Kabanata 29

Kabanata 29

Kahit ayaw ko umuwi sa unit ni Vamp ay wala akong magawa. Lagi raw bibisita ang mga magulang namin, kapag nagkataon ay malalaman nilang umalis ako sa puder ni Vamp, magagalit si Papa and worse, baka talaga kunin na ako ni Papa at hindi na ipapakita kau Vamp ang baby namin.

"Okay na ba?" tanong niya habang sinasarado ang likod ng sasakyan.

Dala-dala ko si baby habang nasa labas kami ng sasakyan at hinihintay si Vamp na inaayos ang gamit namin. Kasama niya ngayon si Hunk na mag-aayos ng gamit ng gamit namin.

Kasama rin sana si Gym, kaso meron daw siyang gagawin. Ang hula ko ay baka hindi pa sila ganoon kaayos ni Hunk, kaya hindi muna siya sumasama kapag hindi naman sobrang importante.

Tumabi sa akin si Eager habang nakangiting nakatingin sa amin ni baby. Alam kong gusto na rin niyang magka-baby, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila binibiyayaan ni Hunk.

Minsan talaga napapaisip nalanga ko na kung gusto talaga ng babae na magkaanak, hindi binibigay sa kanila. Pero kapag kami na hindi naman namin ini-expect, binibigay sa amin. Hindi naman sa ayaw ko magka-baby, biglaan lang din talaga. Pero okay na ngayon. Atleast, napapawi ang lahat ng sakit tuwing napapatingin ako kay baby.

"Cute cute naman ni baby Amariah!" ani Eager.

Napangiti nalang ako habang nakatingin kay baby. Hindi ko pa talaga alam kung sino ang kamukha niya. Minsan ako, minsan naman ay si Vamp din.

"Kaya nga, eh. Lahat ng hirap at pagod, worth it."

Napatingin sa akin si Eager at kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman kong gusto na rin niya maranasan ang mga sinabi ko. Hindi ko nalang dinugtungan ang sinabi at pumasok na kaming dalawa sa loob.

"Mag-ayos ka na, Eye. Ako na muna magbabantay kay baby," aniya at nilalaro na si baby sa kama.

Nakakainis ang pamahiin ng mga matatanda dahil bawal pa raw akong maligo ng isang linggo. Ang sabi ni Mama ay dapat daw isang buwan, pero dahil alam niya na mahirap ang ganoon, kaya kahit isang linggo nalang daw.

Punas-punas lang tuloy ang ginawa ko sa cr. Ang sabi ni Mama ay bawal din daw akong mag toothbrush muna o kahit anong gawin sa katawan ko. Hindi ko alam kung makakaya ko ba iyon ng isang linggo.

Hindi ko pa rin alam kung ano ang mangyayari sa amin ni Vamp, ngayong nandyan na si baby. At lalong lalo na na bumalik na ako ulit sa puder niya.

"Gutom na ako!" naabutan ko ang sinabi ni Hunk.

Gusto ko sana sila ipagluto kaso baka mabinat ako. Kaya kinausap ko si Vamp na mag-order nalang muna ng pagkain para sa amin.

Tatlo lang muna kami ang kumain. Buhat buhat ni Vamp si baby. Ang sabi niya ay babantayan niya muna raw si baby bago siya kumain.

"Tatay na tatay, mamsh, ah?" natatawang sabi ni Hunk.

Tumawa si Vamp. "Hindi ko ma-imagine noon ang sarili ko na magkakaroon ng anak dahil sa kalagayan ko, pero ngayon naman ay hindi ko ma-imagine ang sarili ko na wala ang baby ko."

Tahimik lang ako habang kumakain. Hindi ko pa rin alam kung maniniwala ako kay Vamp. Natutuwa ako sa mga sinabi niya, pero hindi mawala-wala sa sarili ko ang mga narinig ko mula sa kanya noon.

"Balita ko ay may bago raw boyfriend si Whale?" patanong na sabi ni Eager.

"Iyong pinsan ni Vamp?" kunot noong tanong ko.

Iyon ang huli kong balita sa kanya, eh. Alam kong nagkaka-mabutihan na sila noong pinsan ni Vamp kahit hindi niya sabihin. Hindi naman din kasi nauubusan ng lalaki si Whale, nakukuha niya lagi ang gusto niya pagdating sa lalaki.

"Hindi, iba raw?" ani Eager kaya nagtaka ako.

Lagi kaming magkasama ni Whale. Iba iba nga ang kinikwento niyang lalaki sa akin, pero ang buong akala ko talaga ay iyong pinsan ni Vamp.

"Wala naman siyang dinadala noon sa unit niya kundi iyong pinsan lang ni Vamp."

Nasa sala ngayon si Vamp at Hunk. Nagprisenta si Eager na maghugas ng pinggan, kaya naiwan kaming dalawa rito sa kusina.

Hapon na nang makalabas kami ng ospital. Halos inabot din ako roon ng ilang araw, eh. Kaya masaya talaga ako na nakauwi na kami sa wakas ngayon.

"Ewan ko. Bago raw yata? Nakilala niya sa BAD."

BAD? Iyong club na pinupuntahan niya sa BGC? Himala at may tumagal sa kanya na nakilala lang niya sa club. Usually kasi parang one night stand lang ang tipo ni Whale.

