Kabanata 8

Kabanata 8

Tanggap

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Paano niyang nagagawa na tumingin ng diretso sa mata ko pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon.

Nagmukha akong tanga. Ganoon ko ba siya kamahal para hindi mahalata na matagal na niyang tinatago iyon? At ano ang nangyari sa amin noon? Wala lang ba sa kanya ang lahat ng pinagsamahan namin?

Samantalang ako ay dala dala ko iyon sa buong buhay ko. Na nagpapasalamat akong dumaan siya sa buhay ko, dahil naramdaman kong umibig ng totoo kahit na walang kasiguraduhan.

"Nakakagulat, 'no?" He laughed with no humor.

Pinatay niya ang gas stove at hinila ang upuan na nasa harap ng lamesa at saka umupo roon. Hindi ko na napigilan, tumulo ang mainit na likido sa pisngi ko.

Tumigil ang kanta na nagpapatugtog sa speaker na nasa sala at napalitan iyon ng panibagong kanta na galing sa isang kilalang singer.

"I think it's time

To turn the lights down low

I ain't gotta tell her

That she got my soul

We could run away

Somewhere that only we know"

"Bata palang ako nang maramdaman ko iyon. Pero binaliwala ko kasi sino ba namang lalaki ang gustong maging bakla, hindi ba?" Sinapo niya ang noo niya.

Umurong ang dila ko. Gusto kong tumakbo palayo kung saan naroon siya. Lalo niya lang akong binibigyan ng dahilan para layuan siya, takbuhan siya at taguan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay tama siya, na mali ang lahat ng nagawa namin.

"Sinubukan ko naman. Sinubukan kong maging lalaki at magmahal ng babaeㅡikaw." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Minahal kita, Eyerin, pero hindi talaga. Hindi ako buo. Parang lagi akong kulang."

I scoffed. "Naririnig mo ba ang sarili mo ngayon, Vampire?"

Naramdaman ko ang milyon milyong kutsilyong tumusok sa dibdib ko. Sana ay sinaksak nalang talaga ako. Kaysa ganito na mas masakit pa sa literal na sakit kapag literal.

"I think it's time

To turn the lights down low

I ain't gotta tell her

She already knows

When she bites my lips

It's time to take it off

Real slow, real slow, real slow..."

Tahimik ang buong paligid. Tanging tugtog lang na nagp-play mula sa speaker ang maririnig. Hindi na rin siguro niya alam kung ano ang sasabihin niya at ayaw ko na ring makinig sa kanya.

Ilang kasinungalingan pa kaya ang maririnig ko mula sa kanya?

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa, e. Iyong inaakala ko na perfect relationship namin noong college ay hindi pala totoo. Ako lang ang sineryoso iyon. Tang ina, akala ko pa naman, pamilya niya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya sa akin.

Walang imik akong umalis sa kusina. Hinahayaan ko pang tumulo ang luha sa mata ko. Pagkatapos nitong araw na ito, sana wala nang tumulo pa mula roon dahil mukha akong tanga.

Hindi, tanga na nga talaga ako. Nakakatanga ang pag-ibig. Nakakatangang mahalan ang Vamp Melton na ito.

"Where you going?" Tanong niya mula sa likod ko.

"And I'll let you do

Whatever you want to me

Run away with you

We could leave our shoes on the beach

Or a date for two with your favorite food

Wandering

Can I savor you

Can I play it cool, honestly

I don't know, baby..."

"Aalis na ako. Aalis ako rito. Aalis ako at pipilitin kong hindi magkrus ang landas natin."

"Wait, no!" Hinawakan niya ang braso ko. "Hindi ka aalis. Walang aalis."

"Ano pang sense ng pagstay ko rito, Vamp?" Kunot noong sabi ko, habang tumutulo ang luha ko.

"Sinabi ko iyon sa iyo dahil ayaw ko nang magtago ng sekreto sa iyo. Hindi dahil para umalis ka."

Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung nababasa niya ang nasa isip ko ngayon, pero gusto kong malaman niya na sana siya nalang talaga iyong Vamp na nakilala at pinakilala niya sa akin noon.

Sana totoo nalang iyon lahat. Sana hindi ko nalang nalaman ang sekreto niya at sana mahal nalang niya ako.

"I'm sorry kung tinago ko ito noong tayo pa. Natakot ako. Natakot akong malaman ng pamilya ko ito at hindi rin ako sigurado noon."

