Kabanata 11

Kabanata 11

Siguro

Sa kalagitnaan ng tulog ko ay bigla akong nagising. Nagugutom ako. Ayaw ko sanang pansinin, lalo na noong nakita ko ang oras na alas tres palang ng madaling araw, pero hindi ko kaya. Parang mababaliw ako kapag hindi ko nakain iyon.

Bumangon ako at napatingin sa bintana. Madalim pa ang labas, pero medyo maliwanag na ang paligid at hindi katulad ng dilim sa gabi. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kuwarto. Kagat labi at dahan dahan ang pagbukas ko sa pintuan. Pero kahit ganoon ay nakalikha pa rin iyon ng kaunting ingay. Bukas ang lampshade na nakapatong sa table na nasa bandang gilid ni Vamp.

Nakabalot ng comforter ang katawan niya. Gulo gulo ang kanyang buhok at nakaawang ng kaunti ang labi niya, habang mahimbing na natutulog. Gumagalaw ang may pagka haba niyang buhok sa tuwing umiihip ang hangin mula sa electric fan.

Lumapit ako sa kanya at narinig ko ang mabibigat niyang hininga, kasabay ng mahina niyang paghilik. Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya o ano, dahil ramdam na ramdam ko ang himbing ng tulog niya. Pinagmamasdan ko siya, hanggang sa maramdaman ko nanaman ang cravings ko.

"Bumbum..." mahina kong tinapik ang braso niya. "Bumbum, gutom ako."

Kumunot ang noo niya at unti-unting binuksan ang mata niya. Hindi pa yata nagproproseso ng maayos ang utak niya, kaya matagal siyang tumitig sa mukha ko. Mabilis siyang kumurap-kurap at lalong kumunot ang noo niya.

"Hmm?" sagot niya.

"Gutom ako." lumabi ako at hinawakan ko ang t'yan ko.

"May pagkain sa refrigerator, check mo nalang kung anong gusto mo." aniya at pinikit nang muli ang mga mata.

"E, iba gusto ko, Bumbum!" niyugyog ko siya.

Bumuntong hininga siya. "Ano?"

Nag-isip ako kung ano. Sa tagal kong sumagot ay minulat niyang muli ang mata niya at magkasalubong pa rin ang kilay niya. Binaba niya ang comforter na nakabalot sa kanya, hanggang sa dibdib niya. Bumungad sa akin ang suot niyang puting t-shirt.

"Parang gusto ko ng durian..." kinagat ko ang labi ko.

Hindi siya sumagot pero napatingin siyang bigla sa wall clock na nakasabit sa pader. Pumikit siyang mariin nang makita kung anong oras palang. Alam ko naman na mahirap humanap ng durian ng alas tres ng madaling araw, pero anong magagawa ko? Iyon talaga ang gusto ko!

"Saan naman ako hahanap ng durian ng ganitong oras, Eyerin?" frustrated na sabi niya.

"Hindi ko alam. Malay ko." kinurot ko ang likod ng kamay ko at tinalikuran siya dahil sa hiya sa request ko. "Huwag na nga lang. Hayaan mo na."

Tumayo ako at tinalikuran siya. Puwede ko naman sigurong pigilan ito. Mali rin naman kasing maghanap ng durian o kahit anong pagkain nang ganitong oras. Wala pang bukas na palengke.

Nakakalungkot lang kasi hindi ko makain ang gusto ko. Pakiramdam ko ay kinakawawa ko ang sarili ko dahil dito. Hinawakan ko ang t'yab ko at kinausap ang anak ko.

Baby, bukas nalang, okay? Kawawa si Daddy kung lalabas siya ng ganitong oras kahit na alam naman natin na wala siyang mahahanap na durian ngayon.

"Gusto mo ba talaga?" rinig kong tanong niya.

Nilingon ko siya at nakitang nakaupo na siya ng maayos. Gulo-gulo ang comforter sa couch at kitang kita ko na nang maayos ang suot niya. Puting t-shirt na maluwag at kulay abo'ng Calvin Klein na boxer.

Inaayos niya ang kanyang buhok, kaya kitang kita ko ang mabuhok niyang kili-kili. Nakakunot pa rin ang noo niya at namamaga ang kanyang mata. Ganoon lagi ang mata niya kapag bagong gising, namamaga at namumula. Ang nakakainggit pa sa kanya ay ang natural na makapal niyang kilay!

"Wala ka namang mabibilhan ng durian nang ganitong oras, kaya bukas nalang." mahinang sabi ko.

Inabot niya ang cellphone niya sa table na nasa bandang ulo niya. May tinype siya roon at hindi sinagot ang sinabi ko. Maya-maya ay nilagay niya ang cellphone sa kanyang tainga. Ilang segundo pa ang lumipas at mukhang sinagot na yata ng tinatawagan niya ang tawag.

"Hello, Hunk?" namamaos pa ang boses niya. "Sorry sa istorbo. May alam ka bang bilihan ng durian?"

Bumalik ako sa sala at umupo sa kabilang couch habang pinapakinggan ang usapan ng dalawa. Nakakahiya man kay Hunk at Eager pero wala na akong pakielam. Basta makahanap lang si Vamp ng durian ngayon para makain ko.

"Naglilihi, e." at saka niya ako nilingon.

