Kabanata 26

Kabanata 26

Scars

"Nagpabili ako kay Gun ng prutas. Paakyat na raw siya." Mahinahong sabi niya habang inaabot sa akin ang bulaklak.

Napatingin ako kay Whale habang tinatanggap ko ang bulaklak na galing kay Vamp. Nakangising aso siya at hindi mo malaman sa facial expression niya kung natutuwa ba siya o nabi-bitter sa pinapanuod.

Inirapan ko siya at sinenyasan na umayos siya. Hindi ko naman maitago ang pag-iinit ng pisngi ko at alam kong sa mga oras na ito ay pulang pula na iyon.

"Thank you!" Umupo siya sa tabi ko. "Napadalaw ka?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang buhok. "Ang sabi mo ay pwede naman akong dumalaw dito."

Sinabi ko nga iyon, pero hindi ko naman inakala na dadalaw siya agad-agad! Parang kahapon lang ay magkasama kami nang ihatid niya ang mga gamit ko rito, tapos dadalaw agad siya kinabukasan?

Inaamin ko namang nahirapan akong matulog kagabi dahil iniisip ko siya. Naninibago pa kami ni baby na wala siya sa tabi namin, pero iyon naman ang purpose kung bakit nagdesisyon ako ng ganito wala dapat akong karapatang maging malungkot.

Nagpekeng ubo si Whale kaya napatingin kami sa kanya. Nakapalumbaba siya sa kasing tangkad niyang side table habang pinapanuod pa rin kami.

"Pwede ko bang matanong kung sino si Gun?" Nagtaas-baba ang kilay niya.

"Ah, pinsan ko. Wala na kasi akong time kanina para dumaan sa bilihan ng mga prutas kaya pinadaan ko na muna sa kanya. Huwag kang mag-alala, iaabot lang naman niya iyon tapos aalis na rin siya." Ngiti ni Vamp.

"Walang time bumili ng prutas pero maraming time para sa bulaklak? Okay." Kantyaw ni Whale kaya napapikit ako ng mariin dahil sa hiya.

Hindi naman makasagot si Vamp, lalo na nang biglang may kumatok sa pinto. Alam na naming lahat kung sino iyon kaya dali-dali nang binuksan ni Whale ang pintuan ng unit niya.

Mula sa bukas na pinto ay niluwa niyon ang kasing-tangkad ni Vamp na lalaki. Moreno, ngunit mas lalong nakadagdag ng dating niya. Saktong haba ang kanyang buhok na ang iba ay humaharang sa maganda niyang mata. Hinanap kaagad ng mga matang iyon si Vamp at nang makita niya ay tinaas niya ang kamay niyang mag hawak na mga plastic ng prutas.

Tumayo si Vamp para kunin iyon. Natameme naman sa gilid si Whale na akala mo ay nakakita ng anghel. Umiling ako dahil alam na alam ko ang mga galawang iyan ng kaibigan ko.

"Busy ba iyang pinsan mo, Vamp? Pwede naman siyang tumagal dito para naman may kasama ka na rin kapag uuwi ka na." Inayos pa niya ang kanyang buhok at nilagay ang ilang takas sa likod ng tenga.

"Okay lang ba?" Tanong ni Vamp.

"Okay na okay!" Gigil na sabi ni Whale at saka kumindat pa sa akin.

Palihim akong natawa.

Magkaiba ng kakisigan ang magpinsan pero may mga resemblance kang makikita, lalo na sa mga kilos nila. Hindi ko rin masisisi si Whale kung ganyan ang naging reaksyon niya dahil gwapo naman talaga ang pinsan na ito ni Vamp.

Pumasok silang dalawa. Tumabi sa akin si Vamp at inabot ang mga prutas. Huling pumasok si Gun na hanggang ngayon ay pinapanuod pa rin ni Whale ang bawat galaw.

"Gusto mo ba ng tubig o juice?" Tanong ni Whale.

"Tubig nalang siguro, Whale." Sagot ni Vamp na walang kaalam alam na hindi para sa kanya ang tanong na iyon ni Whale.

