Kabanata 5
Kabanata 5
Boyfriend
Naglakad ako pauwi ng bahay pagkatapos kong dumaan sa kina Eager. Wala ako sa katinuan ngayon at hindi ko alam kung kailan ako babalikan niyon. Walang pumapasok na kahit ano sa utak ko.
Nagulat ako. Mas nagulat pa ako roon, kaysa noong nalaman kong buntis ako. Ngayon, paano ko na sasabihin sa kanya ang lahat?
Pagdating ko sa bahay, hindi ko alam kung sasabihin ko na ba sa kanila ang kalagayan ko. Sinalubong ako ni Mama at Papa. Hindi muna ako umuwi sa unit ko at napagpasyahan na rito nalang muna ako magpapalipas ng gabi.
"Anak? Biglaan naman yata ang uwi mo. Hindi tuloy ako nakapagluto. 'Di bale, may niluto naman ang Kuya mo kanina, naroon sa kusina. Kapag gutom ka, kain ka nalang doonㅡ" hindi pa tapos si Mama sa pagsasalita ay niyakap ko na siya.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko, pero hindi niya tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Sinilip naman kami sandali ni Papa at umiiling na binalik niya sa TV ang kanyang paningin.
"Anong dinadrama mo nanaman riyan, Eyerin?" Sabi ni Papa.
"Wala po. Dito nalang po ako matutulog ngayong gabi." Bumitaw na ako kay Mama.
"Hindi ka nagsabi kaya magulo pa ang k'warto mo. Gusto mo bang ipalinis ko iyon kay Manang?"
"Hindi na, 'Ma. Ako na po." Ngumiti ako at umakyat na.
Mabait si Mama pero kay Papa yata ako nagmana ng ugali. Walang pakielam sa ibang tao, pero ang totoo sa loob-loob ay mas concern pa kaysa sa mga taong nagbibigay ng pakielam.
Walang imik akong umakyat sa k'warto ko. Ganoon pa rin ang ayos niyon noong huli kong iwan noong nakaraang dalawang buwan. Binagsak ko ang sarili ko sa kama at marahang hinimas ko ang t'yan ko.
"Baby? Hindi ka itatago ni Mommy, okay? Sasabihin din natin kaagad sa kanila. Kaya tulungan mo si Mommy, ha?"
Yes, ipapaalam ko na ngayon kina Mama. Nakakatakot, oo. Pero mas natatakot ako kung itatago ko ang anak ko na parang hindi ako masaya na nariyan siya. Nasa tamang edad na ako, maiintindihan na nila ang lahat.
Nag-ipon lang ako ng lakas ng loob, bago bumaba. Nagsakto pang bumaba si Kuya, kasama ang asawa niya. Para bang sinasabi na ng Diyos na ito ang tamang oras, dahil kumpleto kami.
"Mamaya na kayo umalis, Kuya!" Habol ko nang akmang aalis na sila ni Ate Tiara.
"O, kanina pa ako nakakapansin sa iyo, Eyerin Freesia Foley. Ano ba ang problema mo?" Kunot noong tanong ni Papa.
Hindi na ako nagtaka na si Papa ang unang nakapansin na may mali sa akin. Ganoon naman lagi. Kahit na pinapakita niya at lumalabas sa bibig niya na wala siyang pakielam.
Nagsimulang tumulo ang luha ko. Ngayon nalang ulit ako umiyak ng ganito. Hindi ko na alam ngayon kung ano ang dahilan. Kung dahil ba sa buntis ako, o dahil sa nalaman ko, kani-kanina lang. Naf-frustrate na ako kung paano ko aaminin sa pamilya ko ang lahat. Lalo na kay Kuya dahil panigurado, hindi niya iyon palalampasin.
"Buntis ho ako." Nakayukong sabi ko.
Naghintay ako nang kamay o kamao na dadapo sa katawan ko o kahit bunganga na aalingawngaw ngayon, ngunit wala. Tahimik lang ang lahat. Hindi ko makita ang reaksyon nila dahil natatakot ako.
Hinimas ko ang t'yan ko dahil alam kong hindi makakabuti sa baby ang pag-iyak ko ng ganito ngayon, pero hindi ko talaga maiwasan. Sana, maintindihan ako ng baby ko. Na kailangan kong ilabas ito ngayon.
"What are you feeling? Hindi ka ba nahihilo o masama ang pakiramdam mo?" Si Papa.
Lalo akong naiyak.
Niyakap ako ni Mama, pero hindi iyon dahil dapat magsisi ako sa nangyari sa akin. Kung hindi, dahil natutuwa siya habang hawak ang t'yan ko.
Tangina mo talaga, Vampire! Hindi ko ipapakita sa iyo ang anak mo. Hindi mo kami deserve!
"Sinong ama? Bakit wala siya ngayon dito?" Seryosong tanong ni Kuya.
Wala siya rito, Kuya, dahil hindi siya seryoso sa kalagayan ko. Sa bunga ng ginawa naming ito!
Bubuksan ko palang sana ang bibig ko para sabihin na wala siya, nang biglang may pumasok sa pintuan.
