Kabanata 27

Kabanata 27

Happy

"So, ayun na nga, bakla! Meron na namang padala iyong secret admirer mo." Ani Whale habang excited na lumapit sa akin.

Kumunot ang noo ko at binitawan muna saglit ang kinakain na chips at saka tumingin sa kay Whale.

Halos araw-araw may nagpapadala niyan dito sa condo ni Whale. Hindi na rin kami nanghula kung sino dahil malakas ang kutob namin na baka si Vamp iyon kahit na wala namang pangalan na nakalagay.

"Patingin..." sabi ko at inagaw sa kanya ang letter.

'Keep safe. I love you!

-B'

"Infairness din kay Vamp, ha? Mukhang nagsisi na talaga ng bongga. Balikan mo na kaya?" Malaman na sabi niya at saka kumindat sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi naman ganoon kadali ang lahat."

Binitawan ko ang letter at ang prutas na may kasamang flowers at saka binalik ang atensyon sa panunuod ng netflix. Hinamas ko ang t'yan na lumalaki na rin talaga ngayon.

Gusto ko naman na ring patawarin si Vamp, pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay kahit na ako iyong nasaktan noong una, ako pa rin ang may kasalanan niyon ngayon. Pakiramdam ko, hindi dapat ako sinusuyo nang ganito ni Vamp.

"Hmm, patawarin mo muna kaya ang sarili mo, bago ang lahat?" Tinabihan ako ni Whale.

Marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano iyon sasabihin sa kanya. Nilingon ko siya at hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha ko.

"Hindi dapat inuubos ni Vamp ang oras niya sa akin nang ganito. Hindi ko alam kung kailan ko siya mapapatawad, o kung mapapatawad ko pa ba siya."

"Ano bang pumipigil sa iyo? Iyong past ninyo?"

Hindi ko rin alam. Halo-halo na ang lahat. Pakiramdam ko, mas'yado na akong ubos. Lahat ng meron ako noon ay binigay ko kay Vamp. Lahat lahat. Kaya ngayon, wala nang natitira. Ubos na. Kahit sa sarili ko ay wala na.

"Tumigil ka na sa kakaiyak, Eye! Masama iyan sa iyo. Ilang buwan nalang ay manganganak ka na." Inayos niya ang buhok ko. "Hay nako, kahit kailan talaga hindi ko alam kung paano magre-react kapag may umiiyak sa harap ko." Natatawa niyang sabi.

Natawa rin ako at inirapan siya. Hindi kami sanay sa ganito dahil puro kalokohan lang naman ang alam naming gawin. Pinunasan ko ang pisngi ko.

"Samahan mo akong magpa-check up bukas, ha!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi p'wede si Pure?" Kunot noong tanong niya.

Umiling ako. "Hindi ko ma-contact ang isang iyon kagabi pa. Mas'yado naman yatang busy iyon."

Sa aming lahat ay kay Pure na ako walang balita ngayon. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng babaeng iyon o kung buhay pa ba iyon. Baka naman namatay na sa sobrang kalandian.

"Ah, ano kasi, Eye—" ngumiti siya nang pilit. "May lakad ako bukas, eh."

Kumunot noo ko. "Mas importante kaysa sa akin?" Taas-kilay na tanong ko sa kanya.

Mukhang nataranta siya sa tanong ko at hindi alam kung ano ang dapat isagot. Natawa nalang ako at umiling sa kanya.

"Joke lang! Hindi mo naman ako obligasyon." Sabi ko at ngumuya nalang ng chips. "Pero, saan ba ang lakad mo?"

Ngumisi siya at nag-ayos ng buhok. "May lakad kami ni Gun!" Kinikilig na sigaw niya.

"Gun? Iyong pinsan ni Vamp?" Tanong ko dahil baka may iba pang Gun, kasi imposibleng iyong pinsan ni Vamp kasi—

"Oo!" Biglang sagot niya bago pa matapos ang tumatakbo sa isip ko. "Wala namang masama. Single ako, single siya. Gusto niya ako, gusto ko siya."

Sabagay, hindi ko naman kilala si Gun para husgahan. Isa pa, pinsan siya ni Vamp. Kahit na ganoon ang baklang iyon ay alam ko ang pagkatao niya at naniniwala akong mabait din si Gun.

"Mag-isa nalang siguro akong pupunta bukas. O 'di kaya'y iistorbohin ko si Eager sa kanila."

"H-huh? Huwag na! Pasama ka nalang kay Vamp, mamshie!" Tumatangong sabi pa niya.

"Bakit—"

"Anong bakit? Hindi kita obligasyon, pero obligasyon ka ni Vamp. Dalawa kayo ni baby. At isa pa, baka tumawag si tita. Malaman pa niyang hindi ka nakatira kay Vamp, sige ka!" Pananakot pa niya.

