20
Chapter twenty: Luke
"What brings you here?" Tanong nito sa akin. Hindi ko nalang namalayan at kumuyom ang mga kamao ko at ready na siyang suntukin. Napansin yun ni Enzo kaya hinawakan niya ito, tumingin ako sa gawi niya.
"Control your emotions." He mouthed.
"What you're gonna hit me? Go ahead, alam ko ang pakay mo Hendrix. Baka hindi mo makuha ang gusto mo kung ganon." Umirap sa akin si Shivani at akmang isasara na ang pinto ngunit may narinig kaming yabag ng tao na papalapit sa amin.
"Who is it, tita?" We heard a voice from a little boy. He's probably about 8 years old, and I can tell that he's scared, and lonely.
"Oh well, seems like it's too late to back out. Come in." Pinapasok na kami ni Shivani at nagtago naman sa likod niya yung bata.
"Luke this is Ravenna, your ate." Pagpapakilala niya sa akin. Luke walked towards me before giving me hug, nagulat pa nga ako kasi akala ko tatalikuran niya ako at hindi kikilalanin bilang ate.
We stayed like that for minutes until I heard his small sobs. Umiiyak na siya, "H-hey, why are you crying?" Tanong ko, I'm not really good with children. Oo mayroon akong mas bata na kapatid pa sa akin pero malaki na siya, she's already in a legal age, pero ito he's still a kid.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil mas lumakas na ang iyak niya, tiningnan ko si Shivani pero nandoon na siya sa sala lumalaklak ng alak. Tsk, ito ba ang ipinapakita niya sa bata? Anong klaseng pagpapalaki yan?
"Mom left... me... when I was still baby. Dad also left... when I was baby..." He said with sobs in between his sobs. Aww, poor boy. I hate to tell him this, but they both are dead.
"But tita Shivani said that they dead now," Nangunot ang noo ko at tiningnan si Shivani na nakatingin na din sa akin, this girl really had to tell my brother the sensitive topic. He's to young to know that.
"But, mom used to tell me that I have ate's. And you are ate." Niyakap niya ko ulit kaya napangiti nalang ako.
"Okay reunion time is over," Tumayo si Shivani at pinaghiwalay na kami ni Luke, biglang umiyak ulit yung bata ng malakas. Tinulaka ako palabas ni Shivani dahilan para matumba ako sa labas ng apartment nila.
Naginit naman ang ulo ni Enzo at biglang sinampal si Shivani, nakita ko si Luke na napaiwas ng tingin at tila takot na takot.
Bumalik ako sa loob at binuhat siya palabas, "Luke I want you to close your eyes and cover your ears and count to 20." Utos ko at tumango tango siya.
Pumasok ako sa loob.
"This was your plan huh, to get him and out of this country. Hindi ito yung gusto ng kapatid ko," I have no time to listen to her nonsense. Naglabas na ko ng baril at binaril ang paa niya. Sinuntok naman siya ni Enzo bago namin iwanan sa loob.
Pagkalabas ko nagbibilang pa din siya. "19, 20." He opened his eyes slowly at ngumiti naman nang makita ako.
Hinawakan ko siya sa kamay at nagsimulang maglakad na.
"Ate who is that?" Turo niya kay Enzo, I smiled before carrying him.
"This is kuya Enzo," sabi ko at ibinigay yung bata kay Enzo. Yumakap si Luke sa leeg nito. "He's my--" Di ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Enzo.
"I'm your ate's future boyfriend. Do you think that she will love me too?" Tanong nito sa bata, umiling nalang ako. Kung ano ano pa ang sasabihin nito sa bata, pustahan tayo.
"Love? Just like what my dad told mom, love. What does it mean?" Tanong ni Luke. Just by observing him and his vocubalary I could tell that he's a curious kid, and a smart one. Just like me, ready to explore new things and risk things just to have fun.
But I don't want him to be like me, to be abuse by his own parents or guardians just to be strong. I want him to learn to be strong, not forced to be one.
"Love can be defined as an intense feeling of affection with no limits or conditions for a person." Ang lalim naman ng sagot niya sa bata. Para namang maiintindihan yun ni Luke.
"I want to feel love! Ate! Have you experienced love before?" Masigla niyang tugon sa akin, I smiled bitterly.
"Yes," Umayos siya sa pagkaka-karga sa kanya ni Enzo at parang sinasabihan ako na magkwento. "I've experienced it two times, but it led into a complicated matter. And you're too young for that." Sabi ko bago kurotin ang pisngi niya. Hinawakan ni Luke yung pisngi niya na nakurot, pipisilin ko pa sana ulit yung pisngi pero tinapik na ni Enzo yung kamay ko.
"Stop that, you might make him cry."
"Luke, can you speak your foreign language?" Tanong ko, ang hirap kasi ng puro english. I feel like my nose is going to bleed any minute now.
"Nihongo?" Tanong nito, at umiling kami parehas ni Enzo. "What language ate? I want to learn new language!" Sabi nito, ang hyper niya grabe. Kuhang kuha yung dating personality ko when I was his age.
"It's where your mom grew up, Philippines. The language is called Tagalog."
"Tagalog?" He said in a weird accent, he moved his head as if he's figuring out what that is.
I smiled as an answer, nakarating kami sa isang 5 star hotel na ako nagbayad, yes ako nagb ayad dahil may salary na din ako kahit pachill-chill lang ako. Nakatulog na din si Luke sa pagkabuhat sa kanya ni Enzo.
Nakarating kami sa room namin at inilagay ni Enzo si Luke sa gitna ng kama, napansin kong isa lang ang kama doon kaya parang naiilang siya.
"Kaya kong hindi matulog, ikaw nalang ang matulog katabi siya." Sabi niya bago lumabas papunta sa balcony. Sinundan ko naman siya doon, "Ano pang ginagawa mo dito? Sabi ko ikaw na ang matulog doon."
"We can sleep in the same bed, besides nasa gitna naman si Luke." I sighed and felt the fresh air here in Sapporo. First time ko lang dito, ang mga napuntahan ko palang kasi Tokyo at Osaka.
Kumunot noo ko nang marinig kong umiyak si Luke, "Ate?"
Agad akong lumapit sa kanya at pinunasan, "Why are you crying?" Tinanggal ko ang nakaharang na buhok sa mata niya.
"I thought you leave me again," Inayos ko yung higaan niya at nakita kong pumasok na din si Enzo sa loob at isinara ang sliding door.
"We're going to be together everyday, so don't worry we're going to stay beside you and protect you always." Tumabi na si Enzo sa kanya at tinapik tapik na sa hita. "Consider us your stand in mother and fathers."
"Wait, mother and fathers are husband and wifes? Kuya Enzo has to be a good husband to you ate." Natawa nalang ako, bata bata pa pero alam na yung tungkol sa asawang mga ganon.
"Yes, Luke. I will be a good husband to your ate."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top