Kabanata 31

Kabanata 31

Marry Me

Mabilis lumipas ang araw. Ni-hindi ko namamalayan na ilang linggo na kaming maayos ni Vamp, hindi na rin namin napag-uusapan ang aming problema dahil busy kami sa pag-aalaga.

"Sabihin mo, 'Dada'. Come one, Riah, say 'Da...da.'"

Naabutan ko si Vamp na parang tangang kinakausap ang anak namin. Natawa ako habang pinagmamasdan sila. Napansin ni Vamp ang tawa ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Paano ba naman kasi noong isang araw lang ay nabanggit ni Riah ang salitang 'Mom', hindi nga lang ganoon kalinaw pero parehas kaming nagulat Vamp noong marinig iyon.

"Anong tinatawa mo riyan?" Inis na sabi niya sa akin.

"Huwag mo kasing pilitin ang bata!" Natatawa pa ring sabi ko.

"Bum, ikaw nalang magsabi ng Daddy sa akin mamayang gabi." Kindat pa niya na akala mo ay may mangyayaring hindi maganda sa akin mamaya.

Inirapan ko siya. Baklang tigang! Gusto kong sabihin pero kawawa naman siya kung pati pa iyon ay ipapamukha ko sa kanya. Natatawa ako na pati ang anak namin ay nakikisama sa pang-aasar ko sa Daddy niya.

Tahimik na ang buhay naming tatlo. Paulit-ulit pa rin akong tinatanong ni Vamp kung gusto ko na bang magpakasal sa kanya, hindi ko lagi alam kung ano ang isasagot ko.

Siguro? Pero hindi sa ngayon.

Nang makatulog ang baby namin ay ako naman ang kinulit niya. Niyakap niya ako mula sa likod habang naglalagay ako ng lotion sa katawan at inamoy-amoy ang aking leeg.

"Hmm, bango naman ni Mommy..." aniya habang marahang hinahalik-halikan ang balikat ko.

"Hindi tumatalab sa akin ang mga gan'yan mo, Vamp."

"Really?" Namamaos ang boses na sabi niya.

Marahan niyang hinahaplos-haplos ang aking t'yan at nang tumingin ako sa salamin na nasa harapan namin ay kitang kita ko ang mainit niyang titig sa akin.

Parang nag-init ang buong katawan ko nang mapagmasdan iyon. Sa ilang beses ko siyang tinanggihan ay ngayon lang ako nahirapang tanggihan siyang muli.

"Hmm?" He groaned.

"Bum, stop. Mamaya magising si Riah.." pagpipigil sana iyon ngunit patuloy pa rin siya sa ginagawa sa aking t'yan kaya napapikit nalang ako.

"You want me to stop?" He whispered.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Tumaas ang haplos ng kamay niya, mula sa aking t'yan patungo sa gilid ng aking dibdib.

Tumango ako sa tanong niya, ngunit parang tinatanggi niyon ng aking katawan dahil pakiramdam ko ay bibigay na ako ngayon sa kanya.

Hinalikan niya ang pisngi ko. Pabalik-balik iyon, mula sa gilid ng aking tainga, pabalik sa aking pisngi.

Napatingin akong muli sa tukador at lalo lamang nag-init ang pakiramdam ko nang makita ang posisyon naming dalawa ngayon. Kitang kita ko kung paano nanunuyo ang kamay niya sa aking dibdib.

Sa tuwing napapadaan ang labi niya sa gilid ng labi ko ay para bang naghihintay ako kung kailan niya ako hahalikan. Napaawang ang labi ko at napapikit ako nang mariin nang nagtagal saglit ang labi niya roon.

Uminit naman ang ulo ko nang hindi niya iyon pinagbigyan at bumalik siya sa pisngi ko pababa sa aking leeg. Ramdam na ramdam niya ang frustration ko kaya humalakhak siya.

"Stop," nahihirapang sabi ko pero nakaawang ang labi ko. Ano ba talaga, Eye? Bakit ang rupok mo?

