Bagong simula

Chapter 1:

10 years na ang nakakalipas, nung ako ay namatay, at muling nabuhay bilang si Noel Samarita.

Ang aking bagong ama ay si former Major Daniel Samarita, siya ay isang mercenary ngayon. Sa buong 10 years na nakasama ko siya, dinala niya ako sa iba't ibang bahagi ng mundo, na may patayan at labanan.

Tinuroan niya ako kung paano mabuhay sa mundo na iyon. Binagyan niya ako ng tatlong rules na kailangan gawin.

1. Bumaril bago mag-isip.

2. Pumatay bago mamatay.

3. Mabuhay hanggang sa huli. Ang nabubuhay sa huli ang tunay na malakas.

Madami na ako napatay. At ilan beses na ako nabuhay sa laban. Ganoon pa man, hindi ko maramdaman na ako'y lumakas.

Ito ay isang kwento kung paano ko nalaman ang tunay na lakas.

Ang aking ama ay napilitan tumigal sa paglalakbay dahil sa kanyang mga injury. Hindi na niya maigalaw ang ibang parte ng katawan niya. Pepwede pa naman siya magtrabaho, sa isang desk job. Pero ang aking ama ay sundalo na matagal na nabuhay sa digmaan. Hindi na niya kaya magtrabaho sa isang desk job.

Napilitan kami na bumalik sa Pilipinas, may mga business ang aking ama. Ako naman ay kinailangan mag-aral muli. Ako ay 17 years old, na may height na 172 cm, na may hair color na black, typical para sa isang asian. Ako dumaan sa iba't ibang delakadong parte ng mundo. ngunit habang nan doon ako, di ako napigilan mag-aral.

Ako ay home schooled at nag graduate ng high school with a Dep Ed approved diploma.

"Dad, kailangan ko ba, talaga mag-aral?"

"Anak alam ko tinuro ko, sa iyo ang paraan, kung paano mabuhay sa isang laban. Pero kailangan mo din matuto sa normal na mundo."

"Bakit?"

"Nung inampon kita, I promised to make you strong. kulang pa ang iyong kaalaman para maging tunay na malakas."

"Hindi ko maintindihan." Tinignan ko ang ama ko naguguluhan, sa mga sinabi niya. Nag buntong hininga ang aking ama.

"Sige, pinilitan mo ako gawin ito. Noel Samarita, I' am giving you a new mission."

Nung narinig ko ang salitnag mission, may nag trigger sa utak ko. Dun ko sineryoso pakinggang ang aking ama. Sinagot ko siya firmly,

"Sir! Yes Sir!" Sinaludo ko siya.

"This is your new mission. Go to school, pick one female classmate, and protect her, until both of you graduate."

"Will anyone do?"

"As long as she is female and a classmate of yours in any class."

"Understood."

"So saan mo gusto mag-aral?"

"kahit saan, pero kung pwede, dapat malapit lang dito sa bahay. Ito ay para magawa ko ng maayos ang aking bodyguard mission."

"Oo nga pala Noel, wag mo takutin ang iyong target. Bawal din pumatay, pero pag pakiramdam mo mamatay ka sa sitwasyon na iyon pag hindi ka pumatay, pumatay ka. In short last resort dapat ang desisyon pumatay. Di din dapat malaman ng target mo na inutusan ka protectahan siya."

"So bawal magdala ng baril? O hunting knife?"

"Hmm, sige pwede siguro magdala ng handgun at maliit na balisong. Dapat di ito makita na dala-dala mo. Pag nahuli ka ng police, wag mo patayin, ako na kakausap."

"Affirmative."

"So balik tayo sa usapan kanina. Saan mo gusto mag-aral?"

"Sinabi ko na ang aking preference. Basta malapit siya sa bahay, Pwede na sa akin kahit saan."

"Sige ipapasok kita sa isang bagong college dito sa Antipolo."

"Understood."

Pagkatapos ng aking ama mag salita, dumeretsyo ako sa kwarto ko.

Madami akong dapat ihanda para sa mission na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top