Kabanata 2
Kabanata 2
Sshhh
Nagising ako nang makarinig ako ng kaluskos. Agad na nanibago ang ilong ko sa amoy ng kwartong kinalalagyan ko. Napangisi ako nang maalala ko ang nangyari. Gusto kong asarin si Bumbum, dahil ang bilis niyang bumigay sa akin.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa comforter na nakabalot sa hubad kong katawan. Naramdaman ko ang presensya niya, kaya unti-unti kong minulat ang mata. Naabutan ko siyang kumukuha ng damit sa closet, habang nakatapis ng manipis na towel ang baba niya.
"Bumbum..." malambing na tawag ko, kaya nilingon niya ako.
Magulo at basa ang buhok niya. Ang seryoso at madilim niyang mata ay nakatuon sa akin. Hindi ganoon kaganda ang katawan niya, ngunit hindi rin panget. Sakto lang at kung magwowork-out siya ay mabilis lang iyon gaganda.
"Maaga pa, matulog ka muna." Seryoso ang kanyang boses at nagpatuloy na siya sa pagbibihis.
"Last night was amazing, Vamp. You're amazing," bulong na sabi ko.
Hindi siya sumagot. Habang pinapanuod ko siya ay nakita ko ang pag igting ng panga niya, dahil sa sinabi ko. Pinasadahan niya ng kanyang dila ang labi, kaya lalo iyong pumula at mamasa masa.
Sinuot niya ang boxer short niya at hinila ang towel, para matanggal. Bumuntong hininga siya at sumampa siya sa kama 'tsaka gumapang papunta sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Palapit palang siya sa akin ay nagwawala na ang laman-loob ko. Paano pa kaya kapag hinawakan niya ako ngayon? Baka lagnatin na ako.
Diretso ang tingin niya sa akin. Huminto siya nang halos ilang dipa nalang ang layo ng mukha niya sa akin. Napaawang ang labi ko at bumaba ang tingin ko sa labi niyang nakaawang din. Pumikit ako ng mariin para hintayin na lumanding iyon sa akin.
"What happened last night was all wrong. Mali lahat iyon, Eye. Hindi ka dapat pumupunta dito at ginawa iyong ginawa mo, dahil marupok ako pagdating sa iyo. H'wag mong gamitin iyon para makagawa pa susunod na pagkakamali."
Habang nakapikit ako ay ramdam na ramdam ko ang kirot na binigay niya sa akin. Hindi ko kayang imulat ang mata ko at makita siyang pinapangaralan ako. Kahit naman alam kong mali iyong ginawa ko kagabi, hindi ko pinagsisisihan iyon.
Bakit parang kung magsalita siya ngayon ay parang pinagsisihan niyang makilala ako? Pinagsisihan niyang ginawa niya iyon, kasama ako?
"Maganda ka, mabait at matalino. Lahat ng gusto ng isang lalaki sa babae ay nasa iyo na. I'm sure, marami ang nagkakagusto sa iyo. H'wag mong sayangin ang oras mo sa akin, Eyerin, dahil wala kang mapapala. Wala kang mapapala sa akin."
Naramdaman kong nag-init ang gilid ng mata ko. Tumulo agad iyon sa pisngi ko. Hindi ko alam na ganito kasakit makarinig ng salita na galing sa taong mahalaga sa iyo. Pakiramdam mo ay kalaban mo na ang buong mundo, dahil doon.
"Paano mo nasasabi ang mga bagay na ito, Vamp?" Minulat ko ang mata, hindi na takot na makita niyang umiiyak ako sa harapan niya.
"Eyeㅡ"
"Paano mo nasasabi iyan, Vamp? Wala na ba talaga akong puwang d'yan sa puso mo? Wala na ba talaga?"
"Naging parte ka ng pagkatao ko. Ikaw ang bumuo sa akin noong panahong kulang-kulang ako. Kaya narito ka pa rin sa puso ko, pero iba na kasi, Eyerin." Hinawakan niya ang batok ko at hinalikan ang noo ko.
"Hindi ikaw ang magsasabi sa akin kung sino ang lalaking para sa akin, Vamp. Kung sa tingin ko ay ikaw iyon, wala ka ng magagawa. Sarili ko ito, gagawin koㅡ"
"Pero ginugulo mo ako, Eyerin. Tahimik ang buhay ko, tapos heto ka, nanggugulo. Masisikmura mo ba iyon?" Kunot noong sabi niya. "Masaya ka, pero ako ay hindi?"
Hindi ako nakapagsalita. So, hindi talaga siya masaya? Ayaw na talaga niya sa akin? Malinaw na sa akin, pero bakit ayaw pa rin iproseso ng utak ko.
Bakit kahit na ganoon ay narito pa rin ako sa kama niya, walang saplot at nakabalot sa comforter habang kausap siya? Dapat ay tumatakbo na ako sa mga panahong ito. Dapat ay umaalis na ako. Dapat ay iniiwan ko na siya.
"I'm sorry," mahinang sabi ko. "Mabibihis lang ako at aalis na ako. Sorry sa abala."
