami kila Hugo at Tan na nakatayo, mababaw lang pala itong pinagbagsakan namin. Lumapit sa aking si Tan at hinila ang braso ko patayo. Shit hanggang bewang lang pala namin ito.

Mas lalong lumakas ang tawanan namin ni Kahn sa isat-isa pero napansin ni Tan ang luha ko kaya agad niya akong hinila paaahon sa dagat. "Mabilis siyang magkasakit, kaya magpapalit muna kami ng damit." sambit nito at hinla ako pabalik sa hotel.

Pagpasok namin sa room namin, niyakap niya ako ng mapaupo ako sa likod ng pinto.

"I know this is a Bet, pero bakit ang sakit Tan, ang sakit pala." I know this is Bet, ako ang naglalaro ng bet pero bakit parang matatalo ako? a tiningnan. "Oo, ikaw ok ka lang ba?" tanong ko pabalik at umayos ng upo. Naguguluhan niyang tinuro ang sarili, "Po? Ako po?" tanong niya.

"Oo mukhang hindi ka ok, pagod ka ba?" seryoso kong sambit, habang inaayos na ang report na natapos namin, at paglingon ko sa kanya, nagulat ako ng mangilid ang mga luha niya. "Ma'am, ngayon lang po may nagtanong sa akin kung ok lang ako, kasi sa totoo lang po hindi ako ok kasi namatay yung alaga kong lamok, si Bugger huhu," Ano!!! Alagang ano? Tama ba pagkakarinig ko?

Kinuha niya ang panyo ko at malakas na suminga ng sipon doon, hindi ako nakakilos sa gulat sa pangyayari, pero tama ba alagang lamok? Sinong nag-aalaga sa lamok?! "Feeling ko po kasi ang ikinamatay niya ay depression huhu," ani nito at hinubad pa ang malakapal na salamin at nagpatuloy sa pag-iyak.

Inaabot niya pabalik sa akin yung panyo ko, pero hindi ko na ito tinggap, "Sige sayo na 'yan, condolence, hayaan muna kita dyan, ako na ang magpapasa nito. Iyak mo lang yan." sambit ko.

"Maraming salamat ma'am, sobrang bigat lang kasi sa pakiramdam yung inalagaan mo siya ng tatlong araw tapos madedepress lang siya, kung alam ko lang sana hinanapan ko siya ng kasama huhu," hindi ko na hinintay matapos ang sasabihin niya at dahan-dahan nang dumiretso sa office ni Boss Bingo.

"Ito yung report for this month na hinihintay niyo, at nandyan na din yung SALN mo." seryoso kong sambit at lalabas na sana ako ng magsalita ito. "Miss Masalanta, sigurado ko na bang aalis ka? Hindi na ba magbabago ang isip mo, gusto mo ikaw na ang umupo sa office at ako na sa table mo mapabago ko lang ang isip mo." muling pagpipilit ni Boss Bingo.

Hinarap ko siya, "Hindi na po magbabago ang isip ko." diretso kong sambit at ngumiti sa kanya, nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at nahulog pa siya sa upuan niya dahil sa ginawa ko.

"Totoo ba ang nakita ko nananaginip lang ako? Ngumiti ba si Masalanta sa akin?!" gulat nitong sambit sa sarili, hindi ko na siya pinansin at bumalik na sa labas, papalapit ako sa table ko ng makita kong lumalakas ang pag iyak ni Noi. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top