Kabanata 18

Kabanata 18

Pangarap

Hindi ko namalayan na nakatulog ako buong b'yahe. Akala ko ay idlip lang ang ginawa ko, ngunit nagulat ako nang makita ko ang orasan sa suot kong wrist watch.

Alas onse na nang gabi?!

Nilingon ko kaagad si Vamp na seryosong nagmamaneho. "Nagka-amnesia ba ako? Pauwi na ba tayo? Bakit wala akong matandaan sa nangyari roon sa dapat ay pupuntahan natin?" Sunod sunod at nagtataka kong tanong.

Hindi niya ako sinagot. Humalakhak lang siya at saglit akong nilingon, ngunit binalik din kaagad ang tingin sa daan.

Sa inis ko ay pinalo ko ang braso niya nang hindi nag-iisip. Lumihis ng saglit ang sasakyan. Nagmamaneho nga pala siya. Nawala rin sa isip ko. May amnesia na nga ba talaga ako?

"Sorry, bum! Sagutin mo kasi ang tanong ko." Paghingi ko ng tawad.

"Tingin ka sa waze." Iyon lang ang sinagot niya.

Magsasalita pa sana ako pero nanlaki ang mata ko nang makita ko ang waze. Five minutes pa bago kami makarating doon sa pupuntahan namin? Seryoso ba siya?

"Nasisiraan ka na ba? Siraulo ka! Akala ko malapit lang ang pupuntahan natin!" Hindi mapigilang sigaw ko.

"Hindi ka kaya nagtanong." Natatawang sabi niya.

Pumikit ako nang mariin para pakalmahin ang sarili. "Anong gagawin natin sa Zambales, ha?!"

"Magbabakasyon." Kalmadong sabi niya.

Kelan ba natawag na bakasyon ang ilang oras? May pasok pa ako bukas. Hindi manlang niya sinabi sa akin. Akala ko ay babalik din kami ng madaling araw!

Sumandal ako at kinalma ko ang sarili ko dahil baka makalmot ko ang mukha niya kapag hindi ko napigilan ang sarili ko.

"H'wag kang mag-alala. Isang linggo lang tayo roon."

Kaya pala pinadala niya sa akin ang halos lahat ng gamit ko sa cabinet! Ang daya naman nitong baklang ito. Hindi ko alam na ganito siya maglaro!

"Isang linggo?! Paano ang trabaho ko?!"

"Nagsabi na ako kay Whale."

Natahimik ako. Ayaw ko na siyang awayin dahil nandito na rin naman na, e. Wala na akong magagawa. Kung magpupumilit akong umuwi ngayon, malamang umaga na rin kami makakarating sa Maynila. Pagod pa siya.

Hindi ko siya inimik hanggang sa makarating kami sa resort. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad na gumulo ang buhok ko nang umihip ang malakas na hangin. Inayos ko iyon at tumingin sa paligid.

Parang lahat ng pagod at inis ko kanina ay biglang inagos ng malalakas na alon na naririnig ko ngayon. Pumikit ako habang nakangiti para mas lalong malanghap ang sariwang hangin.

Maliwanag ang ilaw mula sa kalangitan na nanggagaling sa maraming bitwin at buwan sa langit.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Vamp at narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. Nilingon ko siya at nahuling nakatitig siya sa akin.

"Puwede ba ako humingi ng favor sa iyo?" Seryosong tanong niya.

"What?"

Ngumiti siya. "Puwede bang tulungan mo ako magbitbit ng gamit natin? H'wag puro emote!" Pang asar na sabi niya.

Aba loko 'to, ah?!

Magsasalita pa sana ako pero hinarang niya ang hintuturo niya sa labi ko para hindi ako matuloy.

"Sshhh. H'wag ka nang magsalita r'yan! Binibiro lang kita." At saka siya tumawa.

"Ikaw bakla ka, ha? Kanina mo pa pinapainit ang ulo ko."

"Ulo lang? Hindi buong katawan mo?" Kindat na sabi niya.

Inirapan ko lang siya.

