Kabanata 7

Kabanata 7

Since Birth

"Eyerin..." may pagbabanta sa tono ng boses niya.

"Ayaw ko nga, 'di ba? Bahala ka riyan. Hindi ako sasama sa iyo!" Umirap ako.

Nagpaalam siya sa magulang ko na kung puwede ay roon nalang ako tumira sa unit niya. Pumayag naman sila dahil s'yempre, ama siya ng batang pinagbubuntis ko. Pero para sa akin, ayaw ko siyang makasama.

Baka hindi ko matiisan ang ugali niya, lalo na kapag nagbabakla siya. Baka masakal ko siya, kasalanan ko pa.

"Wala ka nang magagawa. Halika na."

"Bakit ba kasi kailangan pang sa iyo ako tumira? May unit naman ako," nakasimangot na sabi ko.

Nanatili pa rin ako sa loob ng sasakyan niya. Nasa parking lot na kami ng building kung saan naroon ang condo unit niya, pero dahil ayaw kong sumama sa kanya ay narito pa rin kami.

Sana kasi 'di ba, Eyerin, nakinig ka sa banta niya noon? Sinabi niyang layuan mo siya at h'wag i-involve ang sarili mo sa kanya, pero anong ginawa mo? Inasar mo siya hanggang sa heto na nga, may bunga na.

Pero bakit? Alam ko bang bakla siya? Hindi naman, a. Kaya wala pa rin akong kasalanan.

"Huwag nang matigas ang ulo, Bumbum." Bumuntong hininga siya.

Ngumuso ako. "Bakit Bumbum ang tawag mo? Sa iyo lang iyon, dahil malaki ang p'wet mo."

Ngumisi siya. "Malaki rin namanㅡ"

"Hep! Huwag mo nang ituloy. Sasama na ako." Umiirap ako habang lumalabas ng sasakyan niya. "Bastos..." bulong ko pa.

"Bastos? Sino kaya itong nagsimula ng Bumbum?" Nang-aasar niyang sabi at sinarado ang pinto ng sasakyan.

Buhat buhat niya ang mga gamit ko. Pinagkrus ko ang dalawang kamay ko sa dibdib ko habang hinhintay siya sa elevator. Hindi siya makapasok kaagad dahil sa dami ng gamit na dinala ko.

Tagatak ang pawis sa noo niya at magkasalubong na ang kilay niya. Hinihingal siya na parang babae.

"Ano, bakla, kaya pa?" Asar na sabi ko.

Umirap siya. "Pabebe mo kasi, e."

Habang nasa loob kami ng elevator ay walang nagsasalita sa amin. Rinig ko ang paghabol niya sa kanyang hininga, pero hinayaan ko lang siya. Nakayuko ako at kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.

Hindi na ako magtatanong kung tama ba itong ginagawa ko ngayon, dahil alam ko naman na hindi. Lalo na sa mga sinasabi niya kanina noong nasa kina Eager kami.

May boyfriend siya, tapos ano ako? Parang baboy na inanakan lang?

"Let's go." Rinig ko ang buntong hininga niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nagulat ako nang nasa labas na siya ng elevator. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na napansin na nandito na kami sa floor ng unit niya.

Tahimik akong lumabas at sumunod sa kanya. Sasabihin ko ito mamaya kay Eager at Pure, dahil kung hindi ay baka mabaliw ako sa kakaisip.

"Girl, isa lang ang k'warto kaya tabi tayo, ha?" Napangiwi ako sa tono ng boses niya.

Hindi pa rin talaga ako sanay na gan'yan siya. Ngayon, lumalabas na talaga ang pagiging bakla niya at nasasaktan na ako.

Tama nga siya. Hindi ko talaga siya kilala, kahit noon pa. Hindi ko siya nakilala.

"Sige na. D'yan ka nalang sa k'warto mo at rito ako sa sala. Okay naman itong couch mo, e."

"What?" Maarte niyang sabi. "No. Hindi puwede. Bakit ayaw mong tumabi sa akin?"

"Ayaw ko lang." Nagkibit balikat ako.

Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako makatingin sa kanya, kaya hindi ko makita kung ano ang reaction ng mukha niya. Pero base sa nararamdaman ko ay parang hindi niya inaasahan ang sinagot ko.

"Go, gamitin mo na ang k'warto ko. Dito nalang ako sa sala." Iniwan niya sa loob ang gamit ko. "Buntis ka at hindi naman ako ganoon kasama para hayaan ka sa hindi kumportableng higaan."

