Kabanata 3
Kabanata 3
Opinyon
"I knew it. Alam kong bibigay ka pa rin sa akin kahit na paulit-ulit mo akong tinataboy." Ngising sabi ko kay Vamp at mas hinigpitan ang kapit ko sa leeg niya nang hindi siya umangal sa ginagawa ko sa kanya.
Alam ko ang kahinaan ng mga lalakiㅡniya. Kahit anong tigas niya ay bibigay pa rin siya sa akin. Lalo na kapag nakikita ko sa kanya na pinipilit niya akong iwasan, pero deep inside, gustong gusto niya ang ginagawa ko sa kanya.
Boys will be boys.
"Eyerin, sawang sawa na ako sa kalokohan mo. Ayaw ko na. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa iyo." Seryoso siyang tumingin sa mata ko.
Malakas ang tugtog sa loob ng bar, ngunit kahit hindi kami magsigawan ni Vamp ay naririnig pa rin namin ang isa't-isa dahil sa sobrang lapit.
Napatingin ako sa seryoso niyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ba sa madilim ang lugar, kaya madilim ang mukha niya. O talagang naiirita na siya sa akin, kaya mukha na siyang mananapak anytime. Kuminang ang diamond earring sa kanyang tainga nang matamaan iyon ng ilaw. The same silver necklace he always wore, hung on his neck.
"Sorry, pero hindi ako ang babaeng may isang salita."
"At proud ka pa riyan, Eye?" Kunot noo niyang sabi. "Kung kailangan kong sabihin sa iyo na ayaw ko sa iyo, para layuan mo ako ay gagawin ko."
"You know, walang talab iyanㅡ"
"I hate you, Eyerin Foley. I really fucking hate you." Seryoso at madiin niyang sabi.
Napanganga ako dahil doon. Pakiramdam ko ay iniwan ng kaluluwa ko ang katawan ko ngayon kaya hindi ko kayang gumalaw. Ang mahigpit na yakap ko sa leeg niya ay unti-unting lumuluwang at parang may sariling isip at kinakalas na niyon ang yakap sa kanya.
Ayaw ko sanang magpatalo sa kanya, ngunit kitang kita ko sa mata niya na ganoon talaga ang nararamdaman niya. Ayaw niya sa akin. Fuck it!
My Bumbum fucking hates me.
Lumunok ako ng isang beses bago umalis. Tumakbo ako palabas ng bar kahit na sinalubong ako ni Pure at tinatanong kung ano ang problema ko. Hindi ko siya pinakinggan at tuloy tuloy na lumabas sa bar na iyon.
Hindi ko akalain na pagkaraan ng ilang taon ay siya pa rin talaga ang dahilan kung bakit mawawasak ang puso ko. Ginawa ko na ang lahat. Hindi na darating ang araw na pagsisisihan ko ang kahihinatnan ng relasyon namin, dahil siya na mismo ang pumutol niyon.
Buong araw kinabukasan ay hindi ako pumasok sa trabaho. Wala akong kinausap sa mga kaibigan ko. Hindi ko pa rin kayang sabihin sa kanila ang namamagitan sa amin ni Vamp. Mas lalo kong hindi masasabi iyon ngayon dahil nireject ako kagabi.
Tumunog ang doorbell ng unit ko kaya napatingin ako roon. Tamad akong bumangon para pagbuksan iyon at bumungad sa akin ang naiinis na mukha ni Pure.
"Iniwan mo ako kagabi. Libre mo nga iyon, pero wala kang karapatang iwan ako roon. Hindi deserve ng beauty ko ang maiwan!" Bungad niya sa akin.
"Whatever. Kumain ka na riyan. May niluto akong pasta." Binagsak kong muli ang sarili sa couch habang nililipat ang channel ng TV na nasa harapan ko.
"Kumain na ako, bakla." Umupo siya sa tabi ko. "At hindi iyon ang sadya ko."
"O, ano nanaman?" Tamad na tanong ko sa kanya.
"Ikaw ba, Eyerin, may tinatago sa amin? Matagal na akong nakakahalata, pero hindi lang ako nagsasalita, e."
Huminga ako ng malalim. Sa aming magkakaibigan ay si Pure ang lagi kong kasama sa tuwing involve si Vamp. Kahit noon pang nag-aaral kami. Kaya kung may isa man akong pagsasabihan ng problema kong ito ay siguro dapat iyon sa kanya.
