07
Chapter seven: His parents
Tahimik lang ako dito sa office habang inoobserbahan si Enzo, di ko maitatanggi ang gwapo niya naman talaga.
"Darling please stop staring, baka hindi ko mapigilan sarili ko bigla nalang kita halikan dyan." Nginitian niya ako pero inirapan ko lang siya.
"Ano ba ang una nating misyon? Kung wala naman uuwi na ako para matulog." Iritang sabi ko, pano kasi sinabi niya maguusap daw kami pero wala namang naganap na usapan, he just sat there and started reading the documents.
"Chill ka kasi muna dyaan, hinahanap ko pa kasi yung document. And also pinapatawag tayo ng oya ko." Sabi niya habang nagta-type sa laptop niya.
Oya?
"What does oya mean?"
"Parents." Pagkasabi niya non lumipad na ang utak ko sa kawalan.
His parents are profesionals, strict and proper. Baka mahiya lang ako, lalo na't alam nila ang pangalan ko bilang ex niya.
"No." Sabi ko na ikinataka naman niya.
"What do you mean no? Ibibigay na nila ang unang misyon natin."
"Eh, di mo ba inisip kung ano ang sasabihin nila sa akin? Ex mo ko, Enzo. At alam nila yon, kaya please pwede ba na ikaw nalang humarap sa kanila? Di ko kasi talaga kaya."
Tumawa siya bago lumapit sa akin, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko bago ako halikan sa noo.
"Darling, you have me. And besides wala silang gagawin sayo, kasi kung mayroon ready na akong umalis dito para lang sayo. Para sa atin."
Para sa akin? Para sa amin? Ano ba nangyayari sa akin? Some part of me felt butterflies pero naiilang ako. Ito nanaman tayo Enzo, making promises that are meant to be broken. Ayaw ko na umasa, please. Baka ikaw nanaman ang dahilan ng sakit na iiyakan ko magdamag.
Napaisip ako, both of the breakups I experienced was all about us can't be together.
I broke up with Enzo kasi hindi kami pwede magkasama, parehas naming minahal ang isa't isa ang kaso lang, his life is in Japan. And my life is in the hands of my father back then. Cassian on the other hand, dad approves of him we were already perfect for each other but we were forced to leave each other.
Which one is most painful? Neither, because both is equivalent to a bullet hitting me or knives stabbing me in the back.
"If I know you, you're probably thinking what I meant for us." Sa pagkasabi niya non naalimpugatan ako.
"You know me too well then."
"I mean everything, darling. Mahal pa din kita, hindi na yun magbabago." Hinila niya ako pa taas at nagpahila naman ako, binuhat niya ako at inupo sa desk niya. Magkalevel na kami ngayon. Pano kasi ang tangkad din neto.
"Look at me darling." Pagkasabi ko non nahihiyang tiningnan ko siya. Ganito ba siya ka gwapo? Natulala ako sa kanya, to me his eyes are like a heart capturer. Binihag na ata ako ng mga tingin niya, he smiled at me. Dagdag mo pa yung ngiti niya, shet! I can't be in love with him.
Pero yun din ang sinabi ko sa sarili ko noon eh, sinabi ko na bawal akong mahulog sa isang lalaki dahil ako ang tagapag-mana ng companya. Pero wala, I fell because of everything about him. Ngayon, mukhang ang pangako ko sa sarili ko ay masisira muli.
Dahil sa simpleng ganito niya, ay parang unti unti akong natutunaw, at nagiging mahina dahil sa kanya.
Ilang araw pa lang tayo nagkita at ito ako, tinatanong na ang sarili ko sa nararamdaman ko. Kasalanan mo to Enzo, hinuhulog mo ako ulit sa iyo.
"Watashi wa, anata o aishiteimasu." Kahit hindi ko alam ang ibig sabihin ng sinabi niya malakas ang kutob ko na sinabihan niya ako ng 'I love you.'
Nagslowmo ang paligid at tila kaming dalawa nalang ang natitira sa buong mundo.
He kissed me.
I didn't respond to his kiss, but his lips felt really warm.
Lahat ng problema na dinadala ko ngayon parang nawala, at ang nasa isip ko lang ngayon ay ang taong nasa harap ko.
