Kabanata 24

Kabanata 24

"Nainis ka ba, Whale?" Rinig kong pang-asar na sabi ni Pure sa kay Whale na tahimik at matalim ang titig sa akin habang kumakain ako ng prutas na dala nila.

"Hindi." Umiirap na sagot niya. "Hindi lang naman ako ang walang alam dito."

Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan namin. Ganoon din ang tingin sa akin nina Sacker, Germ at Chain. Bumuntong hininga ako at hindi nalang sila pinansin. Alam ko namang nagbibiro lang sila.

"Intindihin nalang natin si Eye, mahirap din naman ang sitwasyon niya." Ani Eager na nakikikain ng dala niyang ubas.

"Easy for you to say kasi ikaw ang unang nakaalam. Tss." Humalukipkip si Chain.

"Ang arte, cousin, ha?" Sabat ni Pure. "May mga bagay talaga na mahirap sabihin at hindi pa dapat sabihin." Makahulugang sabi niya.

"Bakit, may tinatago ka rin ba sa amin?" Balik sa kanya ni Chain.

"Chusa! Wala, ah. Kung may isang tao sa ating magkakaibigan ang open sa lahat ng sekreto, ako iyon, hindi ba? Paano mo nasabing may tinatago ako?" Nag-iwas siya ng tingin.

Tahimik si Vamp sa gilid ko. Minsan ay nag-uusap sila ni Hunk at Gym pero mas nakikinig sila sa usapan naming magkakaibigan.

"Kaya pala hindi lumalaki t'yan mo, eh. Kasi tinatago mo pa." Malalim ang titig ni Germ sa t'yan ko kaya napahawak ako roon.

"At saan mo naman napulot iyan?" Kunot noong tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Napansin ko lang."

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya o ano, eh. Wala naman kasing problema sa baby, iyon nga lang ay bawal ako ma-stress. Lahat naman yata ng buntis, bawal ma-stress at umiyak, eh. Ang sabi ng doctor, tuwing umiiyak daw ang nanay, umiiyak din daw sa loob ng sinapupunan ko ang baby.

Hapon na nang umalis sila. Bukas ay makakalabas na rin ako ng ospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-isip sa mangyayari sa amin ni Vamp.

Hindi ako pumayag sa alok niyang kasal. May parte sa akin na pagod na akong maniwala sa mga sinasabi niya at may parte rin sa akin na gusto kong paniwalaan lahat. Sa ngayon ay ang anak muna namin ang focus ko. Hindi siya at lalong hindi sa nangyayari sa amin.

Hinatid niya sa labas ang mga kaibigan namin kaya naiwan nalang ako sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang TV dahil gusto ko sanang makinig ng music. Tutal alam ko ay may myx channel naman dito.

Tumugtog ang isang pamilyar na opm song. Hindi ko alam ang kantang ito pero madalas ko itong naririnig at dahil na rin sikat ang kumanta.

"Alam mo ba na hindi kita magugustuhan?

Kung pangit ang ugali mo

Kaya sinta, sana ay huwag ka nang magtaka

Kung ba't napa-ibig sayo..."

Saktong bumukas ang pinto at niluwa niyon si Vamp na pagod na pagod. Bumuntong hininga siya. Saglit siyang napatingin sa akin bago dumiretso sa tabi ko. Hawak ko pa rin ang remote at ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin.

"Nahatid mo na?" Tanong ko.

Tumango siya at umupo sa kama ko. "Dala naman ni Hunk ang sasakyan niya kaya roon na muna raw sila sa bahay nila ni Eager."

Napasimagot ako. Naiinggit ako! Kung sana ay pwede na akong lumabas ngayon, malamang kasama kami roon sa bahay nila. Kahit na bawal na ako mag-inom, iba pa rin ang bonding kapag magkakasama ang mga kaibigan namin.

"Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno

Ako ang demonyo gagabay sa iyo

Pabalik sa langit

Habang tayo ay paakyat

Ako'y napa-ibig sayo..."

Nakita kong napatitig siya sa TV kung saan nakasulat sa screen ang lyrics ng kanta. Malumanay iyon at makahulugan ang bawat liriko ng kanta.

Hindi ko alam kung ano ang dapat naming pag-usapan ngayon. Kung dapat ko bang sabihin sa kanya kung bakit tinanggihan ko ang alok niya. Pero baka lalong maging awkward kapag hindi niya tanggapin ang eksplenasyon ko.

