Kabanata 21

Kabanata 21

Niloko

"Vamp, may tanong lang ako." Tawag ko sa kanya.

Kasalukuyan kaming nanunuod. Nakaunan siya sa legs ko habang pinaglalaruan niya sa kanyang kamay ang remote ng TV. Nagustuhan na rin niya ang Money Heist na nahanap ko kaninang umaga, kaya heto, sabay naming pinapanuod.

"Hmm?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Wala lang. Itatanong ko lang sana kung nasabi mo na ba kay Lake iyong balak mo, o hindi pa."

Buong hapon kaming nag-stay rito sa hotel, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis sa isipan ang ang lahat ng sinabi ni Pure. Nakakapagtaka lang kasi na kayang lokohin ni Lake si Vamp.

"Bakit? Gusto mo na bang sabihin ko sa kanya ngayon?" Seryosong tanong niya.

"Hindi. Hindi naman." Hinaplos ko ang may pagkahaba niyang buhok. "Iniisip ko lang kung ano magiging reaksyon ni Lake."

Hinuli niya ang mga kamay ko at mahigpit niya iyong hinawakan.

"Ako nang bahala roon. Wala kang dapat isipin. Ang isipin mo nalang ay kung paano mo kami gagawing baby ng anak natin." Tumawa siya.

"Chusa!" Marahan kong hinampas ang dibdib niya.

Sa sagot palang niya, kahit hindi niya sinabi ay alam kong hindi pa niya hinihiwalayan si Lake. Baka naman gumagawa lang ng storya itong si Pure para maging ayos kami ni Vamp? Hindi na kailangan. Alam kong magiging maayos na kami simula ngayon.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para mag-ayos ng mga gamit. Maya-maya lang din ay uuwi na kaming Maynila. Sana lang, lahat nang nangyari rito ay mananatili hanggang sa pag-uwi namin.

May tiwala ako kay Vamp. May tiwala na ako sa kanya. Alam kong hindi niya ako bibiguin sa pagkakataong ito, kaya wala dapat akong ika-bahala.

"Magta-trabaho ka pa rin ba?" Tanong niya habang pinapanuod ako.

Tumango ako. "Kailangan."

Wala rin naman din kasi akong gagawin sa bahay, kapag naroon ako. Sayang lang, kung pwede ko namang gamitin ang oras ko sa trabaho.

"Hindi ba mabigat ang trabaho mo?"

"Hindi. Maghapon lang akong nakaupo roon. At saka, nandun naman si Whale, tulungan kami lagi."

Tumango siya. Ramdam ko pa rin ang hindi niya pag-sang ayon sa desisyon ko, pero natutuwa akong pinipilit niya akong intindihin.

Malalim na ang gabi nang makauwi kami sa condo niya. Parehas kaming pagod, pero kaya ko pa namang mag-ayos ng mga gamit kaya hinayaan ko na muna siyang matulog sa kama habang nag-aayos.

Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi ni Pure. Totoo kaya iyon? Totoo kayang lalaki nga si Lake at may girlfriend? Pero bakit naman niya gagawin kay Vamp iyon? Hindi ko maintindihan.

Naputol ang kung anong iniisip ko nang maramdaman ko ang kamay ni Vamp sa legs ko. Hindi ko sana papansinin iyon, ngunit nakaramdam ako ng kakaiba sa haplos niya.

Nilingon ko siya at laking gulat ko nang makitang dilat na dilat siya at malawak ang ngisi.

"Mukha kang manyakis," seryosong sabi ko.

Nawala ang ngisi niya at kasabay noon ang pag-ikot ng mata niya. "Chusa ka!"

Natawa nalang ako. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos, pero hindi yata makakatulog si Vamp nang hindi ako nabu-bwisit.

"Love, pa-isa naman." Bulong niya.

Tinapik ko ang kamay niya sa binti ko. "Anong pa-isa ka riyan?! Matulog ka na at hindi ka ba napagod sa byahe natin?"

Lumabi siya. "Napagod. Pero kaya ko pa naman!"

"Heh! Tumigil ka nga. Pagod ako, okay?"

Lalong humaba ang nguso niya. Para siyang bata na inagawan ng candy, pero kahit ganoon ay hindi pa rin tumitigil ang mga kamay niya sa paghaplos sa binti ko.

"Ako lang naman ang gumagalaw, e. Ako ang mapapagod, hindi ikaw."

Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya. Nag-init ang pisngi ko. Hindi ko alam kung gusto ba talaga niya o sadyang pinipikon niya lang ako.

"Bukas nalang." Huminga ako ng malalim.

"Iba ang sa bukas at sa ngayon!" Mariin niyang sabi.

"Buntis ako, Bumbum. Baka nakakalimutan mo?"

Nagpakawala siya ng buntong hininga bilang pagsuko. "Sige na nga. Kiss nalang!"

Hindi pa ako pumapayag sa halik niya gusto niya nang bigla niyang hinila ang batok ko papunta sa kanya. Marahang tumama ang labi ko sa labi niya. Naramdaman ko ang ngisi niya.

Akala ko ang mabilis na halik lang iyon, ngunit nang maramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko ay napadilat ako. He groaned. Tinitigan ko siya.

Ang kaninang pagod kong katawan ay biglang nawala nang makita kung gaano niya nilalasap ang bawat halik sa akin. Halos maduling ako kakatingin sa kanya.

Dumilat siya at lalong lumawak ang ngisi niya. Inilayo niya ng kaunti ang ulo ko habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

"Saglit lang ito. Promise." Aniya bago pagpalitin ang pwesto namin.

Alas diez na nang magising ako kinabukasan. Masakit pa ang aking ulo dahil sa pagod. Parang ayaw kong bumangon ngayon. Kung pwede lang sana, kaso kailangan kong magpakita saglit sa office.

