Kabanata 13

Kabanata 13

Sleep Well

"Hey, Eyerin!" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Abs.

Hawak hawak ko ang t'yan ko habang pinapanuod siyang naghalf run para lapitan ako. Ang g'wapo rin talaga ng isang ito, pero bakit kahit ganoon ay mas malakas pa rin ang dating ng baklang tatay ng anak ko.

"May susundo ba sa iyo?" Hinihingal na tanong niya nang makalapit na siya sa akin.

Habol hininga siya nang huminto sa harap ko. Tagatak ang pawis sa noo niya, pero ang mabango at panlalaking amoy sa kanyang katawan ay hindi naaalis. Nagkamot siya ng batok habang nakatingin sa akin.

"Wala, e. Naghihintay lang ako ng taxi."

Tumangu-tango siya. "Sabay ka nalang sa akin. Pauwi na rin ako, e. Tara?"

Pumayag naman ako dahil friday ngayon at mahirap talaga sumakay. Kung magbu-bus naman ako o jeep, lalong hassle. Hindi naman siguro masama kung sasabay ako sa kanya, since siya naman ang nag-insist.

Pumasok kami ulit sa loob at dumiretso sa parking lot. Nasa likod niya ako at kitang kita ko ang malapad niyang balikat. Lalaking lalaki siyang maglakad at kahit na hindi mo siya kilala ay mapapatingin ka ng kusa sa kanya.

"Araw-araw ka bang nagco-commute noon?" Tanong niya habang inistart niya ang engine.

"Madalas, yes."

Noon, lagi. Pero noong tumira na ako kay Vamp ay siya na ang sumusundo sa akin. Hindi ko naman siya tinext na maaga ang uwi ko ngayon kaya hindi ako nag-expect na susunduin niya ako. Isa pa, maiirita nanaman ako sa kanila ni Lake.

"Nako, paano ba iyan, ihahatid na kita lagi?" Ngising sabi niya.

"Okay lang, para tipid sa pamasahe." Natatawang sabi ko.

Ito ang maganda sa kanya, kahit na ngayon lang kami nagkausap talaga, pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala at hindi na ako naiilang sa kanya.

At ang inaasahan kong traffic ay nararamdaman na namin. Hinimas kong muli ang t'yan ko. Hindi ko alam, pero parang nagiging normal nalang sa akin ang gawin iyon. Para bang gusto ng baby ko na nararamdaman niya ang hawak ko, kaya gumagaan din ang pakiramdam ko kapag ginagawa ko iyon.

"Tinitignan lang kita noong college, tapos nandito ka na sa sasakyan ko. Wow." May halong humor ang pagkakasabi ni Abs doon.

Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ba ako o ano, dahil kilala namang kupal ang isang ito. Maraming nagkakagusto sa kanya noon dahil maganda ang sense of humor niya, pero iyon nga, hindi ko na rin siya napansin noon dahil napunta ang atensyon ko sa kay Vamp.

"Siraulo ka, mamaya umasa ako sa mga sinasabi mo, sige ka!" Pabirong sabi ko.

"Umasa ka. Hindi naman ako paasang tao." Aniya at saka saglit na nilingon ako habang nakangisi pa rin.

Crush ko siya noon at mukhang hanggang ngayon pa rin, pero wala talaga, e. Hindi ko nararamdaman sa kanya ang nararamdaman ko kay Vamp. Para bang nakatatak na sa puso at utak ko na dapat kay Vamp lang ako kiligin.

"Ilan na nauto mong babae sa mga gan'yang lines mo, ha?" Tumatawang tanong ko.

"Wala, ano. Grabe ka naman. At saka, totoo iyon! Nagpapapansin nga ako noon pero kahit isang tingin, hindi mo binibigay."

Kasi, Abs, nakatingin ako sa taong hindi rin ako tinitignan. Hay, buhay.

Pero hindi pa rin ako naniniwala. Mabuti sana kung hindi ko siya kilala na friendly sa lahat ng babae, siguro maniniwala pa ako. Pero dahil alam ko na halos lahat ng kabulastugan niya, sorry nalang siya, pero hindi gagana sa akin ang pagpapa-cute niya.

"Ilang buwan na iyan?" Biglang tanong niya.

Noong una ay hindi ko pa naintindihan ang ibig niyang sabihin sa tanong niya, pero siguro napansin niyang nagtataka ako sa tanong niya, kaya gamit ang nguso niya ay tinuro niya abg t'yan kong hinihimas ko pa rin.

Nagulat ako roon. Inisip ko pa kung mas'yado na bang halata ang t'yan ko, para mahalata iyon. Lalo na siya na ngayon lang ako nakita. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at lalo akong naging balisa nang maipit nanaman kami sa traffic.

"H-huh?" Mukhang tangang tanong ko, kahit na kahit ako ay alam ko na kung ano ang tinatanong niya.

Hindi sa kinakahiya ko na buntis ako at may baby sa loob ng t'yan ko. Mas nahihiya ako sa itatanong tungkol sa tatay niya. Anong sasabihin ko? Bakla iyon, kaya hindi kami p'wede?