"Okay naman kaya? Baka mamaya, malaman niyang bakla rin pala," natatawang sabi ko.

Hindi na mawala sa isip ko na lahat ng magiging boyfriend namin ay bakla, o 'di kaya naman ay may boyfriend din. Kaya kung mag-aaminan kaming lahat, malamang sa malamang ay magkakaintindihan talaga kami.

"Chusa ka!" natawa rin si Eager. "Hindi natin alam. Si Germ lang naman yata iyong naka-meet noong bago ni Whale, eh. Si Germ din ang may sabi sa akin."

Oohh. Ano iyon? Iyong ilang araw kong nilagi sa ospital, iyon din iyong mga panahon na nakilala niya iyong bago niya? Kasi akala ko talaga ay iyong pinsan ni Vamp.

Nang matapos maghugas ay sabay kaming pumunta ni Eager sa sala. Naabutan naming nagmumurahan si Hunk at Vamp doon dahil inaasar siya ni Hunk at kinakausap sa lenggwaheng pambakla.

"Kapag talaga naging bakla magsalita itong anak ko paglaki kahit babae siya, ikaw talaga sisisihin ko!" inis na sabi ni Vamp.

"Makapag-salita ka naman ng ganyan, parang hindi ka nagsalita ng pambakla, ah? Nakalimutan mo na ba pinanggalingan mo?" natatawang sabi ni Hunk.

Umikot ang mata ko sa narinig. Hindi pa nga kami sure kung talagang nagbago na ang dalawang ito, eh. O pinipilit lang magbago dahil natali na sila sa dalawang babae?

"Chusa! Ayaw ko lang malaman ng anak ko ang past ko," umiirap na sabi ni Vamp.

"Bakit? Hindi ka proud? Samantalang dati, mas malandi ka pa sa akin."

Lalaking lalaki na si Vamp ngayon, ibang iba sa naabutan kong Vamp pagkatapos ng break-up namin. Hindi na rin yata maaalis sa akin na bakla talaga si Vamp.

Gabi na nang mapagpasyahan ni Eager at Hunk na umuwi. Hinatid sila ni Vamp sa baba ng condo at agad ding bumalik sa bahay. Naabutan niya akong pinapatulog na ngayon si baby.

Hindi pa naman masyadong iyakin si baby, kaya walang problema. May kaunting kaalaman naman ako pagdating sa pag-aalaga ng baby, eh. Pero pakiramdam ko, kailangan ko pa rin ang gabay ni Mama.

"Hindi ka pa matutulog?" tanong niya habang nakadungaw rin sa crib.

"Matutulog na." sagot ko.

Medyo naiilang pa rin ako. Naiinis nalang din ako sa sarili dahil ngayong nagka-baby na kami, 'tsaka ako naging ganito. Noong inaayawan niya ako, sobrang lakas ng fighting spirit ko na makuha si Vamp.

Humiga na ako sa kama nang si Vamp na ang pumalit sa akin para magbantay. Tinabunan ko ang sarili ng comforter. Ngayon ko naramdaman ang lahat ng pagod, kaya mabilis din akong nakatulog.

Naalimpungatan ako bigla nang may marinig akong halakhak. Minulat ko ang mata at napatingin sa wall clock. Alas tres na pala ng madaling araw. Nakabukas ang lamp shade sa tabi ni Vamp at naabutan ko siyang nakikipaglaro kay baby.

"Vamp?" tawag ko.

Mabilis niya akong nilingon. Suot pa rin niya ang malawak niyang ngisi at nilapitan ako.

"May kailangan ka ba? Nagising kasi si baby, gusto yata makipaglaro sa akin," aniya habang kitang kita ko ang saya sa mukha niya.

Umiling ako. "Hindi ka pa rin ba natutulog?" tanong ko.

"Hindi pa. Gusto kong titigan si baby Amariah hanggang sa makabisado ko lahat ng parte ng mukha niya." nakangiting sabi niya.

"Hindi ka ba pagod?"

Kasi ako, pagod talaga. Kahit gusto ko ring titigan si baby ay hindi ko na kayang gawin dahil sa pagod at antok ko. Malamang ay ganoon din siya, kaya nagtataka ako't gising pa rin siya ngayon.

"Napapawi ang pagod ko." lumapit siya sa akin kaya nagulat ako. "Ang makita kang mahimbing na natutulog sa kama ko at ang mga ngiti ni baby. Kayo ang kapahingaan ko, Eyerin."

Hindi ko alam kung bakit nangilid ang luha sa mga mata ko. Para bang kinukurot ang puso ko sa narinig. Pumikit ako nang maramdaman ko ang mainit niyang halik sa noo ko at bumaba iyon sa labi ko.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, Eye. Ikaw ang bumuo sa pagkatao ko—kayo ni baby Amariah."

————————

Meron pa rin bang nagbabasa nito? Haha. Sorry na sa matagal na update! Hindi ko matandaan kung sinabi ko na ba ang gender ng baby nila sa sobrang tagal na nito, pero ayun. Try ko talaga ire-read tapos baguhin kapag nakita kong mali pala ako :D

Anyways, may bago akong story na VRene/KookRene fanfic! Fantasy siya, sana ma-try ninyo ring basahin. The title is, "Lost in the Woods". Thank you! ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top