Kabanata 22

Kabanata 22

Please

"Sshhh... it's okay. Nandito lang ako para sa iyo. Hindi kita iiwan." Niyakap ko siya ng mahigpit.

Hindi ko na rin mapigilan ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko may pagkakamali rin ako sa lahat ng nangyayari na ito. Mahal nga niya si Lake.

Kung sana ay hindi nalang ako nangulit sa kanya noon, sana ay hindi ko nalang pinatunayan ang sarili ko na tama ang hinala kong hindi pa rin siya makakatanggi sa akin kahit inamin niyang bakla siya, e 'di sana hindi niya nararamdaman ang ganitong sakit.

"I'm sorry, dapat ay hindi ako ganito sa harapan mo." Humiwalay siya sa akin at pinunasan niya ang luha gamit ang likod ng kamay.

"Ayos lang sa akin, Vamp. Wala akong karapatang masaktan..."

Saglit niya akong tinignan, tinimbang kung tama ba ang narinig niya mula sa bibig ko. Pero agad din niyang umiling nang paulit-ulit.

"Hindi. Alam kong nasasaktan ka rin sa inaakto ko ngayon."

"Mas masasaktan ako kung ipapakita mo sa aking okay lang ang lahat kahit hindi naman. Kaya ayos lang sa akin."

The truth is... half hearted ako. Pero ano nga bang karapatan kong masaktan? Masakit makita siyang nasasaktan sa iba at masakit ding itago niya ang nararamdaman niya para lang sa kapakanan ko.

Gusto kong magtanong anong nangyari, pero pakiramdam ko ay mas lala lamang ang sitwasyon. Kaya naman pala hindi niya ako nasundo kanina sa trabaho at pinaghintay niya ako ng apat na oras doon ay dahil ganito siya. Naiintindihan.

Iintindihin ko kahit na sa totoo lang ay hindi ko na maintindihan.

Mag-iisang oras din bago ko siya nakausap ng maayos. Kahit na umaakto siya ngayon na okay lang siya ay alam na alam kong hindi. Pinapakita niya lang siguro sa akin para hindi ako mag-alala at para na rin siguro hindi ako masaktan.

"Sorry, hindi na kita nasabihan na hindi kita masusundo." Aniya.

Ngumiti ako at hinimas ang naninigas kong t'yan. "Okay lang. Hinintay ko rin naman si Whale kanina para sumabay sa kanya pauwi."

Sumasakit ang t'yan ko. Siguro dahil sa gutom at pagod habang naghihintay kanina, pero kaya ko pa namang tiisin. Patuloy kong hinimas iyon dahil sa ganoong paraan ay naiibsan kahit papaano ang sakit.

Tumango siya. "Kumain ka na ba? Gusto mong lutuan kita, pambawi sa ginawa ko?" Nag-aalangan niyang tanong habang nakatingin sa akin.

Okay lang naman talaga ako. Tanggap ko na lahat. Alam ko ang kasalanang pinasok ko kaya hindi ako puwedeng magdemand sa kanya ng kahit ano. Dapat nga ay wala rin akong karapatang magalit sa inaakto niya dahil hindi niya ginusto ang lahat ng nangyari.

Ako lang ang nagpumilit. Pinilit ko ang sarili ko sa mga bagay na hindi naman talaga para sa akin.

"Sige nga, anong lulutuin niyan?" Pinilit kong maging maayos ang tono ng boses ko kahit na iniinda ko ang sakit.

"Ano bang gustong kainin ng Bumbum na iyan?" Kumindat siya sa akin. "At ni baby?" 'Tsaka niya hinimas ang t'yan ko.

"Hmm, kahit ano raw! Basta si Daddy ang magluluto!"

Nag-angat ng tingin sa akin ni Vamp at ngumiti. Tumayo siya para pumunta sa kusina. Pero bago iyon ay kinurot niya muna ang pisngi ko.

"Aray!" Hindi mapigilang sabi ko nang biglang sumakit na naman ang t'yan ko.

Gulat siyang napatingin sa akin. "Luh, oa! Hindi naman malakas iyong pagkurot ko, ah? Maka-aray naman ito!" Tumawa siya.

Pilit akong tumawa. Naramdaman ko ang pagtagatak ng pawis sa noo ko. Huminga ako ng malalim.

Sa pagtayo ni Vamp ay medyo gumewang pa siya dahil sa kalasingan. Kilala ko siya kapag lasing talaga, sa nakikita ko ngayon ay mukhang naka-inom lang siya at hindi masyadong lasing.

"Magpahinga ka nalang kaya? Hindi pa naman ako gutom, eh." Nag-aalalang tanong ko.

Hindi ko alam kung dahil sa gutom kaya namimilit iyong t'yan ko pero kaya ko namang magluto mamaya. Magpapahinga lang ako. Mas mainam na rin na magpahinga si Vamp dahil amoy na amoy ko ang alak sa kanya.

