Kabanata 32
Kabanata 32
Pakasal
In the past few weeks, masa sabi kong naging maayos na talaga ang lahat. Hindi ko nga lang natatanggap pa ang alok ni Vamp, pero alam kong masaya na kami.
"Ano balita, Vamp?" Rinig kong tanong ni Papa sa kay Vamp.
"Wala pa, tito. Ayaw pa rin."
Nakikita ng lahat ang effort ni Vamp para sa pamilya namin, kaya nakukuha na niya ang loob ng lahat na nakapalibot sa amin, lalo na ang loob ni Papa.
Sumimangot ako. Lagi nalang niyang binobola si Papa, kaya sila na ang magka-kampi ngayon. Halos ipagtabuyan na ako ng tatay ko sa kay Vamp.
Natawa si Papa. "Halika at tuturuan pa kita ng mga moves ko riyan sa tita mo." nginuso pa ni Papa si Mama na hawak hawak ngayon si Riah.
Halos malukot na ang mukha ko sa naririnig. Nakita ko pang lumayo silang dalawa kaya pilit akong lumalapit para lang marinig ko ang pinag-uusapan nila. Saglit pa akong sinulyapan ni Vamp na nakangisi at tuluyan na silang lumayo sa akin.
"Hmp!" padabog kong nilapag ang baso ng tubig na iniinom ko. "Tiwalang tiwala naman kay Papa, akala naman niya papayag ako."
"Baliw!" Narinig kong tawag sa akin ni Kuya at saka lumapit. "Anong binubulong bulong mo riyan?" aniya at sinulyapan pa niya kung saan ako nakatingin.
Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. Inismiran ko siya at iniwan ko siyang takang taka roon kung ano ang masama niyang ginawa sa akin.
"Bye po, uuwi na kami!" Sigaw ko, dahilan kung bakit naagaw ko ang atensyon nila.
Takang binalingan ako ni Vamp at saka lumipat kay Papa ang tingin niya.
Anong oras na rin kasi at may pasok pa ng trabaho si Vamp bukas. Pupunta rin mamayang gabi si Eager sa bahay dahil bibisita raw sila ni Hunk. Ang balita ko ay medyo rocky na ang relationship nila bakla ngayon. Hindi ko rin naman masisisi si Eager.
"Bakit hindi nalang kayo magpalipas ng gabi rito, Freesia?" suggestion ni Papa.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. "Next time nalang, pa. Bibisita rin si Eager mamaya sa amin, e."
Gusto pa sana niyang umalma, ngunit hindi na niya ginawa. Nagpaalam na rin si Vamp sa kanila at kinuha na si Riah kay Mama.
Tumingala ako. Malakas ang ihip ng hangin ngayon, mukhang uulan pa yata. Pero kung ganito kalakas ang hangin hanggang mamaya ay baka matunaw iyon.
"Kamusta, chusa!" Bungad agad sa akin ni Eager.
"Bruha ka! Huwag ka ngang maingay, kakatulog lang ni Riah. Baka magising."
Ngumiti siya. "Nanay na nanay na talaga ang bakla."
Ngumiti rin ako sa kanya. Kahit nakangiti siya sa akin ay pansin na pansin ang lungkot sa mga mata niya. Hindi pa rin siya nabubuntis, iyon ang problema niya. Kung dati lang ito ay baka sinabunutan na namin siya at sinabihang "atat" magka-anak, pero ngayon, wala kaming magawa kundi ang makinig nalang kung paano niya problemahin iyon.
Mukha namang hindi problema iyon kay Hunk, pero at some point, maiintindihan mo rin talaga si Eager. Lalo na ngayon at nanay na ako.
"La Union?!" Sabay naming sabi ni Vamp.
Kausap niya ngayon si Hunk at ako naman ay si Eager, ngunit iisa lang yata ang sinabi sa amin ng mag-asawang ito kaya parehas lang din ang naging reaksyon namin ni Vamp.
"Bakit parang biglaan naman yata?" Si Vamp.
"Sa dami ng nangyayari ngayon, gusto lang namin makapag-unwind tayong lahat. Iyong malapit lapit dito sa Maynila para hindi hassle," si Eager.
"Ano raw ba balita kay Whale?" Tanong ko.
"Okay naman daw. Nawalan lang daw ng signal doon sa pinuntahan niyang lugar, pero okay naman daw siya." Si Hunk.
Balak nilang mag-Elyu next week at ngayon lang nila sinabi sa amin? To think na kami ang may anak sa magkakaibigan?
"Just think about it, guys." Ani Eager. "Hindi naman namin kayo pinipilit. We're just here to inform you. Alam naman naming busy kayo."
"Wait wait," kunot noong sabi ko. "So, matutuloy kayo kahit hindi kami sumama?!"
Umirap si Eager. "Chusa mo. I'm saying, ayaw naming piliin ninyo kami over Riah. At saka, kaya nga kami nandito para magbaka-sakali. Hello?!" Sarcastic na sabi niya.
