Kabanata 9

Kabanata 9

Asa

"Kailangan ba talagang magwork ka pa?" tanong niya, habang pinapanuod akong nagbibihis.

Nakahiga pa rin siya sa couch at nakabalot pa sa comforter. Sa loob niyon ay wala siyang suot na damit at tanging boxer lang. Gulo-gulo ang buhok niya. Kaninang nagsimula akong mag-ayos ay tulog pa siya, ngayong patapos na ako ay 'tsaka lamang siya nagising.

"Hindi naman hadlang ang pagbubuntis ng isang babae sa trabaho, a? At saka, hindi tayo kasal. Hindi mo ako responsibilidad."

Hindi muna ako nagbihis ng uniform dahil plano ko ay ako ang magluto ng breakfast namin. Bumangon si Vamp at umupo sa couch, habang kinukusot ang mata niya. Nakanguso siya at iyan ang napansin ko tuwing bagong gising siya. Kusang ngumunguso ang labi niya.

Kagigil talaga, mamsh!

"Hindi ba dapat responsibilidad din kita kasi ikaw ang ina ng magiging anak ko?"

"Hindi, Vampire." ngising pang-asar ko sa kanya. "Anak lang natin ang responsibilidad mo. Kaya huwag ka nang mapilit diyan."

"Ganoon ba iyon?" parang batang sabi niya, kaya tumango nalang ako.

Pumunta ako sa kusina para magsimula nang magluto ng breakfast. Aaminin kong hindi madali ang set-up naming ito. Kahit ako ay naguguluhan din, e. Pero ano nga bang magagawa ko? Kasalanan ko rin kaya ganito ang nangyari sa akinㅡsa aming dalawa.

Umupo siya sa high chair habang pinapanuod ako. Hindi siguro niya inaasahan na magluluto ako dahil noong kami pa ay hindi talaga ako marunong magluto. Siya lang iyong laging nagluluto noon para sa aming dalawa.

"Anong iluluto mo?" tanong niya.

"Paborito mo ang bacon sa breakfast, hindi ba?" nakangiting tanong ko.

"Yes! Iyon ba lulutuin mo?" masayang tanong niya at pilit na sinisilip ang ginagawa ko sa sink.

"Well, hotdog ang iluluto ko." nilingon ko siya at binigyan ng malawak na ngisi.

Muntik na akong humagalpak sa tawa nang makita ko ang mukha niya. Hindi malaman kung hahampasin niya ba ako ng hawak niyang hanger o ano, e.

"Magpatugtog ka nga. Para naman ganahan ako!" sabi ko sa kanya.

Pero sa totoo lang ay naiilang ako sa tahimik naming paligid. Hindi ako makalingon sa kanya dahil natatakot ako na baka makasalubong ko ang mata niya.

Ngayong alam ko na na bakla siya, hindi na puwede iyong hinahalay ko siya sa imagination ko. Para na akong tomboy niyon na nagkakagusto sa isang babaeㅡbinabae. Lalaki man siya, pero ang puso niya ang babae, kaya para na rin siyang babae.

"You know I've been working hard

And later I got a show

But I've been thinking 'bout you

Now, I don't want to go

If I come pick you up

We'll get around about four

Baby, close the door

Don't let 'em see what's going on..."

Nawala ang iniisip ko nang marinig ko ang tugtog mula sa speaker. Kumunot ang noo ko nang marealize ko kung anong kanta ang pinapatugtog niya. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa mga kantang ganito.

"Pansin ko lang..." panimula ko. "Crush mo ba si James Reid?"

Humagalpak siya sa tawa kaya kumunot ang noo ko.

Anong mali sa tanong ko? Bakla siya, at ang g'wapo-g'wapo niyong nabanggit ko. Napansin ko kasi iyon kapag nagpapatugtog siya ay puro kanta ni James Reid ang pinapakinggan niya. Hindi naman p'wedeng idol lang niya, kasi ehem ang yummy kaya ni James Reid!

"Kapag nagandahan sa mga kanta, crush na kaagad?" natatawang tanong niya.

"Kaya nga tinatanong ko, hindi ba?"

Nang matapos na ako magluto ay nilapag ko iyon sa lamesa. Bumaba naman siya sa high chair at hinila ang isang upuan sa harapan ko. Nilanggan ko ng kanin at ulam ang plato niya, 'tsaka nilapag iyon sa harapan niya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at sinabayan nalang ang kanta, kaya pinakinggan ko nalang ng maayos ang lyrics. Baka nga maganda talaga. Well, trip ko iyong beat niya. Pero hindi kasi ako mas'yadong nagiintindi ng lyrics, kapag nakikinig ng kanta.