"Pero seryoso, hihingi sana ako ng pabor sa iyo." Seryosong sabi nanaman niya.

"Ano nga? Kapag iyan biro nanaman, ewan ko nalang sa iyo, Vamp. Baka iwan kita rito."

"P'wede bang..." huminga siya ng malalim. "P'wede bang magkunyare muna tayo? Magkunyareng okay tayo. Kunyare, hindi ako bakla. Kunyare, asawa mo talaga ako. Kunyare, mahal natin ang isa't isa."

Natahimik ako. Lahat ng kunyare niya ay ang mga pinapangarap kong sana totoo. Lahat ng kunyare sa kanya, pangarap ko.

Tumango ako. "Oo naman."

Chusa pa ba ako?! S'yempre, hindi na, 'no!

Para kahit papaano, maramdaman ko manlang na posible palang maging totoo ang pangarap. Posible palang mangyari.

Pagdating namin sa loob ng hotel ay agad akong bumagsak sa kama. Dumiretso naman sa CR si Vamp.

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Inaamin kong kinikilig ako. Ano naman? Pagbalik namin ng Maynila, tapos na itong lahat. Tapos na ang pangarap ko. So, bakit hindi ko pa sagarin, hindi ba?

Nakatulog agad kami ng gabing iyon. Kulang pa rin ako sa tulog kinabukasan pero parang gusto ko na agad bumangon nang marinig ko ang malakas na alon.

"Hi, baby! Good morning." Bati ko sa t'yan ko.

"Hi sa dalawa kong baby..." nagulat ako nang biglang magsalita si Vamp sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa labi. "Good morning!" Namamaos na bati niya.

"Uhm, good morning din!"

Ano ba, Eye?! Kailan ka pa naging pabebe, ha?

Para tuloy bumabalik ang dating ako. Iyong mahinhin na Eyerin na dating girlfriend ni Vamp.

"Anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong niya habang kumakain kami ng umagahan.

"Ano ba p'wedeng gawin dito? Parang gusto kong makita muna ang paligid-ligid."

"Walang g'wapo rito. Wala kang mahahanap. At saka, nasa harapan mo na ang nag-iisang g'wapo. Asawa mo pa!" Banat niya.

"Parang sira!" Pabebeng sabi ko, sabay hawi sa buhok kong nasa pisngi ko na.

Tumawa siya.

May alinlangan pa rin sa puso ko na baka mas lalo akong mahulog sa kanya nang dahil sa set-up naming ito, pero gusto ko munang pagbigyan ang sarili kong maransan itong lahat.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa k'warto namin para makaligo. Mamamas'yal kami sa tabing-dagat at kapag napagpasyahan naming lumangoy ay roon na muna kami sa pool.

Umihip ang malakas na hangin, kaya nagulo ang buhok ko. Nakaakbay sa akin si Vamp habang naglalakad kami.

Para talaga kaming mag-asawa na nag-ho-honeymoon.

"Alam mo ba? Gusto ko ng ganito kasimpleng buhay lang. Kahit walang pera, wala lahat. Basta nasa tabing-dagat, kasama iyong taong mahal ko." Sabi ko.

"Gusto mo bang tumira tayo rito?"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"B-biro lang s'yempre! Nasa Maynila lahat ng kamag-anak ko at kaibigan ko."

Pero sa totoo ay gusto kong sumang-ayon sa sinabi niya. Natatakot lang ako na baka malagyan ng puwang iyon sa puso ko at umasa ako sa bagay na kailanman ay hindi mangyayari.

"Ayaw mo noon? Ako lang ang makikita mo paggising mo at bago ka matulog?"

"G-gusto s-s'yempre, ano ka ba!" Pilit akong tumawa.

"Tapos papanuorin nating magsi-takbuhan sa dagat ang mga anak natin." Nilingon ko siya nang sabihin niya iyon.

Nakatingin siya sa kawalan na para bang iniimagine niya ang mangyayari sa hinaharap. Yumuko ako.

Hindi mangyayari iyon. Alam kong hindi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top