Umusog ako ng kaunti para magkaroon ng space sa banda niya. Napatingin siya sa akin sa ginawa ko pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Pagod ka?" Tanong ko. "Higa ka muna."

Tahimik na ngumiti siya sa akin. "Thanks."

Siniksik niya bigla ang katawan niya sa akin. Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa t'yan ko kaya hindi ako makagalaw ng ayos.

Bakit ganoon? Iba ang pakiramdam ko tuwing nasa tabi ko siya. Pakiramdam ko ay safe ako. Pakiramdam ko ako na ang pinaka-maganda at swerteng babae sa mundo. Iyong pakiramdam na parang wala ka nang ibang hihilingin pa kundi ang maramdaman lamang ang presensya niya sa tabi ko.

Hindi ko maisip na baka isang araw ay hindi ko na ito maramdaman. Na isang araw ay baka wala na siya sa tabi ko.

Nakakatakot ang pakiramdam na ganito dahil mas mahihirapan akong iwan siya.

"Ikaw ay prinsesang napadpad sa malayo

Ako ang aliping gagabay sa iyo

Pabalik sa palasyo habang tayo'y naglalakbay

Ako'y nahulog sa 'yo, sa 'yo..."

Patuloy ang pagkanta sa bukas na telebisyon habang halo-halo ang pakiramdam na nararamdaman ko. Parang puputok na ang puso ko sa sobrang dami ng dinadala niyon.

"I'm scared, Eyerin..." biglang sabi niya. Naramdaman ko ang bigat at mainit niyang hininga sa braso ko habang mahigpit ang yakap niya sa akin.

"Saan?" Tanong ko kahit na may ideya na ako sa sinasabi niya.

"Natatakot ako na baka huli na ang lahat. Natatakot akong mawala ka sa akin."

Pumikit ako ng mariin. Ang hirap ng desisyon na nasa harapan ko ngayon pero kailangan kong mamili. Kailangan kong isipin ang kalagayan ng anak ko, pero kahit anong piliin ko ay alam kong makakabuti iyon sa amin.

Kung pipiliin kong iwan siya, alam kong magiging maayos ang kalagayan ko. Magkakaroon ako ng peace of mind. Pero kapag pinili ko naman na manatili sa kanya, alam kong sasaya ako pero hindi maikakaila na iniisip kong marami pang problema ang haharapin namin na hindi ko alam kung makakaya ko pa.

"Vamp..."

"Pero kahit anong desisyon mo, iintindihin ko. Iintindihin ko kahit hindi ko maintindihan. Para sa iyo at para sa baby natin."

Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang maharan niyang hinaplos ang t'yan ko. Parang kahit ang anak namin ay natuwa sa paghaplos na iyon ng tatay niya.

Parte naman ang problema sa relasyon, alam ko. Pero mahina ako. Hindi ko alam kung makakaya kong harapin lahat iyon. Pakiramdam ko ay hanggang dito nalang ang pagtitiis ko sa lahat.

Napakasarap umibig pero ibang klaseng sakit din ang ibabato niya sa iyo. Hindi naman pwedeng laging masaya kapag nagmahal ka. Akala ko noon ay perpekto lahat basta magkasama kayo, pero ngayon ko nare-realize na kailangan mo pa palang mamili at kailangan handa ka sa lahat.

Aaminin kong hindi ako naging handa. Akala ko kaya ko. Akala ko ignorahin mo lang ang problema ninyo para isang araw ay okay na naman kayo. Pero hindi. Kailangan mo palang harapin lahat.

"Hindi ko alam kung kaya ko pa, Vamp." Matapang na sabi ko sa kanya.

"Lalaban ako, Eyerin. Lalaban tayong dalawa. Ipaglaaban kita." Tinitigan niya ako sa mata.

"Pero huli na, Vamp. Nasira na ako. Sirang sira na ako. Para akong kawawa na pilit ko nalang pinupulot  at pilit na binubuo ulit ang basag kong sarili para sa amin ng anak natin." Hindi ko alam kung saan nanggaling ang luhang tumutulo sa pisngi ko.

Kanina ay hindi naman ako naiiyak. Pero kapag naaalala ko lahat, masakit pa rin pala.

"Hindi na ba talaga pwede?" Namumula ang mata niya.

"Hindi kasi pwedeng kasama ka buo-in ulit ang sarili ko, Vamp. Hayaan mo ako. Time will heal at pagdating ng araw na iyon, baka masagot ko na ang mga tanong mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top