Kabanata 4

Kabanata 4

Pregnant

Pagkatapos kong gawin iyon kay Vampire ay hindi ko na siya kinulit pa. Pero parang nag-iba ang ihip ng hangin dahil si Vamp na ang lumalapit sa akin.

Aawayin ko sana siya at hindi papansin ngunit nang may ioffer siya sa akin ay halos hindi na ako makatulog gabi-gabi sa kakaisip kung paano ko sasagutin iyon. Nakakaenganyo. Ang tanga ko kung papayag ako roon, pero tanga na talaga ako dahil umuo ako.

Linggo-linggo ay nasa condo ako ni Vamp, para sa pinagkasunduan namin sa isang bagay. Maiintindihan ko siguro kapag may isang tao ang sasapak sa akin ngayon dahil sa katangahan ko.

"I love you!" Hindi napigilang sabi ko nang marating ko na ang dapat kong marating.

Ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Kahit hindi tanong iyon ay masyado akong umasa para sa sagot. Nanatili siya saglit sa ibabaw ko, bago ibagsak ang kanyang katawan sa gilid. Mahimbing siyang natulog, habang ako ay hindi ko napigilan ang luhang tumulo sa pisngi ko.

Pumayag ako sa offer niyang maging fuck buddies kami. Ang tanga ko, oo. Hindi ko alam ang worth ko, oo. Pero hindi ninyo ako masisisi kung mahal ko si Vamp. Lahat ng taong nagmamahal ay gagawin ang lahat. Kahit sa katangahang ito ay wala akong pinagsisihan.

"Ano iyong sinabi mo kanina? Hindi ko masyadong naintindihan kasi pagod na pagod ako." Tanong ni Vamp nang nasa kusina na kami para kumain.

Nakaupo ako sa high chair, habang pinapanuod siyang nagluluto. May suot siyang kulay purple na apron na may desenyong pakwan. Imbes na matawa dahil doon ay mas lalo kong nakikita ang lakas ng dating niya.

Naka apple hair siya at sa loob ng apron niyang suot ay wala siyang t-shirt. Nakaboxer short siya at habang hawak niya ang frying pan ay kitang kita ko kung paano magputukan ang mga ugat sa kanyang braso.

"Wala. Nadala lang ako." Kibit balikat kong sabi.

Dahil alam ko naman na kahit sabihin ko sa kanya iyon ay hindi ako makakatanggap ng sagot. Hindi niya ako mahal. Kaya nga ganito nalang ang offer niya sa akin. Maging parausan. Well, it's a win-win situation naman.

Siya ang unang nakakuha sa akin at hindi ko alam kung kaya ko bang ibigay sa ibang tao iyon. Siya lang ang hinahayaan kong humawak at humalik sa akin.

"I heard likeㅡloveㅡor something sa sinabi mo." Patuloy na tanong niya.

"Wala nga iyon."

Hindi na siya nagsalita. Nang matapos siyang magluto ay bumaba na ako sa high chair para umupo sa upuan na nasa harap ng hapag. Suot ko ang t-shirt niya na hanggang tuhod ko ang laki. Sapat na iyon para takpan ang walang saplot kong katawan sa loob niyon.

"May nilulutuan ka rin bang ibang babae?" Hindi napigilang tanong ko habang ngumunguya.

"Si Mommy, at saka si Psalm."

"I mean, babae na hindi mo kamag-anak. Girlfriend or nililigawang babae?" Tanong ko.

Bigla siyang nabulunan sa tanong ko. Inabot ko sa kanya ang baso na may tubig, ngunit ang tingin ko ay nanatili sa kanyaㅡpursigido na malaman ang tinatanong ko.

Sa tagal naming nagkahiwalay ay wala na akong naging balita sa kanya. Hindi ko alam kung may iba pa bang babae ang dumaan sa kanya, pagkatapos ko. Lalo na, matinik siya sa babae noon. Hindi imposibleng wala.

"Hindi na ako naging interesado sa babae, simula noong nagkahiwalay tayo."

Kinagat ko ang labi ko sa biglaan niyang sagot. Ang bulate sa t'yan ko ay patuloy sa pagkiliti sa akin.

Shit, kinikilig ako!

"Talaga? Bakit naman?"

"Wala. Naging busy ako sa ibang bagay."

Natutuwa na rin ako na naging civil kami ni Vampire sa isa't isa. Wala rin naman akong aasahan sa kanya dahil una palang ay alam ko na walang relasyon ang tumatakbo habang ginagawa namin ito.

Sex lang, walang personalan.

Pero ang hindi ko sineseryosong bagay na ito ay hindi ko alam na magiging dahilan pala para magkaroon ako ng mas malaking problema!

It was Sunday morning nang magising ako dahil sa pagbaliktad ng sikmura ko. Roon pala ay kinabahan na ako at nag-isip na ako ng posibleng dahilan kung bakit ko iyon nararamdaman. Hindi ko matandaan kung kailan kami gumamit ng proteksyon, hindi yata.