Nagulat ako sa pagtingin niyang iyon kaya mabilis akong nag-iwas. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa habang kinakausap si Hunk.

"Bakit nga pala gising ka pa?" biglang tanong niya na parang nang-aasar sa kay Hunk. "O, sige na. Hindi na ako magtatanong. Ang defensive na ni Eager sa tabi mo, e. Samahan mo nalang ako. Okay, sige."

"Anong sabi?" masayang tanong ko nang ibaba na niya ang tawag.

Tumayo siya at kinuha ang nakasabit na susi ng sasakyan. Inayos niya ang kanyang buhok at saka sinuot ang itim na baseball cap, pagkatapos ay nilingon niya ako.

"Maghahanap kami ng durian." he squatted in front of me at hindi ko na nagawang umiwas nang hawakan niya ang t'yan ko. "Baby, ngayon palang gustong gusto mo na pahirapan si Daddy, ha?" he chuckled.

"Meron daw alam si Hunk?" pag-iibang tanong ko dahil naiilang ako sa paghaplos niya sa t'yan ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin at kahit namamaga pa rin ang mata niya ay suot suot na niya ang ngisi sa kanyang labi. Tumayo siya at bumuntong hininga.

"Wala. Pero maghahanap kami."

"Wait, gan'yan ka na? Hindi ka na mag-aayos ng suot mo? Malamig sa labas tapos naka sando at boxer ka lang?" sunod sunod na tanong ko dahil sa gulat nang bigla niyang buksan ang pintuan nang ganoon pa rin ang suot niya.

"Sanay na ako, girl, huwag kang mag-aalala. Hintayin mo ako, okay? Lock mo itong pinto."

Nang tuluyan na siyang umalis ay 'tsaka ko lang naramdaman na ayaw kong umalis siya ng bahay. Parang hindi ako mapakali na hindi ko maramdaman ang presensya niya. Pinaglilihian ko ba siya?

"Anak naman, bakit kay Vamp pa? Sa ibang lalaki nalang kaya? Hindi naman kami magtatagal ng Tatay mo kaya huwag kang maattached mas'yado sa kanya. Mahirap umasa, ano?"

Umupo ako sa couch at nang tinamad ako ay tumayo akong muli para maglakad lakad. Higit sampung minuto na simula noong umalis si Vamp sa bahay at pakiramdam ko ay ang tagal tagal niyang nawala.

Humiga ako at binalot ang sarili sa comforter niya hanggang sa may ilong ko. Naamoy ko ang amoy niya kaya mas lalo kong siniksik sa ilong ko ang comforter niya. Bakit ba ganito ako? Nakakahiya mang aminin, pero parang gusto kobg nararamdaman ang presensya niya sa tabi ko.

Hindi ito puwede. Malinaw sa akin ang sinabi niya. Mahal ko man siya, pero gusto ko ring maging masaya siya at hindi niya makukuha a g ligaya na iyon sa akin. Ganoon naman kapag mahal mo ang isang tao, hindi ba? Kaligayahan lang nila ang gusto mo kahit na huwag na ang iyo.

Ang corny pero totoo. Hindi ko alam na kaya ko palang maging martyr nang ganito. Akala ko ay hindi malalim ang pagkagusto ko sa kanya dahil hindi naman kami nagtagal ng sobra. I guess, hindi basehan ang tagal ng pagsasama ninyo sa mararamdaman mong pagmamahal.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Vamp na may kausap. Kumunot ang noo ko at napabangon ako. Tumingin ako sa wall clock at nakitang alas singco na.

"Bangon ka na, honey, maaga pa ang pasok mo sa work. Dadaan lang ako mamaya sa company, hindi rin ako magtatagal. Tapos susunduin ko si Eyerin."

Sumilip ako sa kusina at nakita siyang nakaupo roon habang nakadikit sa tainga niya ang cellphone. Ang suot niya kaninang madaling araw ay iyon pa rin ang suot niya. Magulo ang buhok niya at nakapatong na sa lamesa ang ilang pirasong durian.

Imbes na masabik ako sa durian ay hindi ko magawang umeksena. Kausap niya si Lake at ngayon ko lang narealize na iba pala ang happiness na nararamdaman niya kapag kausap niya ito. Siguro kung anong ligaya ang nararamdaman ko kapag nand'yan si Vamp sa tabi ko ay iyon din ang nararamdaman nilang dalawa sa isa't isa.

"Ayos lang iyon. Babawi nalang ako ng tulog sa susunod. Para naman ito sa anak ko, e."

Right, sa anak lang namin. Ginagawa lang niya ito para sa anak namin at hindi para sa akin. Sino ba ako sa kanya? Wala. Si Eyerin lang na ex-girlfriend niya noong panahong in denial siya sa kasarian niya.

"Sige na, baka malate ka pa. I love you, okay?"

Umatras ako at tahimik na pumasok sa loob ng k'warto. Sinandal ko ang likod ko sa pintuan at huminga ng malalim. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Siguro masasanay rin naman ako. Siguro kapag tumagal, hindi na ako masasaktan. Siguro darating din ang isang araw na wala na akong pakielam sa kanya. Wala na akong maramdaman para sa kanya. At hindi na ako makapaghintay pa dumating ang araw na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top