08

Chapter eight: Task


Biglang nainis ang itsura ni Enzo at akmang hahatakin na ko palabas ng bahay pero biglang dumating ang dad niya. Ano ba sinabi ng mom niya at ganyan siya magreact?


"Son! Welcome home," tumingin saakin ang dad niya bago ngumiti. "Ravenna, how lovely to see you again. I'm assuming that you two are back together?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad umiling. Ngumiti naman si Enzo ng alanganin. 


"Soon to be together palang dad, kinukuha ko pa ulit ang tiwala niya." Inakbayan niya ako kaya ngumiti nalang ako, halata naman pilit yung ngiti ko pero kailangan maging maayos impression sa akin ng parents niya dahil alam kong pwede akong patayin ng dalawang to. 


"Getting her trust? Enzo dear diba siya yung may ayaw sayo? And yet again you are the one chasing her, honey. You could've pick anyone else to be your partner. Sure she's pretty, hot, smart, and perfect to be an Okazaki, but Enzo you should reconsider because of your past." Singit ng mom niya, tumalikod na siya at naunang maglakad papunta sa kabila direksyon. 


What does she mean na perfect ako maging Okazaki? Oh my fucking-- Enzo is planning on marrying me. Gagamitin niya ako para sa rights niya! Hindi naman sa ayaw ko pero-- NO AYAW KO! Ano ba tong iniisip mo, Ravenna? Napaka-assumera mo talaga, hindi ka niyan papakasalan. Yes you two can fool each other but this, no no no. 


Lumingon ulit ang mom niya kay Enzo na tila may hinihintay na sagot, "Mom, my decision is final. She is my partner, and no one would replace her." Seryosong sagot ni Enzo sa mommy niya. Kung ako yan baka namumutla na ako, yung power and aura kasi ni Mrs. Okazaki nakakatakot. 


His mom glared at him before stepping in front of me, halos 2 feet lang ang layo namin ang isa't isa, agad akong nakaramdam ng takot kaya napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Enzo. 


Napansin naman ni Enzo yon kaya hinawi niya ako at inilagay sa likod niya, para akong batang nagtatago sa likod niya ngayon.


"I know what runs in your mind, mom. Whatever it is, don't do it. I am telling you, I don't give a damn about my right if the girl that I love will be in danger." Natigilan kaming tatlo ng mom and dad niya sa sinabi niya. Kailangan niya pa ba talaga sabihin yung girl that I love? 


"Love? So it's true, you're still hung up to your ex. Pathetic, Enzo." May ibinulong pa ang mommy niya pero di ko na narinig dahil hinila na ako ni Enzo paakyat ng hagdan. Dinala niya ako sa kwarto niya. 


At nagulat ako nang makita ko ang old pictures namin noong highschool, nandoon yung intrams namin, prom night, at iba't iba pang stolen pictures namin parehas. 


Ganon ata ako kasaya noon, kaunti lang ang problema at masaya pa ako. 


"Bakit puro stolen yung pictures?" Tanong ko. 


"I actually made this room for us, pero hindi kita nadala dito kasi nakipagbreak ka diba?" He smiled bitterly, "but I asked some of our other friends back then to capture every moment with you. Kasi alam kong babalik at babalik ako dito, sa Japan."  


"But then again, my selfishness kicked in and I left you here. I'm a fucking idiot, and I don't know why but why did I even leave you. Perfect ka na eh, kaso lang bobo pa ko magisip noon." Maiiyak na ata ako pero hinawakan niya ang pisngi ko. 


"Please don't cry, I hate seeing you cry, darling." Niyakap niya ako ng mahigpit, somehow I felt secured. Pero ito rin sinabi ko sa naramdaman ko kay Cassian eh!


Nagflashback saakin ang sinabi ng mommy ko gabing bago siya umalis ng walang paalam when I was just 9 years old. 


"Anak, remember everything that I told you. Mom really loves you so much, and if there's anything I can do to forgive me in the future, I will do whatever it takes to make you forgive me." 


Kumunot noo ko, "yes, mommy! And also what do you mean forgive? You didn't do anything bad." 


"One day you'll understand, and also, one day you'll pick the right person when it comes to love. You may have choices, but please pick a man that you're really sure with. I don't want you to make the same mistake I did." 


I think this is what she meant, choices. Sino ba ang mas maayos, Cassian or Enzo? Tangina hirap pumili. 


Wait, bakit ba ako pumipili? Ano ba tong pumapasok sa isip ko at pumipili na ko ngayon, sure ba ako na mahal pa rin ako ni Cassian? O baka naman may iba na yung hayop na yon. 


"Darling?" Bumalik ako sa diwa ko nang pitikin ni Enzo tenga ko. "Spacing out, for the third down today. What's wrong?" 


Umiling nalang ako dahil wala namang saysay yung tumatakbo sa isip ko kanina, umupo ako sa kama niya. 


Sumunod naman siya at tumabi sa gilid ko, inayos niya yung buhok ko, tinirintas niya. 


"I like your hair like this, can you keep it like that?" 


"Ayoko nga!" 


He laughed, "Mas gumaganda ka kapag nakikita ko ng maayos mukha mo, hindi yung lagi mo nalang tinatago yung napaka ganda mong mata." 


Namula ako sa pagkakasabi niya non, it's just a compliment Ravenna. Wag ka sana maging pulang kamatis, nakakahiya kay Enzo. 


May kumatok sa pinto, "What is it?!" Tanong ni Enzo. 


"Young master, dinner is ready." 


"Coming!" 


Bumaba na kami at naupo sa lamesa, katabi ko si Enzo at nasa tapat ko ang dad niya. 


"So let's discuss you two's task in dinner. Para killed two birds with one stone tayo." Sabi ng dad niya bago ngumiti. 


"The task is simple, execute all our agents in Yokohama." Casual na sabi ng mom niya. Bakit execute? Eh diba ka-team din namin yon, at kabilang sa amin? 


Nangunot ang noo ni Enzo bago kumontra, "What?! Why?" Parang konti nalang magtratransform na sa apoy tong si Enzo dahil sa itsura niya ngayon. 


"We've recently found out that they are going behind our backs and selling our precious weapons without us knowing. I wan't you to kill those agents involved, and track the weapons using our tracker in the underground and kill the people who bought the weapons. Easy peasy." Mataray na sabi ng mom niya. 


"Or maybe this task is too hard for Ravenna? You know, you could just simply leave." 


"Yamete, kanojo no haikei o mita no? Kanojo wa hijō ni ōku no hito o koroshi, rīdādeshita." Suway ng asawa niya. 


Translation: Stop, didn't you saw her background. She killed so many people, and she was a leader.


"I don't care, alam mo. Ako naman ang may hawak ng agency, ipapatanggal ko nalang siya--" 


"You can't" putol ni Enzo.


"Why?" Tanong ng mom niya.


"Commandments, page 567 paragraph 7." Seryosong saad ni Enzo.


"And what's that?" Mataray na tanong ng mom niya. 


"You can't, because she's my fiance."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top