Kinweto ko ang lahat sa kanya tungkol kay Vamp. Hanggang sa matapos ako sa pagkikwento ay nanatiling nakabukas ang bibig niya at gulat na gulat sa kwento ko. Ganoon kami ka-tago ni Vamp sa relasyon namin na kahit mga malalapit na tao sa buhay namin ay hindi alam na may past kami.
"Si Vamp? As in, Vamp Melton na kaibigan ng g'wapong asawa ni Eager?!" Ulit na tanong niya.
Tumango ako. "Kung may iba ka pang kilala na Vamp Melton, 'tsaka ka magtanong kung siya nga iyon."
Buong maghapon ay sinamahan ako ni Pure sa unit ko. Siguro kung wala siya ay baka kung ano ano na ang pumasok sa utak ko. Kahit na nakakainis ang isang ito dahil kanina pa niya ako inaasar ay nagpapasalamat pa rin ako.
Ilang araw ang lumipas ay hindi ko na kinulit si Vamp. Wala na rin akong balita sa kanya. Alam kong hindi iyon ang huli naming pagkikita dahil kaibigan niya si Hunk at kaibigan ko naman si Eager. Pero pakiramdam ko, kapag dumating ang araw na iyon ay alam kong handa na akong harapin si Bumbum nang normal.
Nang magkaayaan sina Germ na magbar ay isa ako sa tuwang tuwa. Wala kasi ang asawa ni Eager, kaya malaya siya. Pati kami ay naramdaman ang freedom na nararamdaman niya.
"Kilala mo iyong boyfriend ko? Ay ex-boyfriend na pala!" Humagikgik si Germ na mukhang malakas na ang tama. "Bakla! Bakla siya. Shit. Ang saklap, ano?"
Paulit-ulit na siya sa sinasabi niya. Ang iba ay nakayuko na rin sa lamesa. Samantalang ako ay wala pang kahit hilo na nararamdaman. Sumimsim ako sa iniinom ko habang nag-iisip kung paano ko iuuwi ang mga lasinggera kong kaibigan.
"Eager!" Kahit na malakas ang tugtog ay rinig pa rin ang sigaw sa 'di kalayuan.
Nilingon ko iyon at nagulat ako nang may tatlong bulto ng tao ako na makita. Nakasandong puti silang tatlo at nakaboxer lang. Magulo ang buhok nila na parang nagpadali talaga silang pumunta rito.
Dumiretso si Gym sa kay Eager na patawa tawa ngayon. Nag-iwas ako ng tingin kay Vamp, kahit na sa akin naka pako ang tingin niya. Lumunok ako at tumayo na rin sa kinauupuan ko. Hinila ko ang braso ng magpinsang Chain at Pure para isabit iyon sa leeg ko.
"Ah, Miss. Ako na ang bubuhat sa isa." Offer nang isang lalaki na kasama nila Gym kaya binigay ko sa kanya si Pure.
Nauna maglakad si Gym habang akay akay si Eager kaya siya ang sinundan ko kung saan ang sasakyan nila. Kung ano ano na ang sinasabi ni Eager. Ganyan iyan kapag lasing, lahat ng sekreto niya ay binubulgar niya.
"Tatawagan ko pa si Hunky! Tatanungin ko kung ano ang ginagawa niya." Parang batang sabi niya.
Hunky? Well, ang weird ng tawag niya sa asawa niya, a.
Pinaupo ko si Chain sa tabi ni Eager at umupo na rin sa tabi nila. Nasa unahan na si Gym, katabi si Vamp. Sa kabilang sasakyan naman ay nandoon ang kasama nilang lalaki at sina Whale, Sacker at Germ.
Buong byahe akong tahimik. Hindi ako mapakali dahil napapansin ko ang pagsulyap ni Vamp sa rear-view mirror. Tumingin nalang ako sa daan para maiwasan ko ang pagtingin din sa kanya.
Pagdating sa bahay nina Eager ay dumiretso na ako sa guest room. Hinayaan ko na silang tatlo na magbuhat sa mga kaibigan ko. Hinayaan kong bukas ang pinto ng kwarto dahil alam kong dito nila sila dadalhin. Nang matapos na ay biglang tumingin sa akin si Vamp.
"Buti hindi ka nalasing." Hinihingal na sabi niya.
"So?" Irap na sabi ko.
Hindi na siya nagsalita. Hindi ko na alam kung saan humiga ang iba. Ang nasa kama lang ay ako, si Germ at si Sacker. Pati ang tatlong boys ay rito rin natulog.
Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay nila at pag-complain na masakit ang ulo nila. Nag-unat ako at pinanuod silang inis na inis dahil doon. Tipid akong ngumiti at bumangon na, para pumunta sa kusina dahil nagugutom na ako. Mabuti nalang at may lutong sopas doon si Gym.