Nilingon ko agad si Vamp at Hunk na tahimik na nakikinig sa amin ni Eager.
Gusto kong sumama, pero ayaw ko rin namang iwan si Riah. Hindi rin maganda kung isasama ko siya. Nangingilid na ang luha ko, dahil nai-imagine ko na kung gaano sila kasaya roon habang kami, nandito lang at naga-alaga. Hindi naman sa sinasabi kong masama ang mag-alaga sa anak, pero gusto ko ring sumama.
Sa dami ng nangyari noong mga nakaraan, parang pakiramdam ko, gusto ko ring makapag-relax. Pero hindi na puwede dahil may kailangan na akong protektahan ngayon. Hindi ko na dapat iniisip pa ang sarili ko.
"You should go..." ani Vamp sa mababang boses. "Ako na ang bahala kay Riah." napansin niya yata sa mukha ko na gusto kong sumama.
Lumunok ako. "Ayoko." pero taliwas iyon sa reaksyon sa aking mukha.
"You deserve a break, Eye." Si Hunk. "Kapag ako ang nasa katayuan ni Vamp ay baka ito rin ang gagawin ko."
Kumislap ang mata ni Eager. "So, kapag nagka-anak tayo tapos may ganitong lakad din, magpapaiwan ka at hahayaan mo akong sumama sa kanila?"
"Yeah?" Nagtatakang sagot ni Hunk, dahil obvious naman na iyon ang gagawin niya.
"Yiiieee!" At saka kumapit pa si Eager sa braso ni Hunk. "Sana makabuo na tayo sa Elyu! Gusto ko na maranasan iyon."
Gusto ko sana silang kantyawan ngunit napako ang tingin ko kay Vamp. Ngumiti siya sa akin at tumango, ngunit umiling ako.
Ako ang nanay, kaya ako dapat ang maiiwan at mag-aalaga sa anak namin.
"Tita, sorry po talaga." Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humingi ng tawad sa mama ni Vamp habang bitbit niya si Riah. "Pero okay lang din naman po kung hindi—"
"Ano ka ba, Eyerin. Akala ko ba ay nag-usap na tayo tungkol dito?" Ngumiti siya sa akin. "At saka, gusto ko ring mahiram ang apo ko."
Pinayagan nila kaming sumama sa mga kaibigan namin. Kahit sila Mama ay nagpresinta rin na sila ang mag-alaga kay Riah para lang makasama kami sa lakad, kaso nga lang, naka-oo na kami sa mama ni Vamp.
Habang nasa byahe ay si Riah pa rin ang iniisip ko. Isang SUV ang dala namin. Si Hunk ang nagd-drive at papalitan siya ni Gym maya-maya pag nasa Tarlac na kami.
Kinalabit ko si Vamp na nakasandal sa upuan ngayon habang may suot na shades. Nadedepina tuloy lalo ngayon ang maganda niyang panga. Nakakunot ang noo habang nakahalukipkip.
Nilingon niya ako, ngunit ang ayos ay hindi pa rin nagbabago. "Hmm?"
Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin. Ang suot niyang pabango ay kanina pa umaatake sa aking ilong. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi kaya nahampas ko ang braso niya.
"Ano ba, Vamp!" may diin na ngunit mahinang sabi ko.
"Akala ko gusto mo ng kiss, e." Naglalaro na ngayon ang ngiti sa mga labi niya.
Inirapan ko siya at ako nalang ang lumapit sa tainga niya para makabulong. "Okay na ba si Gym at Hunk?"
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Bakit mo tinatanong?"
"Nahihiwagaan lang ako," sinulyapan ko pang muli si Hunk at Gym na magkatabi sa front seat ngayon para mas madali ang pagpapalit nila mamaya. "Hindi ba sila nag-away? Parang dati, nagsasamaan sila ng tingin?"
Humalakhak siya. "Guni guni mo lang iyon..."
"Hindi talaga." Inisip ko pang mabuti. "Nag-away ba sila sa iisang babae?"
Nakatingin lang sa akin si Vamp at manghang mangha sa reaksyon ng mukha ko.
"Oh my God! Parehas silang may gusto kay Eager?" Nagtatakang tanong ko.
Pinatong niya ang braso niya sa tuktok ng ulo ko at tumawang muli. Nginuso niya si Sack na nasa gilid namin, kaya napatingin ako roon.
"Sa kanya, hindi ka nahihiwagaan?" bumaba ang braso niya sa balikat ko kaya nakaakbay na siya sa akin ngayon. "Hindi sila nagpapansin ni Gym simula pa kanina."
Masyado akong busy kanina noong sinundo nila kami sa bahay kaya hindi ko napansin. Noong huling kita namin nila Sacker ay sila pa naman itong binibiro namin. Si Pure ang madalas mangantyaw sa kanila. Ngayon, nakanganga at masarap ang tulog ng walang hiyang si Pure sa tabi ni Sack.
Tumawa siya. "Pakasal ka sa akin, mas marami kang sekretong malalaman."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top