15
Chapter fifteen: Operation save them
Currently nasa chopper na kami, naglalagay kami dito ng bomba, at kung ano ano pa laban sa kay Austin at sa kung sino man ang makakalaban pa namin.
"The ride there is 4 hours if there is air turbulance, but if there's none an hour and a half could do the trick." Sabi ni Jesse habang may pinipindot sa pilots area.
I was silent, nagsimula nang umangat ang chopper at nakatitig lang ako sa kawalan.
Naramdaman ko ang hawak sa akin ni Enzo, as usual titig na titig siya sa akin. Tumango ako sa kanya, kakayanin ko to. Isang Hendrix inurungan ang isang laban? No way in hell that it's going to happen.
"No sign of any turbulance, this may be a smooth ride." Jesse.
Naramdaman kong sumakit ulo ko kaya napahawak ako doon, agad naman yun napansin ni Enzo at hinawakan ang ulo ko kung nabinat ako or kung ano na ang nangyayari sa akin.
"We can still turn around, darling." Nagaalala na ang boses niya, he was about to say something to Jesse pero hinila ko siya pabalik sa kinauupuan namin.
"We can't let them die, Enzo. Kung hindi niyo ako sasamahan okay lang, magswiswimming nalang ako hanggat sa makarating ako sa isla na yon." Sabi ko at akmang tatalon pero sumigaw silang lahat.
"Baka!" Sigaw nilang tatlo.
"You're seriously gonna jump? Sobrang taas na nating ngayon, at sa tubig ka pa babagsak? Did you know that it is much more dangerous to land in water when you're coming from a very high impact?!" Pagsesermon ni Enzo.
I sighed as a sign of defeat, sige ikaw na panalo.
"That's right darling." Hindi ko na siya sinagot at inilagay ang ulo ko sa balikat niya.
"If I'm going to be honest, I'm already tired." Sabi ko habang nakapikit na ang mga mata ko.
"Then I'll be the one to fight for you."
"But, seeing you here with me gives me the energy to fight back."
Umirap si Saya at umiwas naman ng tingin si Maverick, mga bitter.
"Get a room you two." Maverick.
"Ako nalang tatalon, Okazaki. At please, lagyan muna ng label bago harutan. Nakakaumay eh." Kahit kailan talaga napaka maldita din nitong si Saya.
I didn't bother to entertain them, kailangan ko lang talaga maghapit ng energy.
Nakatulog ako.
Nagising ako dahil narinig ko ang mga barilan, hala! Hindi na ba ako kasali sa bakbakan? Ang tanga mo naman, Ravenna. Bakit ka ba kasi natulog? Ang tanga naman talaga oh.
Pagkatingin ko sa tabi ko nandoon pa rin si Enzo, pero nakahanda na ang mga bala at baril niya sa kamay niya.
"We're near." Sabi ni Jesse na tuluyang nangising sa diwa ko.
"Saya, bring out the ladder. Ikaw na ang sumabit at maglaglag ng smoke grenade sa mismong laban. Para walang makakilala sa atin." Utos ni Enzo at tumango naman si Saya. Nilingon ko ang isla na puno na ng sira.
I saw everyone, pero halatang hinang hina na sila. I saw him, after almost 2 months I finally saw him.
"Faster!" Sigaw ko. "They're gonna die if we don't move faster!"
Ibinato na ni Saya ang smoke grenade at agad nagtaka ang mga tao sa isla.
Bumaba na ang chopper at blinded na silang lahat. Let's go Ravenna! You can fucking do this.
"Stay right beside me." Utos ni Enzo at hindi naman ako makakapalag sa gusto niya. Kaya susunod nalang ako sa kanya.
I punched the guy coming straight at us before pulling the trigger of my gun. I saw blood that splattered all over my black suit, god that feels good.
I saw men aiming straight at me but I dodged the bullet. Bobo! Agad ko siyang sinikmuraan bago barilin sa puso.
Nakita kong si Kaede na nakaupo na sa sahig, agad kong binaril ang taong papunta sa kanya bago siya alalayan patayo.
Agad akong umalis sa tabi niya dahil baka maamoy niya ang scent ko, malakas pa naman ang pangamoy non.
May nabunggo akong tao, I was about to shoot the guy in the head pero natigilan ako nang mapagtanto ko kung sino yon.
Cassian.
Nakatitig lang siya sa akin, pero I'm sure hindi niya ako makikilala. May buglang humila nalang sa akin paalis sa tabi niya. Doon ako nabalik sa realidad at nakipag suntukan na.
Hingal na hingal na ako, at lumapit na ako sa chopper. I'm contented. Unang pumasok si Jesse, sunod si Saya, maverick at Enzo.
"Ako na sasabit." Sabi ko at tumango naman siya.
Nawawala na kasi yung usok kaya hindi na kami pwede tumambay doon.
The chopper went up at saktong nawala na lahat ng usok. Nakita ko lahat ng reaction nila, gulat, takot, at pagtataka. Halo halo na ang mga emosyong ipinipinta nila sa mga mukha nila.
Napansin kong napatingin sa akin ang lahat, including him.
I did nothing but wave, may nakita pa akong sinabi ni Austin dahil sa pag galaw ng kanyang labi. Pero hindi ko yun narinig, napansin naman ni Kaede na may bangka doon sa gilid kaya madali silang pumunta doon.
Umakyat na ako ng tuluyan sa loob ng chopper but I saw Kaede raised up her middle finger. Natawa ako sa kanya. Kahit kailan talaga hindi siya magpapasindak.
"Fuck you Austin!" Sobrang lakas ng sigaw niya at narinig ko pa sa itaas. Wow, nothing has changed. She's still the Kaede herself.
I took off my mask and Enzo saw the happy side of myself.
I'm so happy because I now know that the five of them are saved but at the same time it makes me wonder. Sino yung isang babae sa kanila? She's about the age of Kaelyn my half sister, and she's smaller than me. May kapalit na pala sila huh.
"You're smiling, darling. You are this satisfied?"
Tumango ako bago ngumiti ulit ng napaka tamis. "They are now safe."
"But you should not expect that this kind of scenario will not happen again." Singit ni Maverick.
"He's right, what if you're busy with the agency, and they are in danger. We can't afford to travel to the Philippines back to Japan. It's hard to make that kind of effort especially when you got too many responsibilities that you can't even prioritize." Sabi ni Saya at natamaan naman ako doon.
I will promise to myself that this is the last time I'm going to save their ass.
Nakabalik na kami sa Japan at dumiretso kami ni Enzo sa unit ko.
"Dito ka na ba titira?" Tanong ko dahil lagi na siyang dito kumakain at natutulog.
"Can I live here?" Tanong naman niya, aish! Diba ang yaman naman niya? Bakit hindi nalang siya bumili ng sariling unit?
But yet I can't refuse to him, "Sure. Pero magiging masikip tayo dito," palusot ko incase na magbago isip niya.
"Then I'll buy us a new unit, a big one with two floors. I'll settle it tomorrow and the following day we'll move out of here."
Tumango nalang ako sa kanya bago pumasok sa cr, magbababad ako ngayon dito dahil pagod na ako.
Daig pa namin ang mga mag-jowang hindi naka live in. Kami pa talaga ang naging mag live in partners. Literal na partners kasi he's my partner in the agency.
Bumalik sa isip ko ang pagkikita namin ni Cassian.
It's weird, because I looked into his eyes... And felt nothing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top