Kamatayan
Prologue:
Binaril ang aking mga magulang yun ang huli kong mga ala-ala tungkol sa kanila. Hindi ko alam kung bakit sila pinatay at hindi ko din alam kung ano klaseng buhay ang meron kami. Nun nawala sila akala ko ako na ang susunod pero dumating siya. Binaril niya sa ulo ung pumatay sa mga magulang ko. Isang lalaki ngayon ko lang nakita. Tinignan niya ako at sinabi sa akin "Gusto mo ba mabuhay?" Hindi ako makasagot ng maayos, pero pinilit ko magsalita. "Gusto ko maging malakas." Ito ang aking sinagot, ngumiti ang lalaki. "Kung gusto mo mabuhay at maging malakas, dapat mamatay ka muna." Ipinunto niya ang baril niya sa akin. At pinutok niya ang baril, bago ako mawala ng malay ang huli kong narinig sa bibig niya ay. "Mula ngayon ikaw ang aking anak na si Noel Samarita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top