Humiwalay siya sa pagkakahalik sa akin, at nagtitigan lang kaming dalawa. How the fuck are we gonna strike a conversation kung ginawa niyang awkward ang atmosphere? Wala na akong pake sa consequence, I pulled him back to me and place my hand on his nape before giving him a quick kiss.
I smiled at him kasi nagulat siya sarili kong ginawa, ako din nagulat kaya we're on the same level here.
"You're not mad?" Basag niya sa katahimikan.
"Why would I be mad?"
"Well lagi mong binabanggit na di ka pa rin over doon sa ex mo, pero hinalikan kita. Hindi ba labag sa kalooban mo yon?"
I laughed before getting off the table, "would I kiss you again if I'm mad?" I smirked before kissing his cheeks and again he turned red.
"Labas muna ako, darling. Call me kung pupunta na tayo sa parents mo." I waved my hand before putting a code in the door. It opened at ang nakita ko ang tatlong mga bugok.
"29 minutes! Galing talaga ni Agent Okazaki," umapir si Maverick kay Jesse si Saya naman ay umiling nalang.
"What were you guys doing there?" Tanong ni Jesse.
"What do you think, dimwit? Of course we talked about being an agent here and about this job."
They all looked at me not convinced, "If it's about your job what's with all the darling?" Tanong ni Saya dahilan para mamula ako.
"A-ah, Wala lang yun. Sige na alis muna ako saglit, pasabi nalang kay Enzo pag hinanap ako na umuwi ako sa unit ko para magpalit ng damit. Okay bye." Sunod sunod kong sabi.
Hay naku Ravenna! Ano nanaman tong ginawa mo, you're leading Enzo on, tapos hindi mo naman paninindigan! Kalagitnaan ng pagiisip ko, isa lang ang napagtanto ko. Hindi ko suot yung mask na ibinigay saakin ni Enzo.
Alam ko ibinigay niya yon dahil may rason. I ran as fast as I could because I could sense some persons looking at me. Nang makarating ako sa unit ko agad ako nagpalit ng black dress that ends above my knees, I partnered it with black boots.
Biglang umilaw ang phone ko at tinignan ko yun.
From: Enzo
You forgot your mask, I told you to wear it when going out. Baka may pumatay sayo sa labas ng wala ako. Be quick, and wear another mask I left a whole pack there at your kitchen. Be here in 15. Be careful darling, I love u!
Umiling nalang ako sa sarili kong nabasa.
Bumalik na ko sa undergrouond at nakita ko si Enzo na naka semi formal, perfect pala ang isinuot ko.
"Follow me." Sabi niya bago hawakan ang kamay ko. Kinaladkad niya ako papunta sa kotse niya, Lexus LC500 Convertible. Yayamanin!
He opened the door for me, naks gentle man ang peg.
"It's a 3 hour drive, so you can still sleep darling. Or do anything."
Umiling nalang ako.
"You look good in that dress..." Sabi niya sabay ngiti. Hindi lang basta ngiti, yung nakakalok niyang ngiti. "But I prefer you naked."
"I think clothes on would be lovely." Sabi ko sabay irap.
We were just silent in the car, nakatulog pa nga ata ako.
Nagising ako dahil biglang bumagal ang takbo ng kotse, bumungad na sa amin ang napaka laking bahay. Wow. Mas malaki pa siya kaysa sa bahay ng daddy ko sa pilipinas.
Tumigil ang kotse at biglang pinindont ang parang speaker sa labas ng gate.
"Watashi wa koko ni imasu, gēto o akete kudasai." Pagkasabi niya non biglang bumukas yung gate.
We got off the car and he guided me towards the main entrance of this huge house. This is not a house, it's a mansion! Ganon ka laki kasi.
"Obasan'ojisan doko ni iru no? Kanojo wa koko ni imasu!" Sigaw niya bago kunin ang coat ko at inilagay sa coat rack.
Biglang bumaba sa hagdan ang isang magandang babae.
"Kanojo wa ī kao o shite iru, anata wa josei no erabikata o shitte iru. Demo, sore wa kanashī kotodesu. Nazenara, kanojo wa anata no moto kare de, kanojo wa satte itta nodesuga, watashi wa tadashī nodesu ka?"
Translation: She looks good, you know how to pick women. But that's sad because she is your ex, and she left you am I right?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top