Nang hindi na ako pumiglas sa hawak niya ay dahan dahan niyang pinadaosdos ang kamay niya sa braso ko, hanggang sa maabot niya ang kamay ko. Naramdaman ko ang magaspang at mainit niyang kamay.

"Gusto kong patayin ang sarili ko noon, para tumigil na ang kahibangan kong ito. Hindi ko tanggap ang pagiging bakla ko noon at pinili kong makipaghiwalay sa iyo dahil hindi ko na kaya pang magsinungaling pa sa iyo."

"Alam mong kahit anong sabihin mo sa akin ngayon ay hindi ko pakikinggan, hindi ba?" Seryosong sabi ko.

"Alam ko. Alam ko, Eyerin..." bulong niya. Nilapit niya ang mukha niya sa may tainga ko. "Alam ko. Pero sasabihin ko pa rin ito. Sasabihin ko ang dapat noon mo pa alam."

Bakit ganoon? Kanina naman ay galit na galit ako. Kanina naman ay buo na ang desisyon kong umalis sa puder niya. Pero bakit kaunting hawak lang niya sa akin ay nagbabago ang lahat.

Gusto kong maniwala sakanya at sa sasabihin lang niya. Ayaw kong makinig sa opinyon ng iba, dahil ang mahalaga ay ang opinyon at desisyon naming dalawa.

"Just don't leave me, Freesia..." he whispered.

"Paanong hindi kita iiwan, Vampire, kung ikaw mismo ang nagbibigay sa akin ng dahilan para iwan ka," malumanay kong sabi.

Hindi ko kayang magalit. Dapat bang magalit ako? Dapat bang saktan ko siya, kapit ng sakit na binibigay niya sa akin? Dapat bang ilayo ko sa kanya ang anak namin para naman sa pagkakataong iyon ay makaganti manlang ako sa kanya?

Hindi ko alam, pero parang iba ang nararamdaman ko. Taliwas sa mga tanong na iyon.

"We can be friends, o kung ayaw mo talaga ay kahit gawin mo nalang ito para sa anak natin."

Iyan ang realidad, Eyerin. Pinipigilan ka niya dahil sa anak ninyo, hindi dahil sa iyo. Hindi dahil sa mahal ka niya, o importante ka sa kanya. Itatak mo sa utak mo iyan.

"Mahal kita, Vamp, at kapag nanatili ako rito ay alam kong araw-araw akong masasaktan."

Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin. Kahit anong talino mo talaga, pilit kang gagawing bobo ng pagmamahal.

Pagkatapos kong manganak, anong mangyayari sa amin?

Friends na may baby?

"So, iiwan mo ako? Aalis ka talaga?" Sunod-sunod niyang tanong.

Sandali akong hindi nagsalita. Tumingin ako sa kanya at sinubukan kong pumasok sa loob ng mata niya. Nakita ko ang punong puno ng emosyon niyang mga mata, punong puno ng pag-asa. Sana ay gan'yan din ako. Sana hindi ako nauubusan ng pag-asa.

"Umiling ako ng paulit-ulit. "Tanga na kung tanga."

Mabilis niya akong niyakap. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko at ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

Hindi ko magawang ngumiti. Mali ang desisyon ko, oo. Lagi naman, e. Lagi nalang mali ang desisyon ko pagdating sa kanya.

"Para akong nabunutan ng tinik nang masabi ko ang lahat ng ito sa iyo, dahil buong buhay ko ay nagtatago ako sa tao. Wala na akong pakielam kung tanggap mo ako o hindi."

"Good morning, Love

We're so in love

Plus, the only one to

I'm hoping luck has found the girl

I'm supposed to love..."

Yes, noong una ay nagulat ako talaga ako nang malaman kong bakla siya. Hindi ko matanggap iyon dahil hindi ako sanay na ganoon siya. Dahil iniisip ko na hindi na kami puwede kung sakaling totoo nga iyon.

Kahit wala ako sa katinuan ngayon ay naintindihan ko pa rin at narinig ko ang mga sinabi niya. Pumasok iyon sa puso at isip ko. Narealize kong wala ako sa tabi niya noong panahong kailangan niya ng kasama.

"Tanggap kita kung ano ka, Vamp, pero hindi na ako umaasa sa atin."

***

Song : Down Low by James Reid ♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top