"Parang isang buwan pa lang. Tama ba?"

Magdadalawa na next week, pero hindi pa rin siya halata. Hindi naman ako kinakabahan kasi noong huling check-up namin ay healthy naman daw ang baby at walang problema.

"How did you know? Halata ba?" Kinakabahang tanong ko.

Sinandal niya ang kamay niya sa manibela at tinignan ako. Ngumisi siya, pero hindi nakakaoffend iyon. Para bang sinasabi niya na okay lang, hindi niya ako ijujudge.

Pero, paano nga niya talaga nalaman?!

"Hindi naman. Actually, parang bilbil lang, pero napansin ko kasi na ginagawa mo ang mannerism ng mga buntis."

Hindi na ako nakapagsalita. Tama nga ang kwento niya kanina sa amin ni Whale. Madali lang siya makahalata sa mannerism at ginagawa ng mga taong nakakasalamuha niya, kahit na ilang oras palang.

"Magdadalawa na. H'wag ka na magtanong tungkol sa tatay niya kasi masstress lang ako." Pinangunahan ko na siya.

Tumawa siya at tumango. "Okay, okay."

Hindi ako manhid na parang iba ang tingin niya sa akin, pero hindi pa rin ako sigurado kasi baka kaya niya ginagawa ito kasi alam niyang buntis ako.

Nang makarating kami sa labas ng building ng condo ni Vamp ay agad akong bumaba. Hindi ko inaasahan na bababa rin si Abs sa kanyang sasakyan para mas maihatid pa ako sa loob.

"Thank you, Abs!" Ngiting sabi ko.

Kagat labi akong sumakay sa elevator. Hanggang sa makarating ako sa labas ng unit ni Vamp ay ngising ngisi pa rin ako. Pero napawi ang tuwang iyon nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto.

Bumungad sa akin si Vamp at si Lake na nanunuod ng TV, habang nakaakbay si Vamp sa kay Lake. Parehas silang nagulat nang makita ako.

Napalunok ako dahil sa barang naramdaman ko sa lalamunan ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Sinarado ko ang pinto at mabilis na naglakad papasok sa k'warto. Narinig ko pa ang tawag ni Vamp, pero hindi ko siya pinansin.

Dumapa ako sa kama habang nakapikit. Ang sakit pa rin talaga. Kailan ba ako magiging manhid at hindi na mararamdaman ang ganitong sakit? Hindi na ako makapaghintay sa araw na iyon, pero bakit parang ang bagal naman niyang dumating.

Nagulat ako nang tumunog bigla ang cellphone ko. Unknown Number ang tumatawag, kaya hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Pero dahil malungkot ako ngayon ay sinagot ko nalang.

"Hello?" Unang bati ko.

"Hi, Freesia!" He chuckled.

"Abs?!" Hindi makapaniwalang sambit ko.

Paano niya nalaman ang number ko? At tamang tama ang timing niya, ha. Kailangang kailangan ko pa naman ng kausap ngayon, bago pa ako masiraan ng ulo dahil sa dalawang bakla sa sala.

"Ako nga. Si Abs na walang abs." Humalakhak siya.

"Corny mo pa rin!" Asar ko.

"Kumusta?" Tanong niya.

"Wow, ha. Ilang minuto palang, nagtatanong ka na kung kumusta ako!"

"Para updated ako sa ganap ng buhay, 'di ba? S'yempre, malay ko ba kung ano na nangyari sa iyo sa loob ng sampung minutong hindi kita nakita."

Masama ba ako kung makaramdam ako ng kilig sa sinabi niya? Idagdag mo pa na ibang iba ang tono ng boses niya sa cellphone. Parang namamaos na ewan. Sa personal naman, malalim ang boses niya.

"Nakahiga na ako ngayon."

"O, bakit malungkot ka?"

Malungkot ba boses ko? Bakit ba ang observant ng isang ito. Parang wala yata akong maitatago sa kanya, e. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin sa kanya.

"Hindi naman ako malungkot, a? Pagod lang siguro."

Hindi siya nagsalita. Naririnig ko lang ang tunog ng mga sasakyan sa paligid niya at ang busina ng mga sasakyang mukhang nagmamadali.

"Kumain ka muna bago magpahinga."

Nakabukas ang speaker ng sasakyan niya ngayon at naririnig ko ang kantang tumutugtog doon. Napangiti ako nang hindi ko alam. Pakiramdam ko ay bigla kong nakalimutan ang mga nakita ko kanina at ang sakit na naramdaman ko.

"All my senses come to life

While I'm stumbling home as drunk

As I have ever been

And I'll never leave again

'Cause you are the only one"

Pinikit ko ang mata ko. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong kinakain ng antok ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog habang nakadikit pa rin sa tainga ko ang cellphone ko.

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang halakhak ni Abs sa kabilang linya.

"Sabi kong kumain muna bago magpahinga, e." Bumuntong hininga siya. "Sleep well, Freesia..."

***

#22 💎

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top