"Bum?" Namamaos kong bulong.

"Hmmm?"

Gising siya?

"Papasok ako saglit mamaya. Tapos uuwi rin ako. Magpapakita lang ako kay Whale," sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya.

Para siyang bata habang nakayakap nang mahigpit sa akin. Nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko, kaya ramdam ko ang mainit niyang hininga na roon.

"Ihahatid kita."

Tumango ako. "Ikaw, hindi ka ba papasok?" Tanong ko.

"Next week pa ang tapos ng leave ko."

Pinag-isipan ko ring mabuti kagabi na ipakilala na siya kina Whale. Sabihin kong buntis ako at sasama na ako kay Vamp, upang makausap ang magulang niya.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang hiling ko lang ay sana hindi na matapos ang kaligayahang ito.

"Mamsh, hinahanap ka sa akin ni Abs noong mga nakaraan." Bungad sa akin ni Whale.

"Wala manlang 'I miss you, Eye!'?" Umirap ako.

"Arte mo naman!" Umirap din siya. "Anyways, pinaalam ka pala sa akin ni Vampire na kaibihan noong asawa ni Eager. May lakad ba kayong hindi ko alam?"

"Wala." Dumiretso na ako sa table ko, walang balak sagutin ang kahit isang tanong ni Whale.

"Magtatampo talaga ako kapag nalaman kong hindi niyo na ako sinasama sa mga gala niyo!"

Hinayaan ko lang magsalita si Whale. Kailangan kong tapusin ang mga importanteng bagay, para makauwi na.

Napagkasunduan din kasi namin ni Vamp kanina na magdinner sa labas. Kaya kailangan kong umuwi ng maaga. Iniisip ko palang ang mangyayari mamaya, kinikilig na ako.

"Bakit ka ba nagmamadali?" Kunot noong tanong ni Whale.

"Basta."

"Ikaw ba, Eyerin, nagtatago ng sekreto sa akin?" Naningkit ang mga mata niya.

"Huwag na maraming tanong, Whale. Malalaman mo rin lahat!" Ngumiti ako sa kanya.

Ngiting ngiti ako habang inaantay siya sa labas ng building. Susunduin niya ako ngayon at sabay kaming pupunta roon sa restaurant na pina-reserve niya. Tumingin ako sa suot kong wrist watch. Maaga pa naman, pero nagtext na ako sa kanya na tapos na ako.

Siguro na-traffic lang siya.

Pumunta ako sa gilid at umupo sa bench habang naghihintay, kaso nabilang ko na yata lahat ng empleyadong lumabas sa building ngunit wala pa ring Vamp ang nagpapakita.

Chineck ko ang phone ko at nakitang ako ang huling nagtext. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit busy ang linya niya.

"Eye? Bakit nandito ka pa? Kanina ka pa umalis, hindi ba?" Naabutan ako ni Whale.

"A-ah... pauwi na rin."

Takang lumingon siya sa kanyang likod. "May usapan ba kayo ni Abs? Pa-out na rin siya. Gusto mong sabihan ko siya?" Akmang papasok ulit sa loob si Whale nang pigilan ko.

"Hindi na, Whale. Aalis na rin ako."

"Dala mo ba sasakyan mo?" Tanong niya.

Umiling ako. Iniwan ko iyon dahil ang usapan namin ni Vamp ay susunduin niya ako rito 'tsaka kami magd-dinner.

"Sabay ka na sa akin! Kaloka ka. Halos apat na oras kang nandyan? Sana pala hindi ka na muna nag-out kanina."

Hindi na ako tumanggi sa alok ni Whale. Nanghihina na rin ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sa usapan namin. Nagkamali ba ako ng pagkakarinig? Hindi yata ngayon ang dinner namin.

"Lumipat ka na nang condo?" Kunot noong tanong ni Whale nang nasa tapat na kami ng building ng condo ni Vamp.

"Papaliwanag ko sa inyo ang lahat, Whale. Hindi muna ngayon. Pagod na rin ako." Pilit na ngumiti ako.

Bumuntong hininga siya. "Okay. Magpahinga ka na, Mamsh! Hindi ako sanay makita kang matamlay."

Parang walang buhay akong naglakad patungo sa unit ni Vamp. Sa sobrang gulo ng isip ko ay wala na akong maintindihan kahit isa roon. Ang daming tumatakbo sa isipan ko na lalong nagpasakit sa ulo ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan sa unit ni Vamp. Bumungad sa akin ang tahimik at walang tao niyang sala. Binagsak ko ang sling bag ko sa couch at dumiretso na sa kwarto.

Parang binuhusan ako ng malalig na tubig nang makita ko ang loob ng kwarto.

Nandoon siya. Lasing na lasing, habang ang mga bote ng beer ay nasa lapag. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at mararamdaman ko.

Nilingon niya ako. Nakita ko ang pamumula ng mata at ilong niya. Ngumiti siya sa akin, ngunit kitang kita ko ang lungkot doon. Tumayo siya mula sa kama at niyakap niya ako. Binaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko habang nararamdaman ko ang mainit na likidong galing sa mata niya.

"Niloko niya ako." Paulit-ulit niyang sabi.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay alam ko na kung ano ang tinukoy niya. Pumatak ang luha sa mga mata ko at naramdaman ko ang sakit.

Kahit pala anong gawin ko ay hindi pa rin niyon mapapantayan ang pagmamahal na meron siya, para kay Lake.

"Alam kong kailangan ko nang ayusin ang sa amin at sabihin sa kanyang ayaw ko na, pero bakit ang sakit pa rin nang malaman kong niloloko niya lang pala ako? Na may girlfriend pala siya!" Bawat salitang binibigkas niya ay parang kutsilyong tumutusok sa dibdib ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top