Mas pinag-igihan pa niya ang ginagawa niya sa akin. Nararamdaman ko na ang tagumpay ng plano niya sa akin ngayong gabi dahil maging ako ay ayaw nang tumigil siya sa kanyang ginagawa. Pakiramdam ko ay pagkalipas ng ilang buwan ay bibigay na ako sa kanya ngayon.

"Kiss me..." hindi ko na makilala ang sarili kong boses nang sabihin iyon. "Please..."

Nag-aasar pa rin ang labi ni Vamp sa labi ko. Tinagilid ko ang ulo ko para habulin ang labi niya ngunit lumayo siya sa akin.

"Relax ka lang," natatawa niyang sabi.

Para akong nahihilo sa ginagawa niya. Lagi ko siyang inaasar na "tigang" tuwing tinatanggihan ko siya, ngunit parang mas tigang pa ako sa kanya ngayon.

Kanino ba niya natutunan ang mga moves niyang ito ngayon? Dati naman ay puro lang siya aya at masyadong aggressive ang ginagawa niya kaya tumatanggi ako.

Kailan pa niya natutunan ang pang-aakit na ganito?

"Baka hindi ako makapagpigil, masundan natin agad si Riah," namamaos ang boses na sabi niya. Humalakhak pa siya na akala mo ay nai-imagine niya ng magiging totoo ang iniisip niya.

Ngunit lahat ng iyon ay hindi na-proseso ng utak ko. Gusto ko nalang siyang maramdaman at pakiramdam ko ay mababaliw ako kapag hindi niya ginawa ngayon.

Hinarap niya ako sa kanya. Namumungay ang mga matang tinignan ko siya. Bumaba ang tingin ko sa namumula at mamasa-masang labi niya. Napalunok ako.

Tumingkayad ako para sana patakan ng halik ang labi niya ngunit pinigilan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin kaya humalakhak siyang muli.

"Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong niya.

"Bakit? Tinatanong mo pa talaga kung bakit?" Inis na sabi ko sa kanya. "Bahala ka nga riyan! Romansahin mo sarili mo!"

Kahit na ayaw ko ay tinalikuran ko siya. Hiyang hiya ako dahil kahit na inis ako ngayon sa kanya ay hindi maikakailang gusto ko pa ring matuloy ang inumpisahan namin kanina.

Pagkahawak ko palang sa door knob ay mabilis niya nang hinawakan ang braso ko at pinaharap sa kanya. Ni-hindi ko manlang nakita ang ekspersyon ng mukha dahil sinalubong na kaagad ako ng mainit niyang halik.

Masyado ko yata itong hinintay kaya hindi ko napigilan ang pag ungol. Humalakhak pa siya habang hinahalikan ako pero wala na akong panahon para tumanggi pa rito.

Hindi ko na alam kung kailan ang huling natikman ko ang labi niya, pero bakit ngayon ay sobrang tamis niyon at lambot? Nababaliw na nga yata talaga ako.

"Bum..." ungol ko sa kanya.

Bumaba ang hawak niya mula sa aking t'yan, pababa sa gilid ng aking binti. Ramdam ko na ang init at basa sa parteng iyon. Tinignan ko siya at nakitang nakatingin din siya sa akin habang nakangisi.

Pinahiga niya ako sa aming kama at marahan akong dinaganan. Inabot ko ang dulo ng kanyang t-shirt at tinaas iyon para tulungan siyang tanggalin.

"Bilisan mo at baka magising si Riah..." bulong ko sa kanya. At gusto ko na ring maramdaman ka, gusto ko sana idugtong kaso nilunok ko nalang ang mga iyon.

Hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko dahil hindi rin naman niya ginawa. Mabagal pa rin ang bawat haplos niya at talagang binabaliw niya ako dahil doon.

Lumakas ang ungol ko nang maramdaman kong nakatutok na ang kanya sa akin. Pilit kong hinahawakan iyon para tuluyan ng pumasok sa akin ngunit hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at nilagay iyon sa puson ko.

"Please, Vamp!" Pagmamakaawa ko.

Unti-unti niyang pinasok ang kanya sa akin at bago iyon mabaon ay hindi nakatakas sa aking pandinig ang binulong niya.

"Marry me, Bum. Please, marry me..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top