Kabanata 1
Kabanata 1
Keep Going
Hinilot ko ang batok ko habang umiikot-ikot sa swivel chair na inuupuan ko ngayon. Sa aking harapan ay ang view mula sa taas ng opisina namin. Mula rito ay kitang kita ang kalawakan ng lugar. Tirik ang araw ngayon, pero hindi ko iyon napapansin dahil ang daming gumugulo sa isipan ko.
"Kanina ka pa balisa. Anong problema?" Puna sa akin ni Whale na nasa kabilang table lang.
Nakakainis naman kasi ang Vampire na iyon. Kung kailan naka move on na ako ay 'tsaka ko pa siya makikita ulit. Ang mas malala pa roon ay asawa pa ng kaibigan ko ang kaibigan niya.
Ilang taon na ang lumipas. Akala ko ay wala na sa akin iyon, pero sinong niloko ko? Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako tuwing naiisip ko kung ano ang ginawa niya sa akin at kinikilig pa rin ako kapag nararamdaman ko ang presensya niya.
"Mababaliw na yata ako, Whale." Bumuntong hininga ako.
"Matagal ka nang baliw, hindi mo alam?" Sarkastiko niyang sabi at tumawa nang saaman ko siya ng tingin. "E, kung sinasabi mo kasi sana sa akin iyang problema mo, e 'no?"
Hindi ko siya sinagot. Dapat ay alam na nila kung ano ang namagitan sa amin ni Vamp noon dahil tapos naman na iyon, pero wala akong lakas ng loob na umamin. Pakiramdam ko ay may mali at lalong gugulo kapag inamin ko.
Lumipas ang ilang araw, ganoon pa rin ako. Hindi mawala-wala sa isip ko si Vamp. Kaya sa inis ko sa aking sarili ay pasimple kong tinanong kay Eager kung saan nakatira si Vamp, at ang manhid at tanga na si Eager ay sinabi sa akin. Kaya heto ako ngayon, nasa harapan ng building kung saan naka-locate ang condo unit niya.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng unit niya. Tatlong beses na katok palang ay bumukas na ang pinto. Kusang nalaglag ang panga ko at napanganga ako sa nakita.
Sa harapan ko ay nakatayo si Vamp na tangibg boxer short lang ang suot. Gulo gulo ang buhok niya at parang bagong gising lamang siya, dahil nakasimangot ang kanyang mukha na akala mo nangangasim. Pinasok niya sa loob ng suot niyang boxer short ang kanang kamay at nagsimula siyang kamutin ang kanyang p'wet.
"Hey, Bumbum!" Ngiting ngiting bati ko sa kanya.
Bago pa niya ako imbitahan sa loob ay pumasok na ako. Wala naman siyang sinabi at narinig ko nalang na sinarado niya ang pinto. Umupo ako sa couch niya, habang nasa harapan ko ang pinapanuod niyang Tangled.
What the heck? Bakit ganito ang pinapanuod niya?!
"Anong ginagawa mo rito?" Humihikab na sabi niya at hindi pa rin siya tapos kamutin ang p'wet niya.
"Puwede ba, ayusin mo muna ang sarili mo? Ganyan ka ba talaga humarap sa mga bisita mo?" Taas ang isang kilay na sabi ko.
"Hindi ka naman bisita. So?"
"Sobrang kati ba ng p'wet mo at hanggang ngayon ay kinakamot mo pa rin?" Tanong ko, habang nakatingin doon. "Akin na, ako magkakamot para sa iyoㅡ"
"Anak ng!" Nanlaki ang mata niya nang tumayo ako at mabilis na lumayo sa akin.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko. "Kinakamot ko rin naman iyan dati, a?"
Kaya nga Bumbum ang tawag ko sa kanya. Dahil gustong gusto kong hawakan ang p'wet niya dahil malaman at matambok. At dahil na rin sa medyo malapit sa pangalan niya.
"Ano bang malabo sa sinabi kong nagbago na ang lahat, Eyerin?" Seryosong tanong niya.
"So? Would it make a difference?"
Bumuntong hininga siya. "Eyerin..."
"Handa naman akong kilalanin ka ulit, e. Handa akong malaman kung ano ang nagbago. Handa akong humabol, para lang makilala ko iyong sinasabi mong nagbago na."
"Eyerin, wala kang gagawin. Wala kang kikilalanin. Layuan mo ako at mamuhay tayo nang hindi natin kilala ang isa't isa." Seryosong sabi niya. "Sabihin na nating... warning ko ito sa iyo."
Sumimangot ako at hindi na siya sinagot. "Ano ba itong pinapanuod mo? Ang bading, ha!"