"In the afternoon

Not much that I wanna do except you

I think I'm way too in love with you

Can we just lay by the swimming pool now

'Cause I need to cool down (ooh ahh)"

Napakunot ang noo ko at umiling nalang, para mawala ang kung anong pumapasok sa isipan ko.

"Anong oras ang uwi mo mamaya?" tanong niya habang ngumunguya.

"Hindi ko pa alam. Baka mag-aya si Whale lumabas, e. Hindi ko naman mahindi-an ang isang iyon." naiilang na sagot.

Bakit ba kasi bigla akong nailang? Nakakainis. Ako lang din ang gumagawa ng sarili kong dahilan para umasa kahit na wala naman talaga. At saka, nilinaw niya sa akin na kahit anong mangyari ay wala nang mamamagitan sa amin.

"Alam na ba niya ang kalagayan mo?" seryosong tanong niya.

Umiling ako. "Hindi pa. Si Eager at Pure lang ang may alam. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaalam sa kanila, lalo na itong sitwasyon natin."

Isa ako sa laging nang-aasar kay Chain at Germ noon tungkol sa asawa at ex-boyfriend nilang bakla. Malakas pa namang mang-asar ang Germ na iyon, lalo na kapag nalaman niyang parehas naman pala kami. Mas malala lang sa akin dahil nabuntis talaga ako ng bakla.

"Madalas ba kayo sa bar? Bawal ka sa mga ganoon, paano kung mag-aya siya mamaya roon?"

"Wow, concern!" asar na sabi ko, pero hindi siya natawa kaya tinigil ko ang pagtawa. "Alam ko naman po iyon, Sir Vampire."

"So?" tinaas niya ang isa niyang kilay sa akin.

"So, sasama pa rin ako pero hindi ako iinom?" patanong na sagot ko.

Nagulat ako nang malakas niyang binitawan ang hawak niyang kutsara't tinidor. Parang napigtas na ang pasensyang kanina pa niya pinanghahawakan. Kinagat ko ang labi ko.

Parang may kailangan akong sabihin, pero hindi ko alam kung ano. Wala akong mahanap na sasabihin sa kanya dahil natatakot akong mali nanaman ang masabi ko.

"A-ah, ano..."

"Text mo ako mamaya kapag natapos na ang shift mo. Susunduin kita." seryosong sabi niya.

"Wala ka bang pasok? Kaya ko namang umuwi mag-isa. Kung ayaw mong sumama ako sa bar, kung sakaling pumunta sila, hindi ako sasama. Promise." pilit akong ngumingiti sa kanya.

Nanatiling diretso ang labi niya. Walang bahid nang pagkatuwa sa naging usapan namin. Hindi ko alam kung bakit kahit alam kong hindi naman siya tunay na lalaki ay naiintimidate pa rin ako. Pakiramdam ko ay kapag nagkamali ako, aawayin niya ako.

"Wala. Kaya susunduin kita."

"P-pero Vampㅡ"

"May date kami ni Lake mamaya, dadaanan ka nalang namin sa work mo." tumayo siya. "Sige na, magbihis ka na. Ako na ang bahala magligpit dito."

Ayaw pa sana ng katawan kong gumalaw dahil sa gulat, pero pinilit ko para hindi ako magmukhang tanga.

Umaasa ka nanaman kasi sa simpleng ginagawa niya, Eyerin, e! Ano bang hindi malinaw sa sinabi niya para hindi mo maintindihan lahat? Shungaers ka lang ba talaga, bobo, o tanga-tangahan? Ibang level na, e!

Nagpumilit pa si Vamp na ihatid ako sa office ngayon, pero hindi ako pumayag. Baka aasa nanaman ako. Kahit ano pa naman ang sabihin ko ay hindi talaga pinapakinggan ng puso ko. Tibok-tibok pa, e alam na ngang unrequited love lang.

"Ano, sasama ka ba?" tanong sa akin ni Whale.

"Saan ba?" walang ganang tanong ko.

"Sa Redlights lang. Pantanggal stress."

"Kayo nalang. Hindi ako p'wede, e. Masakit lalamunan ko." palusot ko.