Napanganga ako sa mga sinabi niya. May napapansin talaga ako sa isang ito, eh. Kinagat ko ang labi ko at binato siya ng chips.

"May binabalak ba kayo, Whale?!" Patuloy ko siyang binabato.

"Chusa ka, Eye! Sayang naman ang honey butter chips kung ibabato mo lang sa akin!" Sigaw niya. "Wala akong balak! Mali ba iyong sinabi ko?"

Tumigil na ako sa pagbato sa kanya. Tama naman nga siya. Anak pa rin ni Vamp ito at dapat lang na siya ang sumama sa akin sa check up katulad ng mga nakaraang buwan. Pero kasi, parang hindi ko kayang makasama si Vamp simula noong nilayasan ko siya.

"Akala mo talaga makakaiwas ka kay Vamp? Chusa ka! Tatay siya ng anak mo, baka nakakalimutan mo." Irap niya sa akin.

Halos hindi ako nakatulog ng gabing iyon sa kakaisip. Hindi ko pa nakakausap si Vamp tungkol sa check up ko, pero alam naman niya ang schedule ko.

Kailangan ko pa rin ba siyang sabihan o dapat magkusa siya?

Pagbangon ko ay naroon na rin si Whale, nagkakape habang nakatulala. Magulo pa ang buhok niya at mukhang kagigising lang din.

Napatingin siya sa akin. "Bakit hindi ka pa naliligo? Alas nueve ang schedule mo, 'di ba? Alas otso y media na." Humihikab pa niyang sabi.

"Mabilis lang naman ako kumilos." Sabi ko, pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin kay Vamp.

Pumunta ako sa kusina at nagluto ng breakfast. May natira pang kanin sa rice cooker na mula pa kagabi kaya ginamit ko iyon para mag fried rice.

Habang nagluluto ako ay biglang tumayo si Whale at saka binuksan ang pinto.

"Hello! Nandito na pala kayo!" Halos sigaw na sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

Sinong nariyan? Si Gun ba? At bakit parang may kasama yata. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko ang lahat.

Huwag mong sabihin na kasama ni Gun si Vamp?!

"Good morning din, Vamp. Si Eyerin? Nasa kusina, nagluluto pa. Sabi ko nga sa kanya ay maligo at mag-ayos na siya, eh."

Habang naririnig ko ang ganoong boses ni Whale at ng mga sinabi niya ay halos patayin ko na siya sa isipan ko. Hindi ko naiwasan ang pagdadabog sa kusina.

Putang ina naman talaga ng mga kaibigan mo, e 'no?

"Hey!" Narinig ko na ang boses ni Vamp sa likod ko. Napapikit ako ng mariin. "Malapit na masunog iyang niluluto mo." Natatawa niyang sabi.

"Ah—" nataranta pa ako sa sinabi niya.

Sa huli ay wala na rin akong nagawa. Naligo na ako at nag-ayos na ako habang kinakain nila ang niluto kong hotdog at fried rice.

As usual, maaga kami ni Vamp sa clinic. Tinanong ulit kami kung gusto na ba namin malaman iyong gender, kaso tumanggi kaming dalawa dahil gusto namin ay surprise nalang.

Pagtapos namin magpa-check up ay akala ko uuwi na kami. Nakiusap niya na kung pwede raw ay daan muna kami sa mga magulang niya.

"Hula ko ay babae iyan! Sobrang blooming mo ngayon, Eye!" Sabi ng mama ni Vamp.

"Lalaki iyan. May mga ganoon namang buntis, eh. Kahit blooming, lalaki pa rin ang anak!" Sabi naman ng papa niya.

Umiling at natawa nalang kami ni Vamp. Naging maayos naman ang lakad namin ngayong araw. Hindi rin napansin ng magulang niya na hindi kami okay.

"Thank you for today!" Biglang sabi niya nang nasa labas na kami ng building ng condo ni Whale.

"For what? Dapat nga ako ang mag thank you, kasi sinamahan mo ako ngayon."

"You don't know how happy I am today. Nakasama kita sa buong araw. Sapat na sa akin iyon."

Kunyare ay tinanggal ko ang seatbelt para hindi mapansin ang lungkot sa boses niya. Hindi ko kaya. Baka sa lahat ng inipon kong sakit noong mga nakaraan pa, baka bigla akong bumagsak ngayon.

"Ang drama mo na! Sige na, umuwi ka—"

Bago pa ako matapo sa sasabihin ko ay naramdaman ko na ang malamig niyang kamay sa braso ko. Pinadausdos niya iyon hanggang sa palad ko. Gulat na napatingin ako sa kanya.

"Stay. Stay with me, Eyerin, please? Stay in my life, baby." At saka niya ako hinila at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

—————
Good morning! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top