Hindi niya ako pinansin. Lumabas siya ng kwarto habang ako ay humiga na muna. Patuloy ang pahinga ko ng malalim habang tinatansya kung hanggang kailan ko kaya ang sakit.

"Baby, nasaktan ka rin ba sa ginawa ng Daddy mo? Intindihin nalang natin siya, okay? Huwag ka nang malungkot d'yan." Sambit ko habang nakapikit.

Naramdaman ko ang mainit na likidong lumandas sa pisngi ko. Marahan pa rin ang bawat haplos ko sa t'yan ko at nang hindi ko na kaya ang sakit ay napasigaw na ako.

"Vamp!" Sigaw ko. "Ang sakit!" Sinubukan kong lakasan ang sigaw ko dahil nasa kusina siya at sana ay marinig niya ako.

Ilang minuto ay wala pa rin siya kaya sinubukan kong tumayo.

"Vamp!" Patuloy na sigaw ko nang makalabas ako ng kwarto.

Biglang sumulpot si Vamp mula sa kusina na naka apron. Hindi na ako makapagsalita sa sakit kaya sumenyas na ako sa kanya.

"Bakit?" Kunot noong tanong niya. "Na-miss mo ba ako kaagad—"

"Ang sakit ng t'yan ko, Vamp!" Nanghihinang sigaw ko.

Biglang nanlaki ang mata niya at dali-dali siyang lumapit sa akin. Hahawak sana ako sa pader na malapit sa akin para kumuha ng balanse ngunit bigla nalang nandilim ang paningin ko.

Nagising ako at alam ko na kaagad kung nasaan ako. Sa loob ng kwarto ay naroon ang pamilya ko at pamilya ni Vamp. Naroon din ang mga kaibigan namin.

Nasa tabi ko ay si Vamp na nagulat nang makitang gising na ako. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang noo ko. Napapikit ako dahil ramdam na ramdam ko ang pagod.

"What happened?" Tanong ko.

Tahimik sila habang pinapanuod ang nangyayari sa amin ni Vamp. Napatingin ako kay Papa na nakasimangot at kay Mama na nag-aalala ang tingin.

"Are you okay?" Tanong niya—hindi sinagot ang unang tanong ko.

Tumango ako. "Okay na ako."

"Ah, may gusto ho ba kayong ipabili?" Biglang tanong ni Gym. "Let's go guys, labas na muna tayo." Bulong niya.

Tahimik lang kaming lahat hanggang sa makalabas ang mga kaibigan ko. Lumunok ako dahil ramdam ko ang tensyon ngayon sa buong kwarto. Nasa ospital kami.

"Ano ba talaga ang balak mo sa anak ko?" Si Papa ang unang nagsalita.

Lumingon si Vamp sa kanya at yumuko. "Sorry ho." Tanging nasambit niya.

Nag-iwas naman ako ng tingin. Nasa punto na ako ngayon na ayaw kong pilitin si Vamp kung anong gustong mangyari ng magulang namin para sa amin.

"Tinatanong ko kung anong balak mo sa anak ko, hindi ko hinihingi ang tawad mo!" Medyo tumaas na ang boses ni Papa kaya hinawakan na ni Mama ang braso niya.

"Baka naman puwede pag-usapan natin ng maayos ito?" Sumabat na rin ang Papa ni Vamp.

"Maayos? Ilang buwan na pero wala pa ring balak ang anak mo sa anak ko!" Nag-alala na rin ako sa taas ng boses ni Papa.

"Huminahon ka muna, pare. Bata pa sila at baka nag-iisip pa ng—"

"Sabihin ninyo lang kung may balak kayong panagutan ang anak ko! Dahil kung hindi, babawiin ko siya at kami ang magpapalaki sa bata. Wala kaming hihingin ni singco'ng duling sa inyo, basta huwag ninyo ring hilingin na makita iyong bata sa amin!"

"Wala naman kaming sinasabi na hindi papanagutan ng anak namin ang anak mo. Ang akin lang—"

"Vampire, ikaw ang magdesisyon!" Si Papa.

Natahimik ang lahat at naghihintay ng sagot nj Vamp. Kahit ang magulang niya ay gusto akong panagutan ngunit nasa kay Vamp ang desisyon ngayon.

Nakita ko ang nanlilisik na mata ni Papa habang tumatagal na pero wala pa ring sagot si Vamp sa tanong ni Papa.

Pakiramdam ko ay kailangan kong makisali sa usapan dahil ako ang topic dito. Kami ni Vamp. Kaya kung ano ang desisyon ko, siguro naman ay tatanggapin nilang pareho iyon.

"Pa, hayaan mo na po si Vamp. Sasama po ako sa inyo, uuwi na ako pero hindi natin ipagdadamot sa kanila si baby." Sabi ko. "Please?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top