Hinihingal siya na nakatingin sa amin. Napalingon kaming lahat sa kanya. Nasa likod niya si Manang na mukhang pinagbuksan siya ng pinto. Sa gulat ko ay parang naubusan ako ng tubig sa buo kong katawan.
Sa tagal ng relasyon namin noon ay hindi niya nakilala ang pamilya ko. Never ko siyang naipakilala sa mga taong mahahalaga sa akin.
"Goodevening ho. Ako po ang ama." Matapang niyang sabi.
Umigting ang panga ni Kuya. Kung wala lang siguro rito si Ate Tiara ay baka kanina pa nakahandusay si Vamp sa sahig. Kaya nagpapasalamat ako na nandyan si Ate, kayang kaya niyang kontrolin si Kuya na kahit sina Mama ay hindi kaya.
Nagsimula siyang maglakad papunta sa akin. Hinapit niya ang baiwang ko. Nanuyo na ang basa kong pisngi at hindi ko na alam kung ano ang itsura ko ngayon. Hindi ko talaga inaasahan ang gagawin niyang ito.
Nanginginig pa ang katawan niya na parang kagagaling lang niya sa mahaba at malayong pagtakbo.
"Anong ginagawa mo rito?" Madiin, pero mahinang tanong ko sa kanya.
"Ano pa? E, 'di hihingin ang kamay mo sa magulang mo."
"Hindi naman na kailangan kung napipilitan ka lang."
"Sinong nagsabi na napipilitan ako?" Naramdaman ko ang mahigpit niyang paghapit sa baiwang ko.
Magsasalita pa sana ako, pero naunahan na ako ni Papa. Pinaupo kaming lahat sa sala at masinsinang nag-usap. Puro si Vamp ang sumasagot sa mga tanong.
"Alam na ba ito ng magulang mo?" Tanong ni Mama.
"Hindi pa po. Pero pangako ho, pagkatapos nito, sa kanila ko naman po susunod na sasabihin."
Hindi ako nakapagsalita kahit na nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako pabor na sasabihin namin ito sa magulang niya, lalo na kapag noong may relasyon palang kami ay ayaw na sa akin ng pamilya niya.
"Gaano mo kamahal ang kapatid ko?" Tanong ni Kuya.
"Mahal ko po ang anak namin."
Gusto kong umirap dahil sa sinabi niya. Malinaw na malinaw. Message received, loud and clear.
Hindi niya ako mahal.
"Mahal namin ang anak namin." Singit ko.
"Anong balak ninyong mangyari ngayon? Susustentuhan mo lang ba ang anak ko, o pananagutan mo?" Si Papa.
Pati ako ay naghintay rin ng sagot kay Vamp. Napalunok siya, pero hindi naman mukhang kabado. Parang bago siya pumunta rito at sinundan ako ay alam na niya ang sagot sa mga itatanong sa kanya.
"Pananagutan ko ho siya."
Hindi ako nakapagsalita. Literal. Dahil kahit ngayong naiwan kaming dalawa sa k'warto ko ay hindi pa rin ako nagsasalita. Parehas kaming nakatingin sa puting pader ng k'warto ko at tanging tunog lang mula sa bukas na aircon ang naririnig.
"Bukas, pupunta tayo sa bahay." Siya ang bumasag ng katahimikan.
"Ayaw ko." Matigas na sabi ko.
Kunot noong nilingon niya ako. "Akala ko ba, heto ang gusto mo? Ang panagutan kita?"
"Gago ka, Vampire. Malinaw na sa iyo na hindi na kailangan. Hindi ka namin kailangan ng anak mo, pero ikaw itong sumulpot sa kalagitnaan ng pag-amin ko sa pamilya ko?" Sigaw ko sa kanya.
Sa inis ko ay gusto ko siyang sapakin, ngunit hindi ko magawa. Nanginginig ang buong katawan ko sa inis. Wala nang luhang tumutulo sa mata ko. Naubusan na yata ako ng tubig sa katawan.
"Gusto ko rin ito. Gusto kong panagutan ka at matali sa iyo. Kaya kailangan nating ipaalam sa pamilya ko!"
"Ewan ko sa iyo." Inis na sabi ko at iniwasan ko siya ng tingin.
Pero imbes na mainis siya sa ugali ko ay natawa pa siya. Marahan kong naramdaman ang kamay niya sa balikat ko at sinusubukang pinapaharap sa kanya, pero hindi ako humarap.
"Sorry na, Eyerin. Hindi ko mababago ang pagiging bakla ko, pero gagawin ko ang lahat para sa baby natin. Para sa magiging pamilya natin."
Akala ko ay naubusan na ako ng tubig, ngunit naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo sa pisngi ko. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang magkasalubong niyang kilay. Na parang may nararamdaman siyang hindi niya maintindihan.
"Hindi ko inisip na darating tayo sa araw na ito. Kung saan pinag-uusapan natin ang future natin."
Mahal ko siya, alam at ramdam niya iyon. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Hayaan lang niya akong iparamdam ko sa kanya ito.
"Kailangan ko ring makausap si Lake tungkol dito, ang boyfriend ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top