Napangiwi naman si Whale sa sagot ni Vamp at wala na siyang nagawa kundi kumuha ng pitsel na may tubig at dalawang baso.

"Whale nga pala. Kaibigan ako ni Eyerin, ang asawa ng pinsan mo." Pakilala niya sa kanyang sarili at inabot ang kamay kay Gun.

Halos mabuga naman ni Vamp ang tubig na iniinom niya dahil sa gulat nang ginawa ni Whale. Napasapo nalang ako sa noo dahil sa kahihiyan, pero dahil kilala ko naman ang kaibigan ko ay hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin.

"Gun," tinanggap naman niya ang kamay ni Whale.

Lumapit sa akin si Vamp at bumulong. "Mukhang trip ni Whale ang pinsan ko, a?"

"Lahat naman ng gwapo, trip niyan ni Whale, e."

Iyon naman talaga ang totoo. Ayaw kong isipin niya na gwapong gwapo si Whale sa pinsan niya. Ganyan lang talaga ang bruhang iyan. Lahat naman kami ay may taglay na kalandian sa katawan, iyon nga lang sa akin, sa iisang lalaki—bakla lang lumalabas.

Magkausap na ngayon ang dalawa. Hinayaan na muna namin sila dahil mukhang gusto rin naman ni Gun ang pag-e-entertain na ginagawa ni Whale.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Vamp sa akin.

"Okay naman."

"Wala ka pa ring balak bumalik sa akin?" Tanong niya.

Nagulat ako roon kahit na alam ko namang ang ibig niyang sabihin ay bumalik sa unit niya, pero pakiramdam ng bobo kong puso ay bumalik sa piling niya. Bobo talaga! Kaya ka nasasaktan, Eyerin, e. Chusa ka.

"Hindi ko pa alam, Vamp. Pwedeng huwag na muna nating pag-usapan?"

Hindi naman sa ayaw ko. Hindi ko lang alam kung ano ang i-re-react ko dahil baka lumabas na naman lahat ng katangahan ko sa katawan. Uto-uto pa naman ako pagdating sa kanya.

Bumuntong hininga siya. "Miss ko na kayo ni baby. Miss na kita..." binulong niya ang huli niyang sinabi pero sapat lang para marinig ko.

Gustong gusto ko ang pakiramdam na pinapadama niya sa akin ngayon pero parang hindi ko matanggap. Wala akong matanggap sa mga sinasabi niya. Para bang hindi na ako naniniwala, pero gusto kong paniwalaan. Ang gulo.

"Ikaw, kamusta ka naman?" Pag-iiba ko sa sinabi niya.

"Ano sa tingin mo?" Natatawa niyang tanong.

Nagkibit balikat ako. Pwedeng pwede niyang sabihin na hindi siya okay pero okay naman talaga siya. Naiintindihan ko naman siya na ayaw niyang mawalay siya sa baby namin. Hindi ko naman ipagkakait sa kanya, pero sana huwag na niyang ipilit ang mga bagay na hindi na dapat.

Nasa punto na ako ngayon ng buhay ko na dapat mawalan na ako ng pakielam sa ibang tao. Pagod na akong humingi ng atensyon at pagmamahal, pagod na rin akong tanggapin ang mga iyon. Kaya ko naman kasing ibigay iyon sa sarili ko, e.

Gusto ko ng atensyon at pagmamahal niya, pero na-realize ko na kaya ko palang ibigay sa sarili ko ang mga hinahanap kong ibigay niya sa akin.

"Sorry," hindi ko alam kung para saan iyon.

Iniisip ko rin kasi na kung babalikan ko siya nang ganito ako, baka hindi ko na kayanin kapag nagka-problema ulit kami. Baka ngayon ay ganito siya, pero kalaunan ay bumalik ulit kami sa dati. Natatakot na ako.

"Huwag." Aniya. "Ako dapat ang mag-sorry sa iyo. Hindi ka naman mapapagod nang hindi dahil sa akin." Sarkastiko siyang tumawa.

Time will heal everything, ika nga. Yeah, pain will disappear but the scars stay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top