"N-nakatulog ako kanina at hindi ko alam na iyan na pala ang palabas."
"Hello? Naka-netflix ka, Bumbum. Hindi kusang naglilipat ang palabas dito." Umirap ako sa kanya.
"O, ano nga kung pinapanuod ko iyan? Ano nga kung bakla ako..." lumunok siya.
Tumawa ako. "S'yempre, wala. Chusa ka! Sinong maniniwalang bading ka? Sa tindig mong iyan?" May gusto pa sana akong idagdag, pero natawa nalang ako.
Paanong magiging bading ang isang iyan, e, ang lalim ng boses, ang tangkad, lalaking lalaki. Basta, wala talaga. Hindi kailanman sasagi sa isip ko na bading siya. Ang ewy masyado!
"Bumbum, gusto mong maglaro?" Ngiting ngiting tanong ko sa kanya.
"Hindi."
Napawi ang ngiti ko. "Patola ka naman, e!"
"Ano ba iyon?" Bumuntong hininga siya.
"Habulan..."
"Habulan?" Natawa siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Habulan ng feelings. Pero, paano ba iyan? Nahabol ko kaaagad ang feelings ko. Ang parusa... ibibigay iyon sa iyo."
"H-huh?" Umatras siya nang mapansing palapit na ako nang palapit sa kanya.
Lumapit ako sa kanya. Hindi na siya nakagalaw nang tumama ang likod niya sa pader. Nanatili siyang nakasandal doon, habang pinapanuod akong lumalapit sa kanya. Hindi ko binitawan ang titigan naming dalawa. Ni-kurap ay hindi ko ginawa.
Nararamdaman ko. Nararamdaman kong kahit sinabi niyang maraming nagbago ay ganoon pa rin kami. Nararamdaman kong meron pang tsansa para sa amin at hindi ko bibitawan iyon. Panghahawakan ko iyon, dahil iyon ang hindi ko ginawa noon.
"You're still my Bumbum. Kahit itago mo iyon sa sarili mo at sabihin nagbago ka na, hindi mo iyon matatago sa akin, Vampire Treize..." bulong ko sa tainga niya.
Tumingala siya at nakita kong nagbaba-taas ang adams apple niya dahil sa sunod sunod niyang paglunok. Tagatak na rin ang pawis sa noo niya, kaya ngumisi ako.
Never pa akong naging ganito sa kanya noon, at ngayong ginagawa ko ito ngayon sa kanya ay naghatid iyon ng bulta-bultaheng kuryente sa pagkatao niya. At iyon ang ginawa kong daan para ilapit ang mukha ko sa kanya.
"Kiss me..." bulong ko sa kanya nang mapansin kong nakatitig siya sa labi ko. "Kiss me, Bumbum."
"Pigilan mo ako, Eyerin..." namamaos niyang sabi. "Pigilan mo ako dahil kaunti nalang ay mapipigtas na ang pasensyang kanina ko pa hinahawakan."
Pabigat na nang pabigat ang bawat hininga niya. Kahit na medyo malayo pa kami sa isa't isa ay tumatama na ang mabibigat at mainit niyang hininga sa akin.
Walang sabi sabi kong hinawakan ang little Bumbum niya. Napangisi ako nang pumikit siya ng mariin. Pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili, pero hindi ako papayag na kakalma siya. Hangga't nag-iinit, lalong piinitin.
"Parang lumaki yata p'wet mo, Vamp?" Bulong ko.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Ngingisi palang sana ako nang bigla niyang sinungaban ang labi ko. Naramdaman ko ang malamig na silver necklace na nakasabit sa leeg niya. Ang may pagka haba niyang hikaw ay gumagalaw, kasabay ng galaw niya.
"I don't trust myself, Eyerin. Stop me, please..." hinihingal niyang sabi.
Umiling ako. Hindi. Hindi ko siya papahintuin, dahil handa ako. Bago pa ako pumunta rito ay handa na ako. Kapag itulak niya ako ngayon at palayasin ay handa akong umalis nang walang hinanakit. Kapag hinayaan niya ako ay handa akong harapin ang ending na ginawa lang niya iyon dahil tinease ko siya.
Dahil ngayon nalang ulit. Ilang taon na ang lumipas at ngayon nalang ulit tumibok ang puso ko. Sa kaba, sa saya o sa hindi ko alam na dahilan. Sa sobrang lakas niyon ay baka marinig niya ang bawat pintig niyon na siya ang naging dahilan.
"Keep going, Bumbum." Imbes na patigilin siya ay iba ang gusto kong mangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top