Bumili ako ng dalawang pregnancy test at halos gumuho ang mundo ko sa resulta ng dalawang PT na iyon.

Positive.

Hindi ko sinabi kay Vamp. Hindi na muna ako nagagawi sa condo niya at hindi naman siya nagtanong sa akin. Parang natutuwa pa nga siya na ganoon ang ginagawa ko, dahil sa wakas ay hindi na ako nangungulit.

Ilang linggong ganoon ang nararamdaman ko. Nagpunta na ako ng clinic para magpa-check up at doon ko nalaman na isang buwan na pala itong nasa t'yan ko. Maayos naman daw ang pagbubuntis ko, ngunit medyo masilan.

Nagpatuloy ang pagsusuka ko every morning. Hindi na ako pumapasok sa trabaho ko dahil baka mahalata ako ni Whale na kasama ko lang sa iisang opisina. Wala akong kinontact ni-isa sa mga kaibigan ko, hanggang sa napagpasyahan kong puntahan si Eager.

"O, ano? Wala akong gamot para sa kabaliwan." Bungad niya sa akin.

Namamaga ang mata ko dahil sa pag-iyak. Umiyak ako dahil hindi ko kinaya ang pagsusuka ko kaninang umaga. Parang lalabas na ang laman loob ko dahil doon. At kahit wala na akong mailabas ay nasusuka pa rin ako.

"Buti sana kung kabaliwan lang ito, Eager." Bumuntong hininga ako.

"Anong drama iyan?" Natatawang tanong niya.

Parang biglaan ang lahat sa akin. Sa gulat ko ay hindi pa nagssink in sa utak ko kung totoo ba itong nangyayari sa akin ngayon. Kung totoong buntis ba ako at kung totoong si Vampireㅡang ex-boyfriend koㅡang ama.

"Buntis ako." Sabi ko.

Sa sobrang dami ng nasa isip ko ay hindi ko na alam kung paano magrereact. Sinabi ko iyon na akala mo ay wala lang sa akin, pero sa totoo lang ay unti-unti nang pumapasok sa isip ko ang lahat at unti-unti na akong nasasaktan.

"Huh?! Sinong ama?"

Nang sabihin ko sa kanya kung sino ang ama ay sandali siyang natigilan. Akala ko ay talagang hindi na siya gagalaw sa kinauupuan niya nang ilang minuto siyang naestatwa. Kumunot ang noo ko.

Anong nakakagulat doon? Lalaki naman si Vamp, a? Malamang kapag nagsama ang lalaki at babae ay may mabubuo talaga. Lalo na sa case namin, na fuck buddies.

Inirapan ko nalang siya. Narito ako sa bahay nila dahil nabuntis ako ng kaibigan ng asawa ni Eager. Kung kanina ay kinakabahan ako, ngayon gusto kong tuktukan si Eager dahil hindi manlang siya makatulong sa akin.

"E, ano pala?" Hindi seryosong tanong ko. "Pero... paano na this, Eager?! Papatayin ako ni Mudra!"

Alam kong magagalit lang sandali ni Mama, pero pagtapos noon ay matatanggap na rin niya dahil hindi naman na ako bata. Matanda na ako at kaya ko nang mabuhay ng sarili ko.

Pero hindi ko pa rin maisip kung ano ang magiging reaction nila kapag nalaman nila ito.

"Huwag muna iyan ang problemahin mo." Natataranta niyang sabi.

"Ano ba? Kanina ka pa, a." Naiinis na sabi ko dahil hindi yata niya siniseryoso ang sinasabi ko sa kanya.

Dapat ay umiiyak ako ngayon pero ayaw lumabas dahil kupal kausap si Eager. Bumaba mula sa hagdan ang asawa niyang si Hunk kaya napasandal nalang ang sa couch. Hindi pa halata ang tiyan ko dahil 1 month palang.

Hindi ko pa sinasabi sa kanya na nabuntis niya ako. Natatakot ako sa reaction niya. Natatakot akong iwan niya ako pero at the same time, handa naman na akong maiwan noong oras na tinanggap ko ang offer niya. Kaya wala akong karapatang mag-inarte kapag hindi niya ako pinanagutan.

"Bakla siya."

"Huh? Kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili. Kung hindi mo ako matutulungan, thank you nalangㅡ" marami pa sana akong gustong sabihin pero hindi ko na natuloy nang marealize ko kung ano sinabi niya.

Nanlaki ang mata ko. Umupo naman sa kabilang couch si Hunk na nakatingin sa amin habang ngumunguya ng cookies na kinuha yata niya sa kusina, walang pakielam at parang hinihintay kung ano ang irereact ko.

"Bakla siya. Bading. Baklita. Gay."

Hindi ko maitiklop ang bibig ko. Mas nasurprise yata ako sa nalaman kong ito kaysa noong nalaman kong buntis ako. Nanlalamig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay tumigas ako na parang yelo sa kinauupuan ko.

Heㅡno! Scratch that.

She... got me pregnant?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top