"Anong kinalaman ng lalamunan mo sa bar?" kunot noong tanong niya.

"Wala. Basta, wala ako sa mood."

Hindi na rin siya namilit dahil ngayon lang din naman ako tumanggi sa mga lakad namin. Buong araw na nasa trabaho ako ay wala akong ibang maisip, kundi ang sa amin ni Vamp. Maloloka na yata ako!

Sinisilip ko si Whale na nasa kabilang table lang. Busy siya sa pagtatype, gusto kong sabihin sa kanya ang problema ko dahil siya lang naman ang nandito, pero hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin.

Sa inis ko ay hinablot ko nalang ang phone ko at saka tinawagan si Pure. Tutal, alam na rin naman niya, e. Hindi na ako mahihirapang magexplain pa sa kanya.

"May gusto ka bang ipagawa sa akin?" unang tanong niya nang matapos kong ikwento sa kanya ang lahat. "You know, gusto ko iyong nacha-challenge ako lagi."

Umirap ako. "Sige, agawin mo si Lake at gawin siyang lalaki. Iyon ba ang gusto mo?" sarkastiko kong sabi.

Hindi naman siya umimik. Kinakabahan ako tuwing tumatahimik siya sa mga sinasabi ko, e. Ganoon kasi siya kapag seryoso na. Baka gawin niya nga! Pero ano bang pakielam ko? Buhay at diskarte niya iyan.

"Iyon ba ang makakapagpasaya sa iyo?" malumanay niyang tanong.

"Hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin ng Happiness sa akin, Pure, e."

"Wow, nabuntis ka lang ang deep mo na kaagad mag-isip. Magpabuntis na rin kaya ako? Para naman hindi ganito ka-purol ang utak ko."

"Chusa ka mamsh, inborn na kasi iyan." asar ko sa kanya.

Natapos ang usapan namin. Gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano. Nakapagtrabaho na rin ako, pero nang matatapos na ang shift ko ay 'tsaka bumalik ang problema ko kanina.

Namataan ko mula sa bintana ng office namin si Vamp na nakasandal sa sasakyan niya habang may hinihintay sa labas ng building namin. Lalaking lalaki talaga ang isang ito at walang bahid ng kabaklaan sa katawan. Nakakainis lang at taliwas iyon sa totoong kasarian niya.

Mabilis akong bumaba at umalis ng office. Sinalubong ko siya roon. Papasok na sana ako sa shotgun seat nang bigla niyang ituro ang likuran. Naalala ko bigla na sinabi nga pala niyang kasama niya si Lake. Napalunok ako at tahimik na pumasok doon.

"Hi, Eyerin!" bati ni Lake sa akin.

Pilit akong ngumiti. "Hello."

Gusto kong maging bitter, pero wala ring magagawa iyon dahil ako ang sabit sa aming tatlo. Ako lang ang talo.

"Nice to finally meet you! Sorry kung nagalit ako sa iyo noong nalaman kong nabuntis ka ni honey, okay?"

Napangiwi ako sa kanya. Isa rin siyang walang bahid ng kabaklaan sa panlabas na anyo, pero mas bakla pa sa bakla ang isang ito.

"Kumain ka na ba? Gusto mong kumain muna tayo bago umuwi?" tanong ni Vamp, habang pasulyap-sulyap siya sa akin sa rear-view mirror.

"Okay lang. Mukhang kumain na kayo kaya sa bahay nalang ako kakain mamaya." kinurot ko ang likod ng kamay ko.

"Hindi pa, girl! Gusto kasi ni Vamp na sabay sabay tayong kakain ng dinner."

H'wag kang umasa, Freesia! Nasa harapan mo ang totoong nagmamahalan. Kabit ka lang! Kaya h'wag kang umasa. Pigilan mo ang puso mo na umasa sa mga ginagawa ni Vampire!

"Ah, ganoon ba?" ngiti ko. "P'wede ko bang isama iyong kaibigan ko? May plano rin kasi kaming lumabas sana, e."

"Sure! Sinong kaibigan ba iyon?" tanong ni Vamp.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya kaya mabilis kong inabot ang cellphone ko at nagtipa ako ng sasabihin ko. Halos parehas lang ang taposnng shift namin kaya alam kong pauwi na rin siya. Kaya pagtapos kong itext siya ay nag-angat ako ng tingin kay Vamp at sinagot ang tanong niya.

"Si Pure."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top