Naputol ang tawanan namin nang biglang dumating si Hunk. Seryoso at mukhang galit na nakatingin kay Eager. Ang yummy talaga ng isang ito. Pero kung ako lang papipiliin sa kanilang apat ay si Vamp pa rin ang pipiliin ko pagdating sa gusto ko sa lalaki. Itapon muna ang ugali, dahil nasa kay Vamp ang gusto kong mukha ng lalaki.
"Hindi ako na-inform na may feeding program pala sa bahay?" Bungad niya na hindi manlang nakangiti.
Hindi ko alam kung saan napulot ni Eager si Hunk dahil tang inang iyan, halatang mahal na mahal niya si Eager. Kung sana may ganyan din sa akin, e 'di mas nakakatuwa. Kaso, ako pa ang naghahabol sa lalaki, e.
"Pagtapos mo riyan, bah. Mag-uusap tayo sa taas." Sunod na sabi ni Hunk.
"Lagot ka!" Pananakot ni Sacker.
Gusto ko sanang kantyawan si Eager ngunit nakita ko sa mukha niya na natatakot talaga siya sa sinabing "usap" na iyon ni Hunk. Humigop ako sa iniinom kong tubig at biglang ngumisi nang may maisip.
"Halikan mo nalang, bakla. Hindi na makakapalag iyon," ani Germ habang ngumunguya.
Iyon pala sana ang sasabihin ko. Ganoon ang ginawa ko kay Vamp noong nakaraan at bumigay naman siya. 'Cause why not? Tanga nalang ang lalaki kung ayaw niya sa halik ng taong mahal niya, ano. Or kahit nga hindi niya mahal.
"Wala nang sabi-sabi. Halik agad!" Tumawa si Chain.
"Sasapakin lang iyan ni Hunk, hindi nakakatulong iyang mga sinasabi ninyo." Walang ganang sabi ni Vamp na ikinainis ko.
Gusto kong magtimpi, ngunit hindi ko kaya. Lalo na kapag ganyan ang sinasabi niya. Bakit? Gusto ba niya akong sapakin noong hinalikan ko siya? Hindi ba siya natuwa, o nakaramdaman ng init tuwing hinahalikan ko siya?
"Bakit naman siya sasapakin? Duh? Sinong lalaki ang aayaw sa halik?" Maarteng sabi ko.
Dahil Vamp, kahit ikaw bumibigay sa halik ko.
"Hindi lahat ng lalaki, gusto ang halik. Kapag may kasalanan kang ginawa, humingi ka ng tawad. Hindi iyong ganyan."
"Sus, kahit anong sabihin mo. Alam ko na ang kahinaan ng mga lalaki." Umiiling na sabi ko.
"Well, opinyon mo iyan."
Naiinis na talaga ako sa isang ito. Kung kanina ay kaya ko pa siyang tiisin, ngayon hindi na. Naiinsulto ako sa sinasabi niya kahit na pinapakita kong wala akong pakielam sa sinasabi niya.
Nandidiri ba siya sa akin? Sa mga babae? Bakit ganyan nalang ang isip niya. At saka, hindi ba dapat tulungan niya si Eager, bakit natutuwa pa siya magkaaway ang mag-asawa?
"Hoy, Vamp!" Tawag ko sa kanya nang matapos kaming kumain.
Wala nang tao ngayon sa kusina. Binagalan ko talagang kumain at hinintay siya dahil hindi pa siya tapos. Sakto naman na nasa sala na ang lahat at nanunuod.
Nilingon niya ako. Magkasalubong ang makapal niyang kilay. Malaki ang braso niya at kapag sasapakin niya ako ay alam kong tulog kaagad ako. Pero wala namang masama kung hindi susubukan.
Lumapit ako sa kanya hanggang sa kaunti nalang ang distansya namin. Bumuntong hininga siya at halata naman sa mukha niya ang iniisip niya. Iniisip niyang hahalikan ko siya o 'di kaya naman ay lalandiin nanaman.
Pero pag-angat niya ng mukha niya ay saktong pagtama ng kamao ko sa kaliwang pisngi niya. Kagat labi ko iyong ginawa at binuhos ko lahat ng lakas ko roon. Hinihingal ako pagtapos at hinanda ko na ang sarili ko kung sakaling bawian niya ako ng suntok.
"Fuck you, Vampire!" Pero bago mangyari iyon ay matigas kong binanggit iyan sa mismong mukha niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top