Pinanuod niya ako habang nagbibihis. Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. Parang tinusok niya ang puso ko at nahati iyon sa dalawa. Mas masakit pa ito, kaysa noong college kami na nakita ko siyang may kahalikang ibang babae.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa naiisip kung ano ang naging dahilan niya kung bakit inayawan niya ako. Ayaw sa akin ng pamilya niya, oo. Pero naniniwala akong hindi iyon ang dahilan niya. Dahil noong hinaharap namin ang problemang iyon ay pinaglalaban niya ako.
"Eyerin..." tawag niya sa akin, bago pa ako makalabas ng kwarto niya. "And please, h'wag mong gagawin sa ibang lalaki ang ginawa mo kagabi."
Marahas kong pinahid ang pisngi ko at nilingon siya. "Wala kang karapatan para utusan ako, Vampire. Kung gusto kong gawin iyon sa ibang lalaki, sisiguraduhin kong hindi siya katulad mo."
Magsasalita pa sana siya ngunit mabilis na akong lumabas ng kwarto niya. Habang naglalakad ako papunta sa sasakyan ko ay humihikbi pa rin ako. Handa naman ako sa oras na mangyari ito, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan.
Gago ang Bampirang iyon. Ang sakit niya magsalita. Paano niya kaya nasisikmura na nakikitang umiiyak ang isang babae nang dahil sa kanya? Siguro ay wala nalang sa kanya iyon, dahil for sure, hindi lang ako ang pinaiyak niya. Baka sanay na siya sa ganoon.
Nang araw na iyon ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Eager. Pinapapunta niya kami sa bahay nila. Sasabihin ko na rin sa kanila ang problema ko at ang namamagitan sa amin ni Vamp, na dapat ay noon ko pa sinabi.
Pero imbes na problema ko sana ang maging highlight ng pagkikita naming ito ay halos sabunutan ko na si Germ dahil sa sinabi niya. Ang tanga tanga naming magkakaibigan. Required yatang maging tanga sa amin, bago maging tunay na kaibigan.
"Pagsabihan mo nga itong kaibigan mo, Eager!" Bungad ko nang makapasok kami sa bahay nila at saka tinuro si Germ na nakasimangot. "Nakakainit ng ulo!"
"Ano bang problema mo?" Tanong ni Eager sa kay Germ.
"Painom ka nalang, Eager! May problema rin ako, e." Nakasimangot na sabi ko.
Hindi na nagtanong si Eager kung bakit puro kami problemado nang pumunta kami sa kanila. Inayos namin ni Pure ang terrace nila, habang sina Eager ay kumukuha ng beer sa ref nila.
"May problema ka rin pala?" Tanong ni Pure habang inaayos ang table.
"Oo," bumuntong hininga ako. "Pero mukhang mas kailangan ni Germ ng kaibigan ngayon, kaysa sa akin."
"Chusa ka, mumsh! Ang drama niyan, ha? P'wede namang sabay namin kayong icomfort, a?" Irap na sabi niya.
Tumawa nalang ako at hindi na nagsalita pa. Nang maayos na namin iyon ay nagsimula ng ikwento ni Germ ang problema niya. Ang matagal na niyang boyfriend ay bakla pala. At ganoon din si Chain?
Malala na ang pinagdaanan ni Chain, dahil binubugbog siya noong si Seal, simula ng malaglag ang baby nila. Pero hindi ko alam kung ano ang mas malala. Kung iyong dati ba, o itong ngayon na parang bakla ang asawa niya?
Gabi na nang mapagpasyahan naming umuwi. Dahil hindi pa ako masyadong tinamaan ay niyaya ko si Pure na magbar pa kami, dahil pakiramdam ko ay hindi pa sapat iyong kanina.
"Basta, libre mo ito, ha!" Aniya, habang sumisimsim sa iniinom niyang cocktail. "Pansin ko lang, ako lagi ang hinihila mo sa aking magkakaibigan."
"Ikaw lang kasi ang uto-uto."
"Chusa ka! Iwan kaya kita rito?" Inis na sabi niya.
Tinawanan ko nalang siya at uminom na rin. Nasanay na ang tainga ko sa ingay ng bar. Ang iba't ibang kulay ng neon lights ay nagsasayawan sa mata ko. Para akong hinihila niyon paputa sa gitna, para magsayaw.
Sa paglinga ko ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na tao na sumasayaw doon. May kasama siyang matangkad na lalaki. Matangkad siya, pero mas matangkad ang kasama niyang lalaki. Nagtatawanan sila, habang sumusunod sa indak ng tugtog.
"Eyerin, saan ka pupunta?" Rinig kong tawag sa akin ni Pure.
Hindi ko alam kung dala ba ng kalasingan ko o ano ang kapal ng mukhang hawak ko. Lumapit ako sa kanila at sinabit ko ang braso ko sa leeg ni Vamp at saka siya hinila patalikod doon sa lalaking kaharap niya.
"Hi, Bumbum!"
"Eyerinㅡ"
"Sshhh..." hinarang ko sa bibig niya ang hintuturo ko. "I just want you to know that, hindi kita susukuan. Hindi ako susuko, Bumbum."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top