"Sabi ko naman kasi sa iyo, okay lang ako sa unit ko, e. Ang kulit mo rin."

Kahit na hindi ako nakatira ngayon doon ay magbabayad pa rin ako ng monthly. Sayang lang ang pera ko kung nakatira naman ako sa ibang unit.

Umiling ako. Ayos na rin siguro ito. Nagsisimula na ako sa paghahanap ng pagkain na gusto ng t'yan ko, e. Kaya okay na rin na nasa paligid ko si Vampire.

Pumasok ako sa loob ng k'warto niya. Dito ako madalas noong nagkaroon kami ng kasunduan. Bumuntong hininga ako at inayos ko na ang gamit ko.

"What the?!" Gulat na sigaw ni Pure nang malaman niya ang lahat.

Tinawagan ko siya pagkatapos kong maligo. Hindi kasi sumasagot si Eager kaya siya nalang ang tinawagan ko para sabihin itong lahat.

"Believe me, Pure, gan'yan din ang reaksyon ko noong nalaman ko."

"Hindi ba't sinabi mong ex-boyfriend mo si Vamp? Bakit hindi mo nalaman na bakla siya?"

"Hindi naman kasi halata, okay?"

"Hindi halata, o nabulag ka lang talaga sa pagmamahal mo sa kanya kaya hindi mo nahalata?"

Napaisip ako roon. Ganoon ba talaga? Hindi ko alam. Wala talaga akong ideya, kaya noong nalaman ko ay bumagsak talaga ang puso ko sa sahig.

"So, anong gusto mong mangyari?" Tanong niya.

"Gago ka? S'yempre, gusto kong maging lalaki nalang lahat ng bakla sa mundo." I laughed with no humor.

Pero sa totoo lang, bakit kasi may mga bakla pa? Baka mapatay ni Kuya si Vamp kapag nalaman niya ang totoo. Doon din ako natatakot.

Hindi lang ako sanay na may kasamang bakla. Never akong nagkaroon ng kaibigan na bakla at hindi ko sila gusto dahil sobrang arte nila. Akala mo ay mas babae pa sa totoong babae, sabagay binabae nga pala sila.

"Ano nga ulit pangalan noong boyfriend ni Vamp?" Tanong niya.

"Lake. Lake Asher. Iyon lang ang alam ko."

"Okay." Kahit hindi ko nakikita si Pure ay nararamdaman ko ang pag ngisi niya.

"Anong iniisip mo?" Kunot noong tanong ko.

"Wala naman."

Pagkatapos ng tawag na iyon ay 'tsaka lang ako lumabas ng k'warto. Naabutan ko si Vamp sa kusina, nagluluto ng ulam. Naamoy ko ang niluluto niyang caldereta.

Malakas na tumutugtog ang pamilyar na kanta mula sa speaker na nasa sala.

Umupo ako sa high chair at nangulumbaba habang pinapanuod ko siya. Matagal ko nang napapansin ang suot niyang kulay pink na apron, pero ni-minsan ay hindi pumasok sa isip ko na bakla siya.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya.

Bakit bigla ang bait ng isang ito? Hindi naman siya ganito kanina. Siguro napansin niya ang pananahimik ko. Pero hindi rin. Wala namang pakielam sa akin ito, kaya hindi rin siya magiging mabait dahil doon.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Nakatitig lang ako sa kanya at sa galaw niya. Baklang bakla na talaga siya.

"Ooh I wanna live the life with you

Ballin' out like its our honey moon

Ooh girl money fashion flights with you

Livin' up like we're supposed to do..."

"Kailan pa, Vamp?" Out of nowhere kong tanong.

"Huh?"

Nilingon niya ako, walang ideya sa tanong ko. May ngiti pa sa labi niya ngunit nang mapansin niyang seryoso ako ay napawi ang ngiting iyon. He cleared his throat at nag-iwas ng tingin.

"Kailan ka pa naging bakla?"

Hindi siya sumagot. Gusto kong malaman ang sagot niya at kung ano ang dahilan niya kung bakit siya naging bakla. I'm sure na hindi pa siya bakla noong naging kami. Or hindi ko lang talaga siya kilala?

"Tinatanong kita, Vamp. Kailan ka paㅡ"

"Since birth!" Sigaw niya. "